Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Siguro, Ganon Talaga

Image Description aleydobs   |   08 February 2018


''Kung tayo, tayo talaga.''

Heto na naman ako, mag-isa. Halos lahat na yata ng barkada ko may lovelife na, ako na lang ang naiwan single ngayon. Masaya naman ako para sa kanila. Suportado ko sila sa mga gusto nila. Habang sila may kanya-kanyang date sa February 14, eto ako, nag-iisip paano palalagpasin na naman ang masakit na araw na ayoko maalala. Isa na yata sa masakit na gawin ay yung pinapanuod sa malayo yung taong kahit kailan hindi na yata ako ulit magugustuhan. Okay na ako sa ganitong setting. Araw-araw siyang tinitingnan at kinakamusta kahit hindi sigurado kung makakakuha ba ako ng reply mula sa kanya. Hinihiniling ko na sana ako na lang ulit. Alam mo ‘yon. Sana ako na lang yung kasama niya pero wala naman ako magagawa ‘di ba? Isang KAIBIGAN na lang naman ako sa mata niya ngayon. Yung kaibigan na mapupuntahan kapag wala na siyang makulit na iba. In short, OPTION nalang niya.

Oo, masakit. Masakit kasi pinakawalan ko pa yung taong mahal ko. Yung tao na mas nakakaintindi sa akin. Yung taong kayang sakyan ang pagkamoody ko. Yung taong tanggap kung sino ako. Pero ganon siguro ang tadhana. Sabi nga sa kanta, ‘’Kung tayo, tayo talaga.’’.

Ngayon na nakikita kong masaya ka na sa kanya. Siguro kailangan lang din ng time para makamove on ako sa’yo. Kailangan ko lang siguro tanggapin na WALA NA. WALA NA TALAGA TAYO.

Pero gusto ko magpasalamat sa’yo. Kung hindi naging tayo, wala ako maisusulat na #WalaKayoSaExKo.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
03 March 2018