Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




BAHAGHARI

Image Description Simply_Author   |   12 February 2018


"Naniwala akong ako ang may kasalanan, ako ang may mali, ako ang nagkulang, ako ang nagbago pero sa huli ako pala talaga ang naloko." #WalaKayoSaExKo


"BAHAGHARI"

#WalaKayoSaExKo



"Ang buhay ay parang isang bahaghari. Makulay at maganda. Sa iba isa itong simbolo ng panibagong simula pagkatapos ng isang malakas na ulan. Kahit maraming nagagandahan sa kanya madami pa din ang hindi nakakakita ng kagandahan niya dahil mas pinipili nilang tumingin sa ibaba kaysa tumingin sa itaas para masilayan ang kagandahang taglay niya.

Ang mundong ito ay punong-puno ng mga magaganda pero mapanlinlang na tao. Minsan kung sino pa yung inakala mong totoo siya pa pala yung manloloko.

Noon... naniwala ako na ako ang may kasalanan, ako ang may mali, ako ang nagkulang, ako ang nagbago pero sa huli ako pala talaga ang naloko.

Pero sabi nga nila, lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Lahat nangyayari para maisakatuparan ang isa pang bagay na talagang nakatadhana para sa'yo."





*****





He's my first and I thought my last.

Ganyan naman palagi di ba? Kapag first mo akala mo siya na hanggang sa huli at siya na ang forever mo pero hindi pala. Oo, may iba siguro na nagiging successful sa "my first and last" na yan pero mas marami pa din ang hindi.

Let me share to you my story, our story on how we started and how we ended...



(Present Time)


Me calling my Beshie...


Me : Hello Beks!


Beshie : Ooh bakit na naman?


Me : I'm so tired na! Ang busy sa work ayaw ko na!


Beshie : Ano ba naman 'tong babaitang 'to?! Akala ko kung ano nang problema. Sabunutan kita eh!


Me : Eh nakakainis na kasi nakakastressed na! Super busy sa work!


Beshie : Hay nako! Nakakaloka ka! Nakakasira ka ng beauty alam mo yun?


Me : Arte mo bakla ha! Ikaw na maganda at may jowa! Buti pa kayo. Akin na nga lang yang jowa mo aagawin ko para magbalik loob na siya sa pagiging lalaki niya.


Beshie : Letse ka! Puro ka talaga kalokohan! Sabunutan kita eh.


Me : Eto naman joke lang!


Beshie : Joke lang. Ewan ko sa'yo! Pero back sa usapan natin kanina bago ka maging malandi sa jowa ko. Pagtiyagaan mo lang yang work mo ganyan lang talaga maraming ginagawa. Mas okay naman yan kaysa sa walang work di ba. Makipagdate ka na lang para hindi ka mastressed.


Me : Hay nako! Dagdag stress lang yan noh! Oh siya sige na! Thanks Bakla ha! Pasensya na sa abala. Buti na lang talaga Beshie tayo. Love you!


Beshie : Iiiiwwww... Double Iwwww! Yuck Miles!


Me : Kung maka yuck naman akala mo---


Beshie : Oo na! Oo na! Huwag mo ng ipaalala! Hay naku babaita ka talaga! Oh siya sige na. Babush na!


Me : Okay. Thanks sa time Beshie!


Beshie : Heto naman parang others, wala yun. Ikaw pa ba eh may pinagsamahan din naman tayo di ba? Remember....




That's my Beshie. Yes, he is gay. Ang isang malayang baklang kaibigan ko. I know you're wondering kung bakit ganito ang umpisa ng story ko? Okay, magflashback tayo para maintindihan niyo. Back sa high school life ko.







(FLASHBACK)


Ako si Miles. Isa akong normal na teenager lang gaya ng iba na maraming gustong gawin sa buhay. Isa ako sa mga nag-e-excel sa school dahil I'm always on TOP. Competitive ako and I always wanted to do my best and to be the best in everything but... in a nice way naman syempre.


Sabi nila kapag nerdy wala ng mga kaibigan pero d'yan sila nagkakamali. I have kaya at marami sila at isa na sa mga yun ay si Carlo.


Yes, tama kayo ng naiisip! He's my first boyfriend and best friend. Paano kami naging close? Kasi palagi kaming magkasama at... Ayun lang yun. Ayaw ko ng ikwento kung paano basta naging kami kasi nga magaling siyang manloko at pati ako naloko niya! Hindi ako bitter sinasabi ko lang.


Okay back sa story. We started as friends, lahat naman ganun di ba nag-uumpisa sa pagkakaybigan tapos magkakaIBIGan tapos magkakalabuan tapos maghihiwalay tapos wala na! Walwal na!


Pero ibahin niyo kami. Ibahin niyo kami ng Beshie ay este ng Ex-boyfriend ko.


Isa si Carlo sa mga matatalinong estudyante sa amin kaya nga na-fall ako eh kasi ako yung tipo ng babae na mabilis ma-attract sa matatalinong nilalang at ganun din siya, kaya niligawan niya ako at ako naman 'tong si baliw naniwala at sinagot siya. Hindi ako bitter ha nagkukwento lang.


Parehas kaming adik sa pag-aaral at adik din sa kalokohan. Marami na kaming nagawang kalokohan sa school at sa maniwala man kayo o sa hindi nagawa kong mandaya para lang sa kanya.


Nagkopyahan kaming dalawa noon. Sa sobrang pagmamahal namin sa isa't isa noon nagawa pa naming mag-exchange papers habang nag-eexam. Sasagutan ko yung mga nakablanko sa papel niya at ganun din siya sa papel ko. Kabado ako pero wala eh sa ngalan ng pagmamahal at sa grades nagawa ko yun kaya ayun. Grumaduate kami with honors. First ako second siya. Ang saya di ba?


Totoo ngang lahat ng kalokohan magagawa mo kapag in love ka. Kahit yung mga alam mong mali magagawa mo kasi nga nagmamahal ka. Walang ibang tama sa paningin mo kundi yung mundong ginagalawan niyo lang dalawa.


Nagtagal kaming dalawa pero hindi umabot ng isang taon pero kahit ganun pa man memorable pa din lahat para sa akin kasi nga siya ang first ko.


We both decided na maghiwalay dahil parehas na kaming busy dahil magkaiba kami ng school nung nag college kami. We tried to fight for our relationship pero wala eh ganun talaga. Kapag hindi para sa'yo wag mo ng pilitin dahil masasaktan ka lang.


Sabi nga nila, huwag mo ng piliting ayusin ang basong nabasag na dahil habang pinupulot mo pa lang ang mga piraso niya malamang nagkasugat-sugat ka na at kahit mabuo mo pa siya sigurong hindi mo na din siya mapapakinabangan kaya itapon mo na lang.


Masakit. Oo syempre masakit. Sino ba namang hindi masasaktan sa first break-up di ba? At kung meron man, sabihin niyo sa akin kung sino! Ipapa-salvage ko!


So eto na nga, sa totoo lang ang boring ng relationship naming dalawa noon dahil bahay-school, school-bahay pero legal kami ha. Mga bata pa kasi kami noon kaya siguro ganun, nagkahiwalay kami pero okay lang. Madami pa namang iba d'yan eh at saka maganda ako. Masyado akong maganda para magpakabitter sa kanya. (Tiwala lang bes!)


Pagkalipas ng ilang taon nagkita ulit kami. Oh Yes! One more chance lang ang peg pero hindi!


Barkada kasi kami dati kaya kapag nagkaroon ng meet-up ang barkada syempre hindi maiiwasang magkita kami. Sa akin okay lang naman. Kailangan kong umarte na parang wala lang kasi ayaw kong sabihin nilang bitter ako kasi hindi niya ko nagawang panindigan at ipaglaban at nagkaroon pa siya ng ibang jowa pero ako wala! Wala pang sumunod sa kanya.


Nagkaroon kami ng chance magkausap. Parang wala lang ganun pa din usap lang pero ramdam mong may nagbago na. I found out na wala na siyang girlfriend at kaya itong kaibigan kong itago na lang nating sa pangalang Tadhana ay parang gumagawa ng paraan.


One time nagkaroon kami ng meet-up and after that, hinatid niya kami isa-isa kasi siya lang ang may kotse sa amin at ang galing-galing lang talaga ng timing ni tadhana! Kasi yung bahay namin yung last na madadaanan niya kaya ang ending kaming dalawa ang matitira sa kotse niya.


Ang awkward pero syempre aarte ako na parang wala lang hanggang sa ayun na nga lumipat ako sa harap para naman hindi siya magmukhang driver ko lang. And then pagkalipat ko magsusuot na ko ng seat belt pero dahil hindi ko mahila yung seat belt, siya na humila nun at nagsuot sa akin. Aamin ko medyo kinakabahan ako that time kaya parang tatanga-tanga ako sa part na yun.


Ang weird sa feeling dahil nung time na yun ulit nagkalapit kaming dalawa. As in literal na malapit. Super close! Yung parang isang scene sa movie, ang drama di ba? Pero talagang nangyayari pala siya. Nakakaloka!


Habang nasa byahe kami hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sumunod na nangyari. Bigla siyang nagpatugtog hindi ko na maalala kung tugtog lang ba sa radio yun o ano, basta biglang tumunog 'to....


Two old friends meet again
Wearin' older faces
And talk about the places they've been

Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'

Maybe this time
It'll be lovin' they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time, love won't end









Yes tama kayo! Maybe This Time ni Sarah G. Oh di ba? Amazing!


Awwwwkward! (Insert Kru kru kru kru effect)


After that night. Naging mas madalas na ang pagkikita ng barkada at nagkaroon pa kami ng group chat. Naging ganun ang tema palagi at ako naman naging happy lang pero.... syempre may konting konting konting pag-asa na baka maging kami ulit. Na baka totoo nga ang second chance.


Heto na naman ako sinasaktan ko na naman ang sarili ko. Umaasa na naman ako. Hindi naman masamang umasa pero minsan kasi kapag ang PAG-ASA talaga ang nagsalita malamang babagyuhin ka kaya maghanda ka na.


Nagkaroon kami ng isang meet-up kung saan naglakas loob umamin ang friend namin na siya ay isang Gay at pinakilala niya pa sa amin yung jowa niya. I'm happy for them kasi nakikita kong masaya siya. Masaya sila at matagal na din sila. After ng breaking news na yun nagsimula ng magkaroon ng open up ang lahat including Carlo.


Last year bago matapos ang taon nagkaroon kami ng chance na magbabarkada na mag-celebrate. Kumpleto kami at bawal ang killjoy. That party was so memorable dahil ang ganda ng pagkakaayos ng lahat hanggang sa dumating na yung aminan portion.


Lahat kasama at lahat nagsabi ng mga lihim at baho ng bawat isa at kasama na ako doon pero isa sa pinaka-ikinagulat kong rebelasyon that night ay yung kay Carlo.


Bago siya magsalita. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang mangyayari that night at hindi nga ako nagkamali dahil meron ngang kakaibang nangyari.


Excited na kinakabahan na masaya na natatakot sa sasabihin niya pero aaminin kong may konting hint na ako sa sasabihin niya. I know na kapag binitawan niya yung mga salitang yun ay magbabago talaga ang lahat.


Dumating na yung time na siya na yung magsasalita. He looked at me and then he smile. I smile back and wait for him to speak again.


"Miles. I'm sorry. I know marami akong pagkakamali sa'yo dati noong tayo pa. I know that you know that it's not your fault but still sinisisi mo pa din yung sarili mo sa mga nangyari. Minahal kita noon pero may mali eh. Maling ipilit yung sarili kong mahalin ka kaya nakipaghiwalay na lang ako. Nagkaroon ako ng ibang girlfriend dahil baka sakaling mahanap ko sarili ko sa kanila pero wala pa din hanggang sa may mahanap akong iba. Ang tagal kong naghanap hindi ko alam na nasa kanya lang pala yung sagot." Nakangiting sabi niya.


Tahimik ang lahat habang nakikinig sa kanya. Tumingin siya sa aming lahat bago niya bitawan ang mga salitang...


"I'm Gay."


At that moment. Napamura ako kahit na alam ko at may kutob na ako noon pa man na ganun siya dahil nakikita ko madalas ang mga post niya sa FB na may kasama siyang guy at madalas silang nagbabakasyon ng silang dalawa lang. Sino ba namang mga totoong lalaki ang gagawa ng ganun 'di ba? Hindi niya itinanggi sa amin yun, inamin niya na yung guy na yun ang karelasyon niya ngayon.


Hindi ko alam mararamdaman ko that night pero ng makita ko sa mga mata niya yung ginhawa ng mabunot yung tinik sa puso niya na matagal niya ng dala-dala ay napangiti na lang ako.


He is so happy.


Nakita kong masaya siya at sino ba naman ako para ipagdamot sa kanya yun.


Niyakap ko siya nung mga oras na yun para ipakitang masaya ako para sa kanya. Masaya ako dahil finally he's free now. Malaya na siyang ipagsigawan sa lahat kung sino siya at kung sino ang totoong siya.






(END OF FLASHBACK)



Ngayon alam niyo na kung bakit ganun ang start ng kwento ko.

Yes! Tama kayo! Ang Beshie na kausap ko ay si Carlo. Ang Ex Boyfriend ko na ngayon ay Beshie ko na!

Alam kong sa iba imposibleng maging magkaibigan pa din sila ng Ex nila pero sabi ko naman kasi sa inyo eh, IBA kami at ibahin niyo kami ng Beshie ko.

Always remember that God will never take anything away from you without the intention of replacing it with something much better. At para sa amin ni Carlo mas malalim na friendship ang naging kapalit nun.

God always have a very perfect plan para sa ating lahat kaya learn to accept all the pain and learn into it dahil lahat yan ay nangyayari ng may dahilan.

Ang kwentong ito ay pinamagatang Bahaghari na sumisimbolo sa LGBT community.


"Ang buhay ay parang isang makulay na bahaghari. Makikita mo lang ang ganda kapag natuto kang pahalagahan at tumingin sa itaas pagkatapos ng mga bagyong nagdaan sa buhay mo."



"BAHAGHARI"

#WalaKayoSaExKo







This is my friend story. Not mine. Hope you like it,

Love,

Simply_Author.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Girl in the End

Lies. Deception. Lust. Who gets the love? Who should be loved? Girl in the end.

Image Description

09 August 2018