Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




My Unexpected Date “With a Twist”

Image Description KyLiiemichy   |   09 January 2018


Nasubukan mo na bang makipag-date sa taong ayaw na ayaw mo? Anong pwede mong gawin para hindi matuloy ang date na ‘yon? At kung matuloy man, ano kayang pwedeng kalabasan ng Unexpected Date na ninyo?

"Dils, may lakad tayo. Magbihis ka." Humarap ako kay Camz. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda na siya pero, bakit mas lalo ata siyang gumanda? May date na naman siguro sila ng boyfriend niya.

"Ayoko. Nakabihis ka, siguradong may date kayo ni Lax." Naglakad ako patungo sa kusina, papunta sa fridge at kumuha ng ice candy na gawa ni Mama.

Ramdam kong sumunod si Camz at nang humarap ako ay may nakakaloko siyang ngiti sa labi na nagpatayo sa balahibo ko.

"Double date Dils. Please? Come with me. I'll owe you, big time." Pinagdikit niya ang dalawang palad na akala mo nagdarasal na sa harap ko.

Napangisi ako. I like it when someone's begging in front of me. Feeling ko, napaka-VIP ko.

"Dils, sadista ka talaga 'no? Loka-lokang 'to! Maka-ngisi kulang na lang sabihin mong lumuhod pa'ko rito," nakairap na sabi ni Camz kaya naman natawa na lang ako.

"Who's with Lax? Kilala ko ba?" Tanong ko kasabay ng pagngiti ni Camz.

"Si Dex." Kimindat siya ng sabihin niya 'yon dahilan para pangutan ko siya ng noo.

"No!" Tumalikod ako at iniwan siya sa kusina. Nag-tuloy-tuloy akong pumanhik sa kwarto at umupo sa sofa ko. Kasabay no'n ay ang pagbukas ko ng TV.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko pero 'di na'ko nag-abalang lingunin siya.

"Come on Dils! Maganda ka, gwapo siya, heartthrob, matalino, macho, maraming nahuhumaling na babae sa kanya Dils! Aba! Swerte mo pa nga at ikaw ang best friend ko!" Napairap ako sa sinabi ni Camz. Maganda lang description niya sa'kin samantalang tinadtad niya 'yong Dex, aba matindi!

Duh! Sinong hindi makakakilala kay Dex? Eh number one suplado slash mapang-lait na gaya ko slash kulang na lang patayin niya sa tingin ang babae na tinitilian siya slash, --err, I don't like him. Ewan. Hindi ko siya feel. Ako yung tipong lalapit pa lang siya, lalayo na ako hangga't maaari.

"Isusumbong kita kay Lax. Ganyan pala tingin mo do'n sa Dex huh?" Inirapan ko siya saka ko kinagat ang ice candy na hawak ko.

Tumabi sa'kin si Camz kaya napalingon ako sa kanya. Ito na naman 'yong reaksyon sa mukha niyang super in love siya sa boyfriend niya kaya napa-iling na lang ako.

"Kahit mas gwapo pa si Dex kay Lax, o kahit mas marami pang may mas-in-everything sa boyfriend ko, si Lax pa rin ang pipiliin ko. I love him so much Dils. Hindi ko na kailangan ng mas higit pa," nakangiting sabi niya na nagpangiti na rin sa akin. Kapag ganitong ngingiti sa akin si Camz sa tuwing sasabihin niya kung ga'no niya kamahal si Lax ay mas masaya ako para sa kanya.

Dahil alam kong mahal na mahal din siya ni Lax. Of course I know that.

Lax is my best friend slash childhood friend slash, --ang lalaking matagal ko ng mahal at tanggap kong hindi ako pasado sa standards ni Lax. Kaya naman, unti-unti ko na rin siyang binubura sa puso ko.

Sumandal ako sa balikat ni Camz at napapikit. Buti na lang at kay Camz napunta si Lax. Magaling din kasing pumili 'tong si Lax ng babae eh. But Camz is my favorite 'coz she's my girl best friend.

"Sasama ka na?" Rinig kong tanong ni Camz.

"Ayoko 'yong Dex. Iba na lang kamo isama ni Lax," sagot ko sa kanya saka ako dumiretso na upo at muling ibinalik ang tingin ko sa TV.

"Sus! Asa naman Dils. Alam mo namang kambal-tuko 'yong dalawang 'yon. Kung nasa'n si Lax, nandoon din si Dex," aniya.

Napa-buntong hininga ako. "Fine. But in one condition."

"Ano?" Humarap sa'kin si Dils na may ubod-tamis na ngiti kaya naman ubod-tamis ko rin siyang nginitian dahil sa naisip ko.

"Susuotin ko kahit anong gusto ko. Wala akong maririnig na reklamo mula sa'yo. Deal?" Nakangiting sabi ko sa kanya kasabay nang mabilis na pagtaas-baba ng dalawang kilay ko.

"Deal! 'Yon lang pala eh. Fashionista ka naman," kibit balikat na tugon niya kaya napangisi ako.

"Good. Kapag ako may narinig, hindi talaga ako sasama," saad ko na nagpa-kunot sa noo niya. "Anyway, labas na. Magbibihis na'ko." Naglakad ako papunta sa trash can sa kwarto at itinapon doon ang plastik ng ice candy na naubos ko.

Tumayo siya. "1 hour?"

Umiling ako. "20 minutes," nakangising sagot ko sa kanya dahilan para manlaki ang mga mata niya.

Napanganga siya. "20 minutes? You're kidding right?" Nanlalaking mga matang reaksyon niya na nagpatawa sa akin. Kilala ako ni Camz. I usually do my dress up thingy for more than an hour, maximum na ang 2 hours.

"Come on. It'll be fine. Mag-retouch ka na muna. Baba na," taboy ko sa kanya. Bakas na sa mukha niya na nagtataka siya at naguguluhan sa sinabi ko kaya naman mas lalo akong natawa.

Nang tuluyan siyang makalabas at masarado ko ang pinto ang umupo na ako sa harap ng vanity ko. Naka-ugalian ko na mag-spray ng body spray kaya naman napailing ako nang gawin ko 'yon.

Binuksan ko ang drawer ko at kinuha roon ang pang-old fashioned na salamin ko noong high school. Inalis ko frame no'n at pinalitan ng walang grado dahil naka-contact lens naman ako. Nang matapos ko 'yon ay mukha ko naman ang napag-diskitahan ko.

Kinuha ko ang make-up kit ko at naglagay ng fake blemishes sa pisngi at noo ko. Naglagay pa ako ng malaking nunal sa taas ng labi ko dahilan para matawa ako sa itsura ko. Kinapalan ko rin ang lagay ko sa eyebrows ko, hindi ako nag-lipstick pero naglagay ako ng lip gel para hindi siya mukhang dry. Not my dear lips.

Nang makuntento ako sa ayos ng mukha ko ay bahagya pa akong natawa. Kamukha ko na si Betty La Fea na walang brace.

Pagdating sa damit ay isang ripped tight jeggings at T-shirt na may print ng Naruto ang sinuot ko. Ang buhok kong nakalugay ay hindi ko sinuklay at hinayaan lang na magulo.

"Dapat pala hindi ako nag-deep-conditioning ngayon," nakangusong sabi ko. Ang ganda kasi ng bagsak dahil medyo may pagka-wavy ito kahit anong gulo ang gawin ko.

Matapos kong mai-suot ang converse ko ay isinuot ko na rin ang glasses kanina. Pagtingin ko sa salamin ay napangiti ako.

"Perfect! A weirdo slash ugly slash otaku look, --mission accomplished!" Kumindat pa ako bago tuluyang tumalikod at lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko ng hagdan ay rinig ko ang papalapit na yabag ni Camz. Kaming dalawa lang kasi ang nandoon. Si Mama, nasa work. Si Papa, nasa ibang bansa at doon nagtatrabaho.

"What's with the look? Eiw!" Nandidiring komento nang makita niya ako.

Hawak ang tiyan ko ay humagalpak ako sa tawa. "Hep hep! I'm good. Zip it."

Nakita kong umiling na lang siya at bumuntong hininga.

Pagdating namin sa mall ay pinagtitinginan kami ng tao. Siguro dahil na rin sa napakaganda nga ni Camz, and compared to me, well, basura niya ako ngayong araw na ito at hindi co-fashionista.

"Lax! Here!" Rinig kong sigaw ni Camz nang makarating kami sa movie theater. Nakita ko namang si Lax na may kasamang lalake.

Nang magkatapat-tapat kaming apat ay laglag ang panga ni Lax na napatingin sa akin, habang ako naman ay napa-kunot noo nang makita ang ang kasama niya.

Hati ang buhok nung lalake sa gitna. Oily pa 'yon kung tititigan. May salamin rin itong old fashioned ang dating gaya ng akin. Naka-suot siya ng blue polo na naka-butones hanggang leeg at, puro rin siya fake blemishes sa mukha. Takteng 'yan! Anong kabaklaan at kagaguhan 'yan?

"What the hell happened to both of you?!" Rinig kong bulalas ni Lax pero nananatili akong nakikipag-titigan sa lalaking kasama niya ngayon.

"Dex, anong ginawa mo sa mukha mo?" Tanong ni Camz do'n sa Dex.

"Naglaro kami ng kapatid kong babae kanina, ganyan ang parusa na ginawa niya. Then out of nowhere, Lax here, came to my house and rushed me here. He said, may double date na mangyayari kaya hindi na ako nag-ayos," bruskong paliwanag niya na hindi man lang humiwalay ang titig sa akin. "How about her? What's with the look?" Nakangising sabi niya. Ngising nanlalait.

Napa-irap ako saka pinag-krus ang dalawang braso ko sa dibdib ko. Akala ko pa man din matutuwa ako dahil mandidiri siya sa reaksyon ko, eh mas nandiri pa ako sa kanya eh.

"Ewan ko d'yan. Actually ayaw niya akong samahan, pinilit ko lang. Hindi ko naman alam na ganyan ang gagawin niya," ani Camz.

"Dils, what happened?" Rinig kong tanong ni Lax kaya nilingon ko siya. "Para kang nung high school tayo," natatawang sabi niya saka siya lumapit sa akin at inakbayan ako. Hindi pa siya nakuntento dahil ginulo niya pa ang buhok ko at pasimpleng kinutusan ako.

Narinig kong tumawa si Camz dahilan para kurutin ko si Lax sa tagiliran niya. 'Tong lalaking 'to, kaya hinihiwalayan ng mga girlfriend niya dahil ganyan siya sa'kin eh! Kung dati papayag ako, ngayon hindi na. Ayokong masira ang relasyong meron sina Lax at Camz.

"Ouch! That hurts! Baby oh," sumbong ni Lax kay Camz. Lumapit naman si Camz at lumabi kay Lax.

"Ikaw kasi baby eh. Bad mo talaga kay Dils," humahagikgik na sabi ni Camz kay Lax dahilan para mapairap ko.

"Ugh/Uhh!"

Nagka-tinginan kami ni Dex nang marinig ko rin siyang mag-react sa dalawa. Ngunit sabay din kaming napa-irap sa isa't isa.

Tignan mo 'to? Susme! Parehong pareho pa kami ng reaksyon! Bakla ata 'to eh!

"Anyway, maiwan na namin kayo. Bye guys! Enjoy!" Ani Lax saka niya inakbayan si Camz at tuluyan na kaming iniwan.

"You two! Ugh!" Inis na sabi ko saka ako bumaling kay Dex. "You wanna go home?" Tanong ko sa kanya.

He shrugged. "It's fine."

"Okay," sagot ko saka ko sinimulang maglakad na palayo ngunit laking gulat ko na lang nang pumantay siya sa paglalakad sa'kin kaya nilingon ko siya saka ako huminto sa paglalakad. "Sa'n ka pupunta?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Ihahatid na kita," walang reaksyong sabi niya kaya napataas ako ng kilay.

"No need," agad na sabi ko.

"Dils? Dillia? Is that you?"

Napaharap ako sa kaliwa ko at nakita roon ang mortal enemy ko noong high school. Si Rhea, kasama ang ex ko, damn it! Si Van.

Tumawa si Rhea nang makita ang mukha ko. "Oh my gosh! Ang pangit mo pa rin! And to think na ex ka ni Van?" Nilingon niya si Van. "Babe, ex mo ba talaga 'yan? I know your taste. You love beautiful girls! Eh ba't napakapangit naman ng ex mo? Kaya nga hindi ako naniniwalang ex mo si Dillia eh," malambing na sabi niya kay Van.

Oo nga Van! Akala ko ba maganda tipo mo? Ba't kasama mo 'yang mukhang pugita na 'yan? Lihim akong napangiti sa naisip ko.

Nilingon ko si Van at tila hindi rin siya makapaniwala sa nakikita niya. To think na dahil sa kanya ay sinimulan kong magbago. Sa itsura, sa pananamit, --mas nagpaganda ako simula nang magka-gusto ako kay Van para mapansin niya. And it worked. Kaso, babaero pala siya at hindi lang ako ang girlfriend niya nung naging kami. Saklap 'di ba? But thanks to him. Ang pagbabago na ginawa ko para sa kanya ay mas nakabuti sa'kin.

"No, she's beautiful Rhea, I swear. Baka hindi si Dillia 'yan," sagot ni Van kay Rhea na nagpatawa sa'kin.

"Babe, she's Dillia. The ugly Dils of our class babe. Saka tignan mo 'yong kasama niya, pangit gaya niya. Eiw!" Tumawa si Rhea, malanding tawa saka siya bumaling kay Dex. "Ang pangit ay para sa pangiti, what a loser!"

Lumapit si Rhea kay Dex at ibinuhos sa kanya ang isang bote ng tubig sa ulo nito.

Oh crap! Hinila ko ang kamay ni Rhea at inilayo siya kay Dex. Nakita ko ang masamang tingin ni Dex kay Rhea kaya mas lalo akong kinabahan. Mamaya kasi ay saktan niya si Rhea.

Nagulat na lang ako nang biglang hubarin ni Dex ang polo na suot niya dahilan para sando na lang ang matira sa kanya. Ipinunas ni Dex ang polo niya sa mukha at inihigas sa kung saan ang salamin na suot niya. Nang i-suklay ni Dex pataas ang daliri sa buhok niya ay daig ko pang nanood ng video sa Facebook. Alam niyo ba 'yong mga video na lumalaklak ng detergent powder or alcohol ta's nag-che-change look from pangit to gwapo?

Si Dex na 'yon! In person! Shemay! Mas gwapo pa pala siya sa malapitan at kapag wet look! Ang muscles! Ay putspa! Erase-erase! Ano ba 'tong naiisip ko!

"What the? How the hell? Ano 'yon? Magic?" Bulalas ni Rhea kaya naman hindi ko napigilang lihim na matawa. "I'm so sorry handsome," biglang lumandi ang boses niya.

"Babe!" Suway ni Van kay Rhea saka niya hinila si Rhea papalapit sa kanya.

"Go now. Bago ko pa masuntok sa mukha 'yang babaeng 'yan," matigas na sabi ni Dex sa dalawa.

"What the—"

Hindi na natapos ni Van ang sasabihin nang biglang lumipad ang kamao ni Dex sa mukha niya dahilan para mapatakip ako ng bibig.

"Isa pa?" Nakangising tanong ni Dex kay Van ngunit lahat kami ay napalingon sa guard na pumipito sa amin. "Oh no! Let's go!"

Hinila ni Dex ang kamay ko saka kami tumakbo palayo roon. Nang magtinginan kami ni Dex habang hinihingal nang tumigil kami sa pagtakbo ay sabay kaming natawa. Umupo kami sa may bench na naroon sa mall. Inalis ko ang salamin ko saka umiling.

"You know what, maghihilamos na'ko. Hindi ko mahawakan mukha ko," paalam ko sa kanya. "Actually, uwi na pala tayo."

"No. Sabay-sabay tayong uuwi nina Lax. Mamayang dinner magkikita kita tayo," rinig kong sabi niya kaya ko siya nilingon.

"Ha? Wala namang sinabi sa'kin."

"'Yon ang napag-usapan namin ni Lax. Saka kapag sinabi niyang nag-aya kang umuwi, dapat daw kitang ihatid," aniya na nagpailing sa'kin at nagpangiti.

Si Lax talaga. Psh!

"You know what, ba't 'di na lang tayo mag-enjoy? Tutal, libre naman ni Lax ang date na'to," rinig kong sabi ni Dex.

"Libre?"

Tumango siya. "Yeah. He gave me money. Kaya nga ako pumayag eh," nakangising sabi niya. Natawa naman ako.

"Loko talaga kayong dalawa," natatawang sabi ko. Lokong Lax 'yon. Naku-kwento na kasi noon ni Lax si Dex sa'kin, na basta raw may salitang libre ay gagawin at gagawin ni Dex ang lahat ng gusto ni Lax.

"Let's go?" Yaya ni Dex.

Tumango ako. "Let me wash my face first," paalam ko sa kanya saka ako tumayo at pumunta ng banyo.

Halos 15 minutes ko ring nilinisan ang mukha ko. Mamula-mula pa ang parte na 'yon dahil sa sobrang diin ng pagpupunas ko.

"Awtsu. Babawi ako mamaya sa bahay ha? Tatadtaran ko kayo ng moisturizer," sabi ko sa harap ng salamin habang tinatapik ang mukha ko.

Nang makalabas ako ng CR ay kaagad kong pinuntahan si Dex na matamang nakatingin sa kung saan. Akala ko sobrang suplado niya at hindi marunong ngumiti. Okay naman pala siya, eh ba't gano'n na lang siyang umasta sa mga babae sa school tuwing makikita ko siya?

"Hoy," pukaw ko sa kanya kaya naman nilingon niya ako. Napataas pa ako ng kilay nang makitang nakangisi siya. "Bakit?"

"Ang pula ng mukha mo," natatawang komento niya saka niya hinila ang kamay ko paupo sa tabi niya. "Wait here," aniya saka siya tumayo at pumunta sa kung saan.

After 10 minutes ay nakita ko siyang may dalang bottled water. Nang umupo siya sa tabi ko ay hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon na ikinagulat ko.

"Anong--"

"Stay still and close your eyes," aniya.

"Ayo-"

"Do it," he demanded na ewan ko ba kung ba't ko sinunod.

Nang ipikit ko ang mata ko ay naramdaman ko ang malamig na bagay sa mukha ko. Naulit pa iyon sa may parte ng kilay ko, noo pisngi, --kung saan ko nilagyan ng mga fake blemishes ang mukha ko na napakahirap burahin.

"Ayan, medyo okay na," rinig kong sabi niya at kasabay no'n ay nasinghot ko ang amoy Doublemint gum nang magsalita siya. Nang magdilat ako ng mga mata ay napaatras pa ang ulo ko nang makitang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Sorry. Ano—uhmn. . ."

Nang mapansing mabulol-bulol siya sa pagsasalita ay bahagya akong natawa.

"It's fine," sagot ko. "And thanks by the way."

Ngumiti siya at umiling. "I'm Dexter. Hindi pa pala tayo formally magkakilala," pagpapakilala niya sabay abot ng kamay niya. Tinanggap ko naman 'yon.

"Dillia. Dils na lang," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Call me Dex then," nakangiting sabi niya.

Lumipas ang oras na hindi kami tumatawang dalawa. Hindi kami naglibot sa mall, o tumayo man lang sa kinauupuan namin. Nag-kwentuhan lang kami ng kung anu-anong bagay.

"So matagal mo na akong kilala?" Tanong niya.

"Yup. Saka madalas ka ngang naku-kwento noon pa ni Lax," kwento ko.

"Actually kay Lax at Camz din kita naririnig. Kapag magkakasama naman tayong apat, ni hindi ka man lang lumilingon sa'kin or bigla ka na lang lalayo, kaya sabi ko no'n, baka ayaw mo ako or kung ano pa man," aniya na nagpatawa sa akin.

"Actually you're right. I don't like you. Ni ayaw kong lumapit sa'yo. Ni ayaw kitang maka-close," walang alinlangang sagot ko na nagpakunot sa noo niya.

"Why?"

"Eh kasi, mukha kang chikboy. Lapitin ka kasi ng babae at ayoko na sa mga lalaking gaya mo. Suplado ka pa, ta's supalada rin ako, baka kako hindi tayo magkasundo. Idagdag pang masama aura mo pagdating sa mga babae, eh babae ako, mamaya samain ako sa'yo. Mas okay na umiwas, kaysa makasagutan kita, something like that," paliwanag ko.

"Hmm, so 'yan pala impression mo sa'kin," aniya.

"Yep. Pero okay ka naman pala," komento ko.

Nilingon niya ako at nginitian na may kung anong epekto sa'kin. "Really? Good, dahil gano'n din ako sa'yo."

Nag-iwas ako ng tingin at lihim na napangiti.

Dinner. Halatang may nakakalokong ngiti sa labi sina Lax at Camz kaya sabay naming nilingon sila ni Dex. Nag-uusap kasi kami ng sandaling iyon.

"What?" Tanong ni Dex sa kanila habang ako ay pinagdiskitahan ang shrimp tempura na nasa harap ko.

"Ang cute niyong dalawa. Bagay kayo," kinikilig na sabi ni Camz dahilan para mapa-kunot noo ako.

"Kayo! H'wag niyo nga kaming isali sa mga kalokohan niyo," sabat ko.

"Uyy. . . Si Dils nag-react," nakangsing sabi ni Lax kaya naman inirapan ko siya.

"Whatever Lax."

"Oo nga. Usually, iirap ka lang or mananahimik," kinikilig na dagdag pang sabi ni Camz.

"At ikaw pare, kailan ka pa naging madaldal at nakangiti ng ganyan sa babae?" Pukaw naman ni Lax kay Dex kaya napalingon ako sa kanya. Nang malingon siya sa akin ay nginitian ko siya saka ako umiling.

"She looks like a boy though," sagot ni Dex kaya naman hinampas ko siya sa braso dahilan para matawa siya. "I'm just kidding. Relax," aniya.

"See? Grabe! Nasa level na kayo ng hampasan at tawanan! Push na 'yan!" Pukaw sa'min ni Camz. Nagtawanan na lang kaming tatlo ng sandaling iyon habang ako ay napailing pa.

Nang ihatid ako sa bahay ni Dex ay humarap ako sa kanya nang mabuksan ko ang gate.

"Thanks," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Nag-enjoy ka?" Tanong niya.

Tumango ako. "Hmm."

"Good," nakangiting sabi niya.

Natahimik kami ng sandaling iyon at parehas lang na nakatitig sa isa't isa. Ramdam ko ang ilang dahil na rin siguro sa kakaibang nararamdaman ko ng sandaling 'yon.

"Ah Dils," aniya.

"Hmm?"

"Uhmn, ano. . ."

Hinintay kong tapusin niya ang salitang 'yon dahil sa palagay ko ay gusto ko ring marinig nais niyang sabihin. Ngunit ilang minuto ang lumipas ay malalim na hininga niya ang narinig ko.

"Crap. I can't do it," bulong niya pero sakto lang para marinig ko. Napahawak pa siya sa batok niya at napayuko na tila nahihiya kaya naman nagtataka ko siyang tinitigan.

"Dex," tawag ko sa kanya. Agad naman siyang tumingala at nilingon ako. "Anong sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya. "I'm waiting," nakangiting dagdag ko.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya saka siya napailing. Tumingala siya at nagpakawalang muli ng malalim na hininga. Nang tumitig siya sa'kin ay kitang kita ko ang panginginang ng mga mata niya.

"I've always liked you Dillia," panimula niya na nagpalaki ng mga mata ko. Hindi 'yon ang inaasahan ko. Kasabay no'n ay ang mabilis na tibok ng puso ko.

Kinuha ni Dex ang mga kamay ko na sinundan ko ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya kaya naman maski ako ay mas lalong kinabahan nang sandaling iyon. Pakiramdam ko ay any moment bubuka na ang tiyan ko at lalabas doon ang napakaraming paruparu.

Nang tumingin akong muli sa kanya ay nakita ko ang ilang na ngiting pinakawalan niya.

"I've liked you ever since I met you Dillia." Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko na para bang doon humuhugot ng lakas. "Pero sa tuwing gusto kitang kausapin, lalayo ka na. Sa tuwing magkakaroon ako ng lakas ng loob na lapitan ka, malamig na titig mo ang natatanggap ko. That's when I thought that you really don't like me, na kanina ko nga lang nalaman kung bakit. Then nalaman ko na ikaw ang makaka-double date kanina from Lax, sa totoo lang ay inis ako sa sarili ko na hindi ako nag-ayos nang bigla akong hilahin ni Lax palabas ng bahay at nasa kotse na kaming dalawa. And Dils--"

Unti-unting nag-iba ang pakiramdam ko nang sandaling iyon. Parang gusto kong tumakbo. Gusto ko siyang pahintuing magsalita pero hindi sumusunod ang bibig ko at ayaw magsalita. No. Hindi ako makapagsalita!

"Dils, can I court you?"

Boom! Sa pandinig ko, pag-sabog iyon ng puso ko. Sumunod pa ang mga maliliit na popping sounds after nang malakas na pagsabog na 'yon!

Nang bitawan ni Dex ang mga kamay ko dahil wala akong nai-sagot ay yumuko ito. Nang tumingala siyang muli ay bakas na sa mga mata at mukha niya ang lungkot.

"Maghihintay ako sa bench bukas para sa sagot mo. Sa bench na inupuan natin kanina. Kapag hindi ka dumating, alam ko na ang sagot mo," aniya saka siya tumalikod at naglakad palayo habang ako naman ay nanatili roon hanggang sa mawala na siya ng tuluyan sa mga mata ko.

Kinabukasan ay maraming bagay ang laman ng isip ko. Kung anong kakainin ko mamaya. Kung anong shampoo ang gagamitin ko. Kung anong ilalagay kong nail polish sa paa ko.

At kung pupuntahan ko ba si Dex sa mall kung saan siya naghihintay.

Ngunit baliw din 'tong katawan ko. Habang pinapatuyo ko ang nail polish na nasa paa ko at iniingatang hindi masira iyon ay isinuot ko ang tsinelas. Gamit ang kotse ni Mama ay nag-drive ako papuntang mall. Naka-suot lang ako ng maong shorts at plain white T-shirt nang sandaling iyon.

9 pm na ng gabi at magsasarado na ang mall.

Alam kong wala na si Dex pero gusto ko lang makasiguro sa nararamdaman ko. Kapag na-disappoint akong wala na talaga siya, eh di may something, at kung maabutan ko man siya at maging masaya ako, eh 'di mas lalong may something!

Nakita ko ang bench na inupuan namin pero wala roon si Dex. Naupo ako roon at itinaas ang mga paa ko sa bench.

"Hindi ka nga nasira, nasira naman ang love life ko, psh!" Inirapan ko ang mga paa ko saka inalala ang totoong nararamdaman ko para kay Dex. Yumuko ako sa ibabaw ng tuhod ko.

Naalala ko noong una ko siyang makita kasama si Lax, I know my heart skipped a beat at that moment. Kumbaga sa slow motion ay nakita ko 'yon nung papalapit si Dex sa akin, bigla ngang nawala sa paningin ko si Lax nung araw na 'yon eh. Pero nung makita kong dinumog siya ng mga babae, biglang bumawi ang puso ko dahil si Van ang naalala ko, babaero, kaya lumayo ako.

Nang mag-angat ako ng ulo ay nanlalaking mata akong natigilan.

"Parang nasa bahay ka lang ah," natatawang sabi niya.

"Ehh? Why? You— ah. . . Ba't ka nandito?" Naguguluhang tanong ko.

"Ako dapat ang magtatanong niyan, ba't ka nandito?"

"Nagpapatuyo ako ng nail polish." Hindi ko alam bakit 'yon ang sinagot ko. Ugh!

"Dito sa mall at dito sa bench kung saan tayo nag-date kahapon?" Nakangising sabi niya.

Inirapan ko siya. "So? Sino nagsabing bawal?" Taas kilay kong tanong na nagpatawa sa kanya at nagpakunot noo naman sa'kin.

"Whatever Dils. You're mine now," nakangiting sabi niya saka niya hinila ang braso ko at kinabig ang bewang ko. Habang yakap ay rinig ko ang mabilis na pintig ng puso niya na nagpangiti sa'kin.

"Teka!" Itinulak ko siya palayo. "Anong mine? Ligaw muna!" Pagtataray ko.

Humagalpak siya sa tawa. "Sure Dils."

Pabiro ko siyang inirapan saka kami parehong tumawa.

Months passed. Nakahiga kaming dalawa sa may hammock sa garden nina Dex habang yakap ang isa't isa.

"Eh bakit napaka-sungit mo sa mga babae?" Tanong ko sa kanya dahil pareho naming inaalala ang mga ugali namin sa isa't isa noon.

"Dahil ni hindi ako napapansin ng kaisa-isang babaeng gusto kong mahumaling sa'kin. Aanhin ko sila?" Rinig kong sabi niya kaya tumingala ako.

"Ako 'yon?" Nakangising tanong ko. Pinitik niya naman ako sa noo.

"Kayabangan mo!" Natatawang sabi niya.

Napanguso ako. "So hindi ako 'yon?"

Isang ngiti at isang halik sa ilong ang naging kasagutan ni Dex. "May iba pa ba bukod sa'yo? Kung meron man, malamang, pinatay mo na sa panlalait 'yon," natatawang sabi niya na nagpatawa sa'kin. Ilang buwan pa lang kaming nagsasama ay kilalang kilala niya na ako.

Nginusuan ko siya saka ako bahagyang tumawa.

"I love you Dillia," nakangiting sabi niya saka niya ako hinalikan sa noo. Napapikit ako at dinama ang halik na 'yon.

"I love you Dexter," nakangiting saad ko saka ko hinawakan ang leeg niya at hinalikan siya sa labi.

And between those kisses, we're both giggling.

Dahil sa date na 'yon ay nagkaroon ako ng instant boyfriend, and take note, gwapong boyfriend!


~fin~


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

ACCIDENTALLY KISS IN SUMMER

#SummerFling I really hate summer, hindi dahil sa init ng panahon, hindi rin dahil sa wala akong pera para makapagbakasyon, swimming at magtampisaw sa beach. It was because of the heart breaks I had.

Image Description
Yazuakie
01 May 2018
ACTIVE NOW

What if you have fallen into love with the most unexpected person at the most unexpected time? Will you rather ignore your heart or follow its beat?

Image Description
Sassy Missy
24 April 2018