Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Our Lovely Scandal (A KathNiel-inspired Story-Completed)

Image Description Missrxist   |   30 January 2018


Totoo nga kaya ang kasabihang ‘the more you hate, the more you love’? Paano nga kaya kung na-in love si Rayne sa kinaiinisan niyang si Danyull? Oh, nooooo!

Napasok ang sikat na young actress na si Rayne Bernardo sa isang eskadalo dahil sa isang pangyayari kinasangkutan kasama ang love team niyang isa ring sikat na young actor-slash-matinee idol na si Danyull Padilla.

At dahil doon at sa iba pang mga negatives news na naglabasan tungkol sa kanila ay kinailangan nilang magpanggap na “sila” at paniwalain ang mga tao para mabura ang kahihiyang idinulot nila. Gladly, nagustuhan at natanggap ng mga tao ang “relasyon” nila at mas lalo pa silang sumikat at nagkaroon ng maraming projects.

Ngunit halos pandirihan ni Rayne ang mga sandaling sweet na sweet sila ni Danyull na para talagang totoong magkasintahan—dahil ang totoo niyan, ang lalaking ito ang pinakahuli sa listahan niya at kailanman ay hinding-hindi magugustuhan dahil sa kayabangan at kahanginan nito sa totoong buhay. She hates his kind, ever!

Ngunit wala na siyang magagawa kundi ang makasama ito oras-oras or else ang pagbagsak ng kanilang mga careers. Blackamail here and there, `yon ang naging libangan nila sa isa’t isa at walang oras na hindi sila nag-aasaran.

Pero totoo nga yata ang kasabihang ‘the more you hate, the more you love’ at naging daan pa yata ang ‘scandal’ na `yon para matagpuan na lamang ni Rayne ang sarili na nagkakagusto na sa hambog na lalaking ni kailanman ay hindi niya naisip na mahalin. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
18 September 2018