Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kapag Sinabi Kong Mahal Kita...

Image Description Beau Ang   |   08 February 2018


“apoy sa dap-ay, buwan sa langit, ikaw sa akin”

By: Juan Miguel Severo



Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin
Napapagod din ako –

nanginginig ang aking mga kalamnan,

nanlalambot ang aking mga tuhod,

nanlalambot ang aking mga braso.


Dahi kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin
Pagpapaguran ko ito.


Hihintayin kita.Susundan.Susuyuin.


Dahil ang aking mahal kita ay hindi nagtatapos sa mahal lang kita.
Ang aking mahal kita ay may pagtanggap na ito…
Ito ang hirap na kalakip ng pag-ibig.
Yakapin mo.


Mahal, kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin

Malupit ang mundo at mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo.
Kaya hayaan mong dumating ang mgabagyo.
Hayaan mong malusaw ako sa araw.


Hayaan mo akong kumbinsihin ka na kakampi rin ako.


Ikaw na hantungang inaasam,
ikaw na kuwentong hindi pagsasawaan,
ikaw na sandaling parating inaalala,


ikaw ang kailangan kong pahinga.
Ikaw ang paghinga.


Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin

Masaya ako.
Dahil mahal, gaano man kahaba ang araw,


uuwi ako sa ’yo.


--


Can’t help but think of someone? *cry buckets*


See Juan Miguel’s On The Wings Of Love: "Kapag Sinabi Kong Mahal Kita" performance by clicking this link!

Habang Wala Pa Sila, mga tula ng pag-ibig by Juan Miguel Severo is available for only P185 in all National Book Stores nationwide.

 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE