Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




@THIRTY

Image Description Iam RAM   |   12 February 2018


"Hindi mo na kailangan maghintay nandito na ako. Inaamin ko hindi madali sa akin ito. Natatakot pa rin ako pero mas natatakot ako mawala ka ng tuluyan sa akin. Kaya willing na akong sumagal!" - May

Last part...


"Anong ginagawa mo dito?" naiinis na sabi niya.

"Sorry May wala na akong matakbuhan, alam mo naman kung paano magalit si Elizabeth!" diretsong pasok ni Mac sa apartme ni May. 

"ang galing pinapasok na ba kita?" sinundan ni May ng tingin ang lalaki kasalukuyang prenteng nakaupo. 

"sige na tawagan mo na si Elisse sabihin mo nandito na ako!" 

"Hay Mac ano naman ang pinag-awayan nyo at pati ako madadamay na naman!". 

"Alam mo naman sayo lang titiklop yun kaya ikaw ang gagamitin ko para humupa ang galit nun!". 

"Ano na naman kasi ang ginawa mo? Babae na naman ba? Grabe Mac, pag iyon na untog na nang tuluyan luluha ka talaga ng dugo. Bihira na lang ang katulad ni Elisse na matyaga at mahaba ang pasensya!". 

"Uy wala akong ginawang masama this time ang kaibigan mo ang ubod ng arte. Kung tutuusin ako pa nga ang dapat magalit sa amin pero ewan ko ba nabaliktad ang lahat siya pa rin ang galit!". 

Umiling lang si May saka pumasok sa kwarto para kunin ang cellphone. 

"Hello Elisse!" sabi niya ng tawagan niya kaibigan. 

"May!" halata sa boses nito na umiiyak at nagda-drive. 

"Nasaan ka ba? Umiiyak ka ba?" napatingin siya kay Mac. 

Nakatingin rin ito sa kanya at halatang may pag-aalala. 

"May si Mac kasi e!" 

"Uy girl naano ka ba? Wait are you crying tapos driving pa? " 

"May si Mac nagalit siya sa akin!". 

"If you looking for Mac, pumunta ka dito sa unit ko. Hinihintay ka niya pag-usapan nyo ang problema hindi ganyan nagtataguan kayo!". 

"Gusto niya ba ako makausap?" 

"Siguro kasi siya ang nagpatawag sa akin sayo para i inform na nadito raw siya at nagpapakidnap sa akin!" 

"Sige May pupunta ako diyan!" 

Binaba na ni May ang cellphone saka humarap kay Mac. 

"Mukang seryoso ang away nyo ngayon huh!" 

"Is she okay?". 

"Syempre hindi, umiiyak yung tao while driving mamaya kung mapano yun!". 

"Sorry May, hindi ko lang talaga matanggap ang sagot niya sa tanong ko. Kaya I need to breathe but it doesn't mean susuko na ako. Sobrang mahal ko lang talaga siya at nasasaktan ako dahil kung kailang seryoso na ako saka naman siya hindi na naniniwala sa sinasabi ko! "

" Bakit sino ba ang may kasalanan niyan? E puro sakit sa puso ang ginawa mo sa kaibigan ko. Pasalamat ka hibang yun sayo kung ako yun-------"

" Kung ikaw yun, una palang suko ka na! " sabat nito.

" Oo naman! ". 

" Kaya your not happy until now kasi ganyan ang pananaw mo! ". 

" Hep.. Hep.. Bakit sa akin ito papunta? ". 

" Nasabi ko lang iyon base sa sa point of view namin mga lalaki! " prente itong nakaupo ito sa sala. 

" at ano naman yan point of view naman yan?" na curious si May sa iniisip nito. 

" Na ang selfish mo! ". 

" What? ako pa talaga? ". 

" Yes ikaw at wala ng iba! ". 

" bakit naman? " napaupo na si May sa tapat nito. 

" Kasi isang beses lang nagkamali sayo si Ed kinalimutan mo na ang lahat ng pinagsamahan nyo. Including your friendship!". 

"Mac he betray me at sinabihan ko siya na kung hindi maiiwasan matukso. Matukso na siya sa iba huwag lang sa babaeng delulu na iyon! He broke his promise.. my trust!". 

"Yun lang May ang babaw!" napailing na lang si Mac. 

"Ano mababaw doon? Hindi aKo kagaya ni Elisse na kahit ilang beses kang nagkamali willing siyang patawarin ka pa rin!". 

"Okay fine, yung sa amin ni Elisse guilty ako doon but im willing to change at yung pagkakataon na yun hindi pinagkait sa akin ni Elisse because she loves me!". 

"So ibig bang sabihin nun hindi ko Mahal si Ed? Ganun ba yun?". 

Napangiti si Mac dahil sa bibig ni May mismo lumabas ang pangalan ni Ed. 

"No May, I know you love him. Kasi sa dami nang naging Ex mo siya pa rin ang bukang bibig mo. Kung baga sa lahat siya lang great love. Ang problema mo takot ka!". 

"Takot ako saan?" nagtataka tanong ni May. 

"Takot kang patawarin siya tapos maulit uli!". 

"That's exactly my point once a cheater always a cheater!". 

"May mali, natatakot ka kasi baka magaya ka lang sa mama mo na ilang beses sinaktan ng biological father mo!". 

"Paano mo nalaman yan!?" nagulat siya sa sinabi ni Mac. 

"Sorry hindi ko gusto manghimasok pero kasi si Elisse so worry about you. She doesn't want to settle down until your not okay. Ayaw ka niyang iwanan at damhin ang pagpasok mo sa pagiging matandang dalaga. She wanted you to realize first na masayang magmahal at hindi puro sakit. But the problem is pati relasyon namin apektado na. Hindi kita sinisisi May kasi maski man ako I want you to be happy na rin kagaya namin. Pero hindi manyayari yun kung ikaw mismo ang pumipigil sa kasiyahan mo! " mahabang paliwanag ni Mac. 

" Gaga talaga si Elisse nagpropose ka na hindi siya umoo. Samantalang ang tagal na niyang hinahantay yun! ". 

" Mahal ka ng kaibigan mo, kaya dapat mahalin mo rin ang sarili mo. Hindi lahat ng lalaki kagaya ng papa mo. Iba si Ed hanggang langit ang pagmamahal nun sayo at alam mong hindi niya kasalanan yung nakita mo. Aware ka na may gusto si Hershey sa kanya at balak niya talagang agawin ito sayo. Wala lang nagawa si Ed noon dahil nilagyan Hershey ng drug ang inumin niya. Ginamit mo lang excuse yun nakita mo para hindi ka masaktan pero ang ending mas nasasaktan ka... Kayong dalawa ni Ed!". 

Doon tuluyang tumulo ang luha ni May na agad naman pinunasan niya. Nahihiya siya kay Mac at naiinis siya sa sarili na ngayon niya lang napagtanto ang mga bagay bagay. 

" Proven na talaga May na ang lahat ng matalino sa academic ay bobo pagdating sa pag-ibig. At ikaw buhay na buhay na patunay nun!"  inasar pa siya ng utak niya. 

Biglang tumunog ang ang doorbell nagkatinginan sila ni Mac. 

"May ini-expect ka pang bisita ng ganitong oras?". 

"Wala na, kahit nga ikaw hindi ko ini-expect na darating ka!". 

"Baka si Elisse na yan!" 

"I don't think so, never yun nagdoorbell, mang wasak pa ng pinto pwede pa!" sagot ni May habag nakatingin sa pintuan. 

Muling tumunog ang doorbell at agad na siyang tumayo. 

"May, ako na kaya!" pigil ni Mac. 

"Ako na, baka mga si Elisse yan baka hindi na kayo umabot dito sa loob gumawa pa kayo ng eksena sa labas!". 

Lumakad siya papuntang pinto at sumilip sa peephole. May nakita siyang lalaking nakatalikod na para paalis na. Agad niyang binuksan ang pinto at hinabol ito. 

" Ed!? "

Humarap ito sa kanya at ngumiti. 

" Sorry mukang matutulog ka na?! " nakatingin ito sa damit niya. 

She wearing a very short short at medyo maluwag na spongebob na t-shirt. 

"Hindi naman, bakit ka napadalaw?". 

"To bring you this food and this! " sabay bigay ng invitation card. 

"Engagement nino?" pero binabasa na ni May. 

"Gallo and Barber engagement party!" bulong niya sa sarili. 

"ate Anika!" nakangiting sabi niya. 

"what? Ikakasal na si ate Anika?" nagulat na sabi ni May. 

"Yes finally after so many years ng  away at bati nila ni Marco. They decide to tie a knot na!". 

"Gusto ko na tuloy makita si ate Anika!". 

"Kaya nga dapat pumunta ka kasi si Mommy want to see you too!". 

Ngumiti si May sa sinabi nito. 

"May sino yan!" sigaw ni Mac. 

"May kasama ka?" nagtatakang tanong ni Ed. 

"Ah si ano----" 

Hindi pa tapos magsalita si May ng pumasok si Ed sa unit niya. 

"Ed pare, ikaw ba yan?" tanong no Mac at lumapit naman si Ed. 

Masama ang tingin ni Ed kay Mac. 

"Anong ginagawa mo dito?" diretsong tanong Ed. 

"Visiting May kagaya mo!" ngumingising sabi nito. 

"Is he courting you?" baling ni Ed kay May. 

"Ano daw?" nagulat na sabi ni May. 

"pare relax lagi ako dito kaya sanay na si May sa akin!" paliwanag ni Mac prenteng umupo si Mac sa sofa. 

"May go back to your room and change you clothes!" utos ni Ed. 

"Aba Ed huh, hiya----" 

"May go to your room or ako magpapalit sayo!" 

Inirapan ito ni May saka pumasok sa kwarto. Nang makapasok ang dalaga saka binalingan ni Ed si Mac na kasalukuyang tumatawa ito. 

"Pare hindi ka pa rin nagbabago pagdating kay May napakaconservative mo!". 

"Tuwang-tuwa ka naman sa nakikita mo!" halata sa boses nito ang inis. 

"don't worry hindi si May ang bet ko!" sabi niya. 

"May!!!!" biglang may nagsalita sa may pintuan. 

"Nandyan na ang prinsesa ko!" sabi ni Mac. 

Tumayo ito at lumapit kay Elisse. Nang makita ito ng dalaga ay agad niyakap nito ang lalaki at doon ay umiyak ng umiyak. 

Biglang may humatak kay Ed. 

"saan tayo pupunta?" agad na sagot nito. 

Sumenyas lang si May na huwag maingay at dahan dahan silang lumabas ng unit niya. Nasa elevator na sila pababa sa main lobby ng mapansin ni May na hawak pa rin niya ang kamay ni Ed. Nang akmang bibitawan na niya ito saka humigpit pa ang hawak ni Ed. 

"Ed!" sabi niya. 

"Mac at Elisse pala!" pang iiba sabi ni Ed. 

"Oo pero huwag mong ibahin ang usapan ang kamay ko please!". 

"Hayaan mo na ang kamay mo sa akin, ang tagal ko nang walang kaholding hands. Nakakamiss rin pala lalo na't kamay mo na ulit ang hawak ko!" sabi ni Ed habang nakatingin sa kamay nilang magkasaklop. 

"Anong matagal, ikaw talaga huwag mo nga ako tsinatsarot-tsarot diyan. Samantalang nung isang araw sa restaurant masayang masaya ka sa lunch date mo, pagkatamis-tamis pa nga ngiti mo e!" sabay irap ni May. 

Sakto naman bumukas ang elevator kaya nahatak niya ang kamay niya kay Ed. Nauna siyang lumabas at binilisan niya lakad. 

"wait.. wait.. wait.. Lunch date?" nahabol ulit ni Ed ang kamay ni May. 

And this time hinarap niya ang dalaga himawakan ang isa pang kamay. 

"Ed, let me go hahanap pa tayo ng food dahil sigurado after mag-away ng dalawa mag-aayang kumain yun!" 

"No May let's talk about this now!" matigas na sabi ni May. 

"Ed naman!" 

"May hindi ako nakikipag date kahit kanino ever since naghiwalay tayo!" sabi ni Ed. 

"So sino yung nakita namin ni Elisse nung isang araw. Twin brother mo? Hindi nakikipagdate e aliw na aliw ka nga may papunas-punas pa siya sa bibig mo. If I know sinadya mo yun ikalat yung pagsubo mo para punasan ka lang niya talaga!" nakasimangot na sabi ni May. 

" So nagseselos ka? Kaya ba umalis kayo agad ni Elisse nang hindi mo ako ina- approach " nakangiting sabi ni Ed. 

"Selos? assumero ka rin noh! Sinabi ko lang ang nakita ko!" pumalag si May kaya nakawala siya pagkakahawak ni Ed. 

Dumeretso siya sa kotse niya at umupo sa driver seat. Sumunod naman si Ed at umupo ito sa tabi. 

"Hindi ka ba napapagod May?".  

"Napapagod saan?". 

Biglang kinuha ni Ed ang susi ng kotse sa keyhole.

"Let's talk May!". 

"Nag-uusap na nga tayo diba! Akin na yang susi nang makaalis na tayo at nang makabalik agad!". 

"Let's talk about us at please itigil na natin itong charade nato! Hindi ka ba napapagod lagi ka na lang umiiwas tuwing pag-uusapan na ang tungkol sa atin!". 

"Dahil tapos na yun Ed, sobrang tagal na. Bakit gusto mo pang balik-balikan. Tapos na tayo so dapat mag move-on na tayo!". 

"Wala na? I'm sorry May the last time I check ikaw lang ang umayaw. Hindi ko tinanggap pakikipag hiwalay mo. We're on relationship meaning dalawa tayo at dapat parehas tayo nag desisyon na tapusin pero hindi ako pumayag. I'm giving you time to think kahit umabot pa ng walong taon. I'm giving you space kahit na hindi ko alam kung nasaan ka nagpunta! ". 

" Ed, I don't know what to say. Hindi ko naman sinabi na hintayin mo ako! " nagulat si May sa rebelasyon nito. 

"wala ka ngang sinabi kasi nawala ka na!". 

Doon nabigla si May, kitang-kita niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman. 

"You left me without single word hindi ko na tuloy alam kung ano gagawin ko pagkatapos mong mawala. Mom told me palampasin ko muna raw ang galit mo so I did. Pero lumipas ilang buwan wala pa rin akong naririnig tungkol sayo. Inamin ko kilala Tita Amore ang totoo kasi kasalanan ko naman talaga. Nagmakaawa ako na sabihin na nila kung nasaan ka, pero pati sila nagalit na rin sa akin. Lumipas ang taon I'm stuck ayaw kong kumilos lagi lang akong nagkukulong kwarto. Then one day my dad approached me. He told me to fix my life paano kung bumalik ka na tapos wasak ako e di mas lalong nawalan ka ng dahilan para ayusin ang meron sa atin. I know you gusto mo nasa ayos lahat pati ang nga future natin nasa listahan muna e. Kaya sinubukan gawin lahat ng pinaplano natin. Lagi kong baon sa isip ko na isang araw babalik ka at magkakaayos tayo! Sorry May naging mahina ko sa tukso pero alam Diyos ang totoo!" umiiyak na ito. 

Hindi alam ni May kung papaano siya sa magre-react sa mga sinabi ni Ed. Sobrang nagi-guilty si May sa ginawa niya sa lalaki. Kaya hinatak niya ito saka niyakap. 

" Ayaw mo na ba talaga sa akin? Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? " muling sabi ni Ed. 

Napabuntong hininga si May sa sinabi Ed. 

"Ed makinig ka, sa atin dalawa ako ang dapat humingi ng sorry! Tama ka naman ako ang umalis ako at naduwag. Ginawa kong excuse ang nakita ko para makalayo sayo. I'm sorry, mahal kita oo, pero hindi sapat yun para manatili ako sa piling mo!" 

Kumalas si Ed at tumingin sa kanya. 

"Ed sorry hindi ko kasi kayang magbigay ng.... Hindi ko kayang  alisin ang....!" napahinto si May. 

Pati siya naguguluhan na rin sa sarili niya. And reality hits her, "Grabe May ngayon lang talaga? ... As in ngayon lang mo narealized na ikaw talaga ang mali at siya ang biktima? Grabe almost 9 years inubos niyang oras kakahintay sayo. Hindi ka niya deserved and if your not ready to commit please set him free. Tama na ang 9 years May..!" sabi ng utak niya. 

Naiyak si May pero tama na kawawa naman si Ed. 

"May!" pinunasan ni Ed ang luha. 

"Mahal kita kaya lang hindi ko kaya magtiwala sayo. Akala ko nung una kaya ko kasi okay naman pero nun makita kita with Hershey..... Lahat ng takot bumalik kung paano kami iniwan at tinaboy ng tatay ko. Tumatatak sa isip ko baka nga totoo sumpa sa pamilya namin. Duwag ako, baka kasi hindi ko kayanin kapag ikaw ang nakipaghiwalay sa akin kaya inunahan na kita. Ed hindi ako dapat para sayo. Makakakita ka rin nang babae mamahalin ka ng kagaya pagmamahal mo. Yung kaya kang mahalalin ng buo, hindi takot, nang walang pag-aalinlangan at kaya ibigay ang buong tiwala. Im sorry Ed hindi ako yun! ". 

Tumulo ang luha ni Ed at kitang kita ni May ang sakit sa mga mata nito. Niyakap siya nito ng mahigpit, matagal at nang pakawalan siya hinalikan sa noo. Lumabas ito ng kotse niya ng walang aalitang iniwan sa kanya. Doo binuhos ni May ang iyak niya.

"I guess this is it, wala na talaga kami. Pero bakit parang mas masakit ito. Pero kakayanin mo ito May kasalanan mo ito. Ed deserve to be happy at hindi ikaw ang happiness niya!" walang patid ang pagluha niya.

After a few days tuloy ang buhay para kay May. Halos wala pa rin nabago trabaho, meeting, papers work, uuwi ng bahay, matutulog at gigising kinabukasan uulit uli. Pero kapansin-pansin pagiging malingkutin niya. 

" Uy May sa tingin mo maganda ba yung vintage yung magiging motif ko sa kasal?  Uy huh maid of honor ka at bawal tumanggi!" 

"Okay!" matipid na sagot ni May. 

"Saka sasama ka sa amin ni Mac sa food tasting huh, alam mo naman sayo lang ako nagtitiwala pagdating sa pagkain!". 

"Okay!" 

Napatingin Elisse kay May. 

"Yung fitting ng gown sa akin ka sumabay huh!". 

"Okay!" 

"kamusta na ba kayo ni Ed?" 

"o-" naputol na sabi May. 

"Sabi ko na hindi kayo okay e, sige ikuwento mo na!" itinabi ni Elisse ang planner niya. 

"Wala na tapos na, magmo-move on na siya!" matipid na sagot ni May. 

"What?! Akala ko pa naman magiging okay kayo? Sabi sa akin ni Mac base sa reaksyon ni Ed nung naabutan siya sa unit mo galit na galit daw!" 

"Tama naman kayo e naging unfair ako sa kanya. Ginawa ko lang excuse ung nakita ko para mauna akong makipagkalas sa kanya. Pero ang totoo takot lang ako na iwanan niya ako dahil may nakita siya mas higit sa akin!" pinunasan ni May ang nagbabadya luha niya sa mata. 

"Nung naging kami yun ang pinakamasaya nanyari sa buhay ko, kaya lang alam mo naman diba nasa lahi namin ang iniiwan ng mga lalaki at pagtandang dalaga!". 

"Ay naku girl ang sarap mong batukan, akala ko ba hindi ka naniniwala doon?!". 

"Akala ko din, iniisip ko lang pala yun!".  

"Tama lang talaga palayain muna yung tao, grabe May sobrang sayang mahal na mahal ka pa nun. Bihira na ganun lalaki next to perfectionist na yun. Tingnan mo nga kahit si Mac nagluko din pero pinatawad ko pa rin! Samantalang si Ed minsan lang at pakana pa ng makating uod yun. Kung tutuusin walang kasalanan yung tao sayo! " deretsong sabi ni Elisse. 

" Paano mo nagawa iyon Elisse? ". 

" Ang alin? ". 

" Mabilis na magptawad! ". 

" Mahal ko e, may explanation pa ba doon? . Tanga na kung tanga pero atlist tanga na masaya ako kasi nasa tabi ko mahal ko na pwedeng magbago in time. Kaysa naman kagaya mo nagpapakatanga kasi tinataboy yung totoong nagmamahal sayo. Ano masaya ka ba ng ganyan lang natapos ang love story nyo? Umamin ka nga mahal mo pa ba? " lakas maka real talk ni Elisse. 

Imbes na sumagot lalo lang nagsunod-sunod ang tulo ng luha ni May. 

" Ay tanga nga, tama lang yan ikaw ang magdusa dahil sa paghihirap sayo nung tao. Pero payo lang huh mahal mo pa pala bakit pinahihirapan mo pa ang sarili mo. Pwede mo naman habulin yung tao, sa nakikita ko naman mahal ka pa rin nun hindi ka matiis nun!" hinagod ni Elisse ang likod ni May. 

"Hindi na tama lang pagdusahan ko ito, karma ko ito dahil nasaktan ko siya!".

"Sigurado ka na ba diyan friend?".

Tumango lang si May saka yumakap kay Elisse.

"Sige iiyak mo lang yan katangahan mo!" pasaring nito sa kaibigan.

"May isa pa akong problema!" 

"Ano yun?" nag-aalalang sabi ni Elisse. 

"Engagement party ng ate niya sa linggo. Tinawagan niya ako kaninang umaga!". 

"Alam na ba niya ang nanyari sa inyo ni Ed?" 

"Oo nakuwento ko na rin niya kanina, nagtanong kasi siya kung bakit biglang naging tahimik si Ed nitong mga huling araw. Nagsabi na ako ng totoo naiintindihan naman daw niya. Pero gusto niya uma-attend pa rin ako ng party niya. Kinusensya pa nga ako e siya naman daw pupunthan ko hindi si Ed! ". 

" Grabe bilib na talaga ako sa family Barber grabe ang pagmamahal sayo! So ano plano? ". 

" E di pupunta, pwede ka ba? Samahan mo naman ako oh! ". 

" Kailang nga ulit yan? ". 

" sa Linggo na! "

" Naku May hindi ako pwede may family dinner kami sa bahay nila Mac! ". 

" Huh, paano na yan! "

"Sorry May! " sabay yakap niya kay May. 

"Bahala na nga sabay buntong hininga ng malalim.



****
Dahan-dahan pumasok si May sa bakuran ng pamilya Barber kung saan gaganapin ang engagement party ni Anika. Magdadahilan na lang sana siya kaninang umaga sa text na hindi na siya makakapunta nang biglang makatanggap siya ng tawag sa mommy ni Ed. Kaya wala rin siyang nagawa. 

"Inhale.. Exhale.. Kaya mo yan May, aminado ka naman na nasaktan mo ang anak nila diba magsorry ka na lang!.. Sorry sorry sorry ka diyan para naman ganun kadali ang lahat. May kapal mo haharap ka pa talaga sa pamilya ni Ed dapat bumalik ka na sa La Union at magsimula ka nang umupo sa rocking chair at manggantsilyo! " ang harsh ng utak niya noh. 

Luminga-linga siya sa paligid medyo madami-dami rin ang bisita. 

" May!!" sigaw ng isang babae? 

" Ate Anika! " sabi niya. 

Nagulat si May dahil niyakap siya nito na parang sobrang miss na miss. 

"I thought your not gonna coming na e. Pero I'm happy na sobrang na miss kita!" pinaghahalikan siya nito sa mukha. 

"Pwede ko bang palampasin ang ganitong event ng soul sister ko!" niyakap niya ulit si Anika. 

"Sobrang magtatampo na talaga ako marami kang utang na kwento sa akin. Pero for the mean time lets go ipakilala kita sa fiance ko!" sabay hatak nito sa kanya. 

Napatigil si May papasok. 

"Don't worry May wala pa siya may sinundo lang!" nakangiting sabi ni Anika. 

Pagpasok sa bahay ay agad siyang sinalubong ng mommy ni Ed niyakap. Maluha-luha pa nga ito kasi sobrang pagkamiss sa kanya. Niyakap din siya ng asawa nito.

"May dito ka na maupo huh!" sabi ng mommy ni Ed. 

"Naku tita for the family lang po ata ito. Doon na lang po ako sa ibang lamesa!" tatatayo ma sana si May ng pigilan ito ni Daddy John. 

"Malapit na ako magtampo sayo May. Kayo lang naman ang naghiwalay ni Ed kami we still treated you as part our familiy. Diba nga I'm your dad!". 

Yumakap si May dito. 

"Daddy John thank you po pati sayo mommy Irene, kahit naging magulo kami ni Ed nandyan pa din kayo para sa amin!". 

"Of course naman iha, mahal namin ang mga anak namin kaya hindi namin hahayaan maligaw kayo ng landas!" makahulugan sabi ni Mommy Irene. 

"Hello everybody!" biglang may nagsalita. 

"Thea your here!" niyakap ito ni Anika. 

"Tita, tito na miss ko po kayo!" niyakap din nila ang babae. 

Hindi nakaligtas sa panigin ni May ang ngiti ni Ed habang minamasdan ito ang babae habang kausap ang magulang niya. 

"oh ano selos ka noh, pinakawalan mo pa kasi!" sabi ng utak niya. 

"oppss sorry may kasama po pala kayo dito!" sabi ng babae. 

"Kanina pa nga ako nandito haissst!" nakangiti pa rin si May kahit medyo naiimbyerna siya kahit hindi naman dapat. 

"Hi I'm Thea, Ed's girlfriend!" sabay abot ng kamay nito kay May. 

"What?" halos sabay sabay sabi ng mga kasama nila sa table including Ed. 

"Bakit Ed hindi mo ba sinabi sa kanila na sinagot na kita kahapon!" nakangiting sabi ni Thea. 

Samantalang si May hindi niya alam kung dapat ba niyang tanggapin ang kamay nito. 

"Sabi na nga ba kaya iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito. Pero syempre May chillax wala kang right para magwalk out ngayon. Your the ex and this cute girl is his present girlfriend!"

"Hi Thea, Ed's girlfriend. I'm May, Ed's ex-girlfriend!" ngumiti si May pero ni hindi abot sa tenga sabay abot ng kamay niya sa babae. 

Ed knew this May face sa tagal ba nila magkakilala. At sigurado siyang ito hindi ito natutuwa sa kaharap niya. And the tone of her voice she heard sarcastic voice. Medyo nabubuhayan na naman siya ng pag-asa. Thanks to her very makulit na cousin Thea. You heard it right her cousin kaya siguro sobrang gulat ang parents, Anika at ang fiance nito ng biglang inanounce ni Thea na girlfriend niya ito. Pero mukang kagaya niya nakita rin nila ang facial expression ni May. At dahil doon nabuhayan din siguro sila.

"Sorry May hindi kita basta isusuko ng ganun ganun na lang. Kung sinabi mong hindi mo na ako mahal tatanggapin ko pa na wala na kaso takot. Let me vanish that fear May!" sabi ni Ed habang may namumuong pag-asa sa puso niya. 

"I didn't know that you courted her!" singit ni ate Anika. 

"Actually ate ako ang nanligaw sa kanya!" proud na sabi nito. 

Lalong umasim ang mukha ni May sa narinig. 

"Let's eat, mamaya magsasalita na ang emcee!" sabi daddy John. 

Si mommy Irene at daddy John ang abot-abot ng pagkain kay May si Ed naman ang nag-aasikaso kay Thea. Natatawa naman si Anika sa pamilya niya. 

Nang mapatingin si May sa gawi ni Ed sakto naman pinupunasan ni Thea ang bibig nito. 

"Mukang hindi ko yata kaya ito! Yan kasi ang arte mo pa, dinaig mo pa ang pabebe girls! " sabi ng utak niya. 

"Excuse me lang mommy Irene magc-cr lang po ako!" bulong ni May. 

Tiningnan muna siya nito na parang nag-aalala saka tumango. Agad naman tumayo si May at umalis ng hindi lumingon sa mga kasama. 

"Tama na Thea nakatalikod na!" sabi ni Ed.

Natawa naman si Thea sa kasungitan ni Ed.

"kayong dalawa huh, pag-uumiyak ang daughter in law kayong dalawa papalayasin ko!" sita ng mommy ni Ed. 

Tatayo na sana si Ed para sundan si May. 

"Young man you better sit, Anika follow May please. And make sure she's okay!" 

"Yes Dad!" nagpaalam si Anika sa sa fiance at sumunod ito kay May. 

"Anong plano mo son?" seryusong tanong ni mommy Irene. 

"Give her time and space----!" 

"Grabe time and space kuya huh parang 9 years mo nang ginagawa yan !" singit ni Thea habang kumakain. 

"I'm not yet done Thea shut up! I know May after this tatakbo na naman ito at paghinabol ko siya magpapakalayo layo na naman siya. Baka mas malabong makausap ko siya. Pero kung hihintayin ko ang next week at malamang she going to celebrate her 30th birthday sa La Union with her tita's. Just prepare mom and dad mamanhikan na tayo. At Thea thanks to you kahit sobrang kulit mo I've realize today May is jealous to you meaning mahalaga pa rin ako sa kanya! "

" Yah.. yahh.. Your right brother! ". 

" Anika Where's May?" tanong ni Daddy John. 

" She left Dad and humihingi siya ng paumanhin hindi na daw siya makakapagpaalam babawi na lang daw siya next time may Emergency lang daw po. And base in my observation mukang kagagaling lang niya sa pag-iyak!" umupo si Anika sa tabi ng fiance niya.

Tumayo na talaga si Ed para sundan si May.

" o saan ka pupunta? Anong nanyari sa time and space? " sabi ni Thea.

" Aalamin ko lang kung may emergency talaga! " halata sa tono nito.

" Ako na maupo ka diyan! " sabi ni mommy Irene.


****

"Ohhh bakit ka nag leave of absence?" bungad na tanong ni Elisse kay May pagbulas palang ng pinto.

Halata sa itsura nito na hindi okay ang pinagdadaanan nito.

"Uuwi muna ako sa La Union, pinapunta kita dito para ibilin yung ibang clients natin. Hindi ko pa kasi alam kung kailang ako babalik!" walang gana sabi ni May.

"May okay ka lang ba?"

"Dapat lang maging okay na ako diba kasi naka move-on na siya. Pero bakit ganito nasasaktan ako at parang pinapatay ako sa sakit lalo nat harap-harapan niyang pinakilala sa akin yung girlfriend!" saka tumulo ang luha nito.

"Kasi nga mahal mo pa at nasasaktan ka kasi hindi ikaw ang kasama niya ngayon. E paano kasi tinaboy mo palayo!" lumapit ito sa kaibigan a niyakap.

"Kasalanan ko naman aminado ako doon pero diba masyadong late para masaktan pa ako. Matagal na kaming wala pero mas doble ang sakit ngayon keysa noon!"

"Dahil noon ikaw ang nang iwan kasi dahil diyan sa takot takot na yan. Pero ngayon naging okay na ulit kayo at nalaman mo ang lahat nang ginawa niya para sayo natakot ka naman dahil too good to be real na naman siya for you. May ikaw lang namang nagpapahirap sa sarili mo. Ang love sugal yan at investment  kung hindi mo susubukan paano malalaman kung mananalo at magiging masaya ka. Your happiness depend on your decision hindi dahil sa nakikita mong mali at pangit ang experience ng iba ganun din ang manyayari sayo. Hindi ba pwedeng iba naman yung love story mo? "

"Paano na yan masaya na siya sa iba huli na ng ma realized ang lahat ng ito. Wala na siya?"

"E deal the consequences e tanga ka sa pag-ibig, wala na tayong magagawa diyan. Sinayang mo ang chances na binibigay sayo. Baka panahon na rin para maging masaya si Ed sa iba. Tanggap-tanggap na lang pag may time!"

Tumawa si May habang umiiyak.

"Salamat huh, magbabakasyon lang ako pagkatapos ng birthday ko promise pipilitin ko nang maging okay!"

"Diba matalino ka, dapat alam mo na walang short cut diyan daanan mo lang ang sakit o kaya damhin mo lang para next time maramandaman mo ulit ang ganyan strong ka na!"

Binatukan ni May si Elisse.

"Aray ko naman!"

"Para kasing sinasabi mo next time olats uli ako sa buhay pag-ibig!"

"Oo hindi malayong manyari ulit yun sayo e duwag kang magtake ng risk. Naawa lang ako sa next na lalaki mamahalin mo, dusa is real sayo!"

"Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita o basher!" naiiling na sabi ni May.

"Kaibigan May, sinasabi ko lang ang mali mo para naman next time maiwasan na ang ganitong dramahan. Pero sayang naman si Ed, wala na akong maisip na pwedeng bumagay sayo. Akala ko talaga siya na talaga!" habang yakap ang kaibigan.

"Akala ko rin siya na e!" bulong ni May sabay tulo na naman ng luha niya.


****

"Oh May nagkukulong ka na naman dito sa kwarto mo, bumaba ka nga doon at gumala!" sabi ng tita Amore niya.

"Okay lang po ako tita, ganito lang po siguro pagtumatanda nagiging masakitin!" biro ni May.

"ay naku kalabaw lang tumatanda May!" sagot nito.

"tita huwag nyo po akong masyadong intindihin okay lang po ako nag-iipon lang po ako ng lakas kasi pagbalik ko na naman sa opisina makikidigma na naman ako sa sandamakmak na paper works at meeting!"

"mag t-trenta ka na bukas dalaga ka pa rin, magpabuntis ka na lang kaya para hindi masayang matris mo saka para may baby na rin dito. Gusto ko ng magka-apo sayo!"

"Tita hindi ganung kadaling gawin iyon!"

"Minsan naiisip ko sumubra ata kami ng pangaral sayo at lumaki kang masyadong responsable. Tingnan mo yung anak ni Berna na kapitbahay natin ayun 16 anyos palang buntis na. Siguro kung ganun ka rin madaming chikiting na timatakbo sa sala!" 

"Si tita kung anu-ano ang naiisip!". 

"O sige kung ayaw mo talaga bumababa magpahinga ka na diyan. Tapos mamayang pagpatak ng alas dose sakto birthday mo gumising ka at magdasal. Magpasalamat ka sa lahat blessing mo at sa mga darating pang blessing!". 

Nginitian lang ni May ito bago tuluyang lumabas ito ng kwarto. Pagkalapat ng pinto napabuntong hininga siya at saka muling nag-isip. 

" Siguro kung kami pa rin ni Ed bukod sa birthday ko magce-celebrate din kami 12th years anniversary namin tapos baka ipush na namin ang kasal kasi na list rin namin pagtungtong ko ng 30 magpropose na siya!... Hay naku May paano ka ba naman makakamove-on niyang kung siya pa rin.. Ang tanga ko kasi e! ". 

Hindi alam ni May kung anong oras siya nakatulog basta ang alam lang niya umiiyak pa rin siya. Ayaw na niya sana gumising dahil alam naman niyang gabi pa pero feeling niya may kasama siya sa loob ng kwarto niya. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at nakita niya si Ed sa gilid ng kama niya. Nakalumbaba at malapit sa mukha niya at mukha nito. Pumikit siya marahil na nanaginip siya pero pagmulat nandoon pa rin ito at nakangiti sa kanya. Dali-dali siyang umupo para siguraduhin hindi siya nagha- hallucinate. 

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni May. 

"Lagi naman akong nandito tuwing birthday mo e! Pero ang pinagkaiba lang 8 years na lumipas wala ka, pero ngayon nandito ka na!". 

Tumayo si May para buksan ang ilaw laking gulat niya ng gumalantang sa kanya  ang 2 dozen na red roses at isang cake. Tumayo si Ed at sinindihan ang ang kandila ng cake. 

" Happy birthday to you.. Happy birthday to you...!" kanta nito. 

Naiiyak si May pero pinipigilan niya sobrang saya niya kasi nasa harapan niya ang binata. Pero alam din niya hindi ito pangmatagalan at doon kumawala ang luha niya. 

"Oh bakit ka umiiyak ayaw mo ba ng flavor ng cake?" 

"Ikaw talaga Ed ang lakas mong maka-guilty!" natatawa na lumuluha niyang sabi. 

"Oh blow your candle na!" sabi ni Ed. 

Pinunasan muna ni May ang luha, pumikit at nag-wish saka hinipang ang kandila. 

"Happy birthday babe!" sabi ni Ed. 

At hinalikan siya nito sa noo gaya rin ng ginawa nito sa kanya noon. Dahil doon naiiyak na naman siya. 

"Anong winish mo?" 

"Ayaw kong sabihin baka hindi matupad!" 

"Kailan ka ba nagsabi sa akin nang wish mo na hindi natupad?" 

Oo nga naman lahat nang ginusto niya ibinigay nito. Kung tutuusin spoiled pa nga siya nito kahit nung magkaibigan pa lang sila. 

"Ang wish ko sana...!" napahinto siya at tinitigan niya ang binata. 

"sana?" inulit nito. 

"Sana maging masaya ka na!". 

"well...!"sabay baba nito ng cake. 

" nasa sayo na yan kung gusto mong matupad yan! " sabi nito. 

" huh? Bakit ako? ". 

" Kasi ikaw lang naman ang happiness ko e! " sabay paskil nito ng ngiting pang boy next door. 

" Ang baliw mo pa rin! Lumabas ka na baka maabutan ka pa dito ng mga tita's mapikot ka pa de oras! Alam mo naman mga yun gusto nila akong ihabol sa byahe" umupo si May sa kama niya. 

"E di maganda makasal na tayo agad!" nakangiting sabi nito saka tumabi sa kanya. 

"Ed may girlfriend ka na diba? Mukang mabait pa naman si Thea at mukang mabutingrin tao!" 

Natawa si Ed sa sinabi niya. 

"oh bakit mo ako pinagtatawanan diyan!". 

"Pinuri mo si Thea, parang hindi ako sanay!" tumatawa pa rin ito. 

"Bakit sino ba si Thea?" 

"Hindi mo natatandaan yung dalagitang lagi umaaway sayo kapag nasa bahay tayo tumatambay!". 

"Si Althea maldita ba yun oh my gosh dalaga na siya at infairness ang ganda niya huh! At hindi mo siya pwedeng maging girlfriend dahil first cousin mo siya!"

Tumango lang si Ed na pinipigilan ang tawa. Napatayo si May at na maywang. 

"Kainis na babaeng yung pinagtripan ako. Anong tinatawa-tawa mo diyan? (sabay baling kay Ed preteng nakaupo sa kama niya). Hindi magandang biro ito huh, dahil sa kanya namamaga ang mata ko sa kakaiyak. Hindi ako nakakain ng maayos, hindi ako nakakapasok sa opisina wala na ako sasahudin at higit sa lahat nagseselos lang pala ako sa wala. Huwag kamo siya magpapakita sa akin at masasabunutan ko siya! " nanggigil na sabi ni May. 

Pero si Ed hindi maalis ang ngiti sa mga sinabi ni May. At napansin naman ito ni May kaya imbes bawiin niya ang sinabi ay pinanindigan na lang din niya. Umupo siya sa tabi nito. 

"Sabi ko na nga ba nagseselos ka e!" 

"At masaya ka naman kasi nagseselos ako ganun ba yun?".  

"Nung unang selos mo hindi kasi nawala ka e, pero yung pangalawa at itong huli masaya ako. Its only proved that you still care and inlove me. May matanda na tayo para maghabulan pa oh!". 

"27 ka palang ako lang matanda kasi 30 na ako!" 

"Huwag ka ngang ka nga basta bagay tayo. Saka ang daming nasayang na taon siguro naman hindi mamaga ang mga mata mo nang ganyan kung bale wala lang ako sayo!" nakangiting sabi ni Ed. 

Tahimik lang si May na nakayuko nag-iisip. 

"Ano pang pinag-iisipan mo e hayaan mo, pakakataon na oh!" sabi ng utak niya. 

"E sino yung babae kasama mo sa restaurant? Nagpapapunas ka pa ng bibig mo. Ano messy eater ka talaga o sinasadya mo talaga para magpababy!". 

"that thing, basta basta ka na lang kasi magwa-walk out nang hindi nagtatanong. Si ate Anika kaya yun, hahabulin ka pa nga niya sana kaya lang umalis na kayo agad!". 

"Si ate yun?" saka tumingin kay Ed para siguraduhin ang sinabi nito. 

"Oo nga ang kulit, ikaw napakaselosa mo talaga. Tapos after mong magselos bigla ka na lang maglalaho. Pero seryoso na let fix this. Ayaw ko na malabong usapan tuparin mo naman yung wish mo!" sabi ni Ed. 

"Ang alin!?" maang-maangan tanong ni May. 

"Ang happiness ko, ikaw at ako!" 

Ngumiti si May sa banat nito. 

"Sige na nga mabawasan lang ang kacornihan mo!" sabay pisil ni May sa ilong nito. 

"anong ibig mong sabihin? Tayo na ba ulit?" halata sa mukha nito ang pagkagulat. 

"Diba sabi mo nga hindi naman tayo nagbreak so technically tayo pa rin diba!". 

Sa sobrang katuwaan ni Ed ay niyakap na lang niya si May nang mahigpit pagkatapos pinaliguan ng halik ang mukha niya. Nang hahalikan na nito ang labi niya biglang nagtakip si May ng bibig. 

" Oh bakit? Huwag mo sabihin binabawi mo na naman ang sinabi mo kanina. Huwag ganun sobrang desperado na akong maging ka ulit kaya pagtumanggi ka hindi tayo lalabas ng kwarto na ito na walang nabubuong baby!" deretsong sabi ni Ed. 

"Ang layo na narating na sinabi huh! Tinakpan ko lang bibig kasi hindi pa ako nagtotoothbrush!. Grabe huh may balak ka palang halayin ako huh!" pinitik ni May ang noo nito. 

"Aray ko naman.. Joke lang yun ito naman hindi mabiro!". habang hinihimas ang noong nasaktan. 

Natawa lang si May sa reaksyon nito. 

"Pero please let me kiss you, I don't care kung hindi ka nagtotoothbrush ng isang linggo sobrang miss ko na kasi yung labi mo----!" 

Hindi pa nakakatapos si Ed nang biglang hatakin ni May damit niya dahilan para magtapat at magdikit ang kanilang labi. Parehas sabik sa isat isa kaya parehas walang balak magpatalo. Labanan ng mga labi para bawiin ang siyam na taon nagkawalay. Sobrang higpit ng yakapan nila na parang wala ng pwedeng makapahiwalay sa kanila. 

"I miss you so May!" sabi ni Ed sa pagitan ng pagkagat ng labi ni May

"I miss you too Ed.. Babe!" sagot ni May. 

Lalong lumalim ang halikan nila na di nila namalayan na nakahiga na si May kama niya at nakaibabaw sa kanya si Ed. 

"Ed are we going this tonight?" tanong ni May. 

"Rape you?" balik na tanong nito habang sige pa rin kagat nito sa labi ni May. 

"Baliw hindi na rape yun kung ginusto ko rin!" natatawang sabi ni May. 

Huminto ito kapapapak sa labi ni May st ngumiti. 

"So gusto mo na din gawin natin?" tanong nito. 

Ngumiti lang ng ubod tamis si May. 

Tumayo si Ed at inayos niya ang damit ni May. 

"Kaya ko pa maghintay May gaya ng mga pinag-usapan at pilano natin noon. Gagawin natin ito pagkasal na tayo!". 

Ngumiti si May saka yumakap kay Ed. 

"Thank you Ed sa paghihintay sa akin. Pasensya na huh nuknukan ng arte at tanga ng girlfriend mo!" sabi ni May. 

"Sobrang mahal kita kaya willing akong maghintay May!". 

Hinawakan ni May ang mukha ni Ed dahilan para mapapikit ito. 

"Hindi mo na kailangan maghintay nandito na ako. Inaamin ko hindi madali sa akin ito. Natatakot pa rin ako pero mas natatakot ako mawala ka ng tuluyan sa akin. Kaya willing na akong sumagal!". 

"Salamat May, babe ko!". 

Magkayakap sila nang mapansin ni May ang wall clock. 

"Shock.. matulog na tayo alas dos na pala!" humiwalay siya kay Ed. 

"Ahhh May.. Pwede ba dito na lang ako matulog.. Promise magbe-behave ako!" 

Nag-isip si May at saka ngumiti. 

"Sige bahala na bukas!". 


****

"Ano gigisingin na ba natin?" tanong ni tita Amore. 

"Mamaya na pipicturan ko muna, ang sweet nila oh!" sabi ni tita Agnes. 

"Uy ano ba kayo para masaya pa kayo diyan? Dehado ang pamangkin natin diyan. Paano kung mabuntis yan?" sabi ni tita Grace halata na nagtitimpi lang. 

"E di magpapapiyesta tayo ibig sabihin ligtas sa sumpa si pamangkin!" sabi ni tita Agnes habang habang busy sa pagkuha picture. 

"Ate oh, si Agnes pinamimigay na ang pamangkin natin!" sumbong ni Tita Grace. 

"May....May...!" gising ni Tita Amore. 

Naalimpungatan si May. 

"Good morning mga tita's, bakit po kayo nandito?" nagtatakang tanong ni may. 

Tatayo na sana siya ng maramdaman niyang may mabigat na nakapatong sa may tiyan niya. Saka lang niya naalala ang lahat. 

"Tita mag-explain po ako!" sabi ni May habang niyoyogyog ni May ang katabi niya. 

"Uy barbero hindi ka talaga mapagkakatiwalaan. Ginapang mo pa talaga ang pamangkin ko!" handa ng sugudin ni Tita Grace si Ed na nagising na rin. 

"Tita wala pong nanyari sa amin, natulog lang po kami!" sabi ni May. 

"Ed, sinira mo na naman ang tiwalang ibinigay namin. Tinanggap ka namin ng maayos itinuring na hindi iba tapos ito pa ang igaganti mo sa amin!" 

"tita sorry po!" nakayukong sabi ni Ed. 

"Ano balak mo ngayon? Dalaga ang pamangkin ko at ano sasabihin ng mga tao pagnalaman nilang natulog ito may kasama lalaki sa kwarto?" halata sa boses ni Tita Amore na galit ito. 

"Tita please, makinig naman po kay sa akin. Wala naman pong nanyari sa amin nag-usap lang po talaga kami!" singit ni May. 

"Huwag po kayong mag-alala tita pananagutan ko po si May!" seryusong sabi ni Ed. 

"Ed---!" gulat na sabi ni May. 

"Oh siya mag-ayos na kayong dalawa at pag-usapan natin yan sa baba habang nag-aalmusal!" saka tumalikod si Tita Amore. 

"Uy lalaki umayos ka huh, pag yan umiyak ulit malalagot ka na talaga sa akin!" inabahan ng kamao ni Tita Grace si Ed. 

"huwag ka nga ganyan bagay na bagay kaya sila, Ed masaya akong magiging parte ka ng pamilya namin. Ginalingan nyo ba kagabi? Magkakaapo na ba kami?".  

"Tita Agnes, ano ba yan mga tanong mo!" singit ni May. 

"Kayo naman nahiya pa kayo sa amin---------!" 

"Agnes, Grace pumarine nga kayo at tulungan nyo akong makahain!" sigaw ni Tita Amore galing sa baba. 

Hinatak ni tita Grace si Agnes para bumaba. 

"Ed, naman sinakyan mo pa yung gustong manyari ni Tita Amore. E pwede naman i explain na lang kung bakit ka nandito. Gusto mo talagang mapikot noh? !" nayayamot na sabi ni May. 

"Aba pabor nga yun sa akin atlist mapapaaga ang kasal natin, tiwala lang babe. Ay sorry nag-uumpisa pa lang ulit ako kunin tiwala mo!". 

Nakita ni May ang lungkot sa mga mata nito. 

"Ay naku Ed, may tiwala ako sayo. Kaya lang kasi masyadong mabilis e!". 

"Alam mo naman gagawin ko para sayo kaya sige mag-ayos ka na para makausap na nating ang ga tita's!". 

Tumayo si May sa kama at binitbit nito ang tuwalya. Dumretso sa CR ng kwarto niya. Nagmadali siyang maligo at nagbihis. Paglabas niya nakita niyang nakaayos na rin si Ed. 

" Wow huh ang bilis mo din huh! ".  

"Baka kasi lalong magalit sila tita Amore pagtinagalan pa natin!" sabat nito. 

"Sabagay!" tumalikod si May at nagsuklay. 

Nang masiguradong ayos na siya inaya na niya si Ed para bumaba. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng biglang may sumigaw ng:

"Happy Birthday May!" saka kumanta ang lahat. 

Medyo naluha pa siya ng makita niyang nadito sila Elisse at Mac, ang pamilya Barber kasama si Thea, ang mga tita's niya at mas lalong nagpahagulgol sa kanya ay anjg kanyang Mama. 

"Ma, kailan pa kayo dumating?" tanong niya rito habang nakayakap. 

"Kagabi pa sinundo ako ni Ed sa airport!" sabay tingin kay Ed na nakangiti sa kanya.

"Masaya po ako nakauwi kayo!" yakap pa rin nito ang ina. 

"Actually balak ko nga lang sana magvideo call. Kaso si Ed kinulit ako at buti na lang nagpapilit ko. Sobrang namiss kita anak pati ang tita's s mo!" niyakap niya muli ito. 

"Alam mo lahat ito?" tanong niya sa kasintahan. 

"Actually May siya lahat nagplano nito. Ang hindi lang kasama sa sinabi niya sa amin ang pagtulog niya sa kwarto mo!" sagot ni tita Amore. 

"Grabe ka gurl akala ko papakipot ka pa rin e. Ang haba ng hair mo oh, ikaw pa rin ang nagwagi. Siguro naman okay na kayo dalawa!" singit ni Elisse. 

"Abat dapat okay na sila sayang naman ang effort kong pagselosin si May!" sabi Thea. 

"ikaw babae ka pinasakit mo ang bangs ko  ng isang linggo panggap pa more!". 

Nagtawanan ang lahat. 

"Sorry na ate May happy birthday!" sabay peace sign nito. 

"Soul sister siguro naman okay na kayong dalawa?. Tama na ang habulan huh dapat happy happy lang!" niyakap siya ni Anika. 

"Muka naman sa ngiti ng kapatid mo okay na sila. Salamat May huh tinanggap mo muli ang anak ko!" niyakap siya ni Mommy Irene. 

"So tuloy pamamanhikan na ba ito anak?!" tanong daddy John kay May. 

"Hindi pa po ata kasi wala naman pong tinatanong si Ed!" sabay ngiti ni May kay Ed. 

"Ano ba yan Ed ang hina mo talaga!" kantyaw ni tita Grace. 

"Hindi ready kaya ako!". 

Lumapit si Ed kay May, may kinuha ito sa bulsa at saka lumuhod. 

"May, babe I know this is so fast. Diba sabi ko sayo dati pagtungtong mo ng 30 magpapakasal na tayo. Hinding-hindi ko hahayaan kang tumandang dalaga. Hindi ko na rin pakakawalan ang pagkakataon na. Please accept me to be your husband, your other half, your bestfriend ever and partner in lifetime. Will you marry me? ". 

Nakaluhod si Ed hawak ang singsing at hinihintay ang sagot ni May. Samanatalang mga kasama niya ay kinakabahan. 

" Mom, told you this is not the right to propose!" bulong ni Anika kay mommy Irene. 

" Ay naku idedecline pa ata ng loka! " sabi naman ni Elisse kay Mac. 

Huminga ng malalim si May habang nakatitig pa rin kay Ed. 

"Okay lang naman May if your not ready! (patayo na ito mula sa pagkakaluhod) basta babe wala na bawian na balikan na tayo. Im willing to wait for---------!" 

"Yes!" putol ni May. 

"huh... Anong sabi mo!?" biglang nabingi si Ed. 

Halos lahat nakahinga na at masaya sa nanyayari sa dalawa. 

"Ulitin mo muna ang tanong mo?!" nakangiting sabi no May. 

"sabi ko mahal kita, will you marry me?" inulit ni Ed. 

Agad-agad naman sumagot si May. 

"Sabi ko mahal di kita and yes magpapakasal ako sayo!". 

Ngumiti si Ed saka niyakap ang dalaga ng mahigpit. 

"Ay sa hinahaba nga naman ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy!" sabi ni tita Grace. 

"Grabe ang sweet nila, ipo-post ko ito sa blog ko!"  sabi ni Tita Agnes. 

"May blog po kayo tita?" nagulat si Thea sa narinig. 

"Yes Iha, a Confession of a Happy Old Maid. Search mo lang sa google!". 

"Wow tita ang astig nyo!".  

"ate tama na iyak!" sabi ng mama ni May kay tita Amore. 

"Masaya lang ako sa para sa dalawa grabe hirap ng pinagdaanan nila. Akala ko nga hindi na talaga sila magkakabalikan. Pero sobrang pasasalamat ko at sila pa rin hanggang sa huli!". 

"Ganoon ata talaga ate gumawa ng fate si tadhana. Kahit magkahiwalay kayo kung kayo talaga, kayo talaga. Saka sa case nila May at Ed kinailangan muna nilang maghiwalay para mag-grow sila individually. Para pagdumating na ang right time ng kagaya nito. Parehas na silang ready  humarap sa pagsubok ng buhay ng magkapartner! " sabi ng mama ni May. 

"Hon?" tawag ng fiance ni Anika. 

"Bakit hon?" sabay akbay niya rito at nakatingi pa rin kila May at Ed. 

"Do you think magwo-work sa kanila ang second chance?" 

Napatingin si Anika sa kasintahan. 

"ahhh depende naman kasi yan. Kung sa relasyong ng kagaya nila Ed at May. Pag both side agree I think magwo-work naman kasi parehas silang ta-trabaho para maayos ang lahat. Itama ang mali noon at punan kakulangan nila dati. I guess maturity also helps, kasi noon bata pa sila may mga desisyon na nagagawa at mga salitang nabibitawan tapos hindi naman napapanindigan na it can be result for misunderstanding!" paliwanag ni Anika. 

"basta mo mahal mo at mahaba ang pasensya mo balewala yan second, third o forth chance na yan. Aanhin mo ang pride kung hindi ka naman masaya!" singit ni Elisse nakikinig pala ito sa dalawa. 

"Basta huwag naman abuso, dba Mac!" singit ni May. 

"Sabi ko na sa akin baksak ng usapang ito!" napakamot naman ng ulo ito. 

"Basta willing at nag-e-effort naman yung tao to gain that chances sino ba naman tayo para hindi pagbigyan. Ang Diyos nga nagpapatawad tayo pa kaya!" singgit din ni Mommy Irene. 

"Tara kumain na tayo at mapag-usapan ang tungkol  sa kasal ng dalawa!" sabi ni Daddy John. 

"E diba ikakasal din si Ate Anika hindi pwedeng ikasal si May at Ed this year sukob po yun!" apila ni Thea. 

Habang busy ang lahat busy naman ang dalawa paglalambigan sa sala. 

"Uy lovers alam namin miss nyo ang isa't-isa pero sana samahan nyo kami dito dahil ayaw pagalaw ng mga tita's ang pagkain hanggang wala ang celbrant!" sabi ni Elisse. 

"Tara na Ed, hinihintay na nila tayo!" aya ni May pero ayaw pa rin pakawalan ni Ed ang dalaga. 

"Sandali ninanamnam ko pa yung moment na ito. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala omu-key na ang lahat!" sabi nito. 

"Pwes maniwala ka na! Magkasama na ulit tayo at malapit ng ikasal kaya pwedw mamaya na lambingan ang daming tao oh!" 

"Hindi ka talaga showy noh!" sabi ni Ed. 

"Alam mo yan!" sagot ni May na may ngiti sa labi. 

Nakita na naman niya na medyo nalungkot ito habang hawak ang kamay niya papunta sa kasama nila. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at ngumiti. At dahil tumigil nga si May nagtakang lumingon s kanya si Ed. 

"total naka leave pa naman ako gusto mo tomorrow akyat tayo Sagada?" sabi niya. 

At doon tuluyan ngumiti si Ed. 

"Tayong dalawa lang?" tanong nito. 

"Yes!" 

"Sabi mo yan huh wala ng bawian!" halata sa boses nito na masaya masaya ito sa sinabi niya. 

Binigyan siya ni Ed ng mabilis na halik sa labi saka siya hinatak papunta sa mga kasama nila. Doon masaya silang nakipagkwentuhan, nakipag-asaran at nagplano para sa kasal nila Ed at May. 

The End..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

In the end, you have to choose whether or not to trust someone.

Sophie Kinsella, Shopaholic & Baby (Shopaholic, #5)


~Choose to be happy and LOVE.. 

R. A. M


  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018