Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Blessing or Lesson?

Image Description Beau Ang   |   05 February 2018


#WalaKayoSaExKo... Sa sobrang galing niyang pintor, pati mundo ko, kinulayan niya ng asul. I am always and forever blue.

#WalaKayoSaExKo… Sa sobrang galing niyang pintor, pati mundo ko, kinulayan niya ng asul. I am always and forever blue.

Sabi mo sa’kin “You can’t live without seeing me even for just a day…”

Bakit hanggang ngayon balita ko e buhay ka pa?! Bakit ba kasi naniwala ako sa lahat ng ipinangako mo? Bakit ba ginawa kong mundo ang dapat tao lang ang tingin ko? Bakit ba sa pagmulat ng mga mata ko sa umaga, ang mukha mo ang hinahanap ko? At tuwing gabi, sa bawat pagtulog ko, mga yakap at halik mo sa noo ko ang laging hiling ko? Bakit sa bawat pagtunog ng telepono ko, ang tawag at text messages mo ang inaabangan ko? Bakit sa lahat ng bagay na nasa paligid ko, ikaw ang naaalala ko? Bakit nga ba? Bakit nga ba minahal kitang animal ka? Bakit hanggang ngayon ay mahal pa rin kita?

Oh well, that was me few months ago.

Ako si Beau at ito ang aking kwent-eau.

--


Insert MSC: Barry Manilow – Somewhere Down the Road

Cue in “We had the right love at the wrong time…”


January 2009. Nagsimula ang lahat sa Photography Trip sa Corregidor.

Lunch time. Nakapila ang lahat ng mga estudyante para um-order ng makakain. Tirik na tirik ang araw kaya naman nagmamadali ang lahat na makabili ng ulam para na rin makakuha ng maganda-gandang pwesto na makakainan sa labas ng canteen. Yung tipong may view para maganda pa rin ang picture while eating.

Kwento niya sa akin noon, ako raw ay nasa harapan niya sa pila. Napansin niya ang batok ko. Maputi raw kasi. (Believe me, hilod is the key.) Short hair ako noon at may buntot. (Wag niyo na ko tanungin bakit may buntot, wala rin akong masasabing kasagutan.) Dagdag pa niya, ang ingay ko raw. Nag-aabot kasi ako ng pinggan sa mga kaklase ko para mapadali. Ugali ko yung unahin ang iba bago ang sarili kasi ganon ang nakalakhan ko. (Naks, huwaran.)

Nang humarap daw ako, ay tila baga namuti ang paligid niya at ako lang ang nakita. (Isipin niyo na lang ang kilig ko habang kinukwento niya ‘to sa akin years ago.) Totoo pala yung mga pinapakita sa mga pelikula ‘no? ‘Yung matutulala ka nalang, hihinto ang oras mo, mag-i-slow mo ang lahat, at wala kang makikita kundi siya lang? Ganon ang nangyari sa kanya noong una niya kong makita.


ANG GANDA KO LANG, ‘DI BA?! Sa sobrang ganda ko, hindi niya ko tinantanan hanggang makabalik na kami ng school.

After a week, may nag-add sa akin sa Multiply with a message that says, “Hi! Hindi mo ako kilala pero kilala kita. Magkasama tayo sa photo trip! Hehe. Ayun. See you sa school! Rock on!”

In-accept ko naman matapos kong i-check yung page niya. Sabi ko nga sa sarili ko, “Hala ang weirdo. Bat ganun wala siyang ibang profile photo?” Sabay logout.

Nagco-comment siya paminsan-minsan sa mga posts ko. Ang minsan, naging madalas. Hanggang sa ako na yung nag-aabang sa mga comments niya. Hanggang sa hinahanap-hanap ko na. Hanggang sa inisip ko ng bisitahin ang buong profile niya para mag-stalk ng ibang litrato niya. Malas, private albums. Wala akong napala.

Dumating ang Exhibit Day. Oras na para i-showcase ang mga magagandang litratong nakuhanan namin sa Corregidor. Bawat isang estudyante, isang entry. Graduating siya noon, ako naman ay 2nd year College. Hinanap ko siya noong magri-ribbon cutting session na. First time ko siya makikita if ever! Nagmessage kasi siya sa akin prior to the event day na lagi niya raw ako nakikita sa school. Sayang at hindi ko pa sya nakikilala sa personal.

Natapos na ang event pero hindi ko pa rin siya nakikita. May idea naman ako ng itsura niya na binase ko lang sa profile photo niya sa Multiply na kuha mula sa Photo Booth ng iMac na may Thermal Camera effect.

Obviously, ang hirap malaman ng itsura niya.

--

“Beau.” (Shit, ang ganda ng boses!) At napatingin ako sa aking likuran with pahangin effect na parang gorgeous model sabay hanap sa tumawag.

“Uy, ikaw si Wilson? Hello!” (In a very pinaghandaan at pinagpractice-an ng ilang beses tune.) ‘Yan ang mga katagang una kong nabanggit sa isang lalaking nagsimula bilang estranghero… at natapos rin bilang isang estranghero sa buhay ko.

Habang nagluluksa ang mundo noong 2013 para gunitain ang trahedya ng 9/11 attack, ang puso ko naman ang unti-unting nadurog nang makipaghiwalay sa akin si Wilson. Oo, ako ang iniwan. Ano nga ba ang mas masakit? Ang mang-iwan o ang maiwan? Hindi ko alam. Hindi ko na rin gustong malaman kasi ang bottomline pareho lang kayong nasaktan.

September 11, 2013. Iniwan mo na ako mahal ko. Akala ko pa naman nakangiti ang langit noong ginuhit niya ang daloy ng ating pagsinta. Akala ko ikaw at ako ay iisa.


--

Kung ike-kwento ko ang ahat ng mga nangyari, kung paano kami naging matalik na magkaibigan, kung paano lumaban, kung paano naghintayan, kung paano naging kami, kung paano naghiwalay, kung paano nagkabalikan, kung paano ko siya minahal, kung gaano ko siya kamahal… ay baka maiyak lang ako. Baka maiyak lang ulit ako. Baka manumbalik lang lahat ng saya, ligaya, sakit, lungkot, pangungulila, atbp. Baka masabi ko lang sa sarili ko na “Shit meron pa, may natitira pa. Mahal ko pa ata siya? Mahal ko pa. Siya lang at wala ng iba.” Baka lumutang nanaman ang mga pahamak na “What if” at “Could have been.” Tapos back to zero nanaman ako.

Some may say we look like a bad movie,

I’ll watch it anyway and be a cult fan.

Promote that motion picture in every way I can.

I’ll screen cap it frame by frame

While I hear you say the essence of our names.


Kapag naman kasi nagmahal ka, kahit wala nang “kayo”, meron pa ring matitira talaga sa puso at damdamin mo. Nagka-impact, nagmarka. Sa lahat ng bagay, sa kahit saang lugar, sa bawat pangyayari, it will always remind you of that person you used to love. Madalas mami-miss mo siya, madalas magbabalik-tanaw ka sa nakaraan, pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ka na mae-excite for what the future awaits you. Kaya nga nasa harapan ang mata ay para makita mo ang nasa harap mo at hindi ang nasa likuran ‘di ba?

Gusto ko nang makalimutan ka…

Pero hindi ko talaga magawa.

Dahil sa t’wing kinakalimutan kita,

Mas higit kitang naaalala.


Linyahan ko yan few months ago. Ang hirap naman kasi kalimutan nung tao kung ‘yung mismong mga kapamilya niya ang nagbibigay ng update sa’yo even without asking for it! Chaotic.

November 2017. Hatinggabi na. Antok na antok na ko, pero pilit ko pa ring minulat ang mata ko. Alam mo yung pakiramdam na may nag-uudyok sayo gawin ang isang bagay kahit ayaw mo na? Ganon ang ganap ko that night. Sabi ko sa sarili ko, last check ko na sa Facebook Home feed ko. Hanggang sa ang unang bumulagta sa akin ay ang upload ng Mama niya. Yaaay! Ang dami nilang pictures! Ang dami nilang pictures ng pamilya niya! Andun siya, pati na sina Tito at Tita, at ang bago niyang nobya!


Insert MSC: Jaya – Dahil Ba Sa Kanya

Cue in “Dahil nga ba sa kanya, nakalimutan mo aking sinta? Ang sabi mo noon hanggang wakas, tayong dalawa ang magsasama…”


Bakit kasi hindi na lang ako pumikit?! Bakit kasi pinilit ko pang idilat ang mga mata ko? Bakit nilabanan ko pa ang antok? Bakit imbes na makumpleto ko ang tamang oras ng pagtulog ay mas pinilit ko pang buksan ang telepono ko? Bakit ba lagi ko na lang ginagawa ang mali? Pero, bakit hindi?

Kung hindi ko binuksan, hindi ko malalaman na malaya na ako mula sa nakaraan. Ang dating mali, ngayon ay naging tama. Ang dating malabo, ngayon malinaw na.


September 11, 2013. Wala akong emosyon habang nagpapaliwanag siya. Lumuluha siya pero ako, nakikinig lang at pilit nilalabanan ang antok. Bakas sa mukha niya ang pagod -- pagod sa trabaho, pagod sa relasyon, pagod sa buhay. Matapos niyang lumuha, ay niyakap ko lang siya. Sinabihan ko lang siya ng “Mahal na mahal kita.” Sabay sinabing “Tama na, smile ka na. Hindi ako papayag sa desisyon mo ‘pag di ko nakita ngiti mo.”

At ‘yung ngiting ‘yon. Nakita ko ulit ang ngiting huli kong nakita noong 2013… matapos ang apat na taon. ‘Yung ngiting matagal kong inasam-asam makita para mapatunayan na masaya siya. Na kahit sa litrato lang, alam kong masaya siya. Na maligaya na siya. Dahil wala naman akong ibang hinangad kundi ang makitang maligaya siya.


Seeing you happy, makes me happy.
Even if the reason is no longer me.

#ParaKayEX


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
03 March 2018