Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Hustisya, Bes

Image Description AngryOlaf   |   10 February 2018


#WalaKayoSaExKo

Masakit? Oo Masakit. mapapamura ka nga sa inis eh. 'Yung tipong patapos ka na sa tinatype mo tapos bigla mo na-refresh. Chos! Ulit.

Masakit? Lahat naman siguro ng taong may puso pa at nagmahal at nagmamahal pa ng tunay magsasabi ng, "OO, bes. Masheket!" Nakaka-gago 'di ba? Tipong pagkatapos kang paniwalain na may forever, iiwan ka na lang. Pero talaga din naman noh? Kaway-kaway na lang din para doon sa mga nagpatanga at talaga nga namang naniwalang may poreber. Jusko po Rudy! Alam mo naman na sa Fairy tales lang may poreber, pero kahit gano'n tulad mo, alam kong umasa ka rin na sa kwento niyong dalawa ay mabubuo ang istorya na may happy ending.

Alam mo, totoo pala 'yung nasa libro ni Rod Marmol, pagnasaktan ka, lahat ng bagay gagawan mo ng dahilan para maka-iyak. Lahat ng pang broken hearts na movie papanuorin mo. Minsan nga sasabayan mo pa 'yung linya, "Poy, ako na lang ulit, ako na lang.." O kaya, "Pangit ba ko?! Kapalit-palit ba ko?! Then, whyyyy?!!" Madalas, lahat ng nasa playlist mo, mga kanta ng silent sanctuary, ni Moira Dela Torre at ng mga classic songs, na talaga nga naman po, ay! Eh, boses pa lang ni Moira na kahit baby shark ang kinanta niya, eh talagang sasabayan mo sa pag-iyak. Gano'n talaga. Broken hearted eh. At ang alam ko lang dahil broken hearted, may karapatan ka sa lahat ng gusto mong gawin para mabawasan kahit .0.01 mcg lang nang sakit na nararamdaman mo.


I rember, way back in my grade school and highschool days, nang malaman kong niloko ako ng una kong boypren dahil may third party, at 'yung pangalawa na pinagpustahan lang ako, nagkulong ako sa kwarto. Mga isang oras siguro.. Tapos nag-internalize ako ng luha. Eh, di ba sa telenovela gano'n? Halos tumulo na ang uhog ng babae kakaiyak. Kinuha ko 'yung deskfan ko. Ay ter, grabe sinasabi ko sayo ang hirap ha. Talagang pinaghirapan kong patuluin yung dalawang patak ng luha dahil iniisip ko na masakit maloko. Totoo naman, masakit maloko 'yung pagmukain kang tanga, paikutin ng paulit ulit... gaguhin... Pero na-realize ko lang, iba pala 'yung sakit na alam mo lang na masakit, kaysa sakit na totoong nararamdaman. Ito 'yung tipo ng sakit na di mo na gugustuhing maulit pa.. Yung sakit na alam mong pagod na pagod ka na, pero ayaw tumigil na maramdaman. Ito 'yung uri ng sakit na nakakapanginig ng laman dahil sa takot.. dala ng matinding pag-iyak.. Ito 'yung sakit na, pipilitin mong labanan dahil kailangan mong bumangon at mag-umpisa ulit kahit mahirap... Kahit 'di mo na alam kung saan sisimulan.. Kahit 'di mo alam kung kaya mo pa bang mag-baka sakali pa. Ay, ewan! Basta ang alam ko lang, masakit.


Bakit ko nga ba sinusulat 'to? Bakit ba kailangan kong balikan ulit lahat ng sakit? Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa 'to.. Para pagkapuyatan pa at muling isulat 'yung istorya natin, na 'di kalaunan ay naging kwento ko na lang. Siguro, gusto ko lang Magsenti kasi malapit na valentines day at ito 'yung unang valentines na masasabi kong, "Pucha! Ang bitter ko!"


Kaya ikaw, na nagbabasa at magbabasa pa lang, tapusin mo.. namnamin mo.. at tara! sabay tayong muling masaktan at mag emote-emote sa kwento namin---ko. Dahil itong istoryang ito, nagmula pa sa puso kong kahit matagal ng nabaon sa hukay ay patuloy pa rin na nasasaktan at sumisigaw ng, "Hustisya, Bes!"

"Kung inaakala mong, ang pag-ibig ko'y magbabago.. itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming bagyo. Kahit na, di mo na ko pansinin.. Kahit na... blh blah blah.. Ikaw pa rin... ang buhay ko~"

Pwe! Corny ko! Pag nagmamahal ka daw lalabas lahat ng ka-sweet-an mo sa katawan lalo na pag nasa stage pa lang kayo ng dating and getting-to-know-each-other-stage. Parang kami---noon.

Sa ka-corny-han naten tayo nagsimula. Sa mga phone calls na walang katapusan, na halos araw araw magkakamuka lang din naman pinag-uusapan, sabay magkakantahan tayo kahit sintunado mga boses natin. Sabay babanat ka ng, "Cactush ke be? Kasi handa akong mashaktan mayakap ke leng.." At oo, ako si tanga na magpapa-uto at sasakay sa ka-corny-han mo, sabay banat ng, "Bangin ka ba? Nahuhulog na kesye ako se'yo.." Jusko po Rudy, tanga-tanga.

Pero, alam mo na-mimiss ko.. 'yung ka-corny-han mo at katangahan ko. Namimiss ko pa rin 'yung tayo lang.. 'yung mundo na ginawa natin para sa'tin dalawa. Namimiss ko yung nga pangarap nating dalawa. Ewan ko ba sa'yo.. gano'n ba talaga kadaling kalimutan 'yon? 'Yung mga bagay na mula noon at hanggang ngayon na iningatan ko.. mga ala alang kahit sobrang pait na hindi ko pa rin mabitawan.. Bakit gano'n? Ang bilis mong itinapon.

May 13, 2013: Yeah, it's official. Dyan tayo unang nangarap ng panghabang buhay nating dalawa. Nakakatawa nga eh. Alam mo 'yon? Parang itinadhana kasi sabi ko, tutuloy lang tayong magdate after natin bumoto kung uulan. Tirik na tirik 'yung araw... Tapos biglang umulan. Ayon, natuloy tayo. At ewan ko ba, kung papano'ng ganoon mo nakuha 'yung oo ko, tay.

Tatay, Nanay.. Dyan tayo nagsimula. Sa muling pagkikita na 'di sinasadya. Sa biruan na naging totohanan.. Isipin mo noh? Hindi nga kita pinapansin no'ng highschool tayo kasi muka kang sintusinto maglakad, tapos ma-i-inlove pa pala ko sa'yo.. Nakakatawang isipin.

Alam mo, kahit gusto ko na minsang kalimutan lahat at mag move on sa buhay ko.. Di ko magawa. Di ko sinasadya.. Alam mo 'yung 'di sinasadya moment? Hindi? For example, Nasa work ka, busy kaka-type ng kung anu-anong docs para maglibang, pero di sinasadya napakanta ka ng, "I love you, You love me. We're a happy Family. With a great big hug and a kiss f*sniff* sniff*" hanggang napaiyak ka na lang. Wala eh, the di-sinasadya-moment attacks dahil bigla mong naalala na 'yan 'yong theme song niyo noong nagtatago pa kayo sa nanay at tatay mo. Dahil sa tuwing sasabihan ka niya ng "i love u" na nakaharap ang nanay at tatay mo, kinakantahan mo na lang siya niyan, para lusot.

Ganyan tayo kasaya no'n tay. Go lang ng go ang peg. We are so careless, we are so inlove.. hanggang sa dumating yung nga pagsubok na talaga naman na sumubok sa atin... sa tatag ng relasyon natin.

Hindi ko alam kung alam mo kung gaano kasakit.. Minsan hinihiling ko na sana maramdaman mo rin para maintindihan mo ko, pero madalas binabawi ko rin. Baka di mo kayanin. Iyakin ka pa naman, sating dalawa ikaw 'yung medyo ayaw ng problema dahil pag nagiisip ka madalas sumasakit 'yung ulo mo. Kasi, ikaw 'yung type na, happy-go-lucky.

Noon, matagal ko  ng nararamdaman na may something sa inyong dalawa ng friend/bff/ex-niligawan/ex-crush mo. Pero dahil ayokong ipakita sa'yo na wala akong tiwala.. hindi ko pinansin lahat ng kutob ko. Naisip ko, bakit mo ko lolokohin, eh ang tiyaga mo sakin. Ikaw ba naman maghintay ng dalawang hanggang apat na oras tuwing magdedate tayo dahil lagi akong si takas noon, bakit mo nga ako lolokohin di ba? Pero, wala eh.. iba talaga kapag babae na ang nakakutob. Oo, nabasa ko lahat.. Mula sa "Ikaw talaga mahal ko Cat.."....hanggang sa kung papa'no ka makipagkita sa kanya hanggang sa nabuking ko lahat ng kasinungalingan mong kunwari ay maglalaro ng dota, pero makikipaglaro na ng apoy sa iba. Oo, wala ngang ngyari sa inyo bukod sa isang halik sa pisnge, pero para malamang 'yung pinagkatiwalaan kong tao ng buo, ay ganoon lang kadaling sirain 'yung tiwalang ibinigay ko.

Tanong lang, gano'n ba talaga? Pinaghihirapan at pinagtityagan niyo ba ang babae para lang paikutin, paglaruan at lokohin?


Tiniis kita. Ano lang ba naman 'yung 7 months. Masakit, pero kaya ko pa. Inintindi kong pilit 'yung sitwasyon.. Baka naman kasi, pareho pa tayong bata at hindi pa seryoso sa salitang commitment. Nagpunta tayo kay Lolo Uweng, Para kang tanga talaga no'n. Pa'no ba naman may kinakasal, ngalngal ka ng ngalngal sa tabi ko, daig mo pa yung ex ng bride. Alam mo, kung anong pinagdasal ko? Sabi ko sa kanya, kung hindi tayo ang itinadhana, ilayo ka na niya sakin.. 'Wag na niyang hayaang magkabalikan pa tayo, at kung sakali man, na para ka saakin, sana ibigay ka na niya ng buong buo. At ayon nga, naayos pa natin. Muli tayong bumuo ng mga plano natin, mula sa kung papano mo gustong itayo 'yung bahay natin.. sa kung ilang anak ang gusto mo.. kung kelan tayo ikakasal..hanggang sa kung pa'no mo itatayo 'yung botika mo at kukunin mo ko bilang pharmacist mo. Maraming pagsubok ang dumating, pero alam mo, masaya ko na napagdaanan natin 'yon ng hawak kamay. Mga pangakong walang bibitaw kahit anong mangyari.

Hindi ko alam kung anong ngyari. Ok naman tayo noong nasa college pa tayo. Nasa laguna ako, nasa manila ka, but we manage to see each other. Madalas ko kong dalawin sa dorm at dalan ng isang kilong tender juicy hotdog na favorite kong isawsaw sa pinaghalong del monte catsup at magnolia cheese. You spoiled me, in a way na pagkailangan kita, isang tawag or text ko lang nasa tabi na kita. Remember? Nagretake ako ng exam before mag-graduate at doon ibebase kung ga-graduate ako o hindi. it's a Do or die type of exam. Sa sobrang hirap paglabas ko ng room disoriented ako, at di ko alam kung nasaan ako. tinawagan kita, sabi mo 'wag akong aalis kung nasaan ako kasi pupuntahan mo ko. At totoo nga, dumating ka, tay. From manila to laguna.. Sa mga ganoong tagpo ko napapatunayan, mahal mo nga ako. Kaya salamat.

Thesis defense.. White Coat Ceremony.. Graduation.. Board Exam.. Board Passer na tayo! Licensed na tayo! At magkasabay nating napagtagumlayan 'yan. Hanggang sa magkaroon na tayo ng kanya kanyang trabaho.. Na nagkaroon ng kanya-kanyang araw at oras.. Hanggabg sa.. Yung Sundate na inaasahan natin binawi pa dahil sa demand ng trbaho ko. Hindi lang araw, pati oras.. Pcount dito, pcount doon.. OT dito.. OT diyan.. Alam mo naman di ba? Ako 'yung bread winner ng pamilya. Kaya sana naintindihan mo.. sana inintindi mo.. Unti unti tayong nawalan ng panahon sa isa't-isa hanggang sa tuluyan ka ng nanlamig.. Pero mas manlalamig pala ako sa lahat ng malalaman ko.

Tinanong ako dati ni kambal noong una mo kong gaguhin, "Kambal pa'no kung lokohin ka ulit? tatanggapin mo pa?"

Alam mo sagot ko?

Depende.

"Depende, kung may nangyari sa kanila ni girl, hindi na siguro.."

Magkaaway tayo noon. Na napapansin kong napapadalas. Kaya binuksan ko account mo, "boom!"

Ganoon pala pakiramdam noh? Para kang namatay. Para kang namamatay ng paulit ulit pero nananatili 'yung kaluluwa mo sa loob ng katawan mo. Yung salitang sakit, kulang 'yon. Hindi ko alam, bakit ang tapang ko noong gabing yon. Tapang para simulang basahin yung kwento ng kung papanong 'Yung "tayo",  naging "kayo" At sa lahat ng nabasa at nasaksihan ko, wala akong naging ibang tugon kundi impit na hagulgol at panginginig ng katawan.. Sa galit? Sa takot? Di ko alam..

Magulong magulo isip ko. Maraming tanong na bakit na hindi ko masagot.. Maraming salita 'yung gusto kong isigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. "ANG BABOY NIYOOO!!!" yan lang ang tanging nasa isip ko.

Pero iba pala talaga 'pag nagmamahal ka noh? Kahit ang pinakahayop na tao sa mundo kaya mong patawarin. Pero bakit gano'n? Parang ako pa nagmakaawa. Nilunok ko pride ko, paulit ulit kasi gusto kong ayusin natin. Pero bakit ikaw pa 'yung parang nandidiri na lumapit saakin? Ilang beses ako nagtanong Tay, yung totoo.. pero tatlong beses niyong pinagtakpan ang isa't isa.. Pinaikot.. ginago.. tapos makakangiti sa akin yang babae mo na parang walang ngyari? Siguro nga. Siguro nga sapat na din 'yung minsan na tinanggal ko ang pinagaralan ko para lang makasampal at makasabunot. Hindi para ipaglaban ka, kundi para ipaglaban yung sarili ko.


Jessica P.H. "Siguro hindi 'yon sex, kasi mahal namin ang isa't isa.."

Nanay "Sabi mo nalandian ka lang kaya mo ginalaw?!"

Tatay " Noong una. Pero siguro nga mahal ko na.."

ouch. slap. slap. left-right. slap.
oh, de kayo na! Haha. kaloka.

"Sabi mo mahal mo ko? Nasaan na 'yong mahal na mahal?"

"Ang pasensya pala nauubos, at ang pagmamahal nababawasan din..ayoko na."

Sabi nga sa bagong movie ni xian lim at coleen garcia," The sin of love, is when you not fight for it" Lumaban naman ako, kahit duguan pinipilit kong tumayo. Gano'n talaga, eh. Harapan mo ng pinili ang the significant other, isisiksik ko pa ba sarili ko? Para saakin, tama na 'yon. Lahat ng sakit.. pagpapakatanga.. tama na. Tanga-tanga na talaga.

Mahirap lang din talagang paniwalaan noh? Na kung papanong sa isang iglap, hindi mo na ko mahal. Kung papano'ng 'yung mahal na mahal... wala na. Alam mo, sa 4 years natin, hindi ko naisip na hahantong tayo sa ganito. Lahat ng tamis, napalitan ng pait.. Hindi ko nakita na ganyan ka pala.. madaling makalimot.. madaling itapon lahat na parang wala lang. Balewala sayo lahat. Kung gano mo kahigpit hinawakan noon ang mga kamay ko, kasabay ng mga pangakong walang bibitaw, ganoon mo naman ako binitawan. Para ka ngang may amnesia, dali mong nakalimot. Pero buti pa may amnesia sa'yo. Sa kanila, alaala lang ang nawala.. Sayo pati pakiramdam at puso mo ibinaon mo sa limot.

Sana maging masaya kayo. I wish you all the best sa relationship niyo------at syempre joke lang yon. Sana maramdaman niyo ng triple 'tong naramdaman ko na gugustuhin niyo na lang umiyak maghapon habang kumakain ng mcdo fries------at syempre joke lang ulit 'yon. Wala akong masabi. Ang galing. Ang galing galing. Kayo na. Hahaha ang bitter ko. Actually, I really don't care. bumukaka ka man Jessica P.H. magdamag, I don't care.

Sa ngayon nasasaktan na lang ako para sa sarili ko, dahil hinayaan ko kayo na ilugmok ninyo ako sa ganitong sitwasyon. 'Yung pagpapatawad madali naman hingin yan, pero mahirap makuha. Kaya bago kayo, siguro dapat lang na patawarin ko din muna ang sarili ko sa lahat ng ngyari.

Shout out para kay Popoy at basha! Hindi totoo ang 3-month rule, In a relationship pa nga lang kayo, kating kati ng palitan ka. Chos!

P.S.  tatay and Jessica P.H., wag puro sa car, oh please get a room!

Charot.

P.P.S. Bitter not bitter.. pero bitter. pero not bitter. Ang Gulo! Tara, sabay sabay na lang nating akyatin ang keltipan peak at sumigaw ng, "AYYOOKO NAAAA!"
 
Triple P.S. #WalaKayoSaExKo sa galing niyang player, 3 points kay ate mo girl.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018