Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Bestest Friends

Image Description KyLiiemichy   |   02 January 2018


I’m in love with my bestest friend. But, who’s in love with who again?

"Kung madali lang mag-desisyon ng tama kapag nagmamahal, wala na sanang iniiyakan. Kung madali lang lagyan ng bandaid ang pusong sugatan, wala na sanang nasasaktan. Kung madali ka lang kalimutan, hindi na sana nasasayangan. Ikaw ba? Naging madali ba para sa'yong gano'n na lang kabilis mawala?"
•••••
"Ano na naman ba 'yang binabasa mo Edward?"

Tumingala ang binata at ibinaba ang libro. "I don't really know."

Nangunot ang noo ng dalaga sabay kuha sa librong binabasa ng binata. "Huwag Mong Mamahalin ang Best Friend Mo, Lalo Na't One Sided Lang Ito. PS: Limutin na ang nakaraan. Move on, move on na lang." natatawang napatingin muli si Maymay sa best friend niya. "Twin, hindi ako in love sa'yo."

"I know," poker face na sagot nito kaya naman umiling ang dalaga.

Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ng binata at ibinaba ang librong 'yon sa mesa. Nasa loob sila ng Book Café kaya naman umaalingasaw ang napaka-bangong bagong grinded na coffee beans at new brewed coffee. Isama pa ang nakakaadik na amoy ng mga bagong pages ng libro na talagang namang mapapa-oh-my-haven ka na lang kung adik ka sa mga ganitong klase ng lugar at siyempre, sa libro.

"So, in love ka sa'kin?" Biro ng dalaga kasabay ng pagsimsim niya sa inumin.

"No."

Napanguso na lang si Maymay nang makita kung gaano ka-straight face ang binata. Dinuro niya ito t'saka niya pinanlakihan ng mga mata. "Ikaw ah! Isang taon! Isang taon na tayong magkasama, ganyan ka pa rin sa'kin!"

Umiling ang binata at muling kinuha ang libro na 'yon na binabasa. Here we go again with her blabbering, sa isip nito. Don't get him wrong, he likes Maymay, but Maymay? Napailing na lang siya, 'coz God knows how numb and dumb she is to notice.

Why?

'Coz she likes someone else. His name is Enrique. Tall, light skinned—he shook his head and adjusted his eyeglasses. Ayaw man ng binata na isipin ang features ng lalaking gusto ng dalaga ay hindi niya magawang hindi ikumpara ang sarili niya sa lalaking 'yon. Para kasi sa kanya ay walang wala siyang panama.

Sa huli ay nakairap na lang na bumuntong hininga si Maymay nang mapansin niyang hindi na siya pinapakinggan ng binata. Lagi na lang ganito si Edward sa kanya. Para sa kanya, mabait naman ang binata. Madalas pa nga ay napaka-caring nito, gentleman, mga quality ng lalake na hahangaan ng kahit sinong babae maliban sa, expressionless na mukha nito.

Once in a blue moon niya lang itong makasabay sa kabaliwan. Ilap ito sa mga tao kaya kung gusto niya itong makasabay sa trip niya ay kailangang dalawa lang sila. As in dalawa lang sila at wala ng iba.

Ngunit naiintindihan 'yon ng dalaga. May trust issues kasi ang binata simula nang iwanan siya ng mga magulang para mag-trabaho sa ibang bansa noong bata siya. Sumunod na nawala ay ang ate niya, na ang kwento nga ng binata ay basta na lang kinuha ng mga magulang niya. Nang mangyari 'yon ay maliit pa siya kaya malaki ang naging epekto sa kanya. Isinunod naman siyang kinuha pero hindi na nga niya nakasundo ang pamilya. Noong nakaraan ngang taon, kasama niya ang ina na bumalik sa Pilipinas para asikasuhin ang business nila dito. Ang ama naman niyang naiwan sa ibang bansa dahil rin sa business nila ay kasama naman ang ate niyang tinatapos ang pag-aaral doon.

"Ehem!" Pukaw ni Maymay sa binata na kabisado naman na nito dahil ibinaba nito ang librong binabasa. "Alam mo twin?"

"Not yet,” pambabara ni Edward sa dalaga kaya nakatikim na naman ng hampas ito sa braso. “What is it?” Napipilitan niyang sagot sa huli. Alam niya namang hindi siya tatantanan nito.

"Kulang ka lang sa love e. Gusto mong i-make over kita para magka-girlfriend ka na? Tignan mo naman kasi 'yang buhok mo, ni hindi mo gustong ipa-clean cut. Masyadong mahaba kaya natatakpan ang mukha mo. 'Yang damit mo, masyado kang laging formal na naka-butones hanggang leeg, duh! Panahon pa 'yan ni Bonifacio at Rizal! T'saka lagi ka pang naka-cap. Ang laki at kapal pa ng salamin mo. Super old fashioned!"

Matamang tinitigan ni Edward ang dalaga. Inintindi ang bawat salitang lumabas sa bibig nito. "So you think, if I wear that kind of clothes—" Turo niya sa lalaking naka-suot ng looking-good-and-suave na porma. "Cut my hair, and change my glasses, I might get a girlfriend?"

Agad na tumango tango ang dalaga.

Dismayadong umiling ang binata dahil ang dating no'n sa kanya ay looks lang ang hanap ng isang babae. "Then never mind."

"Ha? Bakit? Twin! Gwapo ka. Matalino, and if I'm talking about talino? Sobrang talino! Mabait? Minsan. Pero mabait ka." Pilit na kinumbinsi ni Maymay ang sarili na nagpakunot noo kay Edward. "Caring, gentleman—name it! Nasa 'yo na nga lahat e. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit mo tinatago?"

"I'm not hiding it, twin." Maybe I'm just waiting for you to notice me, or maybe you did but you don't care at all, dagdag ng binata sa isipan ngunit piniling hindi na sabihin pa.


Kung hindi lang kita best friend, binoypren na kita, sa isip din ng dalaga habang nakapangalumbaba na nakatitig sa binata. Para kasi sa kanya, huwag mong papasukin ang isang romantic relationship with your best friend, dahil kapag nag-break kayo, hindi lang boyfriend ang mawawala, pati na rin ang best friend mo. "You're not hiding it, e ano 'yan?" Pagtutuloy niya sa tanong niya.

"This is my fashion statement."

Napangiwi ang dalaga t'saka siya walang ganang tumango tango. "Oo na lang. A tasteless fashion statement kamo. Nerd look gano'n?"

"Cut it out, twin. I'm not like you okay?" Tukoy ng binata sa way ng pananamit ng dalaga. Simple lang naman manamit ang dalaga pero magaling talaga siyang magdala. Stylish kasi ito na talaga namang metikulosa pagdating sa mga isinusuot na damit.

Nginusuan na lang siya ng dalaga. "Oo na. Anyway, sa bahay mo o sa apartment ko?"

"My mom's home, so your apartment."

"Isa pa 'yan. Ang tagal tagal ko nang sinasabi sa'yo na kausapin mo ang family mo."

"Maymay. . . Stop."

Bumuntong hininga ang dalaga. "Siguro, baka hindi talaga ako 'yong taong makakatulong sa'yo na mabago 'yang nararamdaman mo tungkol sa pamilya mo." Wala sa sariling nasabi ni Maymay dahilan para mapatakip siya sa bibig. Huli na para hindi 'yon ma-realize ng binata.

Matagal na ngang sinasabi 'yon ng dalaga sa kanya, and he's trying his best to do it, but it's not that easy. Hindi gano'n kadali magbago ng ugali sa harap ng pamilya mo, lalo na't isang babae ang dahilan ng biglaang pagbabago no'n. Hindi pa kaya ng binata ngunit pinipilit niyang magbago. Hindi lang para sa dalaga, kundi para na rin sa sarili niya at sa pamilya niya.

Mabilis na tumakbo si Maymay sa kwarto para makapag-bihis pagkarating ng apartment niya.

"Twin! 5 minutes!"

Inis siyang napairap. "Wait lang naman!" Ni hindi pa nga siya nakakapag-hubad ng suot.

"I'm starting without you!" Muling sigaw ng binata kaya mas binilisan pang mag-bihis ng dalaga t'saka siya nagmamadaling lumabas ng kwarto suot ang cozy pajama niya at t-shirt.

Halos lundagin ng dalaga ang bean bag chair na pwesto niya hawak ang mga soda cans at junk foods na binili nila kanina. Sa kabilang bean bag chair naman si Edward na ngayon ay ginagawa na nga ang character niya sa Xbox na hindi malaman ng dalaga kung paanong nakapang-bihis na ang binata ng puting t-shirt at shorts. Agad na ring kinuha ni Maymay ang isa pang controller at in-on 'yon.

Parehong adik sa video games ang dalawa. Walang pasok kinabukasan kaya pareho silang magpupuyat ngayon.

"Anong consequence after ng game, twin?"

"I don't really care. Name it."

Nakakalokong napangiti ang dalaga. Napaghandaan niya kasi ang laro na 'yon. "Okay. Kung sino mang manalo, gagawin niya lahat ng ipapagawa or iuutos nito sa loob ng 24 hours. Okay? At bawal ang humindi."

Nakakalokong napangisi naman ang binata. "Alright. Call."

Inabot ng walong oras ang larong 'yon. Online game kasi siya kaya walang sumusuko.

"Argh! I lost!"

"Yehey! Panalo ako!" Tumayo ang dalaga at nagsimulang sumayaw ng pang-budots, her victory dance, habang si Edward naman ay inis na maka-ilang ulit na hinampas ang sahig nang humiga siya ro'n. "Panalo ako! Panalo ako! Panalo ako!" Inilapit ni Maymay ang mukha sa binata at dinilaan ito. She even pinned him down on the floor para lang masiguradong makita ng binata ang pang-aasar niya habang nag-me-make face. "Pa'no ba 'yan? Panalo ako twin."

Nagulat man ang binata sa ginawa ng dalaga ay agad din niyang kinalma ang sarili. Unti unti niyang nakita ang pagsilay ng nakakalokong ngiti ng dalaga kaya naman mataman niyang tinitigan ito at hinintay kung anong susunod na gagawin nito. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha ng dalaga sa kanya na halos maamoy niya ang chicharon at suka na kinakain ng dalaga kani-kanina lang.

Nang hindi magsalita ang binata ay bahagya nang nailang ang dalaga. Ang ngiti niya kanina ay napalitan ng pagkagat sa ibabang labi. Lumikot na rin ang mga mata niya t'saka siya unti unting lumayo pero namali siya ng angat at dumulas ang kamay niya dahilan para pareho silang manlaki ang mga mata.

Her lips landed on his lips lang naman kasi ang nangyari.

Agad na bumalikwas ang dalaga para makatayo. "Twin. . . Sorry! Sorry talaga! Oh my gosh." Napatakip sa bibig ang dalaga.

Shock na bumangon ang binata. Hawak ang labi ay hindi niya alam ang sasabihin.

"Edward. . ."

"W-what?"

"Dugo. May dugo!" Bulalas ng dalaga sa kanya. Natatarantang pumunta ito sa kusina at dumiretso sa fridge para kumuha ng yelo habang ang binata naman ay ipinunas na lang ang hinalalaking daliri roon at taas kilay na hindi malamang kung ngingiti o matatawa. Sa huli pinili niyang bahagyang tumawa at umiling.

Nang makabalik si Maymay sa sala ay kumunot ang noo niya nang makitang tawang tawa ang binata. "Uy! Hala! Na-buang na ba?"

He can't stop laughing. Hawak ang tiyan ay tumingin siya sa dalaga. "G-give me that." Tukoy niya sa hawak na ice cubes ng dalaga. Umupo naman ang dalaga sa tabi niya at iniabot 'yon.

"Anong nakakatawa?" Mas lalong nangunot ang noo ng dalaga. Naiinis na siya ngayon dahil habang siya na kinikilig sa nangyari kanina kahit pa nakokonsensya siya ay siyang tawa naman nitong lalaking nasa harapan niya. Ang sarap lang batukan 'di ba? Sa isip ng dalaga sabay sapak niya sa mukha nito.

Pinipilit na huminto sa pagtawa ni Edward. Nang kumalma siya ay nakita niyang masama na ang tingin sa kanya ng dalaga. Naka-crossed arms na ito habang matamang nakatingin sa kanya. "Twinnie. . ." Sinubukan niyang maging malambing, pero sa huli, napa-iling siya. Para sa kanya ay hindi talaga bagay ang mga galawang gano'n.

Pinipigilang mapangiti ni Maymay dahil sa ginagawang 'yon ng binata. Hindi niya madalas makita 'yon at iba talaga ang dating sa kanya kapag naglalambing na isang Edward John Barber slash twin slash best friend slash secret crush slash secret love niya.

"Mary-dale. . . Don't do this to me. I'm the one who's supposed to be angry, like, damn! You just kissed me!"

"Aksidente 'yon! I just—it's an accident. It's not an incident. I'm very sorry na oh!"

Ayaw tumawa ng binata. Sa tuwing mag-e-english kasi sa kanya ang dalaga ay laging nauutal ito. Sa klase ay okay naman si Maymay, pero kapag siya na ang kaharap, parang nawawala sa katinuan ang dalaga sa tuwing magsasalita ng english.

"It's still bleeding twin." Pag-iiba niya ng topic.

Mas lumapit ang dalaga at kumuha ng yelo t'saka tinulungan ang binata na ilagay 'yon sa bibig nito. "Kasi naman e."

"What do you mean, kasi naman? Is it my fault that you pinned me down? You grabbed my wrist, Maymay! You trying to rape me or something?"

Isinungalngal nga ng dalaga ang yelo sa bibig ng binata dahilan para mapangiwi ang binata. "OA ka ah! Hindi ko naman sinasadya kasi."

Iniabot ni Edward ang yelo kay Maymay t'saka bahagyang ngumiti ang binata. "I'm only kidding, twin." Nginusuan niya ang binata t'saka niya itinuloy ang ginagawa.

Ngunit para sa kanilang dalawa ay tila tumigil ang oras. Lalo na nang nagkasalubong ang mga mata nila. Ang mga mata ni Edward ay salitan ang ginagawang pagtitig sa mga mata, ilong at labi ng dalaga habang si Maymay na naglilikot man ng mga mata ay nagnanakaw tingin sa mga mata at labi ng binata, pero sadyang mas kaagaw agaw pansin ang labi ng binata para sa kanya dahil tila may kung anong kuryente ang dumadaloy sa daliri niya papunta sa buong katawan niya kapag dumadampi ang daliring 'yon sa labi ng binata.

Nang magkatitigan ulit ang dalawa ay kusa nang kumilas ang ulo nila. Mabagal. Pa-unti unti. Humahanap ng tiyempo na magkasalubong ang mga labi.

Kraaaaang! Kreeeeeeng! Kriiiiiiiiiing! Krooooooong! Kruuuuuuuuung!

Sabay na napatingin sa orasan ang dalawa nang may marinig silang alarm clock. Alarm clock 'yon ng dalaga tuwing alas singko ng umaga. Nang muli silang magkatinginan ay tumayo na ang dalaga. Pinipilit na hindi makaramdam ng ilang habang si Edward naman ay patay malisyang ibinaba ang ice cubes.

"Uhmm. . . Kailangan mo na umuwi."

Tumayo na rin ang binata. "Yeah, yeah. Whatever. I'll see you later then." Pinilit na pinagaan ni Edward ang atmosphere na agad naman na-gets ng dalaga kaya palihim siyang ngumiti.

"Talagang I'll see you later. Kasi you're going with me. Sa mall. Tandaan mo, sa akin ka ng 24 hours at susundin mo ang lahat ng gusto ko."

Umiling ang binata. Sa isip niya, kahit 'di naman 'yon gawin ng dalaga ay handa siyang maglaan ng oras para lang dito. "Tss, whatever twin."

Alas-tres na ng hapon nang pumunta si Maymay sa bahay nina Edward. Nadatnan ng dalaga si Mommy Cathy na nagdidilig ng mga halaman. Patakbo siyang lumapit sa ginang at niyakap ito mula sa likuran.

"Tita Cathy!" Bulalas ni Maymay na bahagyang kinagulat ng ginang. Hinarap niya ang dalaga nang maibaba niya ang hose.

"Maymay, iha. Kamusta?" Hinalikan niya ito sa pisngi at gano'n din si Maymay.

"Okay naman po. Maglalakwatsa po kami ni Edward. Para lumabas naman siya."

Nakangiting tumango ang ginang. "Mag-i-ingat kayo, ha?"

"Hindi lang po kami Tita. Kasama po kayo."

Agad na umiling ang ginang. "Alam mo namang hindi papayag si Edward—"

"It's fine, mom. We're going to wait for you here."

Sabay na napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon sina Maymay at Tita Cathy. Inirapan ng binata ang dalaga pero nang-aasar na kinindatan niya lang ito.

Hawak ni Maymay ang kanang braso ni Edward habang kaliwa naman ang kay Mommy Cathy. Gumitna siya sa dalawa nang mapansin niyang hindi pa rin sila masyadong nag-uusap. Sa ngayon ay walang magagawa ang dalaga sa sitwasyon na 'yon, ang misyon niya lang ngayong araw ay mapasaya ang ginang at mabigyan ng make over ang binata.

Yes. A make over. It's time to unleash that gwapo suave look out of his so smart nerdy look, sa isip ng dalaga.

"What are we doing here? This is a barber shop and I'm the only—" Nakakalokong ngumiti ang dalaga dahilan para matigilan sa pagsasalita ang binata. "Damn it!" Bulong nito sabay upo sa may waiting area.

"Magpapagupit na siya? It's about time. Mula nang dumating kami rito hindi na siya nagpapagupit," ani Mommy Cathy na mas lalong nagpakunot sa noo ng binata at nagpangiti naman sa dalaga.

30 minutes ang nakalipas na nagpanganga kay Maymay. "Bushak! Grabe oy!" Lumapit siya sa binata at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Ang gwapo gwapo mo!" Hinarap niya si Mommy Cathy. "Tita! Ang gwapo oh! Kamukha niya na si Enrique!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng binata dahil sa narinig niyang Enrique pero agad din niyang binawi 'yon nang nilingon siya ulit ni Maymay at pinaka-titigan. "What? Stop staring!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ng dalaga at ibinaba 'yon. Kinuha niya ang eye glasses na nakasabit mula sa t-shirt niya at isinuot 'yon.

"Psh! Sungit much e 'no? Next stop na nga lang!" Bulalas ni Maymay sabay hila niya sa kamay ni Edward. Natatawa namang sumunod na lang si Mommy Cathy sa dalawa na nag-e-enjoy sa panonood sa dalawa.

"Bench everyday!" Bulalas ni Maymay t'saka siya isa isang kumuha ng polo's, t-shirt, pants, na naaayon sa porma ni Edward.

"No," agad na tanggi ni Edward. "Okay naman ang damit ko, twin."

"Ikaw, kanina ka pa no ng no a. Talo ka kagabi sa game kaya matuto kang sumunod sa rule. Okay?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ng binata bago niya kinuha ang inaabot na mga damit ng dalaga.

Naka-ilang iling at palakpak with thumbs up na sina Maymay at Mommy Cathy na halatang nag-e-enjoy sa bawat pagpapakita ng iba't ibang suot na damit ng binata.  Sa huli, si Edward naman ay pinili na lang na mag-go with the flow dahil sa mga ngiting nakikita niya nga kay Maymay at sa ina.

"Oh yeah! We're done! Ang galing! Ang gwapo gwapo mo twin!" Bulalas ni Maymay t'saka siya tumabi sa binata at hinarap si Mommy Cathy. "Pwede na ba kaming loveteam, tita?"

Bahagyang tumawa ang ginang. "At ano namang pangalan ng tambalan niyo?"

"Kung sina Liza at Enrique ay LizQuen, at KathNiel naman kina Kathryn at Daniel. Maymay at Edward? Hmm. . ."

"MayWard, twin. It's MayWard."

"Sabi na e." Nanunuksong tinitigan ng dalaga ang binata. "Matagal mo nang iniisip 'yan 'no? Ang maka-loveteam ako?"

Kumunot ang noo ng binata. "What?"

"You love me so much twin."

Umiling ang binata. "You're crazy."

"Crazy for you!" Nang-aasar na kinindatan lang ni Maymay ang binata na nagpatawang muli sa ginang, habang si Edward naman ay muling napailing na lang dahil sa kabaliwan ng best friend niya.

"Can we eat now? I'm starving. . ." Reklamo ng binata na sinang-ayunan naman nina Maymay at Mommy Cathy.

"Pero bago 'yan. . ." May kinuha sa bag niya ang dalaga at inilabas 'yon. Isang eye glasses na manipis ang lense at naaayon sa mukha ng binata. Tinanggal ni Maymay ang salaming suot ni Edward at ipinalit 'yon. "Balak ko sana contact lens, kaso masyado ka ng gagwapo no'n. Ano? Malinaw ba? Okay lang ba? Nasisilayan mo na ba ang mala-diyosa kong kagandahan?" Biro ng dalaga.

Inayos ng binata ang suot na sumbrero pati na rin ang bagong eyeglasses na bigay ng dalaga t'saka ito ngumiti, tumango at naunang naglakad bago pa man niya makita ang reaksyon ng kanyang ina at ng dalaga. Masaya ang binata dahil sa salaming natanggap mula sa dalaga. He likes what she's doing right now to him. It made him feel like he's special, and he doesn't even know why.

Nagkatinginan sina Maymay at Mommy Cathy dahil 'yon ang unang beses na nakita nilang ngumiti ang binata simula nang dumating sila sa mall. Palihim namang kinilig ang dalaga nang maalala ang ngiting 'yon. Para sa kanya, gwapo naman ang binata kahit walang ayos, pero kapag ngumiti na ito, nerdy look man o gwapong suave look, iyon 'yong smile na mapapangiti ka rin, at bibihag sa puso mo.

Anong bibihag sa puso ka diyan? Hoy! Tumigil ka a. Best friend mo 'yon. Best friend! Lakad lakad lang, bawal ma-fall! Kontra ng isip ng dalaga.

"Edward? Is that you?"

Sabay sabay na natigilan sa pagsubo ang mga ito nang may pumukaw sa binata.

"You look great! Oh my! Long time no see!"

Malaki ang ngiti ni Edward nang makilala ang babae. "Alliyah! Hey. . . How have you been?" Niyakap ng binata ang dalaga at ganoon din ito sa kanya.

"I'm great! Ikaw? Kamusta ka?"

Nakangiting nag-kibit balikat ang binata. "Great."

The who? Sino 'yan? Sino?! Nagpo-protestang boses sa isip ng dalaga.

Tumango tango ang dalaga. "That's good. I'm so happy to see you. I've miss you so much." Hinawakan ng dalaga ang balikat ng binata t'saka hinimas himas 'yon.

Kailangang may pa-himas ka Mayora? Nawiwindang na ako ha! Sa isip muli ng dalaga habang nagngingitngit.

"Me too. I can't believe that I could meet you here."

Me too? Me too? Kailan ka pa naging kire Edwardo?! Piniling yumuko ng dalaga para lang palihim na bumuntong hininga. Napansin naman 'yon ni Mommy Cathy kaya nangalumbaba ito at pinanood ang expression ng dalaga.

"Well, something came up and I have to go back here. Uhmm. . ." Nilingon ng dalaga sina Maymay at Mommy Cathy na tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Hi po. Wala po atang balak na ipakilala kayo ni Edward. I'm Alliyah."

Napahawak sa batok ang binata. "Oh yeah. I'm sorry. Alliyah, meet my mom, and Maymay."

“Oh yeah? Oh yeah?! Wow! E 'di kami na nakalimutan mo!” Maymay mouthed.

"Nice to meet you po, Tita, and Maymay."

Naiilang na ngumiti si Maymay at bahagyang tumango. Si Mommy Cathy naman ay tinanguan lang si Alliyah kaya naman bahagya itong nailang kaya ibinalik niya ang tingin sa binata.

"You know what dear, I have to go."

"What? Why?"

Dear? Dear? Ano kayo? Mag-asawa? Patuloy conversation ng dalaga sa isipan.

"Sorry dear. But you can call me anytime. Here." Kumuha ng calling card ang dalaga sa purse at ibinigay 'yon sa binata. "Call me and we can set up a date, okay? I have to go." Nilingon niyang muli sina Maymay at Mommy Cathy. "Nice to meet you po again, Tita and Maymay. I'll see you around." Muling niyakap ng dalaga ang binata bago pa ito tuluyang umalis.

"Ah, ingat. Nice to meet you," pahabol ni Maymay habang si Mommy Cathy ay kumaway na lang at nakangiting tumango.

Nakangiting umupong muli ang binata at inilabas ang cellphone at agad na inilagay ang cellphone number nito sa contacts niya.

"Masaya ka ata iho? Sino siya? Hindi ko pa siya nakilala."

Siyempre Tita, masaya 'yan! Ganda ba naman nung chicks e! Sa isip ng dalaga sabay subo ng kutsara at kinagat 'yon.

Nag-angat ng paningin ang binata at kinausap ang ina. "Really mom? You can't remember her? I used to—never mind." Agad na natigilan ang binata nang maalalang wala nga pala lagi ang mga magulang niya sa bahay noong bata pa siya.

"Ex mo, twin?" Pukaw ni Maymay nang mapansin ang paglalagay na naman ng bakod ng binata sa ina.

Kumunot ang noo ng binata. "What? No!"

"Oh relax. Nagtatanong lang e." Sa nakita niya kasi ay talagang close sila. Ang once in a blue moon na pagngiti ng binata ay ginawa nito the whole time na nag-uusap sila no'ng Alliyah.

Lahat sila ay tahimik na nang makauwi. Sa huli ay pinili ni Maymay na huwag nang magpahatid sa binata kahit anong pilit pa nito kanina. Gusto niyang mapag-isa sa 'di malamang dahilan. Hindi niya nagugustuhan ang kanina pang nararamdaman niya nang makita niya ang mga ganap sa pagitan ng best friend niya at nung Alliyah.

Pagpasok niya ng kwarto ay ibinato niya ang bag sa kama at humarap sa vanity niya. "Edward is that you? Oh my! Long time no see! You look great! I miss you! Psh!" Naka-irap na panggagaya ng dalaga sa conversation nina Alliyah at Edward kanina habang tinitirintas ang buhok niya. "E 'di sila na nakamiss sa isa't isa. May pa-hug-hug pa silang nalalaman e. Hay nako! Teka!" Tumigil siya sa ginagawa at humawak sa dibdib. "Bakit ba ako naiinis? Ah! Ewan! Nakakainis! Bad trip!"

Matapos niya doon ay pumasok na siya ng banyo para maligo. Ilang ulit pa ngang nag-play sa utak niya ang mga ganap ng dalawa sa harapan niya hanggang sa makahiga siya sa kama. Ang kinalabasan, puyat siya at walang tulog.

"I deserve an explanation! I need an acceptable reason!" Bulalas ng dalaga nang magising at makita ang napakalaking eye bags niya sa harapan ng salamin. "Kasalanan mo 'to, Edwardo! Argh! Psh!"

Nakangiting papunta sa apartment ng dalaga si Edward dahil magmula pa kaninang magising siya ay ka-text niya nga si Alliyah. Alliyah is her ultimate crush when he was in grade school. He's so fond of her but, that's about it. 'Coz she's kind, and sweet—mga bagay na gustong gusto niya noong bata siya na hindi nailaan sa kanya ng kahit na sino. Idagdag pang mas matanda ito sa kanya ng anim na taon kahit hindi halata sa mukha at height nitong 5'2". Hanggang sa kailangang umalis ni Alliyah dahil mag-ma-migrate siya sa Italy kasama ang pamilya. Ever since then, hindi niya na nakausap o nakita ang dalaga.

"Maymay?" Tawag ng binata nang maka-ilang beses na siyang kumatok sa pinto ng dalaga. "May? Twin? Are you still there?"

Nang buksan ng dalaga ang pinto ay hindi niya inimik ang binata. Bukod sa masakit ang ulo niya kaya naka-sunglasses siya, ayaw niyang masilayan ang mukha nito.

"What's with your hair? Hindi ka naligo? And the sunglasses?" Rinig ng dalaga na tanong ng binata pero hindi niya ito sinagot. Pero pasimple niyang inamoy ang buhok. Nag-spray naman siya ng dry shampoo kaya hindi niya alam kung pa'nong nalaman ng binata na hindi niya binasa ang buhok niya.

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Maymay. Ramdam niya ang pagba-bounce ng kinulot niyang buhok kagabi at pati na rin ang mahapding mga mata niya sa tuwing lilingon siya sa kaliwa at kanan para makita kung clear ang tinatawiran.

Naguguluhang nakasunod lang ang binata sa dalaga. Hindi niya maintidihan kung bakit hindi siya kinakausap nito kahit pa gamit niya ang eyeglasses na bigay ng dalaga pati na rin ang mga ibinili nitong damit sa kanya. 'Yon pa man din ang dahilan kung bakit niya pinagsususuot 'yon, para mapansin siya ni Maymay.

"Twin!" Mabilis na hinila ni Edward ang braso ng dalaga nang makitang may papalapit na tricycle. "What's wrong with you? Are you trying to kill—"

"Shatap! Shataaaaaaap!" Bulalas ng dalaga dahilan para maamoy ng binata ang hininga ng dalaga, minty. Halos isang dangkal lang kasi ang layo ng mukha niya sa mukha nito.

Inis na tinabig ng dalaga kamay ng binata at muling naglakad.

"Anong problem mo?" Kunot noo na tanong ng binata.

"Wala akong problem! Huwag mo nga akong ma-taglish!"

"My car is over here. Where are you going?" Turo niya nga sa kotse niyang naka-park sa tabi.

Kasabay ng pagpara ng dalaga ay ang pag-sigaw nito. "Car mo nga 'di ba? E 'di i-drive mo! Bakit? Driver mo ba ako?" Aniya sabay sakay sa jeep.

Naguguluhang napahawak sa nose bridge nito ang binata dahil hindi niya talaga maunawaan ang inaakto ng dalaga. Mas mahirap pang intindihin 'yon kaysa sa pag-i-english nito.

"Huy!"

Walang ganang nilingon ni Maymay ang kaibigang si Pat. Nasa loob na sila ng klase pero wala raw ang instructor kaya may kanya kanyang mundo ang bawat isa.

"Kamusta date niyo ni Edward? Masyadong puyat? Naka-sunglasses ka na naman."

She rolled her eyes as she took her sunglasses off. "Walang date. Walang niyo, dahil walang kami. Okay?"

"Ay! Mainit ang ulo. Gusto mong ice cream? With Edward's smile on top—oh. . . Wow! Speaking of the most handsome devil in Elm Tree Uni." Tumayo si Pat at agad na nilapitan si Edward na pumasok sa klase nila. "Edwardo! Why so gwapo? Sinong nililigawan mo at naka-porma ka ng bongga ngayon?"

"Hi, Pat."

"E 'di wow. Ang haba ng sinabi ko tapos hi lang? Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too. Why—"

"Pat, where's Maymay?"

Ininguso na lang ni Pat ang kaibigan na nakayuko sa desk niya. "Puyat. Sabi sa inyong huwag kayong mag-vi-video games kapag may pasok kinaumagahan."

"We didn't."

"Eh ano? Pinagod mo?"

Kinunutan ng noo ng binata si Pat. "You nasty—"

"Hoy! Joke lang! Isip nito! Bata pa tayo. Bata pa. Lalo ka na." Natatawang sinundan ni Pat si Edward na iiling iling habang papalapit kay Maymay.

"Maymay?" Kinatok ni Edward ang desk nito pero hindi siya sinagot ng dalaga.

At wala siyang balak kausapin ang binata. Na dapat naman hindi siya nagkakaganyan, kaso ginagawa niya na kaya itinuloy tuloy niya na.

"Maymay, isa."

Halla! Nagbilang na ang loko. Magsu-super saiyan na 'yan, sa isip ng dalaga.

"Dalawa, Maymay. Remember what you did to me the other day? Want me to spill it out?"

Nanlalaking mga matang iniangat ni Maymay ang ulo at tumingin kay Edward na ngayon ay pa-simpleng nakangisi na. Ngunit nang matitigan niya ang mga mata ng dalaga at ang putla ng pisngi at labi nito ay agad niyang inilapit ang noo niya sa noo ng dalaga.

"Are you sick? Are you okay?"

Halos magkanda-duling duling si Maymay nang sandaling 'yon. "A-ano. K-kasi. H-hindi—o-okay lang ako? Oo."

"No. You're not." Mabilis na binuhat ni Edward ang dalaga mula sa mga binti nito at bewang dahilan para mapayakap sa leeg ng binata si Maymay.

"Ay bongga! Sa'n ang honeymoon?" Natatawang bulalas ni Pat.

"We're gonna go to the clinic," ani Edward kay Pat habang mataman pa ring nakatingin kay Maymay.

"Ay! Manganganak na agad?" Biro ni Pat pero sinamaan lang siya ng tingin ni Edward na nagpaatras kay Pat at isinuko sa ere ang dalawang kamay.

Si Maymay na naiilang ay itinago na lang ang mukha sa dibdib ng binata kaya naman amoy na amoy nito ang napakabangong amoy ng binata na nangingiliti sa ilong niya pati na rin sa buong balunbalunan niya.

Agad na inihiga ni Edward ang dalaga sa kama nang walang nadatnang nurse sa clinic ang dalawa.

"You want something to drink?"

Umiling ang dalaga at inupo ang sarili. "Okay lang ako."

"Then, can you like tell me what's going on between us?"

"Ha? Anong us?" Walang us, Edward! Wala! Akala mo lang meron! Pero wala! Wala! Char. . . Sa isip ng dalaga habang wala sa sariling nag-me-make face na pala siya.

Kumunot ang noo ng binata dahil iba ang dating no'n sa kanya. Idagdag pang parang may sariling mundo ang dalaga na may binulong bulong sa sarili. Ngunit hinayaan na lang niya ang dalaga lalo na nang may maisip itong nakakaloko na nagpangiti sa kanya. Ngiting nang-aasar.

"Maymay. . ."

"Edward. . ." Panggagaya ng dalaga. Ayaw niyang tumalab sa kanya ang ngiting 'yan ng binata. Hindi pwede. Kailangan niyang mag-inarte.

"Okay. Seriously. What's going on?" Tumabi ang binata sa dalaga.

Lumingon ang dalaga dito. "Sorry."

"For what?"

"May red tide ako."

Tumaas ang isang kilay ng binata. "And?"

"Kaya ako masungit?"

Bahagyang natawa ang binata. "You lyin'. . ."

Lumabi ang dalaga. "Huwag mo na—"

Natigilan sa pagsasalita ang dalaga nang mag-ring ang phone ng binata. Nang makita ni Edward kung sino ang caller ay agad niyang sinagot 'yon ng may ngiti sa labi t'saka tumayo.

"Alliyah? Hey, what's up? A-huh. Yeah. Okay. Sure, sure. Alright." Tumayo ang dalaga at lumabas na ng clinic nang hindi namamalayan ng binata. "I'll come and pick you up then. Okay, I got it. I'll see you." Kunot noong ibinulsa ng binata ang cellphone niya nang makitang wala na roon ang dalaga.

"Pat?"

"Hmm?"

Nasa kalagitnaan sila ng pag-kain sa Twinnie Brad Café for their lunch. Tahimik lang silang dalawa the whole time lalo na nang mapansin ni Pat ang galaw ng kaibigan niya, hanggang sa kausapin nga siya ni Maymay.

"Bakit ako naiinis? Mukha naman siyang mabait."

"Tapos?"

"Maganda siya."

"Tapos?" Tumuloy lang sa pagkain si Pat habang nagtatanong.

"Bagay sila."

"Insecure ka? Selos ka?"

Kumunot ang noo ng dalaga kasabay ng pag-nguso niya. "Hindi a!"

"Naiinis ka?"

"Oo."

"Hindi ka nakatulog nang dahil sa kaiisip kay Edward at—teka, sino ba yung babae?"

"Alliyah."

"Ohh. . . So kay Alliyah ka nagseselos?" Natawa na lang si Pat. Kahit hindi niya pa kasi natatanong ang buong story ay gets niya na ang kaibigan.

"Hindi nga ako nagseselos."

Nangimi na lang si Pat. "So, ano ngang nangyari?"

At ikunuwento nga ni Maymay kay Pat ang lahat ng nangyari. Pati na rin ang nararamdaman niya sa ganap na 'yon. Maski ang dahilan ng eyebags niya ngayon.

"So anong balak mong gawin diyan sa nararamdaman mo?"

Naguguluhang tinitigan ng dalaga ang kaibigan. "May dapat ba akong gawin?"

Nag-kibit balikat si Pat. "Nasa sa'yo kung may dapat kang gawin."

Bumuntong hininga ang dalaga. "Ayokong mawalan ng best friend."

"Ah? Hello? Ako? Ano ako? Patatas? Patatas ba ako Maymay? Ang sabihin mo, ayaw mong mawala si Edward. Jusko! Hindi ko alam kung magseselos ako o maiinis—oh! Now I know kung anong nararamdaman mo. Pero grabe ka ah! Ang sakit! Hindi mo pala ako best friend. Simula ngayon, patatas na lang ako. Patatas."

"Gaga! Ikaw pa rin siyempre ang number one. Kung papipiliin ako kung ikaw o si Edward? Ikaw muna, bago siya. Okay?"

Napangiti na lang si Pat. "Pero naiintindihan pa rin kita, bebe. Sabi mo nga, iba si Edward, iba rin ako. Huwag kang tanga. Okay? Love you!" Sermon nito na nagpatawa sa dalaga.

"Saranghae bebe," ani Maymay sabay yakap sa best friend niya na ngayon ay tumatawa na rin.

Sa kabilang banda, paalis na ng bahay si Edward para nga sunduin si Alliyah nang bigla siyang tawagin ng ina.

"Yes, mum?"

Lumapit si Mommy Cathy sa anak at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

"Anak, sorry."

Nanahimik ang binata. Gusto niyang pakinggan ang ina, and this time, he won't run away anymore.

"Alam kong may tampo o galit ka sa'min ng Daddy mo anak. Sorry. Sorry kung pakiramdam mo, iniwan ka namin. O hindi ka namin nabigyan ng pansin. Pero anak, believe me, me and your Dad are always talking about how we can talk to you. And approach you. And say sorry to you." Niyakap ni Mommy Cathy ang binata kaya naman hindi na nito napigilang mapaluha. "I'm so sorry anak. We love you. We love you so much and that will never change. Give us a chance to prove that to you. And no matter what happens Edward, you are our son, and it hurts us to see you sad or make you feel lonely. I'm so sorry."

Mahigpit na niyakap ni Edward ang ina. "No, mum. I'm the one who needs to say sorry. And I hope you can forgive me. I've been bad and I don't wanna make it even worse. I'm sorry, Mommy. I'm so sorry. I love you and dad. I do, and I will always will."

Madamdaming nagkaiyakan ang mag-ina. Sa huli ay natatawang pinunasan ng ginang ang pisngi ng anak at si Edward sa pisngi naman ng ina. Muli silang nagyakap at nagpaalam na muna. Sa huli ay napagtanto ng binata na nabawasan ang bigat sa dibdib niya nang makausap ang ina. She was right, sa isip ng binata nang maisip ang mga sinasabi sa kanya lagi ni Maymay.

"So, is she your girlfriend?"

Napangiti na lang ang binata sa tanong ni Alliyah. "Who?"

"What's her name again? May?"

"Maymay? I wish." Umiling ang binata t'saka siya uminom ng tubig. Kasama niya itong nag-dinner. Uuwi na kasi ito sa Italy bukas ng umaga at hindi niya maihahatid ito.

"What do you mean you wish? You haven't made a move yet? Or you just couldn't?"

"She's my best friend."

"Ohh. . ." Umiling ang dalaga. "Bestfriend zoned? Ouch dear. I can't wait until Max hear about this."

"No, no. Not Max." Nagbabantang napailing ang binata.

Natawa na lang ang dalaga. Alam niya kasing aasarin lang ni Max si Edward kapag nalaman nito ang sitwasyon ng binata. "So tell me, what do you like about her?"

"Like?" Sumilay ang napakalaking ngiti sa labi ng binata. "More like, I like myself better when I'm with her. I love how casual we are together. I don't even have to impress her or change myself. Like with her, I can be me. And you know what's crazy?"

"What?" Nagugustuhan ni Alliyah ang kinang ng mga mata ni Edward nang sandaling 'yon. He changed. A lot. Nagagawa niya nang i-express ang sarili niya kumpara noong una silang magkakilala at noong mga panahon na nagkakasama sila. Malaki ang ipinagkaiba.

"She knows how bad my temper is, like, I'm a mess—she sees the bad in me but still, she choose to stay and be with me." Humugot ng malalim na paghinga ang binata. "She makes me feel like I wanna be a better man, Alliyah. Not only for myself, but for my family as well."

"Like, fall in love with someone who makes you better yourself. . ."

"Exactly!" Bulalas ni Edward na nagpangiti sa dalaga.

"I'm like that with Max. I feel you dear."

Umiiling na muling uminom ng tubig ang binata. "But, we're best friends. And I don't wanna lose her. I don't even wanna think about losing her."

"You won't, stupid. You can be best friends while you're in a relationship. Look. . . Being in a relationship, doesn't mean that the friendship thingy will vanish. Like, poof! Gone.” Umiling ang dalaga. “No. It's not like that. You can still be her bestest friend, Edward. I know, it'll be more complicated, yeah, but in the end, you'll realize that, it is worth it. Take the risk and tell her that you love her."

"But—"

"Edward. . ." Hinawakan ng dalaga ang dalawang kamay ng binata. "If you just could see what kind of Edward I'm seeing right now, you'll be amaze. I'm so happy that you've turned out to be a better man." Bahagyang tumawa ang dalaga. "'Coz I thought you'll be forever sungit boy na e. But, look at you now. You're smiling. Even your eyes are like, sparkling—while we’re talking about her. She's the one, Edward. And letting her know that, it'll make her happy. Believe me. I'm a girl. And girl loves that." Kinindatan ni Alliyah ang binata na nagpatawa dito.

"You think so?"

"I know so. Uh-duh! She likes you."

Umiling ang binata. "No way. That, that's impossible."

"Hey! Wala ka na atang bilib sa sarili mo? Man up, dear. Or you will lose her. Sige ka."

Ngumiti ang binata at pinisil ang kamay ni Alliyah. Sa kabilang banda, hindi na alam ni Maymay kung sa kaliwa ba siya pupunta o sa kanan nang masaksihan ang hawak kamay at ngitian na 'yon ng dalawa. Sa huli ay tumalikod siya at bumalik sa loob ng restaurant t'saka dumiretso sa banyo at ni-lock 'yon.

Maghapong nag-lakwatsa kasi sina Pat at Maymay. Ginabi na nga sila at nagpasyang mag-dinner na rin sa labas. Sa kasamaang palad nga lang, para sa dalaga, ay nakita nga nito sina Edward at Alliyah na magkasama na hindi niya inaakalang nasa iisang restaurant sila.

Hindi lang magkasama. Magka-holding hands at matamang nagtititigan with matching smile at each other pa.

Hinarap ng dalaga ang salamin sa banyo. "Kumalma ka. Ku-mal-ma ka! Walang dahilan para maramdaman mo 'yan. Best friend ka lang. Kaya kailangang suportahan mo ang best friend mo sa love life niya." Naglakad pabalik-balik ang dalaga sa loob ng banyo habang tinuturo ang sarili. "Ikaw pa nga ang nag-make over sa kanya para mapansin siya ng girls 'di ba? Kasi, kailangan niya ng love. Oo. Ng love. Para hindi na siya maging masungit. Para maging masaya siya lagi." Muling tumingin ang dalaga sa salamin. "Pero hindi ikaw ang dapat magbigay ng love na 'yon, dahil ang kaya mo lang ibigay sa kanya ay best friend's love."

Napa-singhot na lang ang dalaga nang mangilid ang luha niya. "Best friend lang kasi ako. Wala akong karapatang panghimasukan ang love life niya. Iba na 'yon e. Pero masakit e." Pinahid ng dalaga ang luha niya gamit ang likuran ng palad. Parang bata na hindi kayang mapatahan ng sino man. "Edward! Nagseselos ako! Nakakainis ka! Bakit kasi ang gwapo mo? At bakit kasi best friend kita? Ayoko na! Ang sakit sakit!" Ngawa pa ng dalaga.

Nang mahimasmasan ay agad na naghilamos ang dalaga. Matapos punasan ang mukha ay kinuha niya ang sunglasses sa bag niya at isinuot 'yon. Inilabas na rin niya ang cellphone at tinawagan si Pat na kanina pa pala tawag ng tawag sa kanya.

"Jusko 'day! Nasa'n ka ba? Kanina pa ako tawag ng tawag."

"Bebe, hintayin kita sa parking lot. Nandito na 'ko sa kotse mo."

"Ha? Oh sige. Wait. Langya ka. Ako pa pinagbayad mo."

"Babayaran ko mamaya."

"Oo na. Teka lang. 5 minutes." Nang ibaba ni Pat ang linya ay siyang sandal ni Maymay sa sasakyan nga ni Pat.

"Ate Maymay?"

Napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon ang dalaga at napangiti sa taong nakita niya.

"Marco? Oh my gosh! Marco!" Patakbong lumapit ang dalaga sa binata. Agad naman siyang niyakap ng binata. "Marco bebe! Kamusta ikaw?"

Hawak ang kamay ng dalaga ay ngumiti ang binata. "Mabuti. I'm good with my english and tagalog na."

"Talaga? Ang galing galing naman!"

Napangiti ang binata nang ma-realize na hindi pa rin nagbabago ang sweetness ng dalaga sa kanya. "I've missed you so much ate Maymay!" Muling niyakap ni Marco ang dalaga. Tinuturing na kasi talaga nitong nakakatandang kapatid si Maymay at sobrang naging close sila nang makilala niya ito sa modeling agency na pinapasukan niya dati.

"Na-miss din kita ng bonggang bongga baby!" Pinanggigilang pisilin ni Maymay ang pisngi nito at pinugpog ng halik na nagpatawa sa binata.

"Twin?"

Natigilan si Maymay nang mabosesan 'yon.

"Who's that?" Bulong ni Marco sa dalaga.

Natatauhang napahawak sa ilong ang dalaga habang nag-papalit palit ng tingin kay Edward at Marco. "Ahh. . . Twin! Si Marco." Nilingon ng dalaga si Marco. "Marco, si Edward."

Habang naka-straight face lang si Edward habang nakatingin kay Marco, si Marco naman ay pagkalaki laki ng ngiti habang naka-akbay kay Maymay. Sa huli ay hindi na lang pinansin ni Marco si Edward at itinuon ang pansin kay Maymay. "Anyway, let's go somewhere."

"Ha? Sa'n? Gabi na. T'saka kasama ko si Pat."

"You mean Patricia? Then it's fine. Sasabihin ko na you're gonna go with me. My Mom, miss na miss ka na rin niya. Let's do a movie marathon. And we're going to buy chips and ice cream and—"

"She's not coming with you."

Sabay na napalingon sina Marco at Maymay kay Edward na magkasalubong na ang kilay.

"Ah. . ." Tinapik ni Maymay sa likuran si Marco. "Bukas na lang tayo magkita. Hanggang kailan ka ba dito?"

"No. Gusto ko ngayon. Please? You don't love me na 'no? Kaya ka ganyan sa'kin."

"Hoy Marco! Huwag kang nangongonsensya ah."

Naiiritang nakikinig si Edward sa pag-uusap ng dalawa kaya naman hinawakan niya na ang braso ni Maymay at hinila ito papalapit sa kanya. Hindi pa siya nakuntento sa ginawa dahil hinigit niya rin ang bewang ng dalaga palapit sa kanya.

"Anong problema mo bro?" Kalmadong tanong ni Marco. Laking pasasalamat na lang ni Maymay na hindi mainitin ang ulo nito unlike this guy—nilingon niya si Edward at sinamaan ng tingin.

"Edward, anong ginagawa mo?"

"You're coming with me," ani Edward.

"No. She's coming with me," ani Marco na nakipag-tagisan na ng tingin kay Edward.

"With me." Pinagdiinan 'yon ni Edward.

"Bro, she's already with me," ani Marco.

"Ay hindi! Sa akin sasama si Maymay. Tumigil kayong dalawa!" Pukaw ni Pat sabay hila kay Maymay na ngayon ay nakahinga na ng maluwag.

"Patricia!" Bulalas ni Marco sabay hawak sa pisngi nito at pinaunlakan ng halik ang magkabilang ngang pisngi. "Namiss kita!"

Pinisil ni Pat ang pisngi ni Marco. "Sure, sure. Pero aalis na kami. May sleepover si Maymay sa apartment ko."

"Oh! Can I go? Can I? Can I? Please? Let me go. . ." Pangungulit ni Marco.

"Sorry baby, girls lang," ani Pat.

Nag-sad puppy face ang Marco with crying effect daw gamit ang daliri kaya naman parehong natawa sina Maymay at Pat. "Pagbigyan mo na. Kawawa naman ang baby."

Hindi nagustuhan ni Edward ang narinig na baby kay Maymay. "What? You're letting him go with you?"

Nilingon ni Maymaya ng binata t'saka tumango. "Bakit?"

"He's a guy!"

"At lalake ka rin pero lagi ka sa bahay ni May," ani Pat.

"But I'm different! Maymay and I are—"

"Best friends. Edward, gets ko na. Oo. Best friend lang kita." Nakaramdam ng inis ang dalaga nang maalala ang ganap nilang dalawa nung Alliyah. "Maano naman kung magkasama kami ni Marco sa'yo? Hindi ba pwedeng suportahan mo na lang ako? Kasi ako susuportahan kita diyan sa love life mo."

"What the hell are you talking about?"

Inirapan na lang ni Maymay ang binata. "Magsama kayo nung si ano!" Nilingon ng dalaga sina Pat at Marco na aliw na aliw lang na nanonood pagtatalo ng dalawa. "Tara na."

"May! Stop!" Hinawakan ni Edward ang braso ng dalaga.

Huminga ng malalim si Maymay bago hinarap ang binata. "Ano na naman?"

"Do you like him?" Nang tanungin 'yon ng binata ay kasabay no'n ang pagkirot ng dibdib niya.

"Oo! Oo gusto ko siya! Ano? Anong gagawin mo? Ako ba? Ako ba may magagawa kapag may nagustuhan kang iba? Ay. . . Teka, may gusto ka na pala. At ako, heto, walang magawa."

Napakamot sa ulo si Edward t'saka niya nahawakan ang batok. "Wait, you really like him? But, teka. . . Sinong gusto ko? Kilala mo ang gusto ko?"

"Ewan ko sa'yo!" Tatalikod na sana ang dalaga pero mabilis na hinilang muli ni Edward ito.

At mabilis ding nahawakan ng binata ang batok ni Maymay na naging daan para makontrol niya ang ulo ng dalaga at masakop ang labi nito. He's kissing him so hard 'coz he's angry. Nang subukang magpumiglas ng dalaga ay mas lalo niyang hinapit ito sa bewang dahilan para hindi na masyadong makagalaw ang dalaga.

Gustong magpumiglas pa ni Maymay pero hindi nakikisama ang nanlalambot na tuhod niya at ang nakahawak na mga kamay niya sa bewang ng binata. Halos ubusin na ni Edward ang hangin mula sa bibig ng dalaga dahil sa paraan ng paghalik nito. Si Maymay naman na walang magawa at naubusan na ng lakas ay hindi alam kung paanong sasabayan ang halik na 'yon.

Nagkatinginan sina Pat at Marco. "Anong gagawin natin?" Bulong ni Pat.

"I don't know. Umamin na si ate Maymay. 'Di ko alam kung na-gets nung Edward," bulong din ni Marco.

"Shunga rin kasi 'tong si Edward e. 'Di na lang umamin muna bago nagalit."

"I didn't know that she likes him. Oh well. . ." Parehas na nagkibit balikat ang dalawa sabay pumasok sa kotse at iniwan ang dalawa na nasobrahan na sa PDA.

Nang makawala si Maymay ay malakas niyang sinampal ang binata sa pisngi. Mangiyak ngiyak si Maymay habang dinuduro ang binata. "I hate you! I hate you! I hate you, Edward!"

"I know! I know you hate me for doing that! And I know that you don't like me! Fine! I already know! And it feels like shit! All I wanna do is to make you happy, and you don’t seem to care at all. Or notice me. That guy you said you like? That should be me, May. That should be me! Why? Why can't I make you like me?" Napahawak sa batok ang binata. Ramdam na nito ang pamumuo ng luha sa mga mata ngunit sinusubukan niya 'yon pigilan. "Why can't just you love me? Why can't you just be in love with me and not with someone else, Maymay?"

Bigla atang nagkaroon ng sariling utak ang tear ducts ni Maymay dahil biglang tumigil ang pagluha niya ng marinig 'yon. Hindi rin nag-process agad-agad ang utak niya nang marinig ang mga katagang binitawan ng binata. Hindi niya alam kung anong magiging rekasyon niya. Hindi niya alam kung anong dapat na gawin niya. Sa huli, isang salita lang ang nagawa niyang sabihin.

"Ha?"

"Ha? Really? Just, Ha?" Umiling ang binata at yumuko. Nawawalan na ng pagasa. "I'm sorry for doing that. And I’m sorry that I can’t be your bestest friend anymore.” Ramdam ng binata ang pagkirot ng dibdib niya nang sabihin ‘yon. “I might as well go. Bye. Take care, Maymay."

Nang simulang maglakad ng binata ay natigilan siya nang may humawak sa laylayan ng jacket niya. Paglingon niyang muli ay nakita niya ang dalagang nakayuko pero nakahawak pa rin sa kanya.

"Maymay?"

"Hindi agad na-process ng utak ko yung mga sinabi mo. Naka-sigaw ka kasi."

"What do you mean?"

"Anong gagawin ko?"

"What?"

"May dapat ba akong gawin?"

"What do you mean, Maymay? Hindi kita gets."

Napalunok ang dalaga. "Okay lang ba? Magiging okay lang ba?"

"Ang alin, Maymay?"

"Na magkagusto ako sa'yo?"

Maka-ilang pumikit at dumilat ang mga mata ng binata. Hindi makapaniwala sa narinig. "Y-you like me?"

Dahan dahang tumango ang dalaga. Nahihiya. Nag-iisip kung tama ba ang ginagawa o sinasabi niya.  "Okay lang ba na magustuhan kita? Na gusto na kita?" Unti unting nag-angat ng ulo ang dalaga kahit pa halos marinig niya ang malakas na tibok ng puso niya. Gusto niyang maging matapang kahit papaano para harapin ang nararamdaman at ang taong mahal niya. "Okay lang bang mahal na kita?"

"Wait. . ." Hinarap ng tuluyan ng binata ang dalaga kasabay ng paghawak niya sa dibdib. "You love me?" Ani Edward t'saka niya hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga. Hindi pa rin makapaniwala sa mga naririnig kahit pa parang um-echo ang boses na 'yon ng dalaga sa isipan niya. "You really love me, Maymay?"

Pinalobo ng dalaga ang pisngi niya at nahihiyang tumango t'saka niya bahagyang tinabingi ang ulo at kireng nag-pa-cute na bahagyang nagpatawa sa binata.

"I wanna hear it. Say that you love, Maymay." Hindi na maalis ng binata ang ngiti sa labi.

"Ikaw muna." Nang sabihin 'yon ng dalaga ay binitawan nito ang kamay niya at naglakad patungo sa gitna ng parking lot.

"I love you, Maymay!" Sigaw ng binata mula roon. "I love you! I love you. I love you, Marydale Entrata!"

Napatakip sa bibig ang dalaga. Hindi na maitago ang saya at kilig na nadarama. "Mahal din kita, Edward!" Sigaw din ni Maymay kaya naman mabilis na tumakbong muli ang binata papunta sa dalaga at mahigpit na niyakap ito, kinarga at inikot dahilan para mapasigaw at matawa na lang ang dalaga.

Sa huli ay walang sleep over na naganap. Si Pat ang naghatid kay Marco habang si Edward naman kay Maymay. Nang tatanggalin na sana ni Maymay ang seatbelt ay mabilis na hinawakan ni Edward ang kamay ng dalaga kaya naman nag-angat ng tingin si Maymay sa kanya.

"Bakit? Anong nginingiti ngiti mo d'yan? Para kang tanga. Na-buang ka na ba uy?"

Mas ngumiti pa ang binata. Ilang sandali pa ay pumikit ito at hinalikan ang likuran ng palad ng dalaga. Matapos no'n ay mataman siyang tumitig ulit kay Maymay at hinaplos ang pisngi nito.

"I love you. . ."

Ngumiti ang dalaga t'saka siya kumindat. "Saranghaeyo, Oppa."

Natatawang napailing ang binata. "I-uwi na kita. Cuddling with you right now would be perfect."

"Uy! Huwag kang ganyan. Bata pa tayo. Bata pa."

Muling natawa ang binata. "But Maymay, thank you."

"Para sa'n?"

"Thank you for staying with me, even though I'm so hard to deal with."

Umiling ang dalaga. "Thank you for loving me." Humawak sa ilong ang dalaga na nagpatawa sa kanilang dalawa dahil sa english ang pagkakasabi nito. "Thank you sa pagtitiwala. Alam kong mahirap para sa 'yo na ibigay 'yon sa isang tao pero nagawa mong pagkatiwalaan ako."

"At bakit naman hindi? You, being yourself the first time I met you made me feel like I can trust you." Muling hinaplos ng binata ang pisngi ng binata. "You saved me, Maymay. Alam kong hindi mo ‘yon alam, but you did. Because of you, I can feel myself slowly but surely changing every single day."

"Sus! May tiwala rin kasi ako sa'yo na hindi ka naman forever na magiging grumpy. Ang lovable mo kaya." Kinikilig na may pa-kindat at finger heart pa ang dalaga na muling nagpangiti sa binaya. "Kaya ayan. Welcome to my crazy world!"

"Welcome to my world, silly." Ani ng binata bago binigyan ng kire at matamis na halik ang dalaga na nagpangiti sa kanilang dalawa.
•••••

“Huwag kang makikipag-relasyon sa best friend mo kung one sided lang ito. Pero pa'no mo malalamang one sided lang ito kung hindi ka gagawa ng paraan para malaman 'yon. Hindi masamang magsabi ng nararamdaman. Hindi mo naman kailangang sabihin mahalin ka rin niya dapat e. Let him or her know. Malay mo, may mutual understanding pala at hindi lang mukhang unggoy ang tema.”

~The End~



  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
03 March 2018