Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Pokie’s Kusina Must-Haves

Mamang Pokwang   |   08 November 2017


Patikim Pokie’s Kitchen Essentials

Nakalista rito ang mga basic na gamit na kailangan mo para magawa ang mga recipe ko. Hindi naman kailangan lahat. Siguro naman may kusina at kalan ka? Mga kutsilyo din. Alam niyo na ‘yan. Meron ka naman talaga dapat niyan. :)



Alarm Clock

Para hindi ka mainip sa pagpapakulo at pagpapalambot ng mga niluto mo,

manood ka muna ng TV. Pero kung pareho tayo na minsan

nakakalimutan na may nakasalang pala sa kalan,

mag-set ka ng alarm.



Cookbooks from Kris Aquino

Kapag kailang ko minsan ng inspiration sa pagluluto,

magba-browse lang ako ng konti.



Coffee Maker

Hilig ko talag uminom ng kape habang nagluluto.

Try mo rin.



Bawang (Garlic) 

Eto ang number one sa lahat ng recipe ko!

Wala atang ulam na hindi sasarap sa dagdag na bawang.



Butter

Huwag na tayong maglokohan.

Mas masarap ang mga putahe kapag may butter.

Hindi healthy ‘to pero siguradong napakasarap ng iluluto mo.



Olive Oil

May butter na nga, may olive oil pa?

Hindi naman puwedeng puro butter,

mabilis masusunog ang niluluto mo n’un.

Knorr Liquid Seasoning

Masarap na pampalasa at madaling gamitin sa iba’t ibang recipe.



Patis (Fish Sauce)

Okay ‘to na pantimpla sa lahat ng Asian Dishes



Siling Labuyo / Bird’s Eye Chili / Thai Chili

Minsan kailangan natin ng dagdag na anghang sa buhay.

Puwede namang wala kung hindi ka mahilig.



Coconut Oil / Canola Oil

Para saan naman ‘to?

May butter na nga, may olive oil pa,

tapos may coconut at canola oit pa?!

Syempre, mahal ang olive oil!

‘Pag may kailangan kang i-prito,

isa sa dalawa ang gamitin mo.



Lucky Apron

Para hindi naman magmantsa nang sobra nag mga damit mo.

Okay ang apron kasi mukha ka agad marunong magluto

kahit napadaan ka lang.



For more cooking tips with a dash of hugot and a pinch of kemerloo, Grab a copy of Patikim, Pokie! A Hugot Cookbook and more… Ganern, now!



YOU MAY ALSO LIKE