Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Lost Souls

Image Description LilMisSkrengge   |   02 January 2018


What will you do if you only have 24 days left? A story of two souls searching for answers. Will you take the chance or will you let chance take you?

CHAPTER 8 - DAY 4 (continuation)

EDWARD: Ayaaaan, smile. Masyado kang seryoso eh. Para kasing ako yung dinedescribe mo. Hahaha.

MAYMAY: Wow! Ang yabang ah. Mas gwapo yun sayo noh? (mapapangiti ulit)

EDWARD: Talaga lang ah! Di siguro. (sabay harap sa counter para bumili ng ticket sabay tanong sa ticket lady) Gwapo naman ako miss diba? (ticket lady, mapapangiti lang)

Papasok na sila sa sinehan, pero wala pa ding Bobby na nagpapakita. Manonood na sila kaso dahil sa ganda ng palabas, nakalimutan na din ni Maymay hanapin si Bobby at nagwatch na lang talaga sya ng sine kasama ang family ni Edward. Tapos na ang movie, lumabas na sila ng sinehan at nagkwentuhan sila after.

ATE: T'was a nice movie though. Thanks for the treat! (sabay akbay kay Edward)

EDWARD: Told you! (yabang face)

MOMMY: Thank you anak... I'm happy to see you happy. (hug sa side ni Edward, makikihug na din si ate at daddy)

EDWARD: Mom????? (papalag sa pagkahug) Bakit ang drama nyo??? (mamumula then magtatawanan na lang lahat habang nakatingin si Maymay sa family ni Edward at mapapangiti)

Zoom out, habang nagkukulitan pa din at inaasar si Edward. Happy lang.

CUT TO:

***

CHAPTER 9 - DAY 5

11.     INT. EDWARD'S OFFICE

Back to work, Monday is Tarot and Palm Reading day for Edward. Wala din silang search for Bobby today kasi may pasok si Edward. Since walang kakausapin na kaluluwa ngayon, maiisipan ni Maymay na kulitin si Yong, itatry nya kung maririnig sya ni nito. Nasa kabilang kwarto si Yong at nag-aayos ng gamit.

MAYMAY: Pssst! (habang pinagmamasdan si Yong)

Yong, mapapatingin sa paligid ng may pagtataka, mukhang kinakabahan pero hindi ipapahalata, idederetso lang ang ginagawa.

MAYMAY: Pssssssssst!

YONG: Boss, tawag mo ba ako? Yong nalang Boss, wag psst! (mukhang kinakabahan na)

MAYMAY: Psssst! Yong! (matatawa na)

YONG: Boss, wala namang ganyanan oh. (magmamadali sa pag-aayos ng gamit)

MAYMAY: (lalapit kay Yong) Yong, naririnig mo ko???

YONG: (magugulat at kukuha ng bagay na kunwari armas nya, mahahagip nya yung upuan na nasa tabi nya) Wag kang lalapit! Wag kang lalapit! (namumutla na)

MAYMAY: Wag kang matakot, di naman ako masamang tao eh. Di kita sasaktan. Gusto ko lang ng may makakausap. (mas kukulitin pa si Yong habang natatawa)

YONG: Bumalik ka nalang sa ibang araw, sa...sa...sa Tersday, yun saka Praydey... Si Boss kausapin mo. Whooo! (balisa na talaga, hindi pa din binababa yung upuan na hawak hawak nya)

MAYMAY: Andito na ako ngayon eh, ikaw na lang kakausapin ko. Pwede ba kitang hawakan? (matatawa)

YONG: WOI! WOI! WOI! (maglalakad palayo with guarding behavior) Wag kang lalapit, sinasabi ko sayo! (itataas ang upuan na hawak nya) Wag kang lalapit! (lumalakas na ang boses)

Maririnig ni Edward ang boses ni Yong.

EDWARD: (magsasalita from the other side of the room) Yong, anu ba yan? May client ako dito oh.

YONG: Boss, may ibang tao dito Boss! (pasigaw with shakey voice)

MAYMAY: Uy, relax! Ako nga pala si Maymay.

YONG: Naaah, paktay na! May pangalan pa! Haaaah (sigaw) Kaya mo to Yong, wag kang matakot. Kaya mo toh! (sasabihin sa sarili)

MAYMAY: Wala ka naman talagang dapat ikatakot eh. (tatabihan si Yong at hahawakan)

YONG: (magpupumiglas) Wag ka sabing lalapit (nararamdaman ni Yong si Maymay pero di nya nakikita, mamumutla na ito) Wag kang... (black out, mawawalan ng malay)

May maririnig na kalabog si Edward, buti na lang at tapos na sya sa isang client nya. Sisilip sa kabilang room at makikita si Yong na walang malay, gigisingin nya eto.

EDWARD: Yong, gising (tatapikin sa mukha pero hindi ito magigising kaya bubuhasan na lang ito ni Edward ng tubig)

Magigising na si Yong at akmang manlalaban, tuliro pa.

YONG: Wag kang lalapit, sinasabi ko sayo. Wag kang lalapit.

EDWARD: Yong, ako to. Relax! (papakalmahin si Yong)

YONG: Boss! You're back (yayakap kay Edward)    

EDWARD: (aalis sa pagkakayakap ni Yong) Ano bang nangyari sayo?

YONG: Maymay Boss, Maymay!

EDWARD: Ahhh si Maymay ba, wag kang matakot dun. Nasa tabi mo nga sya ngayon eh.

YONG: (titingin sa magkabilang side nya at di mapapakali) Naaaah! Kilala mo sya? Nakikita mo sya? Naaaah, patay na bai!

EDWARD: Oo, last week pa sya andito.

MAYMAY: Hi Yong, okay ka na?

YONG: Huh (magugulat)

EDWARD: Oh sya, maiwan ko na muna ulit kayong dalawa dito. Tatapusin ko muna trabaho ko sa labas. Enjoy!!! (smile) Oh May, ikaw na muna ang bahala kay Yong ah. (wink)

YONG: Uyyyy Boss, don't lib me hir.

Lumabas na si Edward at itinuloy na ang trabaho while Maymay and Yong get along well na. Nahimasmasan na si Yong at kinausap na si Maymay. Maghapon din silang nagkwentuhan at tawanan. Si Edward naman, matapos ang huling client ay sinarado na ang pinto at naupo sa couch para magpahinga kaso sa sobrang pagod eh nakatulog na sa sya. Napansin ito ni Maymay.

MAYMAY: (nakatitig lang kay Edward) Nakatulog na sa sobrang pagod. Haaay, why so gwapo? Ang tangos ng ilong (sabay haplos sa ilong) ang ganda ng mata, tapos hmmmm (aamuyin, singhot kung singhot, mapapapikit) ang bango-bango pa (ngingiti at titigan lang tapos biglang mapapailing) Focus may, focus (tatapikin ang mukha nya) kailangan mo syang mahanap, masyado ka ng naaaliw, pang limang araw mo na pero wala pa din, kaya focus okay???

Maririnig ni Yong lahat...

YONG: Gwapo ni Boss noh?

MAYMAY: Ay bushaaak! (magugulat at mapapabalikwas) Yong!!! (maiinis kay Yong pero magtatawanan din)

CUT TO:

***

CHAPTER 10 - DAY 6

12.     INT. EDWARD'S BEDROOM

Establishing a shot from Edward's room. Sunny day. Mananaginip ulit si Edward.

MAYMAY: Good Morning! Okay ka lang? Parang di maganda gising mo ah.

EDWARD: (uupo sa kama nya habang nakatakip pa ng kumot ang legs at paa nya) Nanaginip ako ulit, napaginipan ko ulit yung babae kaso blurred pa din. Di ko makita yung mukha nya pero alam ko nakangiti sya at hinawakan nya ang pisngi ko. Parang may gusto syang sabihin eh. (bothered and puzzled) Sino kaya sya noh? (tanong nya kay Maymay)

MAYMAY: Di ko din alam, baka humihingi ng tulong. Masyado mo na yatang nadadala dito sa bahay yung trabaho mo. Shake it off (with dance moves) Shake it off! Hahaha.

EDWARD: Parang ayokong pumasok ngayon, wait (kukunin ang cellphone at tatawagan si Yong). Good morning Yong! Can't make it to work today, okay lang ba na ikaw na muna bahala dyan?

YONG (voice on screen): Oh Boss, okay lang ba kayo?

EDWARD: Yes Yong, I'm okay. Don't worry, kaya mo naman na ang tarot and palm reading diba?

YONG (voice on screen): Opkors, No problem Boss! I ken handle ebriting! Sige po, ako na ang bahala dito! Bye!

EDWARD: Huh?! Binabaan ako??? (mapapailing)

MAYMAY: Di ka papasok?

EDWARD: Narinig mo naman diba? Kaya na ni Yong yon! So ano? Where's our next stop? (lumiwanag ang mukha with smile)

MAYMAY: Hmmmmmmmm... Arcade? (big smile) Kung hindi natin nakita si Bobby sa Café at Movie house, baka dun natin sya makita. Mahilig magbasketball yun dun and racing tapos magvideoke tayo! Game???!!

EDWARD: (mapapaisip) Okay, Game! (bumangon na sa kama at nagpunta na sa CR para maligo)

CUT TO:

***

CHAPTER 11 - DAY 6

13.     INT. ARCADE

Shot from inside the mall to the entrance of the arcade. Excited silang dalawa. Comfortable na si Edward na kasama si Maymay, parang di nya napapansin na pinagtitinginan sya ng tao dahil sa pagsasalita nya ng mag-isa. Papasok na sila sa arcade. Magkakatinginan

MAYMAY: Lezzz get it on!!! (tatakbo sa may Basketball area)

Maglalaro si Edward ng basketball at sya ang cheerleader.

MAYMAY: Go, konti na lang mabibeat mo na yung score! 5, 4, 3, 2, 1 YES!!!! 500 points! New Record!!!!

Mapapatalon silang dalawa sa tuwa at akmang maghuhug, sa lakas ng sigaw ni Edward mapapatingin sa kanya yung mga tao sa paligid, mapapansin nya eto kaya ibaba ni Edward ang kamay nya kasi wala naman syang kahug pero mapapangiti pa din ito.

EDWARD: YES! (with hand gestures pero patago lang)

Enter hype music. Ipapakita ang iba pang nilaro nila Edward at Maymay like baril baril at racing... super happy nila kapag nananalo si Edward. Nakalimutan na naman nila na may hinahanap si Maymay. May mga tinginan sila na nageenjoy sila sa isa't-isa. Edward is sooo happy, nanakaw ng tingin kay Maymay at minsan tititig.

EDWARD: Whew! Nakakapagod din yun ah! Wait (yuyuko na mukhang pagod at hahawak sa tuhod) Nakita mo na ba si Bobby?

MAYMAY: Hindi eh, hayaan mo na next time na lang madami pa namang araw eh. Ano, videoke na tayo? (smile)

EDWARD: GAME!

DISSOLVE TO:

14.     INT. VIDEOKE ROOM

EDWARD: So... what song?

MAYMAY: Enter mo 14344

EDWARD: (Edward enters the number) Lucky?

MAYMAY: Ahuh, theme song namin yan ni Bobby eh. Oh ikaw na! (excited)

EDWARD: (singing and enjoying the moment) Do you hear me, I'm talking to you, across the water, across the deep blue ocean, under the open sky, oh my, baby I'm trying (looks at Maymay)

MAYMAY: Boy I hear you, in my dreams, I feel you whisper across the sea. I keep you with me, in my heart (pointing to her heart then titingin kay Edward) You make it easier when life gets hard.

MAYMAY & EDWARD: (looking at each other) I'm lucky I'm inlove with my bestfriend...

Enter Lucky as background music, zoom out, shot from outside the videoke room showing Maymay and Edward singing, music still running, then zoom in taking shots of the two looking at each other. Music Fading.

FADE. CUT TO:

***

CHAPTER 12 - DAY 7

15.     INT. EDWARD'S BEDROOM - BALCONY OVERLOOKING THE GARDEN

It's Maymay's 7th day pero hindi pa din nila nakikita si Bobby, lumiliit man ang chance na makita nya eto, nagiging palapit naman ng palapit ang loob nya kay Edward. Shot from outside of the house to Edward's bedroom showing Edward sleeping but no Maymay.

EDWARD: (magigising) May? (ito kaagad ang bukang bibig nya kaso wala dun si Maymay kaya babangon ito kaagad para hanapin ang dalaga) May?

Titignan sa CR, sa cabinet, sa ilalim ng kumot pero wala pa din si Maymay kaya lalabas ito sa balcony para magpahangin, titingin sa langit, lalasapin ang ganda ng umaga, hihinga ng malalim, titingin sa garden at doon ay makikita nya si Maymay na inaamoy ang mga bulaklak, lilingon kay Edward at ibibigay ang kanyang magandang ngiti. Mapapabuntong hininga at mapapangiti si Edward, masaya sya na makitang andun pa si Maymay. Tatalikod na ito habang nakangiti pa din ng...

MAYMAY: Namiss mo ko noh? Kala mo wala na ko... (Maymay's teasing face)

EDWARD: Hindi ahh (mukhang in denial) Kainis nga eh, andito ka pa pala...

MAYMAY: Assssuuuuss, eh bakit ka nakangiti??? Saka bakit lumalaki yang butas ng ilong mo??? Aminin mo naaaa...

EDWARD: Tssss, tigilan mo nga ako. Ang aga-aga!

Dadaanan si Maymay, kukunin ang towel at papasok na sa CR pero ngingiti uli.

CUT TO:

***

CHAPTER 13 - DAY 7

16.     INT. EDWARD'S OFFICE

Pagdating nila sa office, may nadatnan silang Nanay na umiiyak. Nilapitan kaagad nito si Edward.

CLIENT 3: Mr. Edward, parang awa nyo na tulungan nyo po ako (lumuhod sa harapan ni Edward at umiiyak)

EDWARD: (inalalayan patayo ang babae) Umupo muna kayo, ano po bang maitutulong ko?

CLIENT 3: Kailangan ko pong makausap ang anak ko, kailangang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya! Kailangang managot ang gumawa sa kanya nito (sobra na ang iyak).

YONG: Boss, bukas pa ang Soul Session natin. Marami pong nakapila para sa tarot at palm reading ngayon. Di po natin kakayanin.

CLIENT 3: Parang awa nyo na po, tulungan nyo po ako.

EDWARD: Sige po Nanay, ihahanda ko lang po ang gamit ko.

YONG: Pero Boss??? (mapapakamot sa ulo)

EDWARD: Marunong ka naman magtarot at palm reading, ikaw na muna ang bahala sa kanila, after ko dito. Tutulungan kita.

YONG: Haaaay, si Boss talaga! Sobrang bait! (pilit na ngiti) Minsan nakakagigil din eh (sweet sarcasm)

EDWARD: May sinasabi ka?

YONG: Wala Boss, sabi ko You're da best Boss in da hul world! Sige po! Magsisimula na po ako dun. (pointing to the other side, sabay pasok sa kabilang room)

Magsisimula na si Edward.

EDWARD: May, may nakikita ka bang kaluluwa ng isang dalaga dito sa loob? Parang may napansin kasi ako kanina eh.

MAYMAY: Oo, sya nga kaagad ang napansin ko pagpasok natin. Kailangan nya ang tulong mo Edward. (concerned)

EDWARD: Magsisimula na po tayo Nay, hawakan nyo po ang kamay ko. Ano pong pangalan ng anak nyo?

CLIENT 3: Anna po. (sobbing)

EDWARD: Kapag nakausap na po natin ang kaluluwa ng anak nyo, tatagan nyo po ang loob nyo ah. Kahit anong mangyari wag po kayong bibitaw sa akin. Gagawin po natin ang lahat. (calming the mother with assusrance) Game na May!

MAYMAY: Anna... (talking to the soul na nakatungo at umiiyak) Ako si Ate Maymay, andito si Mama mo oh. Kakausapin ka nya. Lapit tayo dun. (at sasama ang kaluluwa ni Anna kay Maymay papalapit kina Edward) Andito na kami.

EDWARD: Anna, andito ang mama mo. Gusto ka nyang makausap. Nay, kausapin nyo na po si Anna.

CLIENT 3: Anna anak, andito si Mama. Hindi ako okay anak, miss na miss na kita. (iiyak) Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa sayo nito. Sabihin mo kay mama kung bakit kailangang umabot sa ganito. Bakit anak?

ANNA: Maaaa.... (sobbing)

CLIENT 3: Anak, sabihin mo kay Mama ang totoo. Sino ang gumawa sayo nito sayo anak? Parang awa mo na.

ANNA: Wala po kayong dapat sisihin ma, choice ko po ang lahat. Kung merong dapat sisihin ako lang po yun. Hindi ko na po kinaya ang lahat. Patawarin nyo po ako.

CLIENT 3: Patawarin mo rin ako anak kung di ko nakita ang mga pangangailangan mo. Kung di ko napansin na may pinagdadaanan ka. Wala si mama para makinig sayo. (sobbing)

ANNA: Wala po kayong kasalanan ma, wag nyo pong sisihin ang sarili nyo.

CLIENT 3: Pero anak, base sa autopsy report mo, nirape ka. Sino ang gumawa nun sayo anak?? Sabihin mo!

ANNA: (iiyak lalo) Si Ryce po ma, hindi lang ako ma ang ginawan nya ng kahayupang yun. Pati po si Ica. Bigyan nyo po kami ng hustisya ma. Isa sya sa dahilan kung bakit mas pinili ko na lang tapusin ang buhay ko kesa araw-araw mabuhay na nandidiri sa sarili ko. (crying)

CLIENT 3: (breaksdown) Hayoooop sya... hayoooop!

ANNA: Patawarin nyo ako Ma, mahal na mahal ko po kayo ni Papa. Patawarin nyo po ako kung hindi ko na kinaya. Patawarin nyo po ako kung naging mahina ako. Patawarin nyo po ako kung mas pinili ko ng tapusin ang buhay ko kesa harapin ito. Mahal na mahal ko po kayo (soul leaves)

CLIENT 3: Mahal na mahal ka din namin anak, hindi kami titigil hangga't di nahuhuli ang walanghiyang yon. Pangako yan. (sobbing)

EDWARD: (mapapabuntong hininga, mumulat at yayakapin si Nanay) magiging maayos din po ang lahat.

CLIENT 3: Salamat iho at pinagbigyan mo ako ngayon. Utang ko sayo ang lahat. Kung hindi dahil sayo hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko. Salamat! (yayakap ng mahigpit kay Edward sabay singa sa damit nito)

Matitigilan na lang si Edward sa nangyari at mapapangiti. Kalmado na si Nanay at paalis na.

CLIENT 3: Salamat ulit iho ha. Napakabuti mong bata. (smile of gratitude)

EDWARD: Anytime po Nay, sana po ay mabigyan na ng hustisya ang anak nyo sa lalong medaling panahon. (inihatid na si Nanay palabas ng pinto sabay wave. Sinarado ang pinto at huminga ng malalim) Another problem solved! Feeling ko tuloy, isa akong detective sa isang pelikula. (talking to Maymay)

MAYMAY: (nakatingin lang kay Edward) Pahug nga, ang galing galing mo talaga!

Tapos na din si Yong sa kanyang mga client, makikita nito ang akmang paghug ni Edward pero wala naman itong kahug kaya lalapit si Yong at sya na lang ang yayakap dito.

YONG: (Hugs) Congrats Boss! Good Job! (with pat on the back) Ang galing nyo talaga! (proud)

Magugulat si Edward sa nangyari kaya itutulak nya si Yong palayo.

YONG: Oh Boss, relaaax. Para hug lang eh, nakita ko kasing gusto nyong makipaghug eh wala naman kayong kahug kaya sinalo ko na lang kayo. (taas kilay) Paraaaang meron na kasing nahuhulog eh. (teasing then sings) Am poling por yu, paynali may hart geyb in...and im poling inlaaaab, I paynli know how it pils, so der is lab... (continue singing habang papunta sa kabilang room).

Enter background music: I'VE FALLEN FOR YOU. Magkakatinginan sina Maymay at Edward at matatawa na lang.

FADE. CUT TO:

***

CHAPTER 14 - DAY 8

17.     INT. EDWARD'S HOUSE - STAIRCASE

Pababa na si Edward para umalis ng biglang sumakit ang ulo nya kaya napakapit sya sa may hagdan at napaupo kasi nahihilo din ito. Makikita ito ng Mommy nya.

MOMMY: Edward, anak! Are you okay? (magmamadaling lalapit kay Edward)

EDWARD: I'm okay ma, nahilo lang ako. (nakahawak sa ulo at pipiliting tumayo pero hindi nito kaya)

MOMMY: No, you're not okay. Dadalin kita sa doctor. Laura, call your Dad, sabihin mo dadalhin natin si Edward sa doctor.

EDWARD: Okay lang ako ma, saka madaming client ngayon. Kailangan ako dun.

MOMMY: Wag matigas ang ulo Edward, will just call Yong sasabihin ko na sya na muna ang bahala dun.

EDWARD: But Ma...

MOMMY: EDWARD JOHN, wala ng pero pero.

Nakatayo lang si Maymay sa tabi ni Edward at nag-aalala. Habang si Mommy tinatawagan na si Yong. (split screen)

MOMMY: Hello Yong, this is Edward's mom. Hindi sya makakapasok today, so please take over. Okay?

YONG: Po? Hala, pa-tay na! Ang dami na pong client dito, Soul Session po ngayon.

MOMMY: Gawan mo na lang ng paraan, sige na. We have to go, dadalin namin si Edward sa hospital. Keep me posted, okay? Bye! (call ended)

Shift from split screen to single screen

YONG: But Mom??? Wait!! (call ended tone) Binaba?  (sabay tingin sa phone) #PAANO???? GIGIL NYO SI ACOE AH! (sabay kamot sa ulo)

Maririnig ni Maymay ang naging usapan ni Yong at Mommy ni Edward kaya instead na samahan si Edward sa hospital ay magpapasya itong puntahan na lang si Yong para tulungan.

CUT TO:

***

CHAPTER 15 - DAY 8

18.     INT. EDWARD'S OFFICE

Pagdating ni Maymay sobrang dami na ng tao at nagagalit na yung iba, di na din magkaintidihan si Yong kung paano haharapin yung mga tao.

MAYMAY: Yong, okay ka lang?

YONG: Okay? Tingin mo??? Paano ako magiging okay dito?? (aligaga na sa pageexplain sa mga tao) Wala po si Mr. Edward ngayon, sinugod sya sa hospital kaya bumalik na lang po kayo sa ibang araw.

CLIENT 4: Kaninang kanina pa kami dito, kailangan kong makausap ang lolo ko!

CLIENT 5: Oo nga, hindi kami aalis dito!

Sabay-sabay ng nagsasalita ang mga client kaya may maiisip si Maymay.

MAYMAY: Yong, alam ko na. Ikaw na lang.

YONG: Anong ako? Hindi ko naman alam ang ginagawa ni Boss. (pinapakalma pa din ang mga client) Isa-isa lang po sa pag-sasalita.

MAYMAY: Andito naman ako eh, tutulungan kita. Alam ko ang ginagawa nya. Basta sundan mo lang lahat ng sasabihin ko.

YONG: Ha?? Sigurado ka ba dyan?

MAYMAY: Oo, sige na. Sige ka ikaw din, di titigil ang mga yan. Tapusin na lang natin kaagad.

YONG: Sige na nga. (to Maymay) Huminahon po kayong lahat, itutuloy na po natin ang Soul Session today (kamalma na din ang lahat).

CLIENT 6: Perooo...akala ko wala si Mr. Edward, sino ang tutulong sa amin?

YONG: Sino pa? Edi ang gwapong kaharap nyo ngayon! (papogi) Bilang side kick ni Mr. Edward, nakita ko na din kung paano nya gawin ang mga bagay-bagay kaya para mapagbigyan kayong lahat. Ako po muna ang bahala sa inyo. Mr. Yong the Pogi at yor serbis! Ano ayos ba? (bulong kay Maymay)

MAYMAY: Iba din! Ginalingan eh! (slow clap) O sya simulan na natin.

YONG: Umupo na po kayo ayon sa inyong pagkakasunod-sunod at magsisimula na po tayo. (will call Client #4)

CLIENT 4: Mr. Yong, gusto ko pong kausapin ang lolo ko.

YONG: Lolo ba kamo? (to client) Ano May, may lolo ba dyan? (bulong kay Maymay)

MAYMAY: Meron, sige tatawagin ko. Sabihin mo kay bagets, hawakan ang kamay mo at pumikit kayo.

YONG: Ahm, hawakan mo ang kamay ko and close your eyes. Ayos pala tong ginagawa ni Boss eh. (nagiging confident na)

MAYMAY: Itanong mo kung ano ang pangalan ng lolo nya.

YONG: Ano pala ang pangalan ng lolo mo?

CLIENT 4: Nonong po.

MAYMAY: Kayo po ba si Lolo Nonong (tanong sa matandang kaluluwa)

LOLO: Ako nga, andyan ba ang apo ko?

MAYMAY: Opo andito po.

Dahil may kabagalan sa pagkilos ang matanda, may isang kaluluwang hindi na makapaghintay kaya bigla na lang nitong susugudin si Yong at sasapi dito. Hindi na ito mapipigilan ni Maymay.

MAYMAY: Oyyy! Sandali!!! (pipigilan pero wala ng nagawa) Hala, paktay na! (sasapuhin ang noo)

YONG: (umawrang sinapian)

CLIENT 4: Lolo, kayo na po ba yan?

YONG as BEKI: (aarteng bakla) Anong lolo? Hello???! Ang ganda ko para maging lolo mo ah. Ang bagal kasi ni lolo eh kaya ako na lang muna.

CLIENT 5: Marshmallow?! Ikaw ba yan?

BEKI: Yes cupcake! Ako nga!

Makikita ni Lolo ang nangyari kaya bigla itong lalakas at pipiliting paalisin si Beki sa katawan ni Yong at sya ang susunod na sasapi.

YONG as LOLO: (kukurba ang likod na parang matanda) Apo (uubo), ang lolo mo na eto! Kamusta na apo?

CLIENT 4: Lo, ikaw na ba yan? Okay naman po ako. (excited)

Pero dahil may isa pang kaluluwang naghihintay, hindi na din nito mapipigilan ang sarili kaya papalisin nito si Lolo at sasapi na din kay Yong.

YONG as STARLET WANNABE: (kunwaring nagchuchewing gum, magkocross legs at magpapasexy) Hello there everyone, I'm Annie Batumbakal na taga-frisco. Andito ba ang lovidubs ko?

CLIENT 6: Lovidubs? Lovidubs! Am here! Am here!

Magpupumilit uling sumapi si Beki kay Yong at ganun din si Lolo. Magkakagulo ang tatlong kaluluwa kung sino ang sasapi at hindi na ito mapigilan ni Maymay.

MAYMAY: Ay nabuang na oy! Hooooy! Isa-isa lang pwedeee? Para matapos tayo? Sa ginagawa nyong yan lalo nyong di makakausap ang mga mahal nyo sa buhay eh! (pasigaw)

Matitigilan ang mga kaluluwa at titingin kay Maymay.

MAYMAY: Yan... kalma... Si Lolo muna okay? Wala ng sasapi, ako na lang ang magsasabi ng lahat ng gusto nyong sabihin. Nagkakaintidihan ba tayo?

SOULS: (tatango at maghihintay na lang)

At naging maayos naman ang lahat, nakausap ng lahat ng client ang mga kaluluwang gusto nilang kausapin. Natapos din ang araw nila Yong at Maymay. Biglang magriring ang phone ni Yong. Si Edward.

EDWARD (voice on screen): Hello Yong, kamusta dyan?

YONG: Okay naman Boss! (pagod na pagod)

EDWARD: Mabuti naman kung ganun, mukhang hindi pa ako makakabalik eh kaya hindi na muna tayo magseschedule for Soul Session ah. Saka nalang pagbalik ko. Salamat talaga Yong ah!

Sa sobrang pagod ni Yong ay nakatulog na eto sa couch at nabitawan na ang phone. Naghihilik na.

MAYMAY: Edward, nakatulog na si Yong. Okay lang kami dito. Pupuntahan na kita dyan. (sisigaw sa phone)

CUT TO:

***

CHAPTER 16 - DAY 8 NIGHT

19.     EXT. EDWARD'S HOUSE - POOL AREA

Gabi. Maraming stars sa langit. Nagmumuni-muni si Edward sa may pool area, nakaupo sya sa gilid ng pool habang nakalubog ang dalawang paa nito.

MAYMAY: Oh, andito ka lang pala. Kamusta na pakiramdam mo?

EDWARD: Eto okay naman, sabi ng doctor magpahinga muna ako for 3 weeks at wag munang magtrabaho.

MAYMAY: Bakit ka daw nagkakaganan?

EDWARD: Overfatigue lang daw kaya rest daw ang kailangan. Itetext ko nalang din si Yong para sabihin na wala munang Soul Session for 3 weeks. Since marunong naman sya sa tarot at palm reading yun lang muna ang gagawin nya.

Mapapansin ni Maymay na mukhang matamlay si Edward kaya mag-iisip ito ng paraan para mapangiti ito.

MAYMAY: Knock knock!

EDWARD: Huh??

MAYMAY: Who's there ang sagot hindi Huh. Ulit! Knock knock!

EDWARD: Who's there?

MAYMAY: SEMESTER

EDWARD: SEMESTER who?

MAYMAY: Ikaw nga ba SEMESTERight? Ikaw nga ba love of my life? Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? (singing with facial expression)

EDWARD: (mapapangiti) Ang coooorrrrnnnyyyyy mo (pero masusweetan) Ahhh, ganan pala ang gusto mo ah? Sige, knock knock!

MAYMAY: Who's there?

EDWARD: AMO NI JUAN

MAYMAY: AMO NI JUAN who?

EDWARD: (clears throat, will sing) AMO NI JUAN call away, I'll be there to save the day. Superman got nothing on me. AMO NI JUAN call away... (mamumula at matatawa)

Zoom out, shot will show the two from the pool nagkukulitan at tawanan, ipapakita ang langit at mga bituin then fade.

CUT TO:

***


Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Pink Letters

Hanggang kailan ka magiging masaya para sa taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya? Kakayanin pa ba? Kahit ang sakit-sakit na?

Image Description
KyLiiemichy | 16 January 2018