Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Ano Na

Image Description MOR 101.9 For Life   |   12 January 2018


Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay okay kaming dalawa. Hanggang sa bigla na lang siya nag bago. Biglang lumamig relasyon naming dalawa.

Dear DJ Chacha,

Ako si Sam from Quezon City.

Isa akong Lesbiana, hindi ako hard butch. Pumapatol lang ako sa tomboy.

May karelasyon ako na tomboy, nakilala ko siya sa isang group chat. Noong una wala lang siya sa akin gawa nang mag-iisang taon na akong single kaya hindi ako ganon kabilis magka-interes sa isang tao. Hanggang dumating sa point na iniinsulto na ako ng iba kong mga kaibigan dahil sa tagal ko nang pagiging single. Nakakatawa lang, nang dahil sa pang-aasar ay nagdesisyon akong magkaroon man lang ng interest sa isang tao.

Doon ko na nakilala si Kim. Naging kami last April 20. Biglaan lang ang nangyari sa relasyon namin. Naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin. Nasabi ko na lang sa sarili ko na ang swerte ko sa kanya. Nakilala at nakausap ko ang mga kapamilya niya.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay okay kaming dalawa. Hanggang sa bigla na lang siya nag bago. Biglang lumamig relasyon naming dalawa. Kaya may mga pagkakataon na gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya. Isa pang problema, parang nasanay na siya sa ganong set up namin kaya di ko na rin minsan alam kong kami pa ba o mahal ba talaga niya ako. Sobrang hirap. Mahal ko siya, mahal ko kung ano siya. Pero bakit pinaparamdam niya sakin na wala lang ako para sa kanya? 

Ito ang heartbeats ko,

Sam


Heartbeats with DJ Chacha is a multi-awarded program of MOR 101.9 For Life, ABS-CBN's FM Radio Station. Heartbeats airs on weeknights, 9PM to 12AM.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

A Dose of La Luna Sangre

As the saying goes, “An apple a day, makes the doctors away”. But for me, it’s totally different. Because every day, “A dose of La Luna Sangre a day, makes my stress away.”

Image Description
rochellyheart
18 February 2018