Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Dear Future Jowa

Image Description Carlo Bonn   |   13 February 2018


'DotA o ako?'

May 2, 2014

Dear Future Jowa, pag gumaya ka dyan sa ibang girls na 2014 na DotA pa din nang DotA ang iningungulngol, magkakasakitan tayo. 

'DotA o Ako?' Napakat*nga. Naaaapakat*nga.

Jowa ka. Babae. Asawahin, bakasakali. Computer Game yon. Naaaapakat*nga at naisip mo pang ipagpapalit ka don. Naaapakat*nga. Napakalaking kaartehan lang ng mga pa-princess yan. Wag ka na gumaya. 

Naiintindihan ko naman, konti. Syempre, pag nagDoDotA ako, di nakakatext sayo, di ka napapansin.

'Mas mahalaga pa yan sayo?'

'Kaagaw ko pa yan sa oras mo?'

'DotA o Ako?'

Eh, kaming mga boys, naiintindihan mo ba, kahit konti? Di ka naman marunong magDotA. Pano mo maiintindihan. 

Kailangan kasi don, pokus. Pokus. Pati, dalawang kamay ang gamit. Kaliwa sa keyboard, kanan sa mouse. Pano ka nga naman matetext. Pano ka nga naman mapapansin. Hindi naman kasi pede sa DotA mag-multitask pa eh. 

Ito na lang isipin mo. Para kang nagpapasok nang sinulid sa butas nang karayom. Ganyon. Pokus. Dalawang kamay. Makakapagpasok ka ba nang sinulid sa butas nang karayom nang may katext? 

Pero bakit di niyo naiisip yung 'Pagpapasok ng sinulid sa butas nang karayom, o ako?'

Kasi alam niyong hindi naman nakaka-enjoy magpasok nang sinulid. Kasi maalam kayo magpasok nang sinulid. Alam niyo feeling.

Di niyo alam feeling nang pagdoDotA. Nakakaenjoy. Masaya. Napakacompetitive. Defense of the Ancients. Defense. May ipinagtatanggol ka. May ipinaglalaban. Meron kang purpose. Iisa lang yon. Pangalagaan ang dapat pangalagaan. Gagawin mo lahat para sa cause na yon. Napakasarap sa pakiramdam manalo. Masakit pag natalo. Kasi alam mong ginawa mo best mo. Isang oras kang tumutok don maigi, nag-isip, nakipagtulungan, nagtiwala sa mga kasama, nag-damoves, nagmura, namura, binuhos mo lahat ng makakaya mo sa loob nang isang oras, dahil may ipinaglalaban ka. Masarap sa pakiramdam ang may ipinaglalaban ka. 

Pero laro lang siya. Parang basketball.

Para pagselosan mo yon, napakat****nga.

Magbebreak tayo, future jowa, unang banggit mo pa lang nang sama nang loob mo tungkol sa DotA. Magbebreak tayo, hindi dahil sa pinipili ko yung DotA, hindi dahil sa hindi ko kayang itigil yon para sayo, kundi dahil mahina ka umintindi. At jeje pa. Feeling ko, gumagawa ka lang nang away. Karamihan kasi, ganyan na ngayon. Maliit na bagay, palalawigin, para magkaroon nang away. Para may maipost ka. Para may maisumbat ka. Para lambingin ka. Para suyuin ka. Pa-princess ka. 

Future jowa, hindi mangyayari yon. Hindi kita lalambingin. Sinasabi mo pa lang yung 'DotA o Ako?', nasa computer shop na ulit ako. Gumanda ka na. Napakarami pang maganda diyan, jusko. 

At maniwala ka, may mga babae na imbes magdrama at magreklamo, ay nag-aaral na lang din nang DotA para makarelate siya sa jowa niya, at naglalaro silang dalawa. At mas gumaganda ang pagsasama nila, at ang mga tropa ni jowa, ang mga kalaro niya sa kompyuteran, ay tumataas ang respeto kay girl. Dahil maski tambay, maski adik, maski computer shop boy, alam na ang mga babaeng ganito na handang sumuporta sa mahal niyang lalaki poreber at palagi ay ang talagang karapatdapat ituring na princess. 

At maniwala ka, pag ang lalaki ay nakakita na nang ganoong mag-jowa na nagdodotA na kapwa masaya, naiinggit kami. Answerte ni boy. Answerte. 

Sa loob-loob namin, ganyon din ang babaeng dapat naming hanapin.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

99 Days with my Prince

Si Yuuki ay may mission na dapat gawin, iyon ay ang turuan na magmahal si Nathaniel James. Dahil sa mission na iyon malalaman niyang hindi siya nabibilang sa mga mortal. Because YUUKI is an ANGEL...

Image Description
Yazuakie
25 January 2018
1948

Nagulatang si Al nang isang araw ay magpakamatay ang kanyang kaibigan nang dahil lamang sa isang lumang retrato ng isang babaeng nagngangalang Lupe.

Image Description
LOUIE ABAD
18 December 2017