Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




99 Days with my Prince

Image Description Yazuakie   |   20 January 2018


Si Yuuki ay may mission na dapat gawin, iyon ay ang turuan na magmahal si Nathaniel James. Dahil sa mission na iyon malalaman niyang hindi siya nabibilang sa mga mortal. Because YUUKI is an ANGEL...

"Yuuki kailangan na nating umalis." sabi niya na nagmamadali o parang may hinahabol kaming flight.

Bakit ba nagmamadali siya? Kaasar naman.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang? Bukas na ang huling araw ko, pang 100 days ko na. Pinakahuling araw sa pinirmahan kong kontrata kay Tita Thallia." sabi ko na pilit siyang kinukumbinsi.

"Hindi pwede, kailangan na nating umalis." sabi niya ng mariin na hindi na ako tiningnan pa.

"Eh? 99 days pa lang ngayon. Kailangan kong ikompleto 'yon." pagmamatigas ko.

Isang araw na lang 'yon hindi pa niya ako mapagbigyan.

"Anong gusto mo? Ang mawala siya o ikaw ang mawala?" tanong niya na halatang naiinis na sa pagmamatigas ko.

"Oo na, aalis na tayo." pikit matang sabi ko. Naglakad na siya palabas ng silid, sumunod naman ako sa kanya. "99 days lang? Hindi man lang pinakompleto ng 100 days." pagmamaktol ko na pabulong-bulong.

99 Days with My Prince Halimaw? Hmm hindi na masama.

"Nakahanda ka na ba?" tanong niya na nakuha pang ngumiti.

Kita mo ito,ngumiti pa. Tsk! Nang-aasar talaga siya.

"Oo nakahanda na ako basta para sa kanya. Tuparin mo ang kasunduan natin." sabi ko na pinaalala ang pinag-usapan namin noong nakaraang araw.

"Oo, tutuparin ko basta tutupad ka sa napag-usapan natin." ngiting sabi niya kaya tumango ako.

Para sa iyo ito.. Mahal ko..



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
18 September 2018