Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




MARRIAGE ANXIETY

Image Description Immaveeh   |   22 January 2018


This is a work of fiction. Names, Places, Incidents , Characters, Businesses, Organizations and Events are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Thank you!

“Teka! Saan niyo ako dadalhin, aber?” sigaw ko sa bwisit na dalawang lalaking naka pang business attire. Bigla nalang nila akong hinigit dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Nagtanong lang naman ako kung ano ang order nila, tapos bigla nalang nila akong pinaningkitan ng mata at agad niyapos tsaka pinaghihila. Wala naman sa mukha nila ang kidnapper, ang gagwapo kaya.

“Cad, sure ka ba na siya na talaga?” tanong nung nakahawak sa kanang braso ko. Kibit balikat lamang ang isinagot nuong isa. Muli akong nagpumiglas ng medyo makalayo na kami sa restau. Saan ba ako dadalhin ng mga taong ‘to? 

“Alam niyo, gwapo kayo eh. Pero teka lang naman. Hindi porket mga gwapo kayo, sasama na ako sa inyo.” Bulyaw ko at nagpumiglas sa pagkakahawak nila. Hindi brusko ang katawan ng mga ito. Mostly ang features nila ay nasa Asian type. Maputi, Matangkad, medyo slim pero hindi payat na payat, pero tingin puno sila ng abs. 

“Miss, whether you like it or not, you don’t have a choice. You’ll go with us” Aba! Englishero din. Kidnapper ba talaga ang mga ito? Kasi kung ganito ang bagong kidnapper dito sa pilipinas, jusko. Mukhang araw araw magpapadukot ako. Pero kailangan magpakipot. Konti nalang ang maria clara sa pinas ngayon, kailangan may maiwan.

“Kayo hah! Ang papayat niyo pero ang tapang niyong mangidnap!”

“What? Kami payat?”sigaw nung madaldal, kanina pa kasi na ito lang ang umiimik sa kanilang dalawa. Habang tong nakahawak sa kaliwang braso ko ay parang walang pakialam sa mundo sa sa akin. Parang wala siyang hinihilang tao sa palagay niya, bwisit lang. Gwapo siya pero pacool ng sobra. Mahangin ang personality niya ay ayaw ko ng ganuon. Feeling niya siguro siya na ang pinakagwapong nilalang sa mundo. Umismid siya t tumingin sa akin ng masama ng mapansin niyang nakatingin sko sa kanya. Inirapan ko siya at binelatan. Napailing lamang siya, pinakatitigan ako ng husto na mukhang kinakabisa ang bawat hubog ng mukha ko. Matapos niyon ay sa kasama naman niyang nagkakaladkad sa akin siya tumingin. Tumango ito sa kanya.

“Im sure of it, She’s the one” sabay tingin muli sa akin. Nakangiti ito ngunit iyong nakakaloko. Kunot noo ko siyang pinapatay sa paningin ko. Anong she’s the one ang pinagsasabi nito? 

“akala mo ba kikiligin ako dyan sa she’s the one na pinagsasabi mo?” bulyaw ko, pinagsusuntok ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napatawa naman iyong isa kaya binigyan ko ito ng masamang tingin. Hanggang sa makarating kami sa isang engrandeng sasakyan na sasakyan pa yata ng isang Monarchical Royalties. Bakit ganito? Ganito na ba ang modus ngayon ng mga kidnappers? Ang daming pakulo hah. Hindi siya nakakabahala kundi nakakamangha.

Hindi ako agad nakaimik ng pinasakay ako, madami ang sumalubong sa amin at lahat silay nagyukuan ng makaharap na kaming tatlo. Sa pagkamangha at gulat ko ay hindi na ako nakaangal ng papasukin ako sa sasakyan. Malawak ang espasyo ng sasakyan. Waring pagmamay ari talaga ito ng isang pamilyang monarki. 

“Cad…” Tawag muli nung madaldal. Tinitigan ko ito at pinagmasdan. Pinag aralan ang bawat parte ng mukha niya, Napangiti ako ng marealize ko ang kagwapuhan nito. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong half Korean o baka naman full blooded na lumaking pinas kaya alam managalog. Kamukha kasi niya si Jin juhyung, yung nasa K-drama na hwarang at suspicious partner. Mahilig ako sa K-dramas at ako yung tipo ng babaeng NBSB na walang panahon maghanap ng jowa dahil abala sa pangongolekta ng oppa? Ako yun eh! Yun ang tipo ko. 

“’wag ka nalang maingay dyan, pierre” sagot naman nung masungit, na dahilan upang mabaling sa kanya ang atensyon ko. Pinakatitigan ko siya at pinagmasdan ang bawat paggalaw niya, maging ang pagkurap niya ay hindi nakaligtas sa akin. Ang paraan ng pag-upo at ang presensya niya ay nagsusumigaw ng otoridad at power. Napakunot noo ako ng may isinenyas siya sa isa sa mga alagad ata nila, tch. Baka naman sindikato ‘tong mga ito? O baka Mafia’s! Oh my god! Agad namang gumalaw ang lalaki at may kinuha sa may malaking box na nakatayo roon, nagulat pa ako at halos manlaki ang mga mata ng makita kung ano iyon. Isa iyong refrigerator. Buset, sino ba talaga ang mga ito? Seriously, namamangha talaga ako. Wala ni konting kaba ang nararamdaman ko habang nasa puder nila. Ibinigay ng lalaki ang isang boteng tubig duon kay mister sungit. Sa pagsunod ko ng tingin sa lalaking nagbigay ng tubig ay nahagip ng mata ko si mister daldal, sa harapan ko kasi siya nakaupo at sa tabi ko naman ay si mister sungit.Sa mga narinig ko ay ang pangalan nung masungit ay Cad, at nung madaldal naman ay pierre. Ngumuso ako ng makita ang malokong ngiti nung pierre. Alam kong naramdaman niya ang pagkamangha ko sa mga nangyayari. Alam ko ring alam niya na walang bakas ng kaba ang nadarama ko ngayon tungkol sa kanila. Ewan ko ba, naiinis lang ako dahil sa biglaang paghila nila sa akin dito pero hindi naman ako natatakot.

“Ready yourself, princess” sambit sa akin nung pierre habang ballot parin sa ngiti ang labi niya. Inirapan ko siya at nilingunan yung katabi kong si sungit. 

“What?” He suddenly asked ng mapagtanto ang titig ko. 

“Saan niyo ako dadalhin?” tanong ko, tsaka bakit princess ang itinawag sa akin nung pierre? Eh Devon kaya ang pangalan ko, anong karapatan niyang ibahin iyon? Excuse me-duh?

“Palace” sagot lamang niya na parang walang pakialam sa akin. Inabala niya lang ang sarili niya sa pag inom ng tubig. 

“Palace….Pa-Palasyo?” Sigaw kong tanong. Napangiti siya habang nilulunok ang ininom niyang tubig. Tumaas ang kanang kilay niya ngunit nanatiling sa iba siya nakatingin. Hindi niya ako sinagot kaya duon ako sa pierre ako tumingin. Natatawa niya akong sinagot.

“Just get ready okay?” sagot lamang niya. Pero hindi parin ako nakuntentohanggang sa hindi masagot ang mga katanungan ko. Paano kung papatayin pala nila ako, Paano kung isa silang sindikato na nagtitinda ng mga laman ng tao? Gosh, ayoko pang mamatay, Gusto ko pang makapag asawa, at makabuo ng sariling pamilya. Hinawakan ko si mister sungit na Cad yata ang pangalan. Agad naman siyang napalingon sa akin ngunit agad ring tinapik ang kamay kong nakahawak sa kanya na parang pinandirihan ang pagkakahawak ko, bwisit ‘to. Ako nga walang reklamo kaninang kinaladkad nila ako tapos siya mahawakan lang akala mo naman may nakalapag na virus sa braso niya, kung makawaksi ng kamay. Tch!

“Saan niyo ba kasi ako dadalhin talaga?” Makulit kong tanong, pero inirapan lamang niya ako, humalakhak lang yung nagngangalang pierre at tinapik ang braso ko tsaka ginulo ang buhok ko. 

“Sa palace nga.” Yung pierre ang sumagot. Kaya mabilis akong tumayo at tumabi sa kanya, wala din naman kasing kwentang kausap yung Cad, nakakabwisit lang. Mister Sungit!

“Oh? Palasyo? May palasyo ba dito sa pinas?” Natatawa kong tanong, mga bwisit talaga. Pinagloloko ako eh, Baka naman sa malacanang palace yang pinagsasabi nila hah!

“It’s a secret palace, We’re from Pyongyang,North Korea. “ sagot niya. 

Natakip ko agad ang napanganga kong bunganga. North korea? Oh? 

“ANO!?” bulyaw na tanong ko, nahilamos niya ang mukha niya bago tumango. 

“Galing kayong north korea? Oh my god! Tapos may secret palace pa kayo dito sa pilipinas? Totoo? “ humalakhak ako habang pumapalakpak, bwisit ang galing niyang mag-joke.

“Pinagloloko mo ba ako?” Bulyaw ko ulit, tinampal ko ang braso niya at inirapan siya. Pero tumango lamang siya bago i-tap muli ang ulo ko.

“and….. you’re gonna married Cad” sabi pa niya na lalong gumulantang sa akin, nginuso niya pa si mister sungit. 

Hindi ko na napigilan ang tumayo at binato sa kanilang dalawa ang dalawang lapel na nasa mesa. Duon ako nagsumigaw at nagtatalon sa inis.

“Hoy! Huwag niyo akong i-prank ng ganito!” sigaw ko habang nagtatalon sa inis. Napapamura lamang sila dahil sa pagkakatama ng lapel sa mukha nila. Natigil lang ako sa pagwawala ng tumayo yung Cad na papakasalan ko daw, at mahigpit niya akong hinawakan sa braso.

“We’re not comedian to kid you around, Seriously? You are getting married to me! Don’t be full of yourself, hindi rin kita gusto” Sambit niya habang nakatingin sa akin na parang nandidiri, kabanas! Bakit pa niya ako papakasalan kung hindi rin pala niya ako gusto? Tangn* Ano ako sa akala niya, My God, naha-highblood ako!

“And you don’t have a choice. You’re already sold to me, your family sold you. And unluckily I am the one who owned you, now”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
18 September 2018