Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Lost Souls

Image Description LilMisSkrengge   |   19 December 2017


What will you do if you only have 24 days left? A story of two souls searching for answers. Will you take the chance or will you let chance take you?

CHAPTER 1 - DAY 1

1. EXT. EDWARD'S OFFICE (PSYCHIC OFFICE) - DAY

The sun rises above a strip of different business establishments in a small simple town.

Ipapakita ang labas ng opisina, maraming nakasulat na information. Psychic Reader, Palm Reading, Tarot Reading, Medium, Spiritualist. Ito ang nag-iisang psychic office sa lugar kaya marami ang nagpupunta dito.

DISSOLVE TO:

2.  INT. EDWARD'S OFFICE (PSYCHIC OFFICE) - DAY

A cozy room painted in white with scented candles, some are for display and some are lit, different figurines all over the place, with round table in the middle good for 2 persons, with 2 chairs near the table and chairs near the wall for the waiting clients, there's a variety of paintings on the wall and other stuff all over the place needed for psychic activities and communicating to spirits. The room is cold and aromatic. There's a chime on the door pane, so you'll know if someone's coming.

Marami ng clients ang naghihintay sa pagdating ng espiritista, nakaupo lang sila sa waiting area habang may isang dalagang paikot-ikot, tinitignan ang bawat nakalagay sa loob ng kwarto. Balingkinitan ang katawan, matangkad, nasa 5'6" - 5'7" ang height, mahaba ang buhok lagpas kili-kili, may magandang ngiti at maliit na ilong. Makikita nya ang isang litrato, litrato ng espiritista, mapapangiti sya kasi super pogi nito. Pilit nyang hahawakan ang larawan pero hindi nya magagawa kasi isa na syang kaluluwa. Siya si MARYDALE a.k.a. MAYMAY.

MAYMAY: Haaaay (yuyuko habang nakatitig sa picture ng espiritista), kung hindi ka lang gwapo hindi ako maghihintay dito ng halos isang bwan. Kaya lang (sabay titingin sa taas) kailangan talaga kita eh, (babalik ang tingin sa picture) kailangan kita para makatawid na ang maganda kong katawan (sabay paseksing hawak sa katawan nya)este kaluluwa sa kabilang buhay. Kelan ka ba kasi babalik? Hanggang kelan ako maghihintay (lalakasan ang boses na parang nagdadrama na OA)????

Biglang may papasok sa kwarto.

EDWARD: Ahhh! (open arms parang nagsestretch) It's good to be back! Namiss ko to ah! (habang nirub ang mga palad na mukhang excited)

Sya si EDWARD, ang poging espiritista in town. Actually hindi lang sya espiritista, psychic din sya. Oo, psychic, kaya nyang basahin ang past, present at future mo. Bata pa sya, nasa mid-20's pa lang, mestizo, matangos ang ilong, medyo malapad ang noo, bilugan ang mata, maganda ang ngipin pati na din ang ngiti, nasa 5'9" to 5'10" ang taas. Namana nya sa kanyang pamilya ang talent nya sa panghuhula at may 3rd eye din sya kaya may kakayahan syang kausapin ang mga kaluluwa. Sya ang nagpatuloy ng business ng pamilya nila kasi hindi naman interesado ang Ate Laura nya dito.

MAYMAY: (nakatingin pa din sa picture) Ayy, kabayo! (magugulat sabay mapapalingon kay Edward at matutulala)

CLIENT 1: (lalapit kay Edward) Salamat naman po at nakabalik na kayo. Okay na po ba kayo?

EDWARD: Okay na (smiles) at mas lalo pang naging okay nung nakita ko kayo. Ano po palang sadya natin?

CLIENT 1: Isang linggo pa lang kasi nung namatay ang asawa ko, gusto ko sana syang makausap kasi miss na miss ko na sya eh. (cries)

EDWARD: Naku, sandali. Wag po kayong umiyak. (matataranta) Yong (lilingunin si Yong), ikuha mo nga ng tubig si misis...

CLIENT 1: Mrs. Ramirez (umiiyak pa din pero nagpupunas na ng luha)

YONG: Okay Boss, 1 water coming up!

EDWARD: Relax lang po kayo (inalalayan paupo), gagawin ko po ang makakaya ko para kausapin ang asawa nyo (smiles).

CLIENT 1: Salamat iho ha, namimiss ko lang kasi talaga sya. Sa 50 years namin na pagsasama, ngayon lang kami nagkahiwalay. (cries again)

YONG: Oh ma'am, water por yu (with tap on the shoulder of Mrs. Ramirez). Uminom po muna kayo, wag po kayong mag-alala kayang kayang kausapin ni Boss yung mister nyo. Don't cha worry okay? Stop crying... (sabay ngiti ala Yong)

EDWARD: Magsimula na po tayo (sisindihan ang kadila sa lamesa) Ano po palang pangalan ng asawa nyo?

CLIENT 1: Edgar po... Edgar, andito ka ba ngayon? Magparamdam ka naman oh. Miss na miss na kita eh.

EDWARD: Sige po Mrs. Ramirez

CLIENT 1: (interrupts) Cathy, Cathy na lang ang itawag mo sa akin.

Musical scoring (silence with calming background music)

EDWARD: Sige po, Mrs. Cathy hawakan nyo po ang kamay ko at pumikit kayo. Edgar, kung naririto ka sa kwartong ito kausapin mo kami. Hinahanap ka ng asawa mong si Cathy.

MAYMAY: Pssst (mangungulit, bubulong sa kaliwang tenga) Pssst! (bubulong sa kanang tenga)

EDWARD: Edgar, ikaw na ba yan?

CLIENT 1: Andyan na po ba sya? (excited)

EDWARD: Edgar, kung naririto ka sa kwartong ito magparamdam ka.

MAYMAY: Ser! (patuloy sa pangungulit at panggugulo) Seeeer! (pupunta sa harapan at tatapatan ang mukha ni Edward) Uyy, Ser! Pansinin mo naman ako.

EDWARD: Wag kang magulo (bubulong) Edgar, naririto ka ba sa kwartong ito?

MAYMAY: Naririnig mo ako?? YES!!!! YES! YES! (sobrang saya, magbubudots dance) Tulungan mo naman ako oh!

EDWARD: Wag ka sabing maingay (mapapalakas ng konti ang boses)

CLIENT 1: Kausap nyo na po ba ang mister ko?

EDWARD: Ahhh, hindi po, hindi ko pa po nararamdaman ang espiritu nya.

CLIENT 1: Baka po kasi hindi nya kayo naiintindihan, bisaya po kasi yun eh.

Musical scoring (yung parang from serious biglang bali sound)

EDWARD: Ganun po ba? Sige po ulitin na lang po natin. (mumulat muna saglit at tatawagin si Yong para magpatulong) Yong, I need you here (kaso busy si yong sa pag-asikaso sa ibang clients)

MAYMAY: (nasa tabi ni Edward at malapit ang mukha sa kanang pisngi nito) Ako (tataas ang kamay)! Kaya kitang tulungan! Bisaya Represent!!! (proud)

EDWARD: (magugulat at biglang mapapalingon sa kanan nya at magtatapat ang mukha nila ni Maymay, malapit na halos wala ng pagitan) Sino ka?

MAYMAY: Hi, I'm Maymay at your service! (pacute)

EDWARD: Tigilan mo na nga ako, kanina ka pa eh. Hindi ako makapagconcentrate kaya hindi ko makausap ang kaluluwang kailangan ko. (naiirita na)

CLIENT 1: Mr. Edward, may problema po ba? Nakikita nyo na po ba ang asawa ko?

EDWARD: Ahh, wala po Mrs. Ramirez (smiles) meron lang po kasing ibang kaluluwang nanggugulo dito (looks at Maymay with annoyance). Sige po, start na po ulit tayo. (maghahawak na ulit ng kamay at pipikit)

MAYMAY: Ganito ang sabihin mo (bubulong na naman sa tenga ni Edward)

EDWARD: Hindi mo ba talaga ako titigilan?? (pabulong pero naiinis na)

CLIENT 1: Mr. Edward, parang nararamdaman ko na po ang asawa ko. Andito na sya. Andito na sya.

MAYMAY: Ano? May isa na akong kasama dito, baka sya na ang hinahanap mo. May bigote ba sya?

EDWARD: Mrs. Cathy, may bigote po ba ang mister nyo?

CLIENT 1: Oo, oo! Meron! Nakakakiliti nga yun eh (parang nakikiliti din), yan ang paborito kong parte ng ka...

EDWARD: Ehem (interrupts)

MAYMAY: Malaki ba ang tyan nya? (bulong ulit kay Edward)

EDWARD: Medyo may kalakihan din po ba ang tyan ng asawa nyo?

CLIENT 1: Yes! Namimiss ko na ding himas-himasin ang bilugan nyang tyan. Si Edgar na talaga yan. (parang maiinlove ulit)

MAYMAY: (biglang tatayo) Kaya laaaang... diba sabi mo tigilan na kita, so sige aalis na muna ako. Babalik na lang ako kapag hindi ka na busy.

EDWARD: Teka! Sandali! (mapapalakas ang boses)

CLIENT 1: Bakit po? Aalis na po ba ang asawa ko??? Edgar?

EDWARD: Hindi po, pwede nyo na pong sabihin ang gusto nyong sabihin sa asawa nyo, nakikinig po sya ngayon. (bubulong kay Maymay) Teka, wag ka munang umalis, tulungan mo muna ako dito.

MAYMAY: Hindi, pinagtatabuyan mo na ako kanina eh. Sige Bye!

EDWARD: Uyy, sandali... Fine! Sige na, sorry na. Tutulungan na kita sa kailangan mo, pero tulungan mo muna ako ngayon. Di ako marunong magbisaya. Asan na ba kasi si Yong?? (kukunot ang noo)

MAYMAY: Promise? (akmang makikipagpinky swear)

EDWARD: Bakit may papromise promise pa? Di ba pwedeng tulungan mo na lang ako?

MAYMAY: Napipilitan ka lang yata eh, sige na di na kita guguluhin. Bye! (lalakad na palayo kay Edward)

EDWARD: Fine! Fine! Promise! Ano, okay na?

MAYMAY: (makikipagpinky swear kay Edward kahit sya lang ang gagawa) Okay! (taas balikat with a smile) madali naman akong kausap eh. Wala ng bawian yan ah. Okay game!

CLIENT 1: (magbibisaya) Hubby loves, gimingaw na gyud ko nimo. Nganong gibiyaan mo man ako? Ingon ka walay biyaay? Ingon ka magkuyog ta hangtod ta matiguwang ug mag-honeymoon pa'g usab sa Maldives. Unsaon man nato pagtuman sa atong mga saad kung wa na ka? Unsaon na lang nako pagsul-ob sa two-piece nga imo gipalit para nako? (cries again)

(Hubby loves, miss na miss na kita. Bakit mo ako iniwan? Sabi mo walang iwanan? Sabi mo sabay tayong tatanda at maghohoneymoon pa ulit tayo sa Maldives. Paano pa natin magagawa yun kung wala ka na? Paano ko pa masusuot yung 2-piece na binili mo para sa akin?)

MAYMAY: Oh, eto ang sabi nya, umiiyak sya kaya umiyak ka din para realistic (voicing out to Edward what Edgar said)

EDWARD: (voicing out what Maymay is saying with feelings, crying) Wifey tarts, pasayloa ko ha. pasayloa ko nga di na nako matuman akong mga saad diha nimo. Di na gyud kaya sa akong lawas. Gusto nako makigbisog pa pero kapoy na kaayo. Gimingaw na pud kaayo ko nimo. Gimingaw na ko sa imong mga gakos ug mga halok. Gimingaw na ko sa imong mainit nga ngabil nga modaplis sa akong ngabil ug ang lumoy nga haplos sa imong mga kamot sa akong... t...t...(ng biglang mapapasabi sya ng) 'ay nabuang ka man oy'

(Wifey tarts, pasensya ka na ah. Pasensya ka na kung hindi ko natupad yung pangako ko sayo. Hindi na kinaya ng katawan ko eh. Gusto ko pang lumaban pero sumuko na ang katawang lupa ko. Miss na miss na din kita. Miss ko na ang mga yakap at halik mo. Miss ko na yung mainit na dampi ng iyong mga labi at ang malambot na haplos ng iyong mga kamay sa aking...t...t...)

CLIENT 1: (umiiyak na kaya lang biglang matitigilan nung narinig nya yung 'ay nabuang ka man oy') Huh? Bakit mo ako sinabihan ng buang, ha Edgar?

MAYMAY: Nakuu sorry, kasi naman etong si Ser Edgar, pabitin, tyan lang naman pala ang gustong sabihin...may pa t...t... pa kasi! Miss na daw nya yung malambot na haplos ng kamay ni Ma'am Cathy sa tyan nya...Yun!

EDWARD: Ayy, ang ibig ko pong sabihin, Miss na daw po ng mister nyo yung haplos nyo sa tyan nya... yun po... (bubulong kay Maymay) ayusin mo ah, mapapahamak tayo dito eh.

MAYMAY: Sorry na nga po diba???

CLIENT 1: Awwww, napakasweet talaga ng Hubby loves ko kahit kelan. Miss na miss na talaga kita...

MAYMAY: May pinapasabi pa sya, kung miss na daw talaga sya ng asawa nya, pwede naman daw na sunduin na nya sya. (matatawa)

EDWARD: Pinapasabi din po pala ng asawa nyo na kung miss nyo na daw po talaga sya, pwede naman daw po na sunduin na nya kayo (matatawa din)

CLIENT 1: Ayyy! Ikaw naman Hubby loves, di ka na mabiro... Okay naman ako dito, actually nasa moving on stage na nga ako eh... Di naman ako nagmamadali. Dito lang me.

MAYMAY: Awwwww, nakayakap si Ser Edgar sa asawa nya ngayon at masaya sya na makitang okay ang asawa nya. Wag daw syang mag-alala, okay daw sya kung nasaan sya ngayon, wala ng sakit, wala ng hirap. Awwwwww (maiiyak din konti)

EDWARD: Nakayakap po sa inyo ngayon ang asawa nyo at gusto nyang malaman nyo na masaya sya na makitang okay na kayo. Na wag na kayong mag-alala kasi okay sya kung nasaan sya ngayon, wala ng sakit, wala ng hirap.

CLIENT 1: (maiiyak na naman) Hubby loves, mahal na mahal kita. Okay na ako, lalo na ngayon na alam kong okay ka na din. Hintayin mo lang ako ah, magkikita ulit tayo... But not too soon okay?

EDGAR: (bisaya) Gihigugma sab ka nako Wifey tarts. Hangtod sa panagkita nato ug balik. (kissed his wife on the forehead then spirit fades - awwww this one's a heart melting scene - sobs)

MAYMAY: Wala na sya... (crying, sobbing)  pero bago sya umalis pinapasabi nya na "Mahal na mahal din kita Wifey tarts. Hanggang sa muli nating pagkikita." At hinalikan nya ang asawa nya sa noo... Wala na sya (crying)

EDWARD: (bumulong) Uyyy, okay ka lang? tama na... tahan na...

CLIENT 1: Andyan pa po ba sya Mr. Edward?

EDWARD: Umalis na po sya, pero pinapasabi po nya na: "Mahal na mahal din kita Wifey tarts. Hanggang sa muli nating pagkikita." (at hahalikan ni Edward si Mrs. Cathy sa noo just like what Edgar did)

CLIENT 1: (crying again) Oh Edgar! (mapapayakap kay Edward) Salamat iho, salamat! (hihinga ng malalim at ngingiti, pupunasan ang luha)

EDWARD: (mangingilid din ang luha) Wala pong anuman Mrs. Ramirez. Sana po ay nakatulong ako sa inyo. You can come back here anytime.

CLIENT 1: Maraming salamat ulit. I found my peace now. (holds Edward's hands with sincerity then leaves)

YONG: Thank you ma'am, sa uulitin! (wave) Okay next!

EDWARD: (biglang sasakit ang ulo, mapapahawak sa upuan) Yong, maybe we can have a break first.

YONG: Oh, boss okay lang kayo? (concerned) Naku, pasensya na po kayo... (talking to other clients) Balik na lang po ulit kayo bukas, mukhang napagod na po si Mr. Edward ngayon eh. Pasensya na po talaga. Magbibigay na lang ako ng FREE candy bukas. Hehe. Pasensya na po ulit! Bye! (pinaalis na ang lahat ng clients)

EDWARD: Oh, bakit mo pinauwi? Sabi ko break lang ah. (still holding his head while massaging his temple)

YONG: (mapapakamot sa ulo) Okay lang yun boss, babalik naman yung mga yun bukas. (wink at pupunta na sa kabilang kwarto)

EDWARD: Ikaw talaga! Oh sya sige, uuwi na din ako! Medyo napagod din ako sa nangyari eh. See you tomorrow.

MAYMAY: Hep! Hep! Saan ka pupunta??? (haharangan ang dadaanan ni Edward but since spirit na lang sya eh malalagpasan lang sya nito at magugulat sya sa pagdaan ni Edward sa katawan nya)

EDWARD: Di mo ba narinig? Uuwi na! (walking to get his things)

MAYMAY: Wow, grabe sya oh! You're welcome nga pala ah. (bubulong bulong) Di man lang magpasalamat! Simpleng 'Thank you Maymay for the help' (happy voice with a smile) di pa magawa (mukhang inis).

EDWARD: Anong binubulong bulong mo dyan?

MAYMAY: Wala po Ser! Sabi ko, baka nakakalimutan nyo po yung pinag-usapan natin.

EDWARD: Anong usapan? Wala akong naalalang pinag-usapan natin.

MAYMAY: Ayun! Yan tayo eh, pagkatapos mo akong gamitin, kakalimutan mo na lang ang lahat? Ganan kayong mga lalaki, kapag nakuha nyo na ang gusto nyo sa aming mga babae, iiwan nyo na lang kaming parang ba-su-raaaa... (magdadrama)

EDWARD: Ahhhhh, enough of that drama. Uuwi na ko! (sabay labas ng pinto at bukas ng sasakyan) Bye Yong! (lalakasan ang boses)

MAYMAY: Uyyyy, sandali (raise arm na akmang hahabol)!!!!! (sasakay ng sasakyan at sasama kay Edward pauwi)

CUT TO:

***

CHAPTER 2 - DAY 1

3.  INT. EDWARD'S CAR - SAME DAY

Music on, Edward's car is clean and fragrant. All black leather interior. Patuloy pa ding kukulitin ni MAYMAY si EDWARD tungkol sa naging usapan nila at hindi nya ito titigilan.

EDWARD: What are you doing in my car??? (annoyed)

MAYMAY: Hindi kita titigilan hangga't di mo tinutupad ang pinag-usapan natin. Sa ayaw mo't sa gusto tutulungan mo akong mahanap si Bobby.

EDWARD: Alam mo, wala akong panahon sayo. Madami akong trabaho, kita mo naman kung gaano kadami yung tao kanina diba? Kaya NO!

MAYMAY: (malulungkot) Pero nagpromise ka... (sad voice, tutungo)

EDWARD: (makikita ni Edward sa gilid ng kanan nyang mata na nalungkot si Maymay. Medyo makokonsensya pero magmamatigas pa din) Wait, correction! I was forced to promise kasi wala ng choice. It was not deliberately given so technically, void yun! Sa iba ka na lang magpatulong.

Maymay, bigla na lang mawawala sa kotse after marinig ang mga sinabi ni Edward. Pagtingin ni Edward sa passenger's seat, wala na dun si Maymay, medyo maguguilty sya pero di nya to papansinin.

EDWARD: (talking to self) Salamat naman at tinigilan na nya ko! (lalakasan ang tugtog. makakarating na sa bahay nila, dederecho na sa kwarto)

DISSOLVE TO:

4.  INT. EDWARD'S HOUSE - BEDROOM / BATHROOM

EDWARD: (titingnan ang kama nya) Hello bed, how was your day? Me? Eto miss na miss ka na! (sabay higa sa gitna, yung higang nestea plunge, mapapapikit) Ahhhhh! I love this feeling! Best place on earth! (savoring the moment ng biglang)

MAYMAY: Best place on earth nga! (nakahinga sa kaliwang braso ni Edward habang nakatingin sa mukha nito)

EDWARD: (biglang mapapalingon sa kaliwa nya at mapapadilat, makikita nya si Maymay sa tabi nya kaya bigla itong uupo) Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok sa kwarto ko?

MAYMAY: Edi dumaan sa pinto, tsss! (nakahiga pa din sa kama) Ang ganda ng room mo ah, malinis! Infairness!

EDWARD: Seriously?! Tsk! What are you doing here? Private space ko to and please get off my bed! (inis na) Nag-usap na tayo diba? Tigilan mo na ko!

MAYMAY: Oh! Eto na! eto na! Nakikihiga lang eh. Damot!(aalis na sa kama) Bumalik ako kasi narealize ko na... (nagsasalita habang iniikutan si Edward tapos biglang titigil sa harapan nya at ilalapit ang mukha nya dito) hindi kita titigilan hangga't di mo tinutupad ang promise mo. Kaya...I'm backkkk!!! (isistretch nya ang kamay nya na parang pangwelcome) Wala bang welcome hug dyan? (all smiles)

EDWARD: Bahala ka nga sa buhay mo! (kunot noo, irita look tapos dadaanan lang ulit si Maymay at pupunta na sa banyo)

Magshoshower na si Edward...habang nagshashampoo...

EDWARD: Ibang klase din ang babaeng yun, di talaga ako tinitigilan. Sinundan pa talaga ko dito sa bahay namin. Siguro kaya andito pa sya sa mundo kasi masama syang tao. O kaya suspect sya sa isang krimen. Tsk! Tsk! (mapapailing at magbabanlaw na)

Pagbukas ng shower curtain at akmang kukuha ng towel...

MAYMAY: Narinig ko lahat ng sinabi mo.

Magugulat si Edward na andun pala si Maymay na nakaupo sa toilet bowl. Wala suot si Edward kaya mabilis nitong tatakpan ang alam nyo na.

EDWARD: Hanggang dito ba naman? (takip takip pa din ang you know) wag kang titingin (habang inaabot yung towel at tinapis na sa kanyang bewang)

MAYMAY: Narinig ko lahat ng sinabi mo, masakit yun ah. Hindi ako masamang tao, wala din akong pinatay o inargabyado. Andito ako kasi biglaan ang pagkamatay ko at hindi ko na nagawang makapagpaalam sa taong mahal ko. Binigyan lang akong 24 days para gawin yun kaso dahil sa kasungitan mo tapos na ang araw na to kaya 23 days na lang. After naman nun, makakatawid na ko, hindi na kita guguluhin. Konting tulong lang naman ang kailangan ko, hindi mo pa maibigay (sabay tayo sa kanyang pagkakaupo, malungkot, tatalikod na at ready ng umalis ng...) By the way, mas gwapo ka pala pagbagong ligo saka... may pa-abs pa...perfect na sana kasoooo ang sama naman ng ugali mo!!! (biglang mawawala)

Mukhang makokonsensya si Edward at mapapaisip. Magbibihis na, ready ng matulog. Habang nakahiga sa kama, nakatingin lang sa ceiling at nag-iisp.

EDWARD: (talking to self) Mukha naman syang mabait at nagsasabi ng totoo. Kaya lang... haaaaay (mapapabuntong hininga) bahala na nga, umalis na din naman sya eh. (haharap na sa left side nya para matulog ng...)

MAYMAY: (habang nakaharap naman sa kanan nya at pinagmamasdan si Edward) Nakokonsensya ka noh?

Magugulat na naman si Edward kasi bigla bigla na lang sumusulpot si Maymay.

EDWARD: Whow! Papatayin mo ba talaga ko sa nerbyos?

MAYMAY: Oh, oh relax! Ang OA mo ah! Mabait naman kasi talaga ako eh. Hindi mo lang ako binibigyan ng chance kaya para patunayan yun hindi ako aalis dito hangga't di ka pumapayag. Goodnight! (nakangiti at mukhang comfortable sa pagkakahiga nya, ipapakitang matutulog na din sya sa tabi ni Edward)

EDWARD: (Rolling of eyes) Hindi ako sanay ng may katabi (sabay talikod kay Maymay at harap on the other side at nakatulog na)

MAYMAY (VO): (sisilipin nya kung tulog na si Edward) Nakatulog na ang loko! (pagmamasdan nya ito) Basta! Hindi kita susukuan.

FADE TO BLACK CUT TO:

***

CHAPTER 3 - DAY 2

Establishing a shot from outside focusing on the sunrise, then shift to bedroom shot with Maymay awake and Edward still sleeping.

MAYMAY: Good morning sunshine! Wakey! Wakey! Tanghali na po Mr. Sungit! Bangon na!

EDWARD: Uhhhh??? (sabay takip ng unan sa mukha) Go away! (sisigaw sa ilalim ng unan)

MAYMAY: No! Dito lang ako! Bangon na! Tutulungan mo pa ko! Wake up sleepyhead! (kaso deadma pa din si Edward kaya...) Ahhh, ayaw mo pang gumising ah. Ehem (clears throat at ready na sa pagkanta) Taas baba kanan kaliwa, saan ka man magpunta...liwanag ang iyong dala...pi-na-ngi-ngi-ti pi-na-ngi-ngi-ti mo ako ikaw ang sunshine ko (with dance steps, singing on repeat) Hindi nakakasawang ngiti mong nakakahawa, di nakakasawang ngiti...(wink with smile) Enjoy! Joy! Joy! Joy! Joy! (hanggang sa maiirita na si Edward)

EDWARD: Enough! Enough! Babangon na! (magtatanggal na ng kumot at babangon na, magsusuot ng tsinelas. Nakawhite shirt si Edward, V-neck tapos nakaboxer shorts na blue and white stripes)

MAYMAY: (mapapatulala si Maymay sa morning look ni Edward, mapapalunok sabay bulong ng...) Kanin na lang ang kulang, kumpleto na ang breakfast! Yummy!

EDWARD: Anong binubulong-bulong mo dyan? (Habang nakatayo at nagchcheck ng cellphone.pupungas pungas pa with a messy hair)

MAYMAY: Wala po, sabi ko magbreakfast ka na. Yummy ang ulam sa baba...pereng ekew (sabi ng pabulong at mapapangiti na may kilig)

Tatawag ang mommy ni Edward from downstairs

MOMMY: Edward, gising ka na ba? Breakfast is ready!

MAYMAY: Yes mommy, gising na po sya! Gising na gising na! (big eyes sabay tingin somewhere down the road at matatawa, may flag raising na ganap kasi alam nyo na morning...ganern)

EDWARD: (titingin kay Maymay at mapapansin kung saan nakatingin si Maymay, biglang mamumula at tatakpan ang you know) Yes Mom, I'm coming (pinandilatan si Maymay sabay pasok sa CR)

CUT TO:

***

CHAPTER 4 - DAY 2

Shot from the office door, tutunog ang wind chime, papasok si Edward kasama si Maymay, pero si Maymay tahimik lang na nagmamasid-masid ulit sa paligid. Babatiin ni Maymay ang ibang kaluluwa na nakikita nya. Si Edward, ngingiti sa clients na naghihintay.

5.  INT. EDWARD'S OFFICE

EDWARD: Good morning Yong! May client ba tayo for Soul Session today? (checking on the list)

YONG: Morning Boss! Ahmmm, yes we hab but one only kaya di kayo masyadong maiistress! Isa lang ang bumalik eh.

EDWARD: Okay let's start! (sisindihan yung ibang kandila at pupwesto na sa upuan nya)

YONG: Start agad? Iba ka talaga Boss! (sabay kanta ng...) Walang patumpik tumpik pa, Boom Karakaraka (with dance steps)

EDWARD: Ikaw talaga! (mapapangiti) Tawagin mo na yung client para makapagsimula na tayo.

YONG: You're one and only client por today, coming up! (tatawagin na si client 2)

CLIENT 2: Good morning Mr. Edward. Ako po pala si Kaish.

EDWARD: Good morning po. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?

CLIENT 2: Gusto ko po sanang makausap ang asawa ko. May mga kailangan po kasi akong itanong sa kanya eh. (mahinahon nyang sabi)

EDWARD: Sige po, ano po bang pangalan ng asawa nyo?

CLIENT 2: Dism po. (nakatungo lang)

EDWARD: Ahh, sige po. Hawakan nyo po ang kamay ko at pumikit kayo magsisimula na po tayo. (habang nagmemeditate, eeksena si Maymay at maghahum, mapapailing na lang si Edward kasi nangungulit na naman si Maymay) Dism, andito ang asawa mong si Kaish. Gusto ka nyang makausap, andito ka na ba? (lalakasan pa ni Maymay ang paghummm)

MAYMAY: Andito na ang hinahanap mo kaso ayaw nyang magsalita. Gwapo sya infairness. (bulong ni Maymay kay Edward)

EDWARD: Ms. Kaish, andito na po ang kaluluwa ang asawa nyo. Maari nyo na po syang kausapin.

CLIENT 2: HOY LALAKI!!! SIMULA NUNG NAWALA KA, NAGPATONG-PATONG NA ANG UTANG NATIN! ARAW-ARAW NA LANG MAY PUPUNTA SA BAHAY PARA MANININGIL! HINDI KO NA ALAM KUNG SAAN KUKUHA NG PERA, SINASABI NILA NA MARAMI KANG PERA PERO WALA KA NAMANG INIWAN SA AMIN. YUNG ANAK MO GUSTO NG TUMIGIL SA PAG-AARAL KASI PURO PROMISORY NOTE NA LANG KAMI SA SCHOOL NYA! (galit at umiiyak)

YONG: Halaaaa, paktay na bai!!! Nagtransform na si mother! Uminom po muna kayo ng tubig (sabay abot ng baso kay Ms. Kaish) Inhale, Exhale! Kalma lang po tayo. Inhale, Exhale. (habang hinahaplos ang likod ni Ms. Kaish)

MAYMAY: (kakausapin si Dism) Uy Ser Dism, magsalita naman kayo oh. Hindi ba kayo naaawa sa asawa nyo? Hindi na nya alam ang gagawin nya oh, pati anak nyo nadadamay na.

EDWARD: Dism, may gusto ka bang sabihin sa asawa mo?

MAYMAY: Uyy Ser... (nagmamakaawa na din si Maymay)

DISM: (mapapabuntong hininga at biglang papasok sa katawan ni Edward, magugulat si Maymay sa ginawa nito)

EDWARD as DISM: Patawarin mo ko, hindi ko sinasadyang iwan sa inyo ang problemang pinasok ko. Hindi ko na din ito sinabi sa inyo kasi ayoko na madamay pa kayo pero ngayon kayo ang nahihirapan. Hindi ko na lang nagawang ihabilin sayo ang lahat. Dun sa kwarto natin, may safe, eto ang password (ibubulong kay Kaish kasi baka malaman nyo paginteresan nyo pa :p) buksan mo yun, doon nakalagay ang makakasagot sa lahat ng problema natin. Sigurado ako na may sobra pa dun, ikain mo sa labas ang anak natin, mamasyal kayo, bilin nyo ang mga bagay na gusto nyo. Tinabi ko yun para inyo. Mahal na mahal kita Kaish, mapatawad mo sana ako. Mahal na mahal ko kayo. (sabay alis sa katawan ni Edward)

EDWARD: Whew! (mapapabuntong hininga, mumulat, iiling-iling) Okay lang po ba kayo Ms. Kaish?

CLIENT 2: Okay lang, okay na ako. Salamat. Salamat Dism. Mahal na mahal ka din namin ng anak mo. Salamat Mr. Edward.

EDWARD: Wala pong anuman, masaya po ako na nakatulong sa inyo. (biglang kakausapin si Maymay) Bakit di mo pinigilan yung kakaluluwa na sumapi sa akin kanina?

MAYMAY: Huh? Bigla na lang syang tumalon papunta sayo eh, wala na akong nagawa. Pero, ang galing mo dun ah. Teka (lalapit sa tenga ni Edward), tanda mo pa ba yung password? Hehe. Joke! (may pagturo kay Edward and wacky face)

EDWARD: Baliw ka talaga! Pero, oo, parang tanda ko pa. Hahahaha. (magtatawanan) Oh, by the way (titingin kay Maymay), I will help you na (sabay ngiti).

MAYMAY: Talaga???? (manlalaki ang mata) YES! YES! YES! (super happy, mapapasayaw)

Titingnan lang ni Edward si Maymay at mapapangiti. Mapapansin ni Yong na may katawanan si Edward

YONG: (habang nagliligpit ng gamit) Uyyy, si Boss happy! Share naman dyaaan! (Yong's face and voice)

Mapapalingon na lang sina Maymay at Edward kay Yong, then magkakatinginan sa isa't isa, mapapailing at mapapangiti.

CUT TO:

***

CHAPTER 5 - DAY 3

6.  INT. EDWARD'S HOUSE - SALA

Maagang nagsimula ang araw nina Edward at Maymay, dahil pumayag na si Edward na tulungan si Maymay at off din naman nya. Sa may sala na din naghihintay si Maymay. Establishing shot from the stairs to the sala.

EDWARD: Bye Mom, alis muna ako. (pupuntahan ang mommy nya sa sala at magkikiss)

MOMMY: (nagbabasa ng dyaryo while drinking coffee tapos mapapalingon kay Edward nung humalik) Isn't it you're off today? Saan ka pupunta? (mapapatingin sa relo) Ang aga pa ah.

EDWARD: Dyan lang Ma, don't worry! Bye! (sigaw nya habang palabas ng bahay)

MAYMAY: Bye Mommy! (nakangiti at magwewave)

EDWARD: Feeling close??? (sasabihin nya kay Maymay habang nakatingin sa may passengers side over the bubong of the car while holding the car door)

MAYMAY: Bakit ba?? (make face)

Sumakay na ng kotse at umalis.

CUT TO:

7.  INT. EDWARD'S CAR - DRIVING

EDWARD: Sooooo, san na tayo?

MAYMAY: Hmmmm, puntahan natin yung Café na madalas naming tambayan, dun din kasi kami unang nagkita ni Bobby eh. Naalala ko pa (magiimagine, flashback but Bobby's face will not be shown), kahit sobrang dami ng tao nun sa café, mapapansin mo talaga sya, sobrang gwapo nya nun, puno yung café at yung upuan lang sa harapan nya ang bakante kaya tinanong ko kung may kasama sya. Sungit nga eh, nagbabasa kasi sya ng libro that time, tinignan lang nya ako tapos nagbasa ulit so inassume ko na wala, kaya ako na yung umupo dun. Tapos nagCR sya iniwan nya yung libro nya sa lamesa kaso natapunan ko ng kape, ayuuuun galit na galit sa akin! Gwapo nga sobrang sungit naman. Yun na nga lang din yun time na kakausapin nya ako, puro sigaw pa inabot ko. (maiinis, back to car scene) At dun na nagsimula ang lahat. Kaya malakas ang pakiramdam ko na makikita ko sya dun (excited). Thank you pala ulit ah. (heart eyes)

Titingnan lang ni Edward si Maymay at ngingiti.

CUT TO:

***

CHAPTER 6 - DAY 3 - SAME DAY

8.  INT. CAFÉ

Papasok na sina Edward at Maymay sa Café, may isang staff na maggigreet kay Edward. At dahil maaga pa, sila ang unang customer sa Café.

STAFF 1: Good morning Sir (all smiles)

EDWARD: Good morning (nod with a smile). Oh saan tayo pupwesto? (bulong nya kay Maymay)

MAYMAY: Dito tayo (sa may glass side) Ito kasi ang favorite spot namin ni Bobby. (they will sit in front of each other)

EDWARD: Sigurado ka bang makikita natin sya dito?

MAYMAY: Uhmmmmm (titingin ang mata nya sa taas, mag-iisip) HINDI! Peroooo...posible, hintay lang tayo, patience please... Ano? Order ka na!

Edward will wave calling the attention of the staff

STAFF 1: Yes Sir? Ready na po ba kayong umorder?

EDWARD: Uhm, give me 1 Mocha Hazelnut Frappe with Peppermint Large and 2 Original glaze donut.

MAYMAY: Psst! Dagdagan mo ng Ceasar salad with mango, masarap yun tapos may garlic bread.

EDWARD: Hindi ako mahilig sa salad, sinong kakain nun?

MAYMAY: Sige naaaa, try mo lang. praaamisss masaraaaap. Please??

STAFF 1: (clears throat) Ahm, Sir... (medyo nawiwirdohan kasi nagsasalita mag-isa si Edward)Is there anything you would like to add pa po?

MAYMAY: Sige na please?? Please?? (paawa face)

EDWARD: Fine! Okay sige miss, pakiadd mo na din ng Ceasar salad with mango tapos may garlic bread. Thank you. (smile sabay tingin kay Maymay) Happy? Pag yun di masarap, papakain ko lahat yun sayo.

MAYMAY: Ha! As if pwede. Bleh! Pero kung buhay lang ako, di ka makakatikim nun kasi di ako magtitira. Kala mo! Perooo Thank youuu.

STAFF 1: Repeat ko lang po yung order nyo Sir, 1 Mocha Hazelnut Frappe with Peppermint Large, 2 Original glaze donut and 1 Mango Ceasar salad with garlic bread. Ahm, may kasama pa po ba kayo Sir?

EDWARD: Wala naman, unless (titingin kay Maymay tapos titingin ulit sa staff) may nakikita kang kasama ko. (matatawa)

STAFF 1: Si Sir talaga. (matatawa din) Sige po will serve your order in 10 minutes. (tatalikod saglit para tapusin ang pag-aayos sa kabilang table na malapit kina Edward)

EDWARD: Okay thanks. (then will talk to Maymay) Weird din eh, itatanong pa kung may kasama ako eh kita naman nyang ako lang namang mag-isa... unless na nakikita ka talaga nya. (matatawa ulit)

MAYMAY: Thanks Chloe. Ayyyy teka, sabihin mo extra parmesan cheese and chili flakes! Go!

EDWARD: NO! I hate spicy foods. (mapapalakas)

STAFF 1: Ahm, may kailangan pa po kayo Sir? (lilingunin si Edward)

MAYMAY: EXTRA PARMESAN AND CHILI FLAKES!!!

EDWARD: Ahh, can you add extra parmesan and chili flakes to the salad?

STAFF 1: Yes Sir, pwede po. (Smile) Is there anything you want pa po? Baka gusto nyo din ng Lasagna?

EDWARD: No, thanks that's all. (smile) Tama na ah... (talking to Maymay)

MAYMAY: Yes! Yes! Lasagna!!! Last na pleaasssee???? (Praying position of hands and puppy eyes)

STAFF 1: Masarap po ang Lasagna namin Sir.

EDWARD: Okay, okay! Just add it. (para matapos na ang usapan) Papakain ko talaga lahat sayo to! (annoyed to Maymay)

STAFF 1: Okay Sir. (smile)

MAYMAY: Thank youuuu po. (mas nangaasar na face)

Dumating na ang order nila...

STAFF 1: Enjoy your meal Sir, hope you'll like the salad. (smile)

EDWARD: May halong pagbabanta ba yan? Hehe. Thank you. (smile) Oh eto na order mo... (to Maymay)

MAYMAY: Tikman mo na yung salad! Daliiii! Don't forget to add the parmesan and chili flakes. (excited)

EDWARD: (Hesistant sa gagawin pero itatry na din, susubo at mukhang masasarapan pero di ipapahalata kay Maymay) Hmmmm... (titingin sa taas at magnanod)

MAYMAY: Masarap noh??? (nakasmile)

EDWARD: Hmmm, pwede na... (susubo ulit kasi nasarapan talaga sya)

Shot from afar, sa may area ng staff, zoom out sa area nila Edward. Pagmamasdan ng dalawang staff si Edward habang kumakain kasi nagsasalita syang mag-isa at parang may kausap kasi tumatawa din mag-isa.

STAFF 1: Ang weird ni Sir noh? (habang nagpupunas ng baso)

STAFF 2: Weird nga, ang gwapo sana kaya lang mukhang may pinag-daanan. Nagsasalita ba naman mag-isa. Tsk. Kawawa naman. (mapapailing)

Deretso pa din ang kwentuhan at tawanan nina Maymay at Edward, dumadami na ang tao, naubos din ni Edward lahat ng pag-kain kaya mapapangiti si Maymay. Di na nila mamalayan na inabot na sila ng gabi sa Café.

MAYMAY: Halaaaa, gabi na???

EDWARD: Halaaaa, oo nga. (titingin sa labas at sa relo nya) Ano, nakita mo ba si Bobby?

MAYMAY: Hmmmm, walaaa eh... (magbubuntong hininga) Nasaan na kaya sya ngayon? (mawawala konti yung sigla nya)

EDWARD: Don't worry, may next time pa naman eh. Makikita din natin sya. (tatapikin yung face ni Maymay kahit di naman nya ito nahahawakan) Smile na. By the way, thank you for this day ah. Nag-enjoy ako. And YES, masarap nga lahat ng kinain natin.

MAYMAY: Natin? Baka "kinain mo!" Hindi pala mauubos ah, ipapakain pala sa akin lahat! Eh kulang na lang pati plato kainin mo nadin. Hahahaha. You're welcome! (smile with yabang face). Ano? Tara na (magnod, tatayo at aalis na sa Café)

CUT TO:

***

CHAPTER 7 - DAY 4

9.  INT. EDWARD'S HOUSE - DINING AREA

Maganda ang gising ni Edward, nakaligo na din sya, magmomovie date sila ni Maymay kasi pupuntahan naman nila yung favorite Cinema nila ni Bobby and since Sunday, Sine Sunday din nila yun; before kasi mawala si Maymay, may usapan na sila ni Bobby na manonood sila ng My Ex and Whys kasi favorite ni Maymay ang LizQuen kahit na mas gustong panoorin ni Bobby ang Wonder Woman so magbabakasali sila na magwawatch si Bobby at makita nila. Nasa dining area na ang Mommy, Daddy at Ate ni Edward at nagstart ng kumain. Sasama din sa dining area si Maymay at tatabihan si Edward

EDWARD: Good morning! (magkikiss sa mom, ate and dad nya)

DADDY: Mukhang maganda ang gising natin anak ah! (smile habang kumakain)

EDWARD: Hmm, ngayon lang ba? Palage naman ah. (smile)

ATE: So how's work? Di ka naman ba nanibago?

EDWARD: Ahhhm, so far so good. Minsan lang nakakapagod, especially kapag Soul Session. Like 2 days ago, there's this soul na bigla na lang pumasok sa katawan ko. Draining though but happy coz we've helped the client.

MOMMY: We? (mapapatingin kay Edward)

EDWARD: Ahhhhh... Yes, we... kami ni... Yong. Yes ni Yong! (sabay subo) Oh, by the way, I had this dream about a girl, it's as if she needs something. I dunno, medyo blurred kasi eh. Weird lang, kasi parang kilala nya ako. (tataas ang balikat)

MOMMY: (mapapatingin kay Daddy and Ate) Baka naman isa lang yun sa spirits na gustong kumausap sayo. Masyado ka na yatang subsob sa trabaho anak, pati sa panaginip nadadala mo. Find time to relax and enjoy okay? Diba Dad?

DADDY: Yes, tama ang mommy mo, don't push yourself too much anak.

EDWARD: Mom, Dad, okay lang ako. Ang OA nyo ah! I'm fine! Okay, since you want me to relax, why not let's go out for a movie date later? Hmmmm, what do you think? (bright eyes, titingin sa left side nya kung saan nakaupo si Maymay)

ATE: That's a good idea (tatango at titingin sa Mommy at Daddy nya), okay ako. Wala naman akong lakad today!

EDWARD: Mom? Dad?

MOMMY & DADDY: (magkakatinginan sa isa't-isa) Okay! (smiling)

EDWARD: Great! My treat! I'll buy tickets for everyone. Sagot nyo na ang popcorn! Hehe.

ATE: So, sa dati ulit? Tamang-tama, showing na ang Wonder Woman! (looks excited)

EDWARD: No! Powerplant tayo, let's watch My Ex and Why's. (titingin ulit sa side ni Maymay then titingin sa mommy nya)

ATE: What??? Are you sure? (titingin ulit sa mommy and daddy nya then kay Edward)

EDWARD: Yes! Why? Kakapalabas pa lang naman ng Wonder Woman eh, so matagal pa yan, let's just watch it next time. Please? (puppy eyes kay Mommy) Please?

MOMMY: Wag mo kong tignan ng ganyan... Tama ate mo, I heard maganda ang review ng Wonder Woman.

EDWARD: Dad? (same puppy eyes)

DAD: (titingin kay Mommy at magnonod and smile)

MOMMY: Sige na nga, treat mo naman eh! (smile, mapapailing at susubo ulit)

ATE: But Mom...(titingin kay Mommy na why???) Fine, bunso always wins! (smile)

EDWARD: YES! Thank you Dad, Thank you Mom, Thank you Ate... (titingin ulit sa side ni Maymay at magsasmile)

Itutuloy na nila ang pagkain, magkukwentuhan at magtatawanan, zoom out shot showing a happy family having breakfast together.

CUT TO:

***

CHAPTER 8 - DAY 4

10.  INT. MOVIE HOUSE

Dumating na sila sa sinehan, pumila na si Edward para bumili ng ticket habang magmamasid masid naman si Maymay sa paligid, hoping na makikita nya si Bobby.  Yung parents at ate naman ni Edward nakapila na din para bumili ng popcorn.

EDWARD: Ano, may nakikita ka na bang bakas ni Bobby dito?

MAYMAY: Wala pa nga eh, manonood kaya yun? Pero sigurado akong manonood yun. Sana maalala nya. Please. Please. (seryoso face)

EDWARD: (nakita ni Edward yung kagustuhan ni Maymay na makita si Bobby) Okay, tell me kung anong itsura nya para matulungan kita. Smile na.

MAYMAY: Okay sige, ganito. Matangkad sya, maputi, mestizo, gwaapooo, mukhang foreigner, maganda ang katawan, maganda ang smile. (nakatingin pa din sa paligid)

EDWARD: Oh, found him! (habang nakatingin sa reflection nya sa mirror, may mirror kasi sa may ticket counter)

MAYMAY: Ha? Asan???!! (naghahanap)

EDWARD: Ayan oh, tingin ka dun sa may counter. (wink, sabay pacute)

MAYMAY: BALIIIIW!!! (mapapangiti)

  • Mayward
  • Lost Souls
  • Maymay
  • Edward

  • Comments

    YOU MAY ALSO LIKE

    Pink Letters

    Hanggang kailan ka magiging masaya para sa taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya? Kakayanin pa ba? Kahit ang sakit-sakit na?

    Image Description
    KyLiiemichy | 16 January 2018