Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




I was like errmahgah!

Image Description Beau Ang   |   17 January 2018


Blah blah black sheep, have you... ever loved and lost somebody?

“Nasaan ang moon?”

Sabay turo sa langit ng Promil kid.

“Ayun! Ang galing naman ng baby ko.”

Proud na proud naman ang lola na tila baga e nakadiskubre ng planeta sa saya.

“Nasaan naman ang star?”

Tumuro ulit sa langit ang Promil kid. At infairness naman sa bata, isang taon pa lang pero mahusay na. Naituturo kahit anong tanungin ng lola.

Malamang napapaisip ka ngayon kung Promil ba talaga, o Bonakid, o pwede ring Lactum ang tinitira ng bata bilang may gusto naman talaga siyang patunayan at a very very young age. Promil dahil gifted, Bonakid dahil batang may laban, at Lactum dahil panatag si lola. But def not gatas ng ina, kasi busy yung nanay niya sa trabaho kaya wala siyang choice kundi uminom ng gatas mula sa lata. Very dangerous naman kung sa lola niya dedede yung bagets, ‘di ba?

Bakit ko alam? Bakit naman hindi. Joke lang, ako kasi yung baby.

Ako si Mae Mae. At ito ang aking kwento.

Bata pa lang ako, bibo kid na talaga ako. Hinding-hindi ko makalimutan yung bonding session namin ni nanay sa pasimano habang tinatanong niya ko kung nasaan ang moon at star. Nanay ang tawag ko sa lola ko. Nakasanayan lang dahil ganon naman ang naririnig kong tawag ng mama ko sa kanya.

Pasikat pa lang noon ang araw kaya naman very visible pa rin ang buwan at ang isang bituin na katabi nito. Sabi ng mga matatanda, planeta raw yung bituin na katabi ng buwan sa mga oras na yon. Di ko lang sure sino source nila. Hindi ko naman naitanong kasi nga isang taon pa lang ako. Bibo lang ako, hindi ako mutant.

Takang-taka si mama kapag kinekwento ko sa kanya yung bonding session namin na yun ni nanay. Imposible raw na maalala ko yun kasi nga one year old lang ako. E wala, hanggang ngayon, naririnig ko pa rin yung boses ni nanay habang tinatanong niya ko ‘nun e. Parang kayang-kaya ko bumalik sa mga oras na ‘yon. ‘Yung parang sa pelikula. Yung nakikita mo yung sarili mo sa lumang panahon.

Sa edad na tatlo, sabi ni mama, gustung-gusto ko na raw pumasok sa school. You know there’s this one time that I insisted to go saling kit-kit with my cousin’s day care sesh, super happy ko ‘non! Hinatid ako sa school. Participative ako sa lahat ng mga ganap. Sobrang bibo at masunurin! Hanggang sa after ng play time sabi ng teacher, mag-nap daw for a while. Ayun! Bilang masunurin, hindi ako nagising nung ginigising na kami ni Ma’am. Nakatulog ako hanggang uwian! Kailangan pa kong buhatin pauwi kasi nga hindi ako magising. Hindi ko naman siguro kasalanan bilang nakinig at sumunod lang naman ako sa teacher. Adik na ‘yon.

4 years old ako nung naging legit na kong estudyamus. Bongga, grumaduate ako with honors! May gusto talaga akong patunayan in life at a very young age. Feeling ko noon, ito ang unang hakbang tungo sa tagumpay na tinatamasa ng kahit sinuman. Wow. Iba rin naman. Alam ko na yang mga salitang yan when I was for. Joke lang.

Sa pampublikong paaralan sa bayan namin ako nag-aral mula Kinder hanggang Grade 6. At kung meron man akong hindi malimut-limutan sa first three years of my elementary life, yun ay ang childhood crush ko na si James Robert. Actually ilang beses ko nang ginoogle si James Robert up to date, pero wala akong napala. Baka kasi Jamie Roberta na siya, or di lang ako sure. It was also during my 1st grade in elementary nang mapalo ako ng teacher ko dahil umiyak yung kaklase kong nagpapasampal sa akin. Bilang mabait ako, e di sinampal ko. Ending, umiyak si gaga. Pinalo tuloy ako ng teacher ko. Di pa naman pantay braso nun ni Ma’am Magbitang. Isa payat, isa mataba. At dahil pinalo niya ko nang hindi ko naman kasalanan, ayun, sumakabilang buhay na siya. Sumalangit nawa.

Grade 2 ako nang maranasan kong na maampon ng ibang section. Naaalala ko, ang teacher ko si Ma’am Abril kasi section Duhat ako. Pero lagi siyang absent so hinati kami sa apat na sections. Tapos, dahil nga bibo kid ako at englishera, natuwa sa akin ang nang-ampon na teacher. Na-absorb ako sa section Mangga. Nalulungkot pa nga ako nung na-disolve yung section namin kasi naaalala ko, nanghingi ng ambag si Ma’am Abril para pambili ng mga walis tambo. Bayad na ko sa 50 pesos e. Imagine, malaki na yung halagang ‘yon noon. At dahil nakupitan ako ni ma’am, ayun patay na rin siya. Sa murang edad, competitive na ko. Dumating ang Pebrero at nagparamihan kami ng natanggap na puso noong Valentines. 2nd placer ako. Sa mga panahong ito rin ako nagkaroon ako ng identity crisis. Nalabanan ko naman agad-agad nung mag-Grade 3 ako.

Level up na ang sectioning. Dito ako namulat sa totoong kompetisyon. First time ko masali sa Quiz Bee. Music Quiz Bee pa nga. To make the story short, nanalo ako sa District Level, so ni-represent ko ang buong Kawit sa Division Level sa Silang. At dahil proud ang mama ko, binilan niya ko ng bagong rubber shoes tapos pinicturan niya ko sa porch ng school. Ayun, napagtanto ko na mukha pala talaga akong tanga kahit ‘nung bata pa lang ako.

Natuto naman ako mag-ihaw ng hotdog sa edad na sampu! Natuto rin ako gumawa ng itlog na maalat. Sibika at Kultura geek naman ako. Nagsimula na rin akong sumali sa ALPES. Di ko na matandaan ang meaning ng acronym na ‘yon pero ang alam ko, ang mananalo rito ay maa-accelerate ng 2 years. Dito ko naranasan sumayaw sa harap ng madlang people ‘nung recognition namin tapos pinatayan ako ng music nung DJ. Anak ng tokwang technical glitch yan. Pag na-trace ko kung sino yun, patay talaga siya sa akin. Mata niya lang ang walang latay!

Grade 5 nang nalipat nanaman ako ng section. Napunta ako sa terorista. Takot ako sa kanya nung Grade 4 kami pero nalaman ko na pinsan pala siya ng nanay ko. Grade 5 ako ‘nung naging Mathematician ako. Umabot din ako sa division level sa quiz bee. Grabe, ang galing ko sa Arithmetic! As in! Nag champion ako sa drill cards! In less than 2 mins, kaya kong tapusin yun! 6, 10, 16, 24, 32…

At syempre, sa bawat simula ay may pagtatapos. Dumating na ang araw ng aking greduwesyen! Naalala ko, teacher ko sa PE ang nagtext sa akin na may honors ako! 

[Insert MSC: Graduation March] "Tenten - tenenentenen - tenenentenen - tenenen - tenen - tenenen - tenten!"

"Mae Mae Manansala, nagkamit ng Ikalawang Karangalan!"

Salutatorian ako nung elementary. May bonus pang Huwarang Mag-aaral ng Taon Award! Iba rin naman talaga.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

99 Days with my Prince

Si Yuuki ay may mission na dapat gawin, iyon ay ang turuan na magmahal si Nathaniel James. Dahil sa mission na iyon malalaman niyang hindi siya nabibilang sa mga mortal. Because YUUKI is an ANGEL...

Image Description
Yazuakie
25 January 2018
1948

Nagulatang si Al nang isang araw ay magpakamatay ang kanyang kaibigan nang dahil lamang sa isang lumang retrato ng isang babaeng nagngangalang Lupe.

Image Description
LOUIE ABAD
18 December 2017