Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




PAG-AMIN

Image Description NoInk   |   06 November 2017


By Jonathan Palamara

Ano ang unang tumatakbo sa isipan
Kapag namutawi sa'king labi ang iyong ngalan?
Sa bawat sandali na aking mabubungaran,
Sa listahan ng mga mensahe ang iyong larawan?

Tuwa.
Hindi maitago ang galak sa aking mga mata.
Hindi maipinid ang pintuan ng aking kaluluwa.
Hindi maibaling ang paningin kahit maram
ing dumaang iba.

Kaba.
Ano ang aking unang sasabihin?
Ano ang unang bating susubukang pumukaw sa'yong paningin?
Ano ang mga salitang bibitawan, upang puso mo'y maging akin?

Pananabik.
Sa bawat tipa ng letra, nanginginig ang aking daliri.
Umuurong ang dila, tila pinanganak na pipi.
Humahangos ang puso na parang kabayong kailangang magwagi

Sa isang karera...
Na ang premyo'y pag-ibig mo sinta.

Takot.
Takot na biglang lalamunin ang aking mga kamay
Pipigilang ipadala ang mensaheng nakabinbin, naghihintay.
Takot, takot na hindi mo ito pansinin at ang puso ko'y biglang mahimlay.

Lungkot.
Sa posibilidad na hindi ka matuwa
Sa posibilidad na ikaw ay magsawa
Sa posibilidad na ang una't huling mensahe na makukuha sa'yo sinta...

Ayoko na. Ayoko na.

Iipunin ko.
Iipunin ko lahat mahal ko.
Iipunin ko ang lakas ng loob at tibay ng puso
Iipunin ko katulad ng pagtipon ko sa mga letra ng tulang ito

At balang araw alam ko
Balang araw maipapadala ko
Maipapadala ko ang tunay na laman ng puso ko
Mula dito, papunta dyan sa puso mo.

Na tuluyan na akong nahulog sa'yo mahal ko.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

99 Days with my Prince

Si Yuuki ay may mission na dapat gawin, iyon ay ang turuan na magmahal si Nathaniel James. Dahil sa mission na iyon malalaman niyang hindi siya nabibilang sa mga mortal. Because YUUKI is an ANGEL...

Image Description
Yazuakie
16 February 2018
1948

Nagulatang si Al nang isang araw ay magpakamatay ang kanyang kaibigan nang dahil lamang sa isang lumang retrato ng isang babaeng nagngangalang Lupe.

Image Description
LOUIE ABAD
18 December 2017