Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Lost Souls

Image Description LilMisSkrengge   |   05 January 2018


What will you do if you only have 24 days left? A story of two souls searching for answers. Will you take the chance or will you let chance take you?

CHAPTER 17 - DAY 9

THEN WE HEAR A HAPPY LOVE SONG. Tatawid ito sa mga susunod na eksena.

20.     SERIES OF MONTAGE (puro video clips lang with background music, no dialogue)

   A.  INT. EDWARD'S HOUSE - BEDROOM / KITCHEN / ENTERTAINMENT ROOM

Dahil vacation mode si Edward, may naisip na gawin si Maymay

Dahil vacation mode si Edward, may naisip na gawin si Maymay. Sa bahay lang sila, gigisingin ni Maymay si Edward. Magkukulitan sila. Sasabayan ni Maymay si Edward sa lahat ng gagawin nya except sa pagligo...syempre. Pag magtotoothbrush, pareho silang nakaharap sa salamin at kunwaring magtotoothbrush din si Maymay, si Maymay ang pipili ng susuotin ni Edward, manonood sila ng movies, mag pipillow fight, magtatry magbake. Maririnig ng mommy ni Edward sa kwarto nito na masaya ang anak. Mapapangiti.

***

CHAPTER 18 - DAY 10

B. PARK MONTAGE

They will try to eat streetfoods, dirty ice cream, cotton candy, and fishball

They will try to eat streetfoods, dirty ice cream, cotton candy, and fishball. Tatambay sa park. Magvivideoke. They will enjoy each other's company. Kulitan at tawanan.

***

CHAPTER 19 - DAY 11-13

C. BEACH MONTAGE

Pupunta sila sa beach, maguunwind

Pupunta sila sa beach, maguunwind. Kasama ang family ni Edward. Magsusurf ang dalawa, magsuswimming at maghahabulan sa beach. It's as if they are the only person in the island. Sobrang saya nila.

***

CHAPTER 20 - DAY 14-17

   D. ADVENTURE MONTAGE

Magpaparagliding sila, sasakay sa hot air balloon, sasakay sa ultralight plane, magzizipline, tree drop, silver surfer, maghahike konti, pupunta sa sunken cemetery at kung ano-ano pa

Magpaparagliding sila, sasakay sa hot air balloon, sasakay sa ultralight plane, magzizipline, tree drop, silver surfer, maghahike konti, pupunta sa sunken cemetery at kung ano-ano pa. The two are just enjoying the moment. It's as if buhay si Maymay.

   ***

CHAPTER 21 - DAY 18

   E. AMUSEMENT PARK MONTAGE

Magrarides sila, maglalaro ng games, mananalo si Edward ng mug at ipapakita ito kay Maymay, tuwang tuwa

Magrarides sila, maglalaro ng games, mananalo si Edward ng mug at ipapakita ito kay Maymay, tuwang tuwa. Halos nakalimutan na ni Maymay na may hinahanap sya at nagenjoy na lang sya kasama si Edward. Nagenjoy na lang sila kasama ang isa't isa.

***

CHAPTER 22 - DAY 18 NIGHT

F. AMUSEMENT PARK - FIREWORKS DISPLAY

Sobrang nagenjoy ang dalawa and to end their night, they will watch the fireworks display, nakatingin lang sa langit si Maymay habang pinapanood ang fireworks.

MAYMAY: Sobraaaang gandaaaa. (amazed)

EDWARD: (nakatingin din sa fireworks tapos titingin kay Maymay) Sobrang ganda nga...

MAYMAY: (titingin din kay Edward, magkakatinginan sila)

EDWARD: Please stay... (with nangungusap na mata)

MAYMAY: (magugulat si Maymay sa sinabi ni Edward at hindi ito makakapagsalita)

EDWARD: Wag ka ng umalis... Dito ka na lang...

MAYMAY: Alam mo namang hindi pwede diba? Alam mong kailangan kong umalis. Kahit naman magstay ako, hindi pa din pwede. Alam mo naman na may hangganan ang lahat (may papatak na luha pero pupunasan kaagad) Ayaw mo nun, aalis na ako? Wala ng mangungulit sayo. Ilang araw nalang, tapos na ang mission ko dito.

EDWARD: Yun na nga eh, kaya susulitin ko na ang natitirang araw na yun. Kung pwede ko lang pabagalin ang araw gagawin ko. Kung pwede lang na hindi na matapos ito. Hindi ko akalain na magiging ganito ako kasaya, kahit na magmukha akong baliw sa paningin ng ibang tao. Salamat May. (smiling)

Biglang tutunog ang cellphone ng katabi nila...

RINGING (I WANT YOU TO STAY, NEVER GO AWAY FROM ME. STAY FOREVER...)

EDWARD: Seriously???

Magkakatinginan sina Maymay at Edward, matatawa, hihilig si Maymay sa balikat ni Edward at manonood na ulit ng fireworks.

CUT TO:

***

CHAPTER 23 - DAY 19

21.  INT. EDWARD'S BEDROOM - MIDNIGHT

Establishing a shot from inside the room, lights off, with a ray of light from the balcony, Maymay nasa may balcony, tinitingnan ang langit.

MAYMAY (VO): Ang ganda ng langit at mga bituin. (hihinga ng malalim) Ang sarap palang mabuhay... kaso marerealize mo lang ang isang bagay pag nawala na yun sayo. Kung alam ko lang na mawawala ako agad sana ginawa ko na lahat ng gusto kong gawin nung nabubuhay pa ko. Tama yung sinasabi nila, "You Only Live Once" kaya mahalin ang buhay kasi hindi mo alam kung bukas gigising ka pa... Haaay, limang araw nalang...

Habang nagmomoment si Maymay ay maririnig nito si Edward na umuungol. Pupuntahan nya ito kaagad, makikita na balisa, gesture of having a nightmare.

MAYMAY: Edward! Gising! Uyyyyy! Halaa... Uyyyyy! Gising!

Pero wala syang magawa at di nya magigising si Edward. Mapapadaan ang Mommy ni Edward sa tapat ng room nito at maririnig ang pag-ungol ni Edward. Kakatok sa pinto pero di sasagot si Edward kaya papasukin na nya ang kwarto. Makikita nya itong nananaginip. Nakatayo lang si Maymay sa gilid ng kama, nag-aalala.

MOMMY: (bubuksan ang beside lamp) Edward anak (tatapikin) Gising, nananiginip ka. Edward.

Magigising na si Edward, pawisan, humahangos ang hininga, bigla itong mapapaupo at makikita ang mommy nya.

EDWARD: Yung babae ma, nagpakita ulit sya sa panaginip ko. May sing-sing! May aksidente! May aksidente ma! (nagmamadali sa pagkukwento)

MOMMY: (hahawakan ang pisgi ni Edward) Panaginip lang yun anak, relax.

EDWARD: Pero ma, feeling ko hindi lang to basta panaginip. Parang totoo, parang totoo syang nangyari.

MOMMY: Tama na anak, panaginip lang yun. Walang ibig sabihin yun, okay? (papahigain na ulit nya si Edward at kukumutan, papatayin na ang beside lamp) Panaginip lang yun. (tatayo na palabas ng kwarto pero lilingunin ulit ang anak)

Mag-iisip pa din si Edward sa nangyari pero makakatulog na din. Babantayan lang ito ni Maymay. Fade to black.

CUT TO:

***

CHAPTER 24 - DAY 19 - DAY

Sun will rise, magriring ang alarm clock. New sunny day. Still in Edward's bedroom, puyat si Edward.

MAYMAY: Magandang umaga! Kasing ganda ko kaya bumangon ka na dyan!!! (full of energy voice) Gising na...babangon na yan...(malambing na boses)

EDWARD: Inaantok pa ko May! (pipiliting mumulat) 5 minutes! (tutulog ulit)

MAYMAY: Nope! Kailangan mo ng bumangon kasi may pupuntahan tayo.

EDWARD: (naghihilik na ulit at tulo laway)

MAYMAY: (maririnig ito ni Maymay at pagmamasdan si Edward) Haaay, sino ba namang makakatanggi sa ganang itsura? Parang anghel! (heart eyes kaso makikita nya yung pagtulo ng laway ni Edward) Tulo laway nga lang (biglang magiiba facial expression, parang nadismaya na nandiri). Sige na nga 5 minutes lang naman.

5 minutes after!

MAYMAY: 5 minutes is over! Bangon na! Bangon na!

EDWARD: Eto na... (pupungas pungas pa pero pipilitin ng gumising)

MAYMAY: Punasan mo muna yang laway mo, kadiri!!!

EDWARD: Wala ah (mapapamulat at hahawakan ang pisngi malapit sa labi sabay punas).

MAYMAY: Anong wala? Ayan oh, may natuyo pa, gwapo ka nga tulo laway naman! (mang-aasar)

EDWARD: Yabang nito, bakit ikaw hindi??? Di pwedeng pagod lang? at masarap ang tulog? Kala mo sya di gumagawa ng mapa, makapagsalita to (umagang kulitan at asaran)

MAYMAY: Oh sya sya, gumayak ka na at may pupuntahan tayo. Bilis!

EDWARD: Saan? Ay, May, yung kagabi nga pala, yung sa fireworks display, to...(Maymay interrupts)

MAYMAY: Basta...malalaman mo din! Baka pwede na natin ulit ituloy yung paghahanap kay Bobby kasi narealize ko 5 days nalang pala ang natitira sa akin eh. Kailangan ko na syang mahanap. Nararamdaman ko na malapit na ulit kaming magkita. Feeling ko, abot kamay ko na sya... (gesture na malapit na nyang makuha ang isang bagay) Ay, ano nga palang sinasabi mo?

EDWARD: Ahhh, yun... wala... (di na nya itutuloy ang sasabihin nya after nyang marinig ang mga sinabi ni Maymay). Sige... maliligo lang ako (sabay tungo, mukhang nasad kasi after all si Bobby pa rin tapos 5 days na lang). Haaay, si Bobby pa rin (pabulong)

CUT TO:

***

CHAPTER 25 - DAY 19

22.  EXT. CHURCH

Sunny Day. Pupunta sila sa church kung saan gustong magpakasal nina Maymay at Bobby. Maganda ang landscape, chapel lang sya actually, located ito sa Tagaytay.    

MAYMAY: Tadaaaaa! We're here! Ang ganda dito diba??? (excited)

MAYMAY: Tadaaaaa! We're here! Ang ganda dito diba??? (excited)

EDWARD: This place looks familiar (lilibutin ng tingin ang paligid), parang nakita ko na ang lugar na to. Parang galing nako dito. Weird! (weird face reaction) Anyway, anong palang ginagawa natin dito? The place is nice though. (Wala pa din masyado energy kasi sad pa din sya tapos medyo bothered pa sa dream nya)

MAYMAY: Dito! (pointing to the chapel) Dito sa chapel na to namin gustong magpapakasal ni Bobby. Dito sana magaganap ang dream wedding namin. Naisip ko baka makita ko sya dito kasi may retreat house din dito, malay mo nagsosoul searching sya. Ang ganda ganda diba? (happy face) Sayang lang... di na yun mangyayari (sad face).

EDWARD: Oo, maganda. Tahimik. Maganda ang paligid. Okay dito.

MAYMAY: Lika pasok tayo, since first time mo pumunta dito magwish ka! Sabi kasi nila kapag first time mong narating ang isang simbahan pag nagwish ka matutupad. Dali! (mauuna ng tumakbo sa may pinto at sesenyasan si Edward na pumunta na din with a happy face)

EDWARD: Di naman totoo yun (mapapabulong at lalakad na din papunta kay Maymay papasok sa chapel)

Makikita ni Edward na nagpapractice si Maymay maglakad sa isle papunta sa altar na parang ikakasal. Pagmamasdan lang nya ito, uupo na sya, lilingon sa kanya si Maymay at ngingiti kaya ngingiiti din ito kahit pilit. Luluhod na para magdasal. Magwiwish pa din sya. After nyang magdasal, lalabas na sila ng chapel.

MAYMAY: Anong winish mo? (mangungulit)

EDWARD: Nagdasal lang ako! (sungit mode)

MAYMAY: Hindi ka nagwish? Bakit? Lika balik tayo, magwish ka, dali!

EDWARD: Tsk! Nagdasal na ako, okay na yun! Di naman totoo yang mga wish wish na yan!

MAYMAY: (inayos ni Maymay ang buhok nya at nagpaganda) Psst! Edward! Maganda na ba ko? (sabay ikot) Tingin mo pag nakita ako ni Bobby ngayon, maiinlove kaya sya ulit sa akin? (nakasmile)

EDWARD: Hmmm, siguro.

MAYMAY: Teka nga, may problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang di ka masaya eh tapos ang sungit-sungit mo pa. (nagseryoso na)

EDWARD: Wala, puyat lang siguro ako! Ano may pupuntahan pa ba tayo? (sabay lakad palayo)

MAYMAY: (pupunta sa harapan ni Edward) Anong wala? Eh hindi ka naman ganyan, ano bang problema? Ha?

EDWARD: Ikaw! Ikaw ang problema! (galit. frustrated)

MAYMAY: Bakit ako? (confused) Ano bang nagawa ko sayo? Ilang araw na lang Edward, ngayon ka pa ba magkakaganan? (magkakasagutan na)

EDWARD: Yun na nga eh, ilang araw na lang. Ilang araw na lang pwede mo ng mahanap si Bobby. Ilang araw na lang aalis ka na. Ilang araw na lang magbabago na ang buhay ko kasi mawawala ka na. Natatakot ako na baka bukas paggising ko wala ka na, kasi nahanap mo na sya. Tinatanong mo ako kung ano ang winish ko diba? Hiniling ko na sana, wag ka ng umalis. Na sana wag mo ng mahanap si Bobby. Na sana dito ka nalang. Na sana wala ng katapusan to. Na habang pinapanood kitang naglalakad papunta sa altar, sana ako yung naghihintay sayo sa dulo. Sana pwedeng magkaron ng tayo. Ito ang gusto mong marinig diba? Oo yan ang winish ko! Ngayon, sabihin mo sa akin, yan ba yung klase ng wish na pwedeng magkatotoo? (sabay tulo ng luha, dadaanan si Maymay at maglalakad palayo )

Matitigilan si Maymay sa mga narinig, mapapaiyak.

DISSOLVE TO:

***

CHAPTER 26 - DAY 20

23.  INT. EDWARD'S BEDROOM

Umaga na ulit. Shot from inside the room, ipapakita na may nightmare na naman si Edward. Biglang bangon. Zoom in.

EDWARD: CHICKY! (humahangos sa paghinga) Maymay, kilala ko na sya! Chicky, Chicky ang pangalan ng babae sa panaginip ko. (excited magkwento pero mapapansin na wala si Maymay) May? (lilingunin ang paligid)

Hahanapin ni Edward si Maymay sa room pero di nya eto makikita. Pero dahil focus si Edward sa panaginip nya hindi na rin nya masyadong mapapansin na wala si Maymay. Mabubuhos ang attention nya sa paghahanap ng mga bagay at info tungkol kay Chicky buong araw. Magtatawag sya sa mga kaibigan nya, ipapakita na tinatawagan nya si MARCO, yung bestfriend nya na nasa Italy pero wala syang makukuhang information dito. Magsesearch sya sa internet, social media, titignan ang mga papel nya sa bahay kasi pakiramdam nya may kinalaman si Chicky sa pagkatao nya. (Scenes only no dialogue)

CUT TO:

***

CHAPTER 27 - DAY 21

24.  INT. EDWARD'S OFFICE

Dahil masama pa ang loob ni Maymay kay Edward, pupuntahan nya si Yong sa office.

MAYMAY: Yong, pwede bang dito muna ako? (sad)

YONG: Oo naman, yor always welcome here. Just sit back and relax. Okay?

MAYMAY: (mapapangiti) May pasit back, sit back and relax ka nang nalalaman ngayon ah. (matatawa konti)

YONG: Bakit pala di mo kasama si Boss? LQ kayo? Hihi.

MAYMAY: LQ ka dyan! Wala, gusto ko lang munang lumayo sa kanya.

Magriring ang phone...

YONG: Hello, Mabuhay! Mr. Edward's Psychic Office. This is Yong, how may I help you?

EDWARD (voice on screen): Abaaaa, improving ka Yong ah. Gumagaling ka na sa pag-ienglish. Kelan pa yan?

YONG: Boss? Is ta chu?

EDWARD (voice on screen): Oo ako toh, andyan ba si Maymay? Maghapon ko na syang di nakikita dito sa bahay eh.

YONG: Si Maymay? (bubulungan ni Maymay si Yong na wag sabihin na andun sya) Ahhh, she's not here Boss. Maybe somewhere else.

EDWARD (voice on screen): Ahhh, ganun ba? Pag dumaan naman sya dyan, sabihin mo umuwi na sya dito. Ay, sya nga pala. May isa pa sana akong tanong, may kilala ka bang Chicky?

YONG: Chicky??? Boss?

EDWARD: Oo, sya kasi yung babae sa dream ko. Feeling ko kasi related sya sa akin eh. Ano? May kilala ka?

YONG: Ahmmmm (mukhang balisa) Chicky...Ahmmm, ay naku Boss, talk to you later. May dumating lang na client. Sige Boss ah, bye! (call ended)

MAYMAY: (sumilip sa may pinto) Wala namang client ah. Ayyyy, Yong! May tinatago ka... Ano yun? Kilala mo si Chicky noh? Bakit di mo sinabi kay Edward ang totoo?

YONG: (in denial face) Hindi ah... Di ko sya kilala. Sige na, may gagawin pa ko. (maglalakad palayo kay Maymay)

MAYMAY: (susundan si Yong) Umamin ka... Sino si Chicky?

YONG: Wala nga... di ko sya kilala. Saka sabi ni Boss umuwi ka na daw.

MAYMAY: Okay sige, uuwi na ako. At sasabihin ko na nagsinungaling ka sa kanya. Wala naman talagang client oh. Bye Yong! (kunwaring aalis)

YONG: Naaaaah, na pa-tay na! Sige na. Kilala ko si Chicky!

MAYMAY: Sino ba si Chicky sa buhay ni Edward? Bakit di mo sinabi sa kanya ang totoo?

YONG: Ganito kasi yun. Girlfriend ni Boss si Ma'am Chicky. Hindi ko pa talaga sya nakikita kasi ayaw nun na nagpupunta dito sa office ni Boss. Natatakot daw kasi sya, kaya sa picture ko lang sya nakikita. Nakilala ko sya kasi palageng bukambibig ni Boss yung "Chicky" kapag magkausap sila ni Boss sa selpon. Matagal na sila, mahal na mahal nila ang isa't isa. Parang perfect couple nga eh. Kaya lang, nung araw na magpopropose na si Boss kay Ma'am Chicky, naaksidente sila, yun din ang dahilan kung bakit halos isang buwan na nawala si Boss dito. Hindi nakaligtas sa aksidente si Ma'am Chicky, at nagkaamnesia naman si Boss. Sabi ng Mommy ni Boss, dissociative amnesia daw, hindi kasi matanggap ni Boss ang nangyari, kaya pinilit nyang burahin sa ala-ala nya yung mga nangyari at kasama dun ang ala-ala nya kay Ma'am Chicky. Lahat ng tungkol sa kanya. Sinabihan ako ng Mommy ni Boss na mas mabuti ng walang alam si Boss about kay Ma'am Chicky para hindi na ito masaktan. Kaya lang parang unti-unti na ulit bumabalik ang ala-ala nya. Kapag mahal mo nga naman ang isang tao, magkaamnesia man ang utak mo, makakaalala pa rin ang puso mo. Haaay, nakakalungkot talaga ang nangyari sa kanila, yung akala mong happy ending na, hindi pa pala. Walang Forever!!! Kaya ako, I live my life to the fullest! YOLO lang kaya! (maririnig ni Yong na sumisinghot si Maymay, umiiyak) Uyyy, okay ka lang? Umiiyak ka ba?

Zoom out, magpapatuloy ang usapan nila Yong at Maymay...

CUT TO:

***

CHAPTER 28 - DAY 22

25.  EXT. CEMETERY

Pupuntahan ni Maymay ang puntod nya, kakausapin ang sarili.

MAYMAY: Dalawang araw na lang May, tapos na ang mission mo dito. Dalawang araw na lang, tuluyan mo ng lilisanin ang mundong ito. Haaay, (titingin sa paligid) Mamimiss ko ang lahat ng toh. Pwede bang wag ng umalis? Akala ko magiging madali lang ang lahat, hahanapin ko lang si Bobby, magpapaalam sa kanya tapos okay na. Akala ko okay na, akala ko tanggap ko na ang nangyari. Hindi pa rin pala. Ang sakit pa ring isipin na hanggang dito ka na lang talaga. Na walang permanente dito sa mundo. Lahat may ending. Nagkataon lang napaaga ang ending mo. Kaya eto, nakaharap ka ngayon sa puntod mo para iparealize sayo na tapos na ang kwento ng buhay mo. Pero sabi nga nila, "Every story has an end, but in life, every ending is a new beginning". I may not be here 2 days from now, but I know, a life will change after that.

Zoom out arial shot, ipapakita na uupo si Maymay at hahawakan ang puntod nya.

CUT TO:

***

CHAPTER 29 - DAY 22 NIGHT

26.  INT. EDWARD'S BEDROOM - BALCONY

Shot fronting Edward's balcony, nakatayo dun si Edward at nagmumuni-muni. Nilalasap ang simoy ng hangin, ineenjoy ang ganda ng gabi. Dadating si Maymay at tatabihan nya si Edward.

MAYMAY: Ang ganda ng gabi noh? Ang ganda ng mga bituin sa langit. Pag natapos na ang mission ko dito, magiging isa na ako sa mga bituin na yan. Kaya kapag tumingin ka sa langit at may nakita kang kikindat kindat na star. Ako yun! (matatawa tapos titingin kay Edward) Sorry nga pala ah.

EDWARD: Sorry for what? Ako nga ang dapat magsorry sayo eh. Pasensya ka na kasi naging selfish ako. Sarili ko lang ang inisip ko. Kaya para makabawi ako sayo, bukas na bukas, hahanapin ulit natin si Bobby. Feeling ko makikita na rin natin sya eh. (smiles)

MAYMAY: Okay na yun. Hanggang dito na lang din talaga ako eh. Kamusta ka na nga pala?

EDWARD: Eto okay naman, paminsan-minsan sumasakit pa rin ang ulo. Oh, before I forgot... Remember the girl in my dream? Kilala ko na sya, blurred pa rin yung mukha nya pero she has a name. Chicky! Chicky ang pangalan nya. I was holding a ring, parang magpopropose, then an accident happened, the next thing I knew we were already in the hospital, I was looking at Chicky fighting for her life while I was fighting for mine. There's blood all over. Ang weird lang kasi it feels so real. Parang totoo! Parang nangyari talaga sya. (kukunot ang noo habang nagkukwento, sasakit na naman ang ulo) Ahhh...

MAYMAY: Oh, okay ka lang? Masyado ka kasing nag-iisip eh. Magpahinga ka na, gabi na rin eh.

Sasamahan si Edward papunta sa kama. Makakatulog na si Edward. Habang natutulog, pagmamasdan ito ni Maymay.

MAYMAY (VO): Hayaan mo, tutulungan kitang buuin ang panaginip mo kasabay ng muli naming pagkikita ni Bobby. Malapit na. Konti na lang.

DISSOLVE TO:

***

CHAPTER 30 - Day 23

27.  INT. EDWARD'S BEDROOM

Another sunny day, maganda ang aura ng paligid. Nakahiga pa si Edward, in his usual sleeping outfit.

MAYMAY: Good Morning! Good Morning! Good Morning! Rise up and shine! Woot! Woot!

EDWARD: Ang aga-aga pa May! (tatakpan ng unan ang tenga nya)

MAYMAY: Gising na! This is the day! C'mon, c'mon. Wake up!!! (hyper na hyper)

EDWARD: Fine! Fine! (mumulat pero di nya makikita si Maymay)

MAYMAY: Yan, good boy! Oh, bangon na at maligo! Ready na rin ang breakfast sa baba. Chop chop!

EDWARD: Asan ka? Bakit di kita makita?

MAYMAY: Ha? Andito sa harapan mo. (marerealize ni Maymay na malapit na talaga kasi di na sya makita) Ahhh, malapit na kasing matapos ang mission ko at malapit ko na ring makita si Bobby. Kaya eto naririnig mo na lang ako.

EDWARD: Ahhh, ganun ba? (masasad konti)

MAYMAY: Oh, bakit nageemote ka na naman dyan. Bawal maglungkot-lungkutan noh? Nafefeel ko na this is it na talaga. Mahahanap ko na si Bobby, at feeling ko din, malalaman mo na kung sino si Chicky. Kaya ano ready ka na ba?

EDWARD: Haaay, ayan ka naman sa mga feeling mo. Sinabi mo na rin yan sa akin 22 days ago pero hanggang ngayon di pa rin natin nahahanap si Bobby.

MAYMAY: Iba to!!! Kaya sige na. Go! Maligo ka na. Bababa na ako, dun na kita hihintayin, okay? Pumasok ka na sa CR, mukhang naiihi ka na oh. Hihi! (titingin sa alam nyo na)

EDWARD: (titignan ang down under at magegets na ang sinasabi ni Maymay, mapapangiti)

CUT TO:

***

CHAPTER 31 - DAY 23

28.  EXT. CEMETERY PARKING

Dahil bukas na ang ika-40th day ni Maymay (ng pagkawala nya) at last day na rin nya dito sa mundo magpapasama sya kay Edward para puntahan ang puntod nito. On their way to her puntod ay may makakasalubong silang 3 magkakaibigan at isa doon ay bestfriend ni Chicky. Gay po si BESTFRIEND. Magpapaalam si BESTFRIEND sa 2 nyang kasama na pupunthan nya si Edward kasi nagulat sya ng makita nya ito, mauuna na sa paglalakad ang 2 nyang kasama papunta sa sasakyan.

BESTFRIEND: Uyyy, Edward (sabay hug). Anong ginagawa mo dito?

Edward is so confused kasi di nya kilala kung sino ba ang yumakap at kumakausap sa kanya. Nakatayo lang si Maymay sa tabi ni Edward, sasabihin sana na umalis na sila pero sa bilis ng pangyayari di na rin ito nakapagsalita.

EDWARD: Ha? Uhm... (Bestfriend interrupts)

BESTFRIEND: Buti naman at nakayanan mo ng puntahan sya. Miss na miss ko na rin sya. Miss na miss ko na rin si Chicky. (biglang tatawagin na sya ng friends nya) Sige, I have to go na ah. I'm glad to see you here. I'm glad you're back Bobby. (naglakad na sya papunta sa friends nya)

Magugulat si Edward sa narinig nya.

EDWARD: Wait!!! What??? Bobby?? Hindi ako si Bobby and paano mo nakilala si Chicky? Sandali! (sisigaw) Anong sinasabi nyang "You're back Bobby?" (talking to self, maguguluhan na sa nangyari)

MAYMAY: Edward, halika ka na! Umalis na tayo. (concerned, caught off guard, di na rin nya alam ang gagawin)

EDWARD: No May! Bakit nya ko tinawag na Bobby? Bakit nya kilala si Chicky? (balisa na, confused tapos biglang sasakit ang ulo, pipiliting alalahanin lahat, magkakaron ng flashback of memories) Chicky! Chicky at Bobby ang tawagan namin. Tapos yung Café, dun kami unang nagkita, kaya ba dinala mo ko dun? Lahat ng pinuntahan natin, yung ang mga lugar na pinupuntahan namin ni Chicky noon. Hindi ko maintindihan... Ahhhh... (titindi ang sakit pero mas magiging malinaw na ang lahat, titingin kay Maymay) Ikaw... Ikaw si...Ahhhh (black out)

Kasabay ng pagsakit ng ulo ni Edward ang pagbalik ng kanyang ala-ala. Simula nung una nyang nakilala si Chicky, yung masasayang memories nila, yung araw na magpopropose sya, yung aksidente, yung nangyari sa hospital, yung moment na nalaman nyang wala ng si Chicky... lahat ng pinilit nyang kalimutan, babalik na. Di na nya kakayanin ang sakit ng ulo. Mawawalan ng malay.

BLACK OUT. CUT TO:

***

CHAPTER 32 - DAY 24

29.  INT. HOSPITAL ROOM

Shot sa loob ng hospital room, nakahiga si Edward, tulog. Si Maymay nasa tabi ni Edward. Nasa loob din ng room ang mommy ni Edward.

MAYMAY / CHICKY: (pinagmamasdan si Edward habang hinahaplos ang ulo nito, umiiyak) Nahanap na rin kita... You're finally back, Bobby. Your memories are back (ngingiti but crying). I was given 2 choices: ang patuloy na samahan ka dito sa mundong ito at habang-buhay na maging ligaw na kaluluwa pero wala ang ala-ala mo, ang ala-ala mo tungkol sa akin, sa atin o ang ibalik ang ala-ala mo pero tuluyan ng mawawala sa buhay mo. Mas pinili ko yung huli, kasi kahit piliin ko naman yung una, talo pa rin. Wala ka na ngang ala-ala tungkol sa akin, wala pa ring pwedeng tawaging tayo kasi kahit pagbalik-baliktarin man natin ang mundo. Tao ka at kaluluwa na ako. I just wish we had more time. I just wish I can stay here with you forever, but I can't; at least I know your memories of me will.  So I guess, this is the end. 24 days may not be enough, but those are the best 24 days of my after life with you. It's time for me to go now. I will always be your manok (Chicky), and you will always be my baboy (Bobby). I love you. Always. Even on the other side.

Hahalikan ni Maymay ang noo ni Edward. Titingin kay Mommy. Umiiyak pa rin pero ngingiti. Umiiyak din si Mommy. Tatango ito kay Maymay, ngingiti.

MOMMY: Thank you.

All this time, alam ng Mommy ni Edward ang lahat ng nangyayari. (flashback of scenes kung saan nagkaron ng moments si Mommy at Maymay tulad nung nasa sala si Mommy at umiinom ng kape bago magpaalam si Edward papunta sa café, sa Dining area nung nagbreakfast sila together, sa movie house, sa may hagdan nung sumakit ang ulo ni Edward, sa lahat ng pinuntahan nila nung bakasyon nya at sa room ni Edward nung nanaginip ito). Titingnan ulit ni Maymay si Edward sa huling pagkakataon.  Magigising na si Edward. Wala na si Maymay.

EDWARD / BOBBY: CHICKY! (sisigaw. biglang bangon)

Makikita ni Edward ang mommy nya sa dulo ng bed nya umiiyak tapos mapapansin ni Edward na may white rose sa tabi nya at stuffed toys ng manok at baboy na may nakalagay na "Chicky and Bobby". Kukunin nya ito.    

EDWARD / BOBBY: Ma???? (eyes full of questions

EDWARD / BOBBY: Ma???? (eyes full of questions. Hawak-hawak ang stuffed toys. crying)

MOMMY: Wala na sya anak. Wala na sya. (Yayakapin nito ng mahigpit si Edward. Magiiyakan)

Zoom out, enter sad song (WAG KA NG UMIYAK...Kung wala ka ng maintindihan...) Fade to black.

CUT TO:

***

CHAPTER 33 - ONE MONTH AFTER

30.  INT. CAFÉ - NIGHT

Enter from black. With EDWARD's voice over. Then slowly establishing a shot from inside of the café, looking at all the people inside having their own businesses then will focus on Edward reading a book. Edward is sitting on the same spot where he and Maymay met, near the glass with an empty chair in front of him. Background music on (SOMEWHERE DOWN THE ROAD - subdued)

EDWARD: Her lost made me forget everything. I tried to live a new life away from all the pain that this tragedy had caused me. But sometimes, the universe will just play its game and will bring you back to someone you never thought you'll meet again. You've created new memories together, enjoyed each other's company, lived in a world like there's no tomorrow and hoped that everything will never end. But fate, as playful as it is, will slap you hard bringing back all the memories you once tried to forget. And then you'll realized, you just fell in love with the same person...over again. In 24 days, my life has changed. In 24 days, I've known someone I thought I already knew. In that 24 days, every single day counts. Yes, we've taken the chances but somehow we let those chances take us too. Two lost souls found their way back to each other.

It may be of a different story, but the characters are the same.

It may have started differently but the ending never changed.

You've loved......and you've lost.

Background music will build up (SOMEWHERE THE DOWN THE ROAD - ...and if they're calling you away I have no right to make you stay...song continues). Edward closed his book. Looked at the empty chair in front of him, took a deep breath. Then looked at the stars. One star will twinkle brightly than the rest. Fade to black. Music still running.


THE END.


Will show credits. Background music still running.


AFTER CREDITS

31.  INT. CAFÉ - AFTERNOON AFTER WORK

Enter from black. Shot from inside the cafe, full of customers, camera will focus on a guy reading his book. A voice of a girl will be heard asking if the seat is vacant, the guy will glance but the girl dropped some papers on the floor, she will pick it up, the guy will only see her hair, closed his book, placed it on the table, will stand up and go to the restroom. After picking up all the papers, the girl will see the guy walking towards the restroom. She will assume that the seat is vacant. Will sit on the vacant chair. Accidentally spills her coffee on the guy’s book.

GIRL: Halaaaaaaaaaaa! (will wipe the spilled coffee while the guy's not around trying to hide her mess, camera will focus on the girl's hand while wiping the spilled coffee)

Camera will shift to the guy's shoes. The girl will notice that the guy already saw what happened.

GIRL: Sooorrrrrry. Papalitan ko nalang yung book mo. Pasenya na talaga uy. (camera will focused on the book spilled with coffee)

GUY: (clear's his throat) STOP. It’s okay. I’m used to it (The girl will slowly crumple the tissue she's holding, bow down her head. the guy will offer his hand to the girl, camera will then focus on the guy's hand) By the way, I'm Edward (camera will slowly shift from Edward's hand to Edward's face - smiling).

The girl will stand up reach for Edward’s hand (camera will focus on their hands), slowly answers...

GIRL: MARYDALE.


Then the camera will focus on MARYDALE's face - smiling. Slowly Fade to black.


Title will appear. Centered.

LOST SOULS



Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Pink Letters

Hanggang kailan ka magiging masaya para sa taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya? Kakayanin pa ba? Kahit ang sakit-sakit na?

Image Description
KyLiiemichy | 16 January 2018