Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Future

Image Description MOR 101.9 For Life   |   23 January 2018


Tama ba yung ginawa ko? Tama bang nakipaghiwalay ako?

Dear DJ Chacha,

I'm Cassy from Batangas, 22 years old and working. May ex ako, he is 29 years old.

Nagkipaghiwalay ako sa kanya last August 26 lang. Actually, second time na ito ng aming break up. Naging kami February 2014. Nagkabalikan kami July 2016 hanggang sa nag-break na kami nito lang. Unang hiwalayan namin kalandian ang dahilan, ang dami niyang ka-chat. Then months passed, bago kami magkabalikan. Tine-text ko na siya nun na para bang nagpaparamdam na balikan niya ulit ako. Kasi na-missed ko din naman siya. Nagre-reply siya sa mga messages ko. Sabi ko, babalik pa to.

Nalaman ko  lang na may girlfriend na pala siya. Di niya sinasabi. At two months na kaming M.U noon. Ang gulo na. Dumating ako sa point na sinasabi ko na yung lines ni Basha, "Ako na lang." Gusto ko kasing bumawi noon sa pagkukulang ko sa kanya para mapakita na "I can be the woman he wanted me to be." Hanggang sa nabawi ko at naging kami ulit. Guilty at some point pero naging okay kami. Naging masaya kami. Nakabawi ako sa kanya. Five months before ng second break up namin, nag-live in na kami. Pumayag na ako, sabi ko sige, pero pag hindi natin kaya expenses maghihiwalay tayo ulit.

Tumutulong ako sa parents ko din syempre. Alam ng family niya na live in kami, sa family ko hindi. Umupa kami ng isang kwarto.Naging masaya naman kami. Hanggang sa nawalan na siya ng work. Hinayaan ko na lang kasi nagkatrabaho naman siya agad. Hanggang sa naging pasulpot-sulpot na lang work niya. Minsan inaabot siya ng tamad maghanap ng work. Kaya pinu-push ko siya, sabi ko hanap lang ng hanap. Pero hindi pa rin at may mga times nauubos yung isang linggo niya na nasa bahay lang siya, laging naglalaro sa cellphone niya. Nagagalit ako syempre. Nauwi ako ng bahay na makalat at wala man lng siyang ginagawa na siyang ikinakagalit ko. Sinasabihan ko siya minsan na be responsible naman. Kasi minsan nagigipit na kami sa pera at ayoko sa lahat pagtalunan ang pera. Hanggang sa nag-decide na akong umalis sa inuupahan namin at sabi ko sa kanya umuwi na lang muna siya sa kanila.

Nagcha-chat kami pero wala na kami mapag-usapan. Ewan ko kung ito na ba yung "sawaan factor". Then days before break up nagkita kami. Sinusubukan kong ma-feel ulit yung dati pero parang wala na. Parehas kaming nagkakatamaran. In the end, nakipag-break ako kasi ayoko na. Mahal ko siya, oo. Pero para sa akin kasi, ganito ba ang lalaking makakasama ko for life? Never ko naman siyang pinaghanapan ng work na kasinglaki ng sweldo ko, I just want him to be responsible kung gusto niyang dumating kami sa point na magpamilya kami. Pero hindi siya nakinig. Hindi siya nagtiyaga na bigyan ng direksyon buhay niya. Siguro, nanawa na ako kakapaliwanag sa kanya na out there hindi lang love ang kailangan. I want him to be responsible for us, especially for him. Another reason is, may tinatago ako sa parents ko na sobrang bait sa akin. As of now, nagcha-chat pa rin siya. Mahal ko pa kaya napapa-reply ako minsan.

One of my friend ask me, "Bakit mo ba binalikan noon?" Baka lang daw kasi na-excite ako sa fact na makakabawi na ko sa pagkukulang na sinasabi ng ex-boyfriend ko noon. Hindi ko naman siya basta sinukuan na lang. Yung kalagayan niya tinulungan ko siya, pinilit ko ipaintindi sa kanya ang mga bagay-bagay. Hindi lang siya nakinig. Hindi ko nakitang may ginawa siya sa mga sinabi ko. Ningas-kugon lang siya. Hinahanda ko lang naman siya sa future, danas ko ang hirap ng buhay. Oo, magiging matatag ang relasyon niyo dahil ng pagmamahal niyo sa isa’t isa pero pag may binubuhay na kayong pamilya, iba na. Nagdududa lang ako ngayon kasi kung "Tama ba yung ginawa ko?" Tama bang nakipaghiwalay ako?


Ito ang heartbeats ko,

Cassy


Heartbeats with DJ Chacha is a multi-awarded program of MOR 101.9 For Life, ABS-CBN's FM Radio Station. Heartbeats airs on weeknights, 9PM to 12AM. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Homeless Maymay

They say Love comes in an Unexpected way Unexpected person Things get twisted until you find the right person whom you will share you dreams with. Lets find out how Mamay and Edward beat destiny

Image Description
MaywardMW
29 June 2018