Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




@THIRTY

Image Description   |   10 February 2018


"Hindi mo na kailangan maghintay nandito na ako. Inaamin ko hindi madali sa akin ito. Natatakot pa rin ako pero mas natatakot ako mawala ka ng tuluyan sa akin. Kaya willing na akong sumagal!" - May


Medyo tinagalan ni May ang pagpili ng pagkain sa buffet table. Alam niya kasing pag-upo niya sa table na kung nasaan ang mga tita's niya siya na naman ang iha-hot seat nito. Isa pa ito sa rason kung bakit  ayaw niya uma-attend ng pa party nito kasi ang ending ang pagiging single na naman niya ang puntirya nila. Laki siya sa poder ng tatlong tita's niya na puro matandang dalaga. Although ang tita Agnes niya sa Manila nagwo-work madalas pa rin itong umuwi sa La Union. Ang tita Amore naman niya na may birthday ngayon ang pinakamatampuhin sa lahat palibhasa ito ang panganay sa lahat at tumutok sa paglaki niya. Ilang birthday na kasi ang hindi niya sinipot kaya katakot-takot na dramahan ang nanyari sa kanila nitong mga huling araw kaya wala na rin siyang nagawa kundi umoo na lang. Ang tita Grace naman niya ay tibo kaya single pa rin. Ito ang sumundo sa kanya sa Manila para wala siyang lusot na hindi makapunta. Ang galing talaga ng mga tita's niya planado na ata ang lahat. Buti na lang mahal niya talagang tunay ang mga ito.

Apat silang magkakapatid bunso ang mama niya. Nasa lahi daw nila ang pagigingatandang dalaga kaya ayun sa takot ng mama niyang manyari ang nasa lahi nila. Ayun maagang nagtanan pero hindi naman pinalad sa piniling pag-ibig siya ang bunga niyon. Nagkaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Japan  si mama Lorna para sa kanyang kinabukasan ay gumora na ito. Naiiwan siya poder ng tatlong tita's niya. Nakapag-asawa ulit ang mama niya sa Japan at tuluyang sinuwerte sa pangalawang pag-ibig. Gusto sana ng mama niya na kunin siya pero mas pinili niyang mag-stay sa poder ng mga tita niya. Dama niya kasi ang lungkot ng mga tita's kung mawawala siya. Kaya kung may pagkakataon nakakapagbakasyon naman siya Japan para makasama naman niya ang ina.



"Uy May parang napakadami naman ng  kinuhang mong pagkain. Baka hindi mo naman maubos yan!" sabi ni Tita Agnes niya.



"Okay lang tita namiss ko po bigla ang pagkain dito  hindi ko po alam kung ano gusto kong unahin kaya kinuha ko na lang lahat!" nakangiting sabi ni May.



"Ilan taon ka na ba iha, 29.. 30.. 31?" tanong ni Tita Amore.



"Heto na po kami!" sabi ni May sa isip.



"Mag-30 na po tita sa May!" pround na sagot niya.



"At wala ka pa rin nobyo? " segunda ng tita Agnes niya.



Nakangiting umiling ito.



"Masaya ka pa ng lagay na yan!" sabi ni tita Amore.

"Bakit tita kayo po hindi kayo masaya na single din kayo. Diba kayo na rin ang nagsabi ang pagiging single is a choice so far yan pa rin ang pinipili ko!".

"Wala Agnes tayo pa ata ang may kasalanan kung bakit ganyan mag-isip ang pamangkin natin!" naiiling na sabi ni  tita Grace.

"Yan kasi masyado nyong kasing in- orient ang bata yan sa corporate world kaya tumandang competitive at hindi na nagmamadali!".

"Tita walang may kasalanan nun, millenials na po tayo. Hindi na po issue sa lipunan natin kung single pa ako sa edad kong ito! Saka po wala naman pong masama kung tumanda ako dalaga bakit kayo, okay naman kayo at masaya! " sabay subo ni May.

"Oo okay kami pero May mga oras din minsan naiisip namin ang mga what if's na yan. Ayaw ka namin magaya ka sa amin!" seryusong sabi ng Tita Amore niya.

Napatigil si May sa pagsubo at pinagmasdan ang mga tita niya. Bigla siyang kinabahan sa mga narinig niya.

"Di bale ang tadhana ang bahala sayo, Abay malay mo palapit na siya ngayon!" nakangiting sabi ng tita Amore niya.

Tumayo ito at waring masayang-masaya sa nakikita.

"Happy birthday tita Amore!".

Bigla na lang  napaintad si May sa narinig.

"Sinasabi ko na nga may patutunguhanang pangungulit ng mga tita's!"

"Hi Tita Agnes you getting younger everytime we see huh!".

Kitang-kita ni May kung paano yakakapin ni Ed ang kayang tita's Agnes.

"Uy tita Grace pogi natin ngayon huh!".

"Pwede ba Ed, hindi mo na ako kailangan bulahin. Nakuha mo na ang boto ko noon pa!" natatawang sabi ni Tita Grace.

"Uy May long time no see!" lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

Syempre dapat okay lang siya diba? Sabi nga nito long time na rin. Pero tanong okay na nga ba talaga siya?

Almost nine years na rin siguro nang huli silang nagkita.  At medyo hindi maganda ang paghihiwalay nila. Ex-boyfriend niya ito at kagaya ng normal na relasyon dumaan sila sa pagiging mortal enemy, friends, best friend, crush, love at ngayon unidentified relationship. "Ano kamo yun? Magkakilala na wala lang, dating magkaibigan pero hindi magkagalit at ex pero hindi na close ganern!". Ang laki ng sakripisyo nito sa pangliligaw sa kanya. Kahit alam nito na may gustorin siya kay Ed, pinagdaanan pa rin nito ang normal na pangliligaw sa kanya. Kailangan niya rin ligawan ang mga tita's niya. Natatawa siya kapag naaalala kung gaano umayaw ito Kay Ed. Pero ngayon e halos ibenta na siya nito sa lalaki.

"Halos wala kang pinagbago May!?" sabi nito pagkatapos silang yakapin nito.

"Anong walang pinagbago, muka pa rin ba akong lulukuhin?" sabi ni May sa sarili.

"Ikaw din, bolero ka pa rin at hanggang ngayon nabibilog mo ang mga tita's ko!" ngumiti si May para hindi masyadong halata na may bahid katutuhanan ang sinasabi niya.

"May, hindi na kami kailangan bulahin ni Ed kasi noon pa man bet na namin siya para sayo!" sagot ng tita Amore niya.

"Oh iho kumain ka muna!" ssbi ni tita Agnes.

"May samahan mo si Ed kumuha ng pagkain niya!" singit ni Tita Grace.

"Malaki na yan, kaya na niya yan!" sabi nito habang atensyon ay nasa pagkain niya.

"Ay akala ko hinihintay talaga ako ni May, kasi dalawang plate yung nasa harapan niya. And almost in your plate was favorite!" nakangiting sabi ni Ed.

Tumingin si May sa pinggan at tiningnan niya ang mga pagkain. "Ay feelingero din si kuya oh!" naiiling na sabi ni May.

"Sige na Ed, buffet naman kuha ka na nang food. Mukang marami ka na rin gutom!" sabi niya at saka bumalik sa pagkain.

Hindi na niya tiningnan ito kaya hindi na rin niya nakita ang reaksyon sa sinabi niya.

"Ikaw talaga!" sabay palo ng tita Agnes niya sa braso niya.

"Aray! Bakit na naman po?" habang  hinihimas nito ang pinalo ng tita niya.

"Sinungitan mo naman si Ed!"

"Tita anong pong masungit doon? Kinausap ko naman siya!"

"Kahit na, hindi mo man lang inasikaso yung tao!"

"Tita hindi naman po ako ang may birthday at hindi nag-imbita sa kanya. So bakit po ako ang dapat mag-entertain sa kanya?"

"Natural ex mo yun, saka kahit papaano naging magkaibigan kayo. Not unless hindi ka pa rin nakakamove-on sa nanyari sa inyo?" nakangiti sabi nito.

"Hala.. Hala... Hala tita saan nang galing iyon? Saka po sobrang tagal na iyon hindi ko na nga matandaan kung kailan kami huling nagkita. Kayo na rin po ang nagsabi ex at dating kaibigan. So naka move-on na ako, kayo na nga lang po ata hindi nakakamove-on diyan! "

Napairap lang si tita Agnes na parang hindi kumbinsido sa sinabi niya.

" Pero May ito na lang, umamin ka huh as in yung totoo. Mas gumwapo siya no? " mapanuksong sabi nito.

Muling tumungin si May sa lalaking kasslukuyang kausap ng tita Amore niya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa.

"Well.. Let me see... Parang tumakad siya hhhmmmhh... Medyo nagmtured pero taglay pa rin ang mala anghel na mukha. Tisoy pa rin naman, medyo nagkalaman or nagkakaha ang katawan  at ano pa ba? Wala basta same pa rin ng dati, yung mga tipong ayaw niya sa lalaki. Gwapo, pa-fall, habulin at malamang two timer! " sabi sa isip niya.

" Well... Okay naman! " sabay baling ulit sa pagkain.

" Okay lang? Yung lang? " hindi makapaniwala si tita Agnes sa sinabi niya.

" What do you want me to say tita? He's pretty obvious naman na he is looking good and mukang he is the type of person na nababakante!".

"So pagnalaman mo bang single pa rin siya hanggang ngayon, do you think pwede ulit kayo?" diretsong sabi nito sa kanya.

Nasamid si May sa sinsbi ng tita niya.

"Tita huh fishing ka! Well alam mo naman po I don't believed in second chances. I can forgive but not forget. Saka tapos na kami let's put a perion on that!".

"Pero pwede kayong maging friends ulit?" hirit pa nito.

"Siguro, maybe, pwede... Pero alanganin e. I don't see myself befriend again to the person who broke my trust. Siguro pwede civil na lang ganun, magkilala!" totoo ang mga sinabi niya.

Nakita ni May kung paano nalungkot ang tita Agnes niya sa sinabi niya.

"Oh Agnes anong nanyari sayo?" tanong ni Grace.

"Wait bigla ata akong nauhaw!" sabi ni Agnes.

"Do you want me to get you a drink tita?" tanong ni Ed.

"Iba rin sya oh.. Pabida din e!" naiiling na sabi ni May sa isip.

"No kumain ka na, ako na lang saka may kukunin din ako sa loob!" tumayo ito saka umalis.

"Alam mo ba May daig ka pa nito si Ed, siya every birthday ko nandito may handa man o wala!" sabi ni Tita Amore.

Medyo nasaktan si May sa narinig buhat sa tita niya. Kung alam lang talaga nito kung anong nanyari nine years ago baka hindi na ito makatungtong pa sa balwarte nila.

"Tita baka busy lang po talaga si May!" salo naman ni Ed sa kanya.

"Oo nga naman ate, bumabawi naman si May sayo after your birthday diba!" segunda naman ng tita Grace niya.

"Well sinabi ko lang naman!" halata pa rin sa boses nito na nagtatampo pa rin ito sa kanya.

Tahimik na lang si May sa buong duration ng party. Sumasagot sa mga tanong kung kinakailangan. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan na niyang mapahinga. Kaya nagpaalam na siya sa mga tita's niya at syempre kay Ed.

Paakyat na siya sa hagdan ng biglang may tumawag sa pangalan niya.

"May!"

"oh Ed, may kailangan ka?"

"I just wanna say I'm glad to see you again, as in!" sabay plaster ng killer smile nito.

"Ay naku ito na naman si kuya pa-fall na naman, sorry ka na lang imune na ako diyan sa pagpa-cute mo!" sabi ni May sa sarili.

"ahh ganun ba!" nginitian niya na lang ito.

"At saka pala yung sinabi ni Tita Amore, sorry if na offend kita. Hindi ko naman gustong i-compare niya ako sayo!" habol pa nito.

"Ang alin yung every year na nandito ka?" tanong ni May.

Tumango naman ito.

"Don't worry okay lang yun, totoo naman e. Saka nagkulang din naman ako kaya nga babawi na lang ako!" nakangiting sabi niya.

"And May thank you din!" sabi ulit nito.

"For what?"

"For not telling tita's what happen to us! " nakangiting sabi nito.

Napataas ang kilay ni May sa sinabi ni Ed.

"Wala yun tagal na nun!" sabi niya.

"And for that I just wanna make apologies about what happen nine----"

"Ed please, matagal na iyon, okay? If wala ka ng ibang sasabihin pa aakyat na ako kasi gusto ko na kasi matulog?!" putol ni May sa sasabihin nito.

Natahimik lang ito saka bumuntong hininga ng malalim.

"Okay sige you go ahead take a rest na!"

Tumingin muna si May sa lalaking kaharap niya bago tuluyan pumasok sa kwarto niya. Pagpasok niya biglang nanumbalik ang ang lahat nine years ago. Inikot niya paningin sa kabuuan ng kwarto sabay sabi "kaillan ba ako huling pumasok dito?! Oo umuuwi ako dito pero hindi ako nag-stay ng matagal kaya para tuloy ang tagal talaga ko ng hindi nakikita ito.. Namiss ko lang siguro! ". Naglinis siya ng katawan saka humiga ng kama. Pagod ang katawan niya pero gising ang diwa niya. Hindi niya maiwasan isipin ang dahilan kung bakit ang tagal na niyang hindi nakakauwi at nakakatulog sa kwarto niya.

"Ay naku Ed kasalanan mo ito, kasalanan pati tuloy sila tita's nagawa kong tiisin!" naiiling na nasabi niya.

Flashback...

Nine years ago....

"Uy May, mukang abalang-abala ka diyan huh anniversary nyo na noh?" lapit ni Elisse sa kanya.

"Oo kailangan masurprise ko siya sa apartment niya. Alam mo na ngayon ko lang ito gagawin, palagi kasi siyang may pakulo kapag anniversary namin!" nakangiting sabi ni May habang busy ito sa pagtiklop mg mga papel na pang-dekorasyon.

"So sa apartment nya pala kayo magce-celebrate ibig bang sabihin isu- surrender mo na ang bataan!?" nakangiting tanong nito.

"Grabe ka baka may makirinig sayo! Saka hindi noh! alam mo naman ang sagot ko diyan pagkatapos ng kasal saka ko lang ibibigay ang sarili ko sa kanya!".

"Bilib na talaga ako sa pagtitimpi ng boyfriend mo, biruin mo three years wala nanyayari sa inyo. Ingat ka diyan girl baka masalisihan ka. Lalo na ngayon kala't na kalat ang pagkagusto ni Hershey sa jowa mo!".

"Well nasa sa kanya naman yun kung sisirain nya ang tiwala ko sa kanya. Saka bago kami nagi magjowa ni Ed naging kaibigan ko siya kaya alam kong hindi niya gusto ang ganun tipo ni Hershey!".

"Sabagay, tama ka naman talaga sa sinabi mong hindi niya type ang mga babaeng para convenient store open 24/7. Saka alam ko naman ang loyal at faithful yun sayo. Kaya nga si Mac lagi kong sinasabihan kay Ed magsasama para mahawaan naman ng pagiging mabait!".

"E kaso kahit anong bait ng boyfriend mo kung deprived naman sa tawag ng laman madali pa rin maagawa!".

Sabay napatingin si Elisse st May sa nagsalita. Nakita nila si Hershey kasama ng dalawang alipores nito palapit sa kanila.

"Uy busy si GF, ano ito pang fiesta?" sabay angat nito sa papel na ginugupit ni May.

"Anong ginagawa mo dito?" seryoso pero may diin na sabi ni May.

"Wala sinisilip ko lang kung anong ginagawa mo. Balita ko kasi anniversary nyo raw ni Ed kaya hindi siya makakasama mamayang gabi pabirthday ni coach! Well hindi naman pala sayang ang pagpunta ko dito dahil  na rin sa mahaderang mo kaibigan lumabas ang kahinaan ng BF mo! " nakangiting aabi ni Hershey sabay tingin kay Elisse.

"Aba't ang bastos mo rin nakikinig ka sa may usapan ng iba!" akmang susugudin ni Elisse ito pero pinigilan lang si no May.

"Poor boyfriend, sa gwapo ni Ed na iyon tinitigang mo lang!".

Ngumiti si May at saka nagsalita.

"I think that's not your business anymore. Kung anong merun sa amin ni Ed amin na lang iyon. Huwag mo kaming itulad sayo na open page lahat ng nanyayari sa buhay mo!".

"Wow akalain mo may dila ka pala, iba ka rin nasa loob ang kulo mo noh!" nakangiting sabi nito.

"Hershey ayaw ko na gulo kaya please leave me and my boyfriend alone!" maayos pero may conviction na sabi ni May.

"Sorry girl but I like your boyfriend and sisiguraduhin ko sayo ako makakapagbigay kay Ed ng hindi mo kayang ibigay!" ngumiti ito sa kanya bago tuluyang umalis.

Natahimik lang si May after sabihin iyon ni Hershey. Muli niyang ibinalik ang pansin sa ginagawa.

" Ano ganun lang yun dedma ka lang? " nagtatakang tanong ni Elisse.

" Mas lalo lang manggigil sa amin iyon pagpinatulan ko pa. Like what I said may tiwala ako kay Ed. Kung sakaling bimigay siya kay Hershey well alam mo na ang manyayari, baka we are not meant for each other! " sabi niya habang busy sa paggugupit.

"Ang swerte sayo Ed, napakabait mong girlfriend. Kung ako nasa kalagayan mo kanina pa ako nasa court binabakuran ko na yun star player ng universuty natin!" naiiling nasabi nito.

"Suwerte rin naman ako sa kanya bukod sa gwapo na napakabait pa!" nakangiting sabi ni May.

Biglang nag-ring cellphone niya.

"Speaking, hayan na namimiss ka agad!".

Ngumiti si May kay Elisse bago sinagot cellphone.

"Hello babe!" sagot ni May.

"Hi babe, hindi pa rin kayo tapos?" sabi ni Ed sa kabilang linya.

Napangiti si May nai-imagine kasi niya ang boyfriend na humahaba na naman ang nguso dahil hindi niya pinagbigyan sumama siya sa laro nila sa ibang university.

"Matatapos na rin baka hindi na lang ako makakasunod diyan magkita na lang tayo pag-uwi mo!".

"Ano ba yan anniversary natin pero parang hindi happy!".

"Ano ka ba pwede naman tayong magmovie marathon sa apartment mo atlist makakapagpahinga ka pa. Alam ko namang pagod ka sa game mo e!".

Narinig niyang nagbuntuhininga nito.

"Kasi ngayon lang atang anniversary natin na hindi ko napaghandaan e, sorry babe huh!".

"Ano ka ba naman okay lang yun I know you been busy lately exam week plus itong laban nyo. Marami pang time para magdate at sa mga surprise mo. May next year pa tapos next year pa ulit!" masayang sabi ni May.

"Alam mo kaya sobrang mahal na mahal kita. Ikaw kasi ang sunshine ko. Sigurado makabawi na ako 3rd  and 4th quarter nito!".

"Kaya mo yan babe, ipanalo mo for me!".

"Happy anniversary and I love you  you so much!".

"I love you too babe galingan mo huh!" at binaba na niya ang phone.

"Grabe pagka-tam-is naman nun, nilalamgam na ako dito oh!" sabay kunwari kumakamot si Elisse sa braso.

"Gaga, bilisan na natin at baka mauna pa yun sumundo sa akin kaysa maayos ko ang apartment niya!".



****

"Ang tagal mo naman babe!" halata ang pagkayamot at pagod sa mukha nito kahihintay sa main entrance ng school.

"Sorry babe ayaw akong ako pakawalan ng ng mga kagroupmate ko!" paliwanag niya.

"Anong oras na oh, maya-maya kunti uuwi ka na kasi may curfew ka!" naiinis na sabi nito.

"Kaya nga tara na sayang oras!" sabay hawak ni May sa kamay niya.

Kinagulat naman iyon ni Ed, napangiti lang si May sa reaksyon nito. Bihira kasi ang ganitong pagkakataon na siya ang unang gumagawa ng move para maging sweet sila. Ni ayaw niya rin ng PDA kaya pagsila na lang siya bumabawi rito.

Nang nasa tapat na sila ng apartment pinatigil muna ni May si Ed. Saka nilabas ang panyong gagamitin niyang pang blindfold dito.

"Babe, ano ba ito?" nakangiting sabi nito.

"Basta sumunod ka lang!" sabi ni May.

At tinulungan ni May tuluyang makapasok ng bahay si Ed.

"Pagsinabi ko tangalin mo na yan panyo, tagalin mo na huh!".

Tumango lang si Ed tapos umalis si May sandali.

"Sige na babe, tangalin mo na!".

At tinanggal ni Ed ang blindfold kita-kita niya ang effort na ginawa ni May para sa kanya.

"Babe happy anniversary!"  habang hawak nya ang cake na my mini firework candles.

"Akala ko ba wala munang surprise this year?" halata pa rin ang pagkagulat at saya sa mukha nito.

"Naisip ko lang bumawi kasi lagi ka na lang may paadar e. Yun nga lang hindi kasing garbo at kasi mahal ng mga surprise mo sa akin!".

"Ano ka ba yung hinawakan mo lang kamay ko at nagpaakbay ka habang naglalakad tayo sa campus sobrang masaya na ako. E ano pa ito grabe dinaig mo pa yung mga ginawa ko!".

"Pasensya na nagulo ko ang apartment mo, pero don't worry liligpitin ko ito bukas bago ako umuwi. Tapos nang hiram na rin ako ng cd's kasi lately hindi na tayo nakakapanood ng movie kasi busy tayo sa school. Then I'll prepared snack and------!".

"Wait... Wait.. What do you mean maglilipit ka bukas? At ang dami nito cd kaya ba natin matapos yan? Dami rin ng food? Huwag mong sabihin you'll gonna sleep here?".

"Yun na nga sana sasabihin ko hindi mo ako pinatapos. Nagpaalam ako kay tita Amore ang sabi niya papayagan niya lang ako kung tatawag ka na sa kanya ngayon!".

Sa sobrang saya ni Ed hindi na niya binitawan si May. Naka back hug siya dito habang kausap si Tita Amore.

"Basta Ed, I trust you huwag kayong gumawa ng ikakasira ng tiwala ko sa inyo!" bilin ni tita Amore sa kabilang linya.

"Yes tita Amore, sobrang thank you po talaga promise po magbe-behave po kami!".

"Okay o siya manood na kayo ng movie ng makarami. May pinadala ako isang Tupperware na clubhouse diyan at pasta. Pa-anniversary ko na sa inyong dalawa!".

"Salamat tita, bye po!".

" oh okay na?" tanong ni May.

"yes babe, happiest anniversary ever!" sabay yakap kay May.

"Ay sus tama na yakap nakakarami ka na e!" biro ni May.

"Ito naman ang KJ yakap na nga lang!".

"Ay sus o sige manawa ka!" natatawang sabi ni May.

Inumpisahan na nila ang movie at kwentuhan ng walang humpay.

"Nga pala after lunch na ang uwi ko pero pupunta dito sila Elisse at Mac para makiparty aa atin!".

"Okay no prob!" nakatingin si Ed at busy manood ng wonder woman habang hawak niya ang kamay ni May.

Tinitigan ni May  si Ed at naalala niya ang sinabi ni Hershey kanina. Kinuha ni Ed remote at pinause ang movie.

"anong gumugulo sa isip mo?" sabay baling ni Ed kay May.

"Hala uy bakit mo pinause yung movie?".

"Kasi your not watching, so what bothering you?".

"huh, wala ano ka ba masama ka bang tingnan?".

"I know you May, bago naging tayo naging bestfriend muna tayo kaya kilala kita!".

"Nagkausap kami ni Hershey kanina. Narinig niya sa usapan namin ni Elisse yung tungkol sa hindi ko pagbibigay ng ano sayo!".

"Anong yung hindi mo ibinibigay?" nagtatakang tanong ni Ed.

"Yung ano.. Yung.. Ano.. Basta ano.. Alam mo na yun?" medyo nag bla-blush pang sabi ni May.

"Ano nga kasi yung ano na yun?".

"Yung sarili ko.. Bataan.. Virginity.. Ganun!?" diret-diretsong sabi no May.

Natatawa si Ed sa inaasta ng girlfriend.

"Huwag intindihin yun palibhasa kasi pakawala yun kaya siya malaya niyang nabibigay ang sarili sa ibat-ibang lalaki!".

"Pero sabi niya aakitin ka daw niya at siya daw ang magpupuno ng lahat at hindi ko kayang ibigay sayo!" nakasimangot na sabi ni May.

"Halika nga dito!" hinila siya nito at pinaupo sa tabi niya.

"Ed huh, sige sige pa rin pagyayakap huh quota ka na!".

Natawa lang ito sa sinabi ni May.

"alam mo isa yan sa mga katangian na gusto ko sayo. You know how to value yourself . Malayo ka kay Hershey kaya never ako mafa-fall sa mga schemes nun sa akin. At isa pa napag-usapan natin yan tungkol sa love making diba? Gagawin lang natin yan kapag parehas na tayong reponsable at higit sa lahat kapag may basbas na tayo ni God. Kaya huwag mong intindihin yung delulu na yun! Saka wala ka bang tiwala sa akin?! ".

" Sayo merun pero doon sa babaeng nangingitim ang hasang wala! ".

" Don't ruin our night dahil lang sa babaeng yun! " sabi ni Ed.

Tumango lang si May inaangat ulit ni Ed ang remote para resume ang movie.

" Wait.. Hindi kasi ako makampante, pwede ba kung hindi maiiwasan or nagkasubuan na. Kung makikipag anuhan ka sa ibang babae huwag kay Hershey. Pumili ka naman ng may class at maayos!".

"May naman e uulit naman ba tayo?".

"Ah basta mag-promise ka, kahit kanino huwag lang sa delulu yun!" sabay tingin ni May ng diretso kay Ed.

"Seryuso ba ito babe?" naiiritang sabi ni Ed.

"Oo nga, kaya magpromise ka!".

"Okay fine you win. I promise hinding-hindi ako papatol sa delulung iyon. Happy?".

"Yes, mabuti ng malinaw ang usapan!".

Natapos ang gabi na iyon ng masaya at puno ng kulitan nilang dalawa.

Lumipas pa ang mga araw at nalalapit na rin ang championship ng basketball kung saan maglalaro sila Ed at teammates niya. Hindi makapanood ng practice game si May dahil kailangan na niya umattend ng klase niya nasa dean lister kasi siya kaya hindi pwede mamiss ang klase niya.

"hello babe, nasaan ka na?" tanong ni Ed.

"Babe, nandito pa sa class room may emergency meeting pa kasi!".

"Paalis na kami punta ka na dito para makasabay ka na sa akin!".

"Hello babe, pasensya na huh pwede bang susunod na lang ako  hindi ko talaga maiwanan yung groupmates ko!".

"May, naman e pinag-usapan na natin ito!".

"oo alam ko kaya nagka-emergency lang talaga!".

"Ewan ko May, minsan lang ako nagrequest sayo kasi kinakantyawan na ako ng teammates kasi lagi kang wala!".

"Babe naman huwag ka nang magalit promise susunod ako once matapos ako dito!".

Narinig ni May ang pagbuntong hininga ni Ed sa kabilang linya.

"Sige na, umuwi ka na lang maaga sa inyo. Baka gabihin ka pa pagsumunod ka dito mag-aaya ka lang umuwi. Puntahan na lang kita bukas sa buhay nyo!".

"Babe---"

Pinatay na ni Ed ang cellphone.

"Oh ano teh, bakit nakasimangot? Galit noh? Ikaw naman kasi pwede naman kami na lang dito!".

"Elisse  group project ito, unfair  naman kung iiwan ko kayo!".

"Unfair mo din sa boyfriend mo noh, minsan lang humiling yun  sayo hindi mo pa pinagbigyan. Kung ako lang inaya ni Mac my love baka kagabi pa ako nasa bahay nila!".

"Puro ka naman biro e!".

" Uy tigilan mo ako, sumunod ka doon kami ng bahala rito. May utak rin kami kaya namin ito. Yung boyfriend mo asikasuhin baka mawalang tayo ng magaling player kasi  hindi inspire dahil wala ang muse niya. Diba guys? ".

"Oo nga May kami ng bahala dito!" sabi ng mga groupmates.

Ngumiti si May, salamat guys. Babawi ako sa inyo promise! ".

Agad kinuha ni May ang mga gamit niya at dinayal ang number ni Ed. Nakakailang dayal na si May hindi pa rin sumasagot ito.

" Mukang galit talaga si loverboy!" sabi ni May sa isip niya.

Dali-dali siyang pumunta kong saan ang pick-up point na sinasabi ni Ed na pagkikitaan nila.

"Yong!".

"Oh May bakit?" tanong nito s kanya ng makalapit si May.

"Nakaalis na ba sila Ed?".

"Oo May mga 30 minutes ago na rin!".

"Ganun ba? Alam mo ba paano pumunta doon. Magko-commute na lang ako!".

"Naku May walang public vehicles na dumadaan doon!".

"Ganoon ba!" nalungkot si May na sinabi ni Yong.

"Pero kung gusto mo sumabay ka sa akin maya-maya naiwan kasi yung ibang pagkain isusunod ko doon pagkaluto! " nakangiting sabi nito.

" Yong salamat! ".

Nang matapos maluto agad na nagpunta sila kung saan naghappy happy ang basketball team ni Ed.

"Uy May, nandito ka pala!".

"Hi Coach, si Ed po?".

"Ahh hinatid ni Hershey sa taas nahihilo daw!".

"Huh, bakit po?" nagtatakang tanong ni May.

"Hindi pala sanay uminum ang boyfriend!" saka nagtawanan ang lahat.

Biglang nakaramdam ng kaba si May kaya dali-dali siyang umakyat sa taas. Binuksan niya lahat ng kwarto doon. May ibang player siyang nakita na may mga kasamang babae at may ginagawang himala.

" May! ".

" Marco nasaan si Ed?".

"Ano kasi May nahilo siya kanina hindi ko nga rin alam. Sanay naman yun uminum pero isang bote sumakit na agad ang ulo!".

"Sabihin mo kasama ba niya Heshey?.

" Ano kasi May siya ang---"

" Kasama ba niya?! " sumigaw na si May.

" Oo M-May! " nauutal na sabi niya.

" Nasaan sila? Nasaan? ".

Sabay turo ni Marco sa isang kwarto. Dali-dali binuksan ni May ang pinto at nakita na niya si Ed topless, nakahiga sa kama habang si Hershey nakaibabaw dito. Tumulo ang luha niya sa nakita kahit gustuhin man niyang umalis at tumakbo parang namanhid ang mga paa niya.

"Ed---!" tawag ni Marco.

Halos sabay lumingon si Ed at Hershey sa kanila.

"May!" sagulat ni Ed naitulak niya si Hershey at nahulog ito sa kama.

"May, it's not what you think? May.. Babe awwwwwww!" sapo nito sa ulo nang tangkain nitong tumayo sa kama.

Doon nagkalakas ng loob tumalikod si May at umalis sa kwartong iyon. Nag volunteer si Yong na ipagdrive siya pabalik sa school nang makita siya nitong paalis sa lugar na iyon na umiiyak. Buong byahe ay umiiyak si May. Gustuhin man ni Yong na magtanong pero pinili na lamang niya manahimik.


****
Lumipas ang ilang araw wala ginawa si May kundi iwasan si Ed. Nandyan yung uma-attend siya ng ibang klase ng prof.niya para lamang hindi siya puntahan nito. Kahit sa hallway ng campus lagi siyang nagmamadali para hindi siya maabutan nito. Wala sinabihan si May sa nanyari kahit sa bahay sa mga tita's niya hindi niya ikinuwento ang nakita niya. Malaya pa rin nakakapunta si Ed sa bahay nila pero nakakagawa ng paraan si May para hindi sila mag-abot. Malaking tulong din na graduating na sila para malibang at maging busy ang utak niya. Si Elisse ilang beses nagtangka magtanong pero bigo rin ito. Lahat ng sakit, galit at sama ng loob kinimkim ni May. Walang gabi hindi siya umiyak dahil sa ginawa ni Ed. Masyadong malaki ang pagmamahal niya sa lalaki kaya parang hindi niya matanggap na nagawa nito aa kanya.



****
Isang araw...

"Coach pinapatawag nyo daw po ako!".

Tumingin lang ito sa kanya.

"May, alam mo naman sa Sunday ay championship at alam mong star player ko si Ed. Pero simula nung nanyari sa rest house hindi na siya nagpa- practice. At hindi na daw siya maglalaro kasi wala na sira na daw siya sa paningin mo. May, nakikiusap ako. Alam ko hindi biro ang krisis ang kinahaharap ng relasyon nyo ngayon. Pero sana huwag hayaan sirain ni Ed ang buhay niya at pangarap dahil sa nanyari sa inyo!" paliwanag nito sa kanya.

" Ano pong gusto nyong gawin ko? " walang kaemo_emosyong tanong ni May.

" Pakiusapan mo siyang maglaro para naman ito sa reputasyon ng eskwelahan natin! ".

Kinuha niya ang cellphone at tumipa:

SMS:

M:Gusto mo ako makausap diba?

E: Babe finally, yes gusto kita makausap!

M: maglaro ka sa championship and win the game! Pagnanalo kayo sige I give you 30 minutes.

Biglang nagring cellphone ni May pero hindi sinagot May.

E: bakit may condition pa, lets talk about this May. Ayusin natin ito,  babe I'm sorry!

"Coach, hindi ko alam kung makakatulong ito para makalaro siya pero hanggang diyan lang po kayang gawin!" sabi ni May sa coach ni Ed.

Maya-maya nakatanggap ng text si Coach galing kay Ed.

"May okay na magpra-practice na daw siya mamaya. Thank you May at sana maayos nyo ang lahat sa pagitan  nyo ni Ed!"

Ngumiti lang si May ng pilit sa lalaki. Nang makaalis ito nakatanggap naman siya ulit ng text kay Ed.

Sms:

E: okay maglalaro at sisiguraduhin kong mananalo kami. Pero sana manood ka last game ko na  ito.. Please Babe!

M: Okay manonood ako!

E: salamat babe.. I miss you na, I miss us and I love you!

Pumatak muli ang luha ni May sa huling nabasa niya. Bago pa niya sagutin ang text ay manabuti na niyang itago ang cellphone at binuhos ang pag-iisip sa binabasa.

Dumating ang championship at gaya ng napag-usapan naglaro si Ed.

"Pre, hindi ka pa ba papasok tambak na tayo oh!" sabi ni Mac.

"Not yet!" sabi ni Ed habang tumitingin sa paligid.

"Hi baby boy, maglaro ka na please matatalo na tayo oh!" sigaw ni Hershey.

"lumayo ka sakin lalo lang ako nababadtrip sa pagmumukha mo!" inis na sabi ni Ed.

Nagulat ang lahat sa sinabi nito sa babae.

"Bro, nandyan na ang muse mo!" sabi ni Yong sabay nguso nito.

Napaangat ng tingin si Ed at nagtama ang mga mata nila ni May.

"Coach I'm ready na!" sabay tayo nito.

Pumasok si Ed at naglaro, gaya ng inaasahan ng lahat nakahabol at nanalo sila. Hinirang na MVP  si Ed dahil sa galing at dami ng points na nagawa nito.

"Brod, congrats akala ko talaga ilalalag mo kami!" sabi ni Mac.

"Uy sagot daw ni coach!" sigaw ng isang ka teammates nila.

Sakto nakaayos na si Ed.

"Brod saan ka pupunta magpaparty ulit si Coach! " pigil ni Mac.

Tumingin lang si Ed sa kanya.

"brod hindi yan sasama sa atin, Ed nasa labas na si May!"

Dali-daling lumabas si Ed nakita niya dun ang nobya. Tumakbo siya at yumakap sa dalaga.

"May!" tanging nasabi niya.

Gustong tanggalin ang mga brasong nakapalibot sa katawan niya. Gusto niya itong tulak para ipaalala ang nanyari. Pero dahil sobrang miss na niya ang binata nagpaubaya siya. Total ito na ang huli, oo huling pagkakataon para maramdaman niya minsan sa buhay may isang Ed na nagmahal sa kanya.

Inaya ni May si Ed sa likod ng eskwelhan kung saan bihira lang ang tao doon masinsinan silang nag-usap.

"I breaking up with you!" sabi ni May.

"What? Kung tungkol ito sa kay Hershey I swear wala talaga nanyari. She drug me para mahilo ako!".

"Alam ko naman yun e, sa tindi ba naman ba na pagkagusto nun sayo. Kaya lang sinabihan kita diba sa umpisa pa lang alam mong may balak yun sayo. Pero of all the girls siya pa? Diba sabi ko kahit iba na lang huwag lang siya?".

"May, sorry promise it wont happen again please babe don't do this!".

"Buo na ang desisyon ko, I'm setting you free!".

"No May hindi ako papayag, in this relationship dalawa tayo kaya dapat both of us parehas ng nagdedesisyon. And my decision is to stick with you. I can't live without you. May please don't to this to us!" umiiyak na si Ed.

"Sorry Ed I don't trust you anymore. Ito na ang huli natin pag-uusap!" saka tumalikod.

Hinabol siya ni Ed at niyakap kahit nakatalikod.

"Gagawin ko ang lahat para bumalik ang  tiwala mo basta huwag ka lang lumayo  May!" sabi ni Ed sa pagitan ng iyak at higpit ng yakap.

Dinama ni May ang yakap ni Ed mga 10 minutes din sila ganun hanggang siya na ang kusang kumalas. Umalis siya ng hindi lumilingon sa lalaki. Baka kasi pagginawa niya iyon hindi na niya mapakawalan ang lalaki.

Lumipas ang mga araw naging busy ang lahat malapit na ang graduation pero kailangan muna nilang pagdaanan ang finals. Sila Ed at May ayun magkasama pero hindi nagkikibuan. Hindi na rin umiwas si May papagudin niya lang ang sarili niya. Hinayaan na lang niya bumunto't ang binata sa kanya. Kahit sa bahay hinaharap din niya ito kahit hindi sila nag-uusap. Buti na lang exam week may excuse na parang naggro-group study lang silang dalawa. Okay lang naman ng ganun kay Ed basta lagi niyang kasama ang si May.

****

"Uy May, graduation nyo na sa makalawa anong balak nyo ni Ed? Darating ba ang family niya invite mo na lang sila dito para magdinner!" sabi ng tita Amore niya.

Pero hindi sumagot si May busy kasi siya na kontrolin ang pag-iyak niya.

"Uy May okay ka lang?" tanong ng tita Grace niya.

Bigla tuloy tumulo ang luha niya hindi na niya napigilan.

"Uy anong nanyari sayo?" sabay lapit ng tita Agnes niya.

"Mga tita, after graduation aalis po ako papunta Japan. Nakapagbook na po si Mama ng flight ko!" sabi niya.

"Ano? Bakit may nanyari ba?" nag-aalala tanong ni Tita Grace.

"Anong sabi ni Ed? Alam ba niya ang tungkol dito?" tanong ng tita Amore niya.

"Hindi po!" sabay yuko ni May.

"So tama ang hinala ko may problema kayong dalawa!".

"Wala na po kami tita!" sabi niya.

"Ano?" halos sabay-sabay na sabi nito.

"it's a wise decision tita kaysa patuloy lang kami masasaktan kung ipipilit pa namin!" naiiyak na sabi ni May.

"Ayusin nyo yan May, hindi porket maliit na problema susuko kayo agad! Hindi ka aalis papuntang Japan hanggang naayos sa inyo ni Ed!".

"Tita please, wala na po talaga e. Sumuko na po ako!" umiiyak na si May habang inaalo ni Tita Grace.

"Sabihin mo May, may iba ka na ba?" tanong ni tita Amore.

"Wala po tita, pero sa amin ako po talaga ang may problema!"

"Ate hayaan muna natin si May magbakasyon sa Japan baka kailangan niya talaga ito!" sabi ni Tita Grace.

"Kaya lumalaking sutil yan lagi nyo pinagtatakpan at kinakampihan. Bahala kayo diyan hindi ako a- attend ng graduation mo!" sabay alis ni Tita Amore niya.

"Huwag kang mag-aalala anak ako ng bahala sa tita Amore. Tahan na oh hindi ka na makahinga!" sabi ni Tita Agnes.

"Mga tita sorry po huh, hindi ko po kayo naisip nung nagdesisyon akong pumunta sa Japan. Hindi ko na po kasi kaya nakikitang nasasakta si Ed dahil sa akin. Kailangan po namin ng distansya!".

"huwag kang mag-alala lahit hindi namin maintindihan ang pinagdaraanan nyo ngayon. Sayo pa rin kami kakampi love ka namin e!" sabay gulo ng buhok niya.

"Salamat po tita Grace!"

Nang araw ng graduation hindi nga sumama ang tita Amore niya gaya ng sinabi nito. Na meet din niya ang parents ni Ed at alam na nito ang balak ni May. Nakapagpaalam na siya kay tita Irene  at kay Elle nung gabi thru phone. Nagtatanong kung bakit at ano nanyari sa kanila ni Ed. Basta sinabi na lang niya na may mga bagay na hindi sila magkatugma at magkasundo. Sa huli nakumbinsi na rin huwag sabihin ang tungkol sa pag-alis niya. Pagkatapos ng pagakyat niya sa stage ay agad na rin silang umalis ng tita Grace niya papuntang airport. Simula nun araw na iyon hindi na sila nagkakausap ng maayos ng tita Amore niya. Pagbalik niya sa Pilipinas agad siyang nakahanap ng trabaho at nagconcentrate sa bagong buhay niya.

End of flashback....



Hindi niya namalayan tumutulo na pala ang luha niya. Akala niya nakalimot na siya pero hindi pa rin pala.

Dahil sa kaiisip kagabi tinanghali tuloy siya ng gising. Dahil nasa sariling bahay naman siya hindi na siya nag-abala mag-ayos ng sarili kahit walang suklay, toothbrush at bra bumaba na siya para kumuha ng gatas sa ref. Half awake pa siya kaya parang si Sadako ang peg niya habang naglalakad. Nang makapasok sa kusina diretso siya sa kuhaan ng baso saka pumunta sa ref at kumuha ng fresh milk. Bago tuluyang isara ang dahon ng ref nagsalin siya ng gatas sa baso at uminum. Nang mangalahati na niya nagsalin ulit siya hanggang sa mapuno ulit niya ang baso bago tuluyang isara ang ref. Sakto pagsara niya saka naman may taong bumati sa kanya ng good morning.

"Good morning!" malakas na sabi ni Ed.

Sa gulat ni May naitapon niya ang gatas sa harapan ng dibdib nito pababa sa short.

"Oh my sorry!" dala ng reflexes niya agad niyang  naabot ang file ng tissue at saka pinunasan ang natapunan na damit ng lalaki.

"May ako na.. Okay lang ... ako na....!" sabi ni Ed.

"Bakit ka ba naman kasi naggugulat? saka anong ginagawa mo diyan sa likod ng ref? kanina ka pa ba dito?” habang sige pa rin si May sa pagpunas sa natapunan na damit ni Ed.

“May stop please!” medyo iba na ang tuno nito.

Napatingin si May sa mukha ni Ed at nakita nito ang pagkailang sa ginagawa niya. Nang tumingin siya sa area na pinupunasan niya saka lang siya naging aware na ang harapan na ng short nito punupunasan niya. Agad naman binitawan nito ang tissue na hawak niya. Saka tumagilid  para mabawasan ang akward sa pagitan nila.

“Anong nanyayari dito?”.

Halos sabay napatingin sila May at Ed kay tita Amore.

“Ahh tita natapunan ko po si Ed nang gatas hindi ko naman po sinasadya!”.

“Kasalanan ko naman po tita ginulat ko po siya!” segunda naman ni Ed.

Nagkatinginan sila tapos sabay din nagbaba ng tingin.

“Segurado kayong walang kayong ginagawang himala dito?”.

“Tita!” nagmamaktol na react ni May.

“Bakit? Nakita mo na ba ang itsura nyo?” balik na tanong ni tita Amore.

Napatingin si Ed kay May at nakita nito kung gaano ka-pround ang hinaharap nito at dahil manipis naaaninag niya nag dalawang tore nito. Nang mapansin naman ni May kung saan nakatingin ang binata tinakpan  niya  agad ito ng dalawang kamay saka umirap at umalis. Sinundan lang ni Ed ang pag-alis ng dalaga.

“At ikaw naman,  ke aga-aga pinagnanasahan mo naman ang pamangkin. Baka gusto mong  magpalit ng damit at nakikita pa namin ang tindig ng sundalo mo!” sita ni tita Grace.

“Sorry po!” sabay alis niya sa kusina.

“Stupid sa harapan pa talaga ng mga tita ni May!”  sabi ni Ed habang paakyat nasiyasa kwartong  pinag-stayan niya.


****
“Ikaw huh, huwag mong sabihin sa apartment ganun ka magdamit? Paano kung pinasok  ka doon, ano ready ka na magpa-rape!” tinatalakan ni Tita Amore.

“Ate tama na, ke aga-aga  binubungangaan mo si May minsan na nga lang nandito puro sermon pa  ang inaabot sayo!” awat ni Tita Agnes.

“At ano pabayaan lang natin kapabayan ni May?” nakataas ang kilay na sabi ni Tita Amore.

“Okay lang po tita Agnes na miss ko ang sermon ni Tita Amore!” sabi ni may habang sumusubo.

“Tingnan mo itong bata ito kinatuwa pa ang panenermon ng ate!” sabay lapag ni tita Grace ng sinadok na kanin.

“Hindi ko naman po kasi alam na may lalaki tayong kasama sa bahay!”.

“Tuwing pumunta dito si Ed dito na siya nagpapalipas ng gabi kasi malayo ang Manila!” sagot ni Tita Amore.

“Kayo huh, mas mahal nyo pa po si Ed kaysa  sa akin huh!” biro ni May.

“Kasi naman hindi ka nagpapakita sa amin kaya yung nandito na lang nag inaalagaan namin!” parinig ng tita Amore niya sa kanya.

Sakto naman pagpasok ni Ed sa dining area.

“Ed maupo ka na at kumain alam kong gutom ka kasi dahil sa ginawa mo sa taas!” napaubo ito sa pasaring ng tita Grace niya.

“Ikaw talaga Grace si Ed na naman ang nakita mo!” sabat ni tita Amore.

“Malamang I'm eying for him sukat sa harapan natin pagnasahan ang pamangkin ko!” wala anu-anong sagot ni Grace.

Napa-ubo na rin si May sa narinig.

“Oh may ubo ka na rin May?” natatawang pag-alo sa kanya ni Tita Agnes.

“Ano ba naman kasi itong pinag-uusapan natin nasa harap po tayo ng hapagkainan!” uminum ng tubig si May.

“At bakit ka mahihiya e talaga naman kaakit-akit ka naman kanina. Sa nipis ba naman ng suot mo ewan ko lang  kung hindi ka magkapulmonya naka-aircon ka pa sa kwarto mo!”.

“Tita, tama na po itong usapan itong, nakakahiya kay Ed oh!” nagmamaktol na sabi ni May.

Kitang-kita naman ang pamumula ng mukha ni Ed sa usapang ng magti-tiyahin.

“Ay naku sa amin kayo mahiya sa harapan pa talaga namin ninyo ginawa yun! Kami itong walang love life and sex life” sabat ni Tita Grace.

“Tita naman  e! Wala naman po kaming ginagawa huh!” depensa ni May.

“Anong wala? Hinawakan mo yung ano niya tapos tiningnan niya ang dalawang ano mo...tapos-----!”

“Tita Grace enough!” namumula na rin si May.

Tumawa ang mga Tita's at ang naiinis na expression ni May ay biglang lumambot. Ngayon niya lang ulit nakita ang mga tawa ng iyon. Naisip niya na sobrang miss niya ang ang ganitong klase bonding. Gawain na rin kasi noon ng mga tita's na asarin siya at sa huli aamuhin naman kapag napikon siya.

“Ito talaga si May ang pikon, binibiro lang naman namin kayo ni lover boy!” sabi ni Tita Grace.

“Uy Ed, huwag kang mapikon huh. Ganito  talaga kaming mag-asaran lalo na kung nandito si May!”.

“Ahh wala po yung although the joke is double meaning, it nice to see you mga tita's na tumatawa ng ganyan!”.

“Nandito na kasi si May, ito lang kasi ang kaligayahan namin tatlo. Kaya pagnasasaktan yan mas dobleng sakit ang nararamdaman namin!” nakangiting sabi ni Tita Amore.

“Tita Amore!” nagulat nasabi ni May.

“Oh kain ka pa, paborito mo lahat yan. Lalong itong pusit pinasadya ko pa yan ipahuli kay Mang Dante alam ko bihira ka lang makakain ng sariwa ganyan. Wait kuha lang ako ng atsara mas masarap yan kung ipapareha mo sa atsara!” tumayo ito.

Sinundan ni May ng tingin ang tita Amore niya halata kasi pinipigilan nito ang pag-iyak para hindi nila makita.

“Sundan mo na May, nagpapalambing lang iyon!”  sabi ni Tita Agnes.

Tumayo si May at sinundan si tita Amore sa kusina. Nakita niya itong kumukuha ng atsara sa garapon pero sige pa rin punas ng luha.

“Tita Amore!” at niyakap niya ito habang nakatalikod.

Nagkatunog ang iyak nito.

“Tita Amore, sorry na po!” naiiyak na rin sabi ni May.

Humarap ito sa kanya at saka niyakap ng mahigpit.

“Ano ka ba naman kasing bata ka, kayo lang naman ang naghiwalay ni Ed pati kami dinamay mo! Kinalimutan mo na kaya ka rin namin intindihin!” sabi nito.

“Sorry  na po, sa mga oras na iyon  kasi yun lang ang naiisip ko paraan para mabawasan ang sakit e. Sorry po kung pati kayo nadamay sa katagisan ng ulo ko!”.

“Namiss kita simula kasi ng umalis ka  hindi na naging masaya ang bahay ito, kanina ko lang ulit narinig nag mga tawa ng tita Agnes mo at Tita Grace mo!”.  

“Sorry po talaga tita!”.

“Siguro naman ngayon okay ka na, ang tagal na rin May!”.

Tumango lang siya.

“So pwede mo nang kausapin si Ed, naaawa na ako doon sa tao. Every year na yan dito nagbabakasakali matyempuhan ka!”.

“Huh! Ano pong ibig nyong sabihin?!”

“Alam na namin lahat May, pinagtapat niya sa amin ang nanyari at aaminin ko nagalit rin ako sa kanya nung una. Sinisi ko siya dahil sa nanyari sa inyo pati kami nilayuan mo. Hindi namin sinabi kong nasaan ka, kahit nung bumalik ka galing Japan at nakapagtrabaho ka na sa Manila. Kahit ang mga kaibigan nyo kinausap ng tita Grace mo na kung maaari huwag sabihin kay Ed kung nasaan ka. The only option na binigay namin sa kanya para magkausap kayo ay kapag natyempuhan niyang umuwi ka dito. Kaso tadhana na ata ang nagsasabing hindi pa oras para magkita kayo. Tuwing umuuwi ka dito ay wala siya o dumarating siya dito kapag nakaalis ka na. Pero imfairness kay Ed hindi siya sumuko at dahil doon nakikita kung sincere  siya sa paghingi ng tawad sayo!”.

Napalunok nalang si May sa mga narinig.

“Lagi na nga yan dito halos ampunin ko na kasi kawawa naman minsan dumarating yan dito  na wala tulog, galing sa trip sa ibang bansa or may nilalagaring trabaho. Ganoon siya ka eager mahingi ang ang kapatawaran mo. Give chance to the poor guy!”.

Hindi alam ni May kung ano ang sasabihin niya sa sinabi ng tita niya kanya. Sabay sila lumabas ng kusina at nakita niyang sila Tita Grace At tita Agnes na lang ang hapagkainan.

“Nasaan si Ed?” Tanong ni Tita Amore.

“Mukang nahiya kasi nag-uusap kayo dalawa kaya lumabas muna at magpapahangin lang daw siya!” sagot ni Tita Grace.

“Tita Grace ..tita Agnes sorry po huh!” naiiyak na sabi ni May.

Tumayo ito at niyakap siya ng mga ito.

“Naiintindihan ka naman namin May, si ate Amore lang talaga ang maarte!” biro ni Ttia Grace.

Pinagpapalu-palo ni Tita Amore ang mga braso ng kapatid.

“Ako pa talaga angmay  issue dito huh!”.

Natatawa si May sa lambingan ng magkakapatid.



****

Nasa sala ang magtitiyahin ng dumating si Ed.

“Uy Ed saan ka galing?” tanong ni Tita Amore.

“Diyan lang po sa bayan may binili lang po ako, mga pinabili ni Mommy!” umupo ito sa tabi ng tita Amore.

Si May naman tinanguan lang ang binata at binalik ulit ang paningin sa pinapanood.

“Kumain ka na ba iho ng tanghalian?”.

“Ay yes Tita Grace sa bayan na rin po!” nakangiting sabi nito.

“Maalala ko nga pala, pwede mo bang isabay paluwas ng Maynila si May hindi ko na siya mahahatid dahil dumating ang mga kaibigan ko galing Canada at may get together kami bukas!” sabi ni Tita Grace.

“Po?” react nito.

Halos lahat napatingin sa reaksyon niya.

“Bakit ayaw mo ba?” tanong ni tita Grace.

“Syempre depende pa rin po iyan kay May?” nakatingin sa kanya ang binata.

“Bakit sa akin ako ba ang pagda-driven mo?” sabi ni May na hindi man lang lumilingon sa kanya.

“Hindi naman, kasi baka hindi mo lang ako feel na kasabay ako!”.

“Sabi ko sa inyo tita tatawag na po ako sa bus station para magreserve ng slot para mamaya!!".

" Hindi naman sa ganun, okay lang bang makasama mo ako sa loob 5 to 6 hours na byahe? ".

"Oo naman mas komportable kung sa kotse mo ako sa sakay kaysa sa bus. Huwag kang mag-alala pwede tayong magsalitan sa pagda-drive!".

"Okay!" ngumiti na ubod tamis si Ed.

"Uy si loverboy kay ganda ng ngiti, pang-toothpaste commercial!" sabi ni tita Agnes.

"Uy loverboy no hanky punky huh, malaman ko lang dinala mo sa bigla liko ang pamangkin ko. Ay naku bumalik ka na sa Germany dahil hindi kita tatatanan!" tinaas pa ni tita Grace ang sleeves ng damit niya.

"Uy tigilan nyo yang dalawa kaya nagkakahiyaan dahil sa mga banat nyo!" sita ni tita Amore.

"Wow huh kampi na ulit kayo ni May huh, akala ko pa naman team Ed ka. Kaya ako kampi sa pamangkin natin  team May ako!" sabi ni tata Grace.

"Baliw bakit kailangang ko pang mamili kung pwede naman team MayEd naman!" natatawang sabi ni Tita Amore.

Napailing na lang si May sa mga banat ng tita niya.

"Kaya siguro hindi nakapag-asawa ang mga ito walang kumaya sa sapak ng mga ito!" sabi ni May sa sarili.

"Ahhh May!" tawag ni Ed.

"Bakit?" lumingon siya dito.

"Alam ko kasi favorite mo ang tupig kaya binilhan kita. Kainin mo na hanggang mainit-init pa!" sabay lapag nito sa isang plastic.

Agad naman nagliwanag ang mga mata ni May. Hindi magkaumayaw kung ilan ang kukunin sa huli kinuha na niya ang isang plastic at kinandong na niya ito.

"Ay naku Ed, alam na alam mo talaga ang kahinaan ko, salamat dito huh namiss ko ito!" sabi ni May saka sumubo ng isang tupig.

"Ay wala na mukang magshi-shift na ring ako sa team MayEd. Nilalag ako ni May tupig lang pala ang katapat mo!" sabi ni tita Grace.

"Ano pa, naghintay pa tayo ng halos na siyam na taon tupig lang ang katapat!" umiiling pa si Tita Agnes.

"Ay naku tigilan nyo ako baka hindi ko kayo bigyan nito!" sabay yakap ni May sa plastic ng tupig.

At napuno ng tawanan ang bahay ng ng mga tita's.


****
Nasa Manila area na sila May at Ed pauwi sa apartment niya. Kahit matagal ang byahe walang pagkakataon na magkausap sila dalawa dahil tinulugan lang ito ni May. At dahil sa hiya kaya pinilit niya itong magpahinga at siya naman ang magdrive. Nang makarating na sila sa apartment niya ay nakita niya itong na nasa kasarapan ng tulog kaya ipinasok na lang niya ang kotse nito sa parking area.

"hay kuya Guard papark po huh!" bati niya naka asign guard sa lugar nila.

"kayo pala yan ma'am May, bago kotse natin huh!".

"Hindi sa akin ito sa kasama ko!".

Sumilip pa ang guard sa loob ng kotse.

"Ahh boyfriend nyo po Ma'am!".

Ngumiti lang si May.

"Pa-park lang muna kuya huh!".

May sinulat lang sa logbook si kuya guard saka sinabi go na. Nang maayos na naipark ni May ang kotse ni Ed saka niya ito ginising.

"Ed..Ed...!" habang tinatapik niya ito sa braso.

"Uy sorry mahaba ang tinulog ko?!".

"Tara akyat ka muna sa taas doon mo na ituloy yang tulog mo?"  habang nagtatanggal ng seatbelt si May.

"no.. No.. Hindi na uuwi na rin ako!".

"pwede ba huwag ng makulit, anong oras ba ang pasok mo?".

"balak ko mag half day na lang!".

"good, you can sleep here until 9 or 10, malayo ba ang bahay mo dito?" nagsasalita si May habang kinukuha sa likod ng kotse ang bagpack  at iba pang pinauwi sa kanya ng mga tita's niya.

"Ako na magdadala niyan!"(tinulungan ni Ed magdala si May ng mga dala niya). Sa Taguig lang naman ako umuuwi pero kung okay lang sayo if I'm going sleep here until 10 much better medyo inaantok pa nga ako! " sabi ni Ed.

"Okay, hindi ka naman maselang noh. Sa sala na lang kita patutulugin may comforter naman!".

"kahit saan pwede basta kasama ka!" nabigla rin si Ed sa sinabi niya.

Si May natatawa naman sa banat nito.

"Hay naku Ed ang corny mo pa rin!".

Napahawak na lang si Ed sa batok dahil nahihiya ito. Nang makarating sila sa unit ni May palinga-linga naman ito sa paligid.

"upo ka muna may kukunin lang ako!".

Sinundan ni Ed si May ng tingin, nakita niyang pumasok ito sa isang kwarto. Paglabas nito may dala na itong comforter.

"Usog mo na lang ung lamesa para mailatag mo yan diyan. Pasensya ka na huh, maliit lang itong unit ko!".

"Ako dapat mahiya makikitulog ako dito. Sabi ng tita Amore nag-a- apartment ka e condo kaya ito!".

"Yun kasi ang tawag niya dahil nangungupahan lang din naman ako!".

"Talaga, akala sayo na ito!".

"Hindi noh, alam mo naman ako NPA hindi mapakali sa isang lugar kaya hndi okay bumili sa akin ng property. Lalo na dito sa Manila  malabo, nakikita ko pa naman ang sarili kong babalik pa rin doon manirahan sa La Union!".

"ahh how about us, can we talk about us?" diretsong sabi ni Ed.

"Ay naku hanggang ngayon  yan pa rin gusto mong gawin. Okay na yun Ed ang tagal na e!".

"Pero May galit ka pa rin sa akin kaya hindi pa rin okay yun!".

"Galit!? Di sana wala ka dito kung galit ako sayo. Let's forget the past 8 years na rin naman magmove-on na tayo!" nakangiting sabi ni May.

Natahimik na lang si Ed para kasi hindi niya nagustuhan ang sinabi niya.

"o siya matulog ka na, matutulog na rin ako!".

Tumalikod na si May.

"Can we still be friends?" pahabol ni Ed.

Ayaw sana ni May pero naalala niya ang sinabi ng tita Amore niya. Humarap si May kay Ed saka tumango.

"So okay lang kung itext kita, tawagan, dalawin or minsan yayain lumabas?".

"Oo naman basta hindi busy!".

Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

"Thank you, May. Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal hinintay na makausap ka muli!".

Gustuhin man ni May na itulak ito at alisin ang pagkakayakap nito sa kanya hindi magawa. Lalo na't nararamdaman niyang umiiyak ito. Nagpaubaya siya hinayaan niya itong umiyak ng umiyak para kahit papaano kumawala na rin ito sa sakit ng nakaraan nila.

"Ay naku sorry huh, nabasa ko pa yung damit mo!".

"Ano ka ba okay lang yun, wait kuha kita ng tubig" pumunta siya sa kusina at agad kumuha ng tubig.

"Oh inumin mo ito!".

"Salamat May, namiss kita!" natatawang sabi nito.

"Hindi ka pa rin nagbago kung anong kinagwapo mo siya namam kinapangit mong umiyak! Oh ano okay ka na?".

Tumango lang ito.

"o siya tayo'y magpahinga na kunting oras na lang oh!" sabay turo niya sa wall clock.

"Sige na tulog ka na!".

Iniwan na ni May si Ed sa sala at dali-dali siyang pumasok sa kwarto. Pagkalapat ng pintuan agad siyang napasandal at napahawak sa kanyang dibdib.

"May hindi mo dapat nararamdaman ito. Si Ed ay ex  hindi na talo. Okay!? inaayos mo lang nag naiwan mong gulo noon kaya dapat walang ganitong. Heart stop na please bumalik ka na sa normal na tibok!"   napabuntong hininga na lamang siya sa naiisip.

Dahil hindi rin naman makatulog si May ay inabala na lang niya ang sarili sa pag-aayos ng gamit. Iniwasan makagawa ng ingay sa kusina habang naghahanda ng pagkain para hindi magising si Ed. Pero pagpatak ng alas-nuebe hindi na tumigil kakaring ang cellphone nito. Nagising na rin ito at agad sinagot ang cellphone. Habang may kausap pumunta ito sa kusina kung nasaan siya naroon.

"Yes Digna!" sagot nito sa cellphone.

Sumenyas si May na coffee  kung gusto niya. Agad naman ito tumango at umupo sa lamesa.

"Okay sige mamaya na lang Digna, Bye!" binaba nito ang cellphone.

"Office?" tanong ni May.

"Oo e!".

"Sige bilisan mo na nang kumain para makauwi ka na rin. Mukang kailangan ka na sa opisina!".

"Salamat dito huh, may patulog na, may pakain pa!" nakangiting sabi nito.

"Samantalahin mo minsan lang yan!" natatawang sabi ni May.

"At nagluluto ka na rin ngayon huh!".

"Grabe siya oh, oo naman sa tanda ko ba naman ito. Saka naging independent na rin naman simula nag-start magtrabaho!".

"Asawa agad! Palibhasa kasi ikaw hindi ka mahihirapan ng makahanap ngmapapangasawa e ano!" sabay subo ni May.

"at bakit sa akin ang balik niyan pero kung gusto malaman kung single pa o hindi ang sagot ay single pa rin ako!" nakangiting sabi ni Ed.

"ahh single ka ngayon.. De bale bata ka pa naman, mag 27 right!? magcollect and collect ka muna then select!".

"Bata? The last time that I check I'm your ex then now bata na ako sa paningin mo!" medyo sumimangot si Ed sa narinig.

"ohh huwag kang sumimangot I reffering to your age lang naman kasi totoo naman na bata pa ang 27 keysa 30 diba. Plus the fact na life's bigin at 40 sa inyong mga lalaki. E kami mga babae pagdating  30 matandang dalaga, tigang, tuyot.....ganern!" sabi ni May.

" Bakit hindi ka na mag-asawa? " tanong Ed.

" Wala pa kasi sa isip ko yan pini-pressure lang naman ako nila tita's dahil sa sumpa sa lahi namin! ".

"Sumpa? Aling ang pagiging matandang dalaga? No hindi ka magiging matandang dalaga sigurado ako diyan!" sabay subo ni Ed.

"Siguradong-sigurado ka huh.. O tapos ka na umuwi ka na at nang makapasok ka na rin!".

"No huhugasan ko pa itong kinainan natin!" akmang liligpitin nito ang pinggan.

Pinalo ni May kamay para itigil ang ginagawa.

"No ako na yan mag-ayos ka na at umuwi na.. Bilis.. At ako din mag-aayos pa papasok na rin!".

Tumingin lang si Ed kay May hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na okay na sila. Nag-uusap na parang dating magkaibigan. Kung siya lang papipiliin ayaw na niyang maalis ito sa paningin niya. Natatakot kasi siya na baka bukas makalawa mawala na naman ito.

"O sige na nga aalis na ako, salamat sa lahat lalo na sa pagpapakita sa akin at pagpapatawad inassume ko na huh! Kasi hindi mo ako haharapin kakausapin ng ganito kung galit la pa rin sa akin!" nakangiting sabi ni Ed.

"OO na sige na baka mamaya umiyak ka na naman diyan!".

"Gusto mo ba ihatid kita sa work mo? Uuwi lang ako para magbihis tapos babalik ako agad dito para sunduin ka!".

"Baliw mo rin noh, nandito na ako sa Makati ihahatid mo ako. Saka po sir baka nakakalimutan mo may kotse rin ako!".

"Dinner na lang kaya mamaya!".

"No Ed, dahil galing ako sa bakasyon siguradong tambak ang trabaho ko kaya walang kasiguraduhan ang  oras ng uwi ko!".

"E bukas kaya? ".

"Ed uwi na huwag makulit, baka mainis na naman ako sayo!".

Biglang nawala ang saya sa mukha ni Ed.

"Sige na nga basta text text na lang huh, mauna na ako!" tumalikod ito at waring lalabas na ng pinto.

Pinagmasdan lang ni May ang paglabas nito hanggang sa lumapat na pinto hudyat na tapos na rin ang problema niya sa dating nobyo.

"Tapos na nga ba talaga o may bagong problema na naman si HEART!" sabi ng utak niya.

"No no no.. Okay na  kami oh move on na tayo!" sabi niya sa sarili.

Pumunta siya sa kusina at inumpisahan ang pagliligpit ng kinainan nila. Ramdam niya ang lungkot ng mag-isa na lang siya.

"Ito na ata sinasabi ni tita Amore kapag tumatanda na may time talaga na ramdam parang mag-isa ka lang malungkot!" napabuntong hininga na lang siya sa naisip.


****

A few days fast at mabilis na nakabalik ulit sa pagiging workaholic si May. Burado na ulit ang issue tungkol sa pagiging matandang dalaga niya. Ito ang gusto niya corporate world ang pagiging competitive ang pinaka importante. Kagagaling lang nila ni Elisse sa isang meeting ng tinawag siya ng ka-opisina niya.

"Ms. May, may tumawag po sa inyo at nag-iwan mo ng message!" sabi ni Carol.

"Talaga sino daw?" nagtatakang tanong niya.

"Edward John Barber po! At sabi niya gusto daw po niyang magpa-sched.  ng meeting sa inyo!" sabi ni Carol.

Napatingin lang si May kay Elisse alam kasi niya nagmagrere-act ito.

"Wow huh si Ed yun diba your ex!"

"Carol okay na ite-text ko na lang siya salamat!" sabi ni May sabay irap niya kay Elisse.

"wow huh textmate na rin pala kayo! So kailan pa ito?" sabi ni Elisse hanggang makapasok sila opisina niya.

"Elizabeth tigilan mo ako ng katatanong diyan hindi ka ba nanawa sa meeting kanina?" tumingin siya sa laptop niya.

"E kasi naman wala ka naman nakukuwento sa akin na nagkakausap na ulit kayo dalawa. Alam mo ba na ilang beses akong mine-sage sa fb para lang malaman kung nasaan ka. Kung hindi lang talaga ako nasabihan ni tita Grace na huwag na huwag kang itururo kay Ed baka noon pa kayo nagkabalikan!".

"Ay ang imagination grabe ang lawak, we're beginning to be friends again. As in friends lang huh yang mga mata mo yan kung makaikot wagas. Dukutin ko yan makita mo!".

"Oo nga pala, ang motto mo pala sa life pag ex na ex na! Pero hindi ka ba nagtataka lahat nang naging Ex mo hindi tumagal pwera lang kay Ed!".

"Anong point mo?" nakakunot noong sabi ni May.

"Ang point ko is baka si Ed pa rin kasi, pansin mo ba ang mga dahilan ng Ex mo kung bakit sila nakipaghiwalay sayo!".

"hindi ko na pinapansin kasi ang babaw lahat ng naging rason nila!".

"Anong mababaw hindi kaya! Remember Jay the musician sinabi niya na wala kang ka-sweet sweet sa katawan ni hindi ka man lang magpahawak ng kamay!".

"E anong problema doon, ganun din naman kay Ed nung kami pa huh!".

"weee hindi ba dapat kung ano yung kulang mo sa relasyon nyo dati ni Ed dapat hindi mo na ginagawa sa iba!".

"at bakit ko naman babaguhin iyon, ang sabihin mo manyak lang talaga si Jay gusto lagi nakaakbay o kaya magkahawak ng kamay!".

Naiiling na lang si Elisse sa katwiran ni May.

"O si Noel magto-2months lang kayo nauwi rin sa hiwalayan!. "

"Exaggerated naman kasi yun gusto agad  ipakilala ako sa parents niya! ".

"hala ka May anong exaggerated doon e yung iba nga naliligaw palang gusto nang makilala ang parents ng lalaki para makilatis e ikaw girlfriend ka na!".

"ayaw ko lang magiging close na naman sa pamilya niya tapos pagnagkahiwalayan mahihirapan na naman ako makipaghiwalay!".

"Dahil nanyari yun sayo at sa family ni Ed!" nakita ni Elisse kung paano magbaba ng tingin ang kaibigan.

"AT si Erick  dahil sa looks kaya hindi kayo umabot ng isang buwan!".

"Dahil babaero siya!".

"Hindi siya babaero lapitin ng babae dahil gwapo!" pagtatanggol ni Elisse.

"kaya nga babaero dahil gwapo hindi marunong tumanggi sa mga babaeng lumalapit sa kanya!".

"Hindi mo ba nakikita ng rason mo konektado kay  lahat kay Ed. Ginagawa mong lang excuse yung ayaw mo sa ex mo pero totoo siya pa rin kasi wala ka lang tiwala!".

"Kasi natuto ako sa nanyari sa amin Ed!"

"Hindi yun e, ginagawa mo lang din yan excuse para paktakpan mo kung sino talaga ang may kasalanan sa inyong dalawa. May ikaw unang nawalan ng tiwala sa relasyon nyo, ikaw ang unang bumitaw at ikaw tumakbo!".

Biglang nagring ang cellphone ni May. Sabay silang napatingin ni Elisse dito.

" Si Ed yan noh? Malay mo kayo pa rin pala sa huli! ".

" Stop hoping girl, Ed and I are done. I'm trying to save our friendship lang. No second chance and definitely not love us sweeter in second time around!".

"well tingnan natin kung paano mo kakainin ang mga sinasabi mo. O siya sagutin mo na si bestfriend baka makahanap yan ng ibang kukulitin!".

Tuluyan ng tumalikod si Elisse. Si May naman tiningnan lang  ang pangalan ni Ed sa screen.

"No Ed, please huwag mo ng guluhin ang puso ko!".

Napabuntong hininga na lang si May nang tuluyang tumigil ang cellphone niya.


****

"Thank you, Mr. Padilla, we're very gland having a business with you!" habang nakikipagkamay si May sa lalaki.

"Me too Ms. May, hayaan mo once mangailangan ulit kami ng ganitong services kayo uli tatawagan ko!" simpatikong ngiti nito.

"Aasahan namin yan Mr. Padilla huh!".

"Of course naman, gusto ko kayo malinis at maayos magtrabaho. So paano mauna na kami!".

"Sige Thank you ulit!".

"Oh my gosh girl ang galing mo talaga tiba-tiba na naman tayo nito!. "

"Dahil yun sa inyo at sa buong team kaya bilisan na natin para ma-share natin blessing sa kanila!".

Palabas na sana sila ng may nahagip si Elisse sa kabilang wings ng restaurant.

"May, si Ed yun diba?".

Napatingi si May sa sinasabi ni Elisse. Sakto naman nakita niya  si Ed at halatang masaya sa kausap. Pinunasan pa ng babae ang gilid ng labi ng binata dahil siguro kumalat ang kinakain nito.

"Tara na!".

"Hindi mo ba siya lalapitan diba okay na kayo. Tara kamustahin natin yung tao!".

Pero pinigilan ni May si Elisse sa braso.

"he's on a date huwag natin isturbuhin!".

Nakita ni Elisse ang pagbabago ng aura ni May.

"Ganun ba sige tara na!" may alinlangan sabi ni Elisse.

Samantalang....

Nagpupunas si Ed ng bibig nang mapansin niyang...

"May...!"

"what? Is May here?".

"Yes ate.. Pero paalis na siya!".

"Sayang naman I wanted to see her. Namiss ko na ang soul sister!" ngumiti  ito. "Make sure na a-attend siya sa engagement party ko huh, ini-expect din siya ni mommy!.

" Ita-try ko ate but I can't promise, alam mo na inuumpisahan ko pa lang ulit makuha ang tiwala niya! ".

"Alam mo Ed mabait at matyaga ka, kaya hindi malabo mabawi mo ulit ang tiwala ni May!".

"sana nga ate, sana nga!".



****

Ding.. Dong...

"sino naman kaya ito?"

Sinilip niya ang pee hole pero hindi naman  niya maaninag kung sino ito.

Muling tumunog ang door bell at binuksan ni May ang pintuan. Nagulat siya sa nakita kung sino ito.

"Anong ginagawa mo dito?" naiinis na bi ni May.


Itutuloy...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi again, short story lang po ito kaya abangan nyo po ang last part nito..

Thank you!
R. A. M


  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
03 March 2018