Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




A Love Worth An Eternity

Image Description dreamcoloredgift   |   22 January 2018


The falling of an innocent flower made two paths cross and intertwine their separate fates to the pledge of an eternal love bound underneath the legendary Promise Tree.

[Relaina]

SIX-THIRTY pa lang ng umaga. Pero ako, heto at nakarating na sa Oceanside Rose University. To be precise, nasa harap ako ng building ng College of Engineering and Architecture. Matatagpuan ang school na iyon sa bayan ng Altiera at doon na ako mag-aaral ngayong simula na ng second semester. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko papasok sa building.

I couldn't believe I had to feel this. This wasn't the time for me to have butterflies in my stomach. Wala ring dahilan para makaramdam ako ng panlalamig ng mga kamay na pareho pang nakahawak nang mahigpit sa magkabilang strap ng backpack na nakasukbit sa likod ko.

"Nervous?"

Napalingon na lang ako sa pinagmulan ng tinig na iyon. Kahit aminado akong kinakabahan nga ako, nagawa ko pa ring ngumiti nang makita ko ang pinsan kong si Rianne. Nagkataon na pareho kami ng kursong kukunin, which was Architecture. Ang totoo, hindi talaga ito ang course na gusto kong kunin. At least, iyon ang pakiramdam ko. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto kong kuning kurso. I just decided to give in to what my father wanted for me. Ngayon lang iyon, hanggang hindi ko pa nalalaman kung ano ba talaga ang gusto ko.

"Bakit hindi ka pa pumasok? Hindi ka naman kakainin ng mga nandito para kabahan ka nang ganyan," sabi ni Rianne nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

"Alam mo namang bagong salta lang ako rito, 'no? Siyempre, kakabahan ako."

At ito namang pinsan kong ito, bigla akong tiningnan na para bang hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko. Kumunot tuloy ang noo ko nang makita ko iyon. Bakit naman ganito kung tingnan ako ni Rianne?

"Ano'ng bagong salta ang pinagsasasabi mo riyan, ha? In case nakalimutan mo, dito ka ipinanganak at nagkaisip. Nawala ka lang ng siyam na taon, bagong salta na agad ang turing mo sa sarili mo. Baliw ka lang?"

"Ganoon pa rin iyon." Ito naman. Hindi pa ako pagbigyan. Minsan lang mag-drama, eh. "Tara na nga. Bago pa tayo mahuli sa first class natin." Mas okay na siguro na itaboy ko ang pinsan kong ito kaysa humaba pa ang usapan.

Laking-pasalamat ko na lang at sinunod naman ni Rianne ang gusto ko. Pero sa totoo lang, ha? Kanina ko pa napapansin na tingin nang tingin sa akin ito. Ano ba'ng meron sa mukha ko at parang may kung anong tumubo na kakaiba sa akin?

"Ang laki ng ipinagbago mo, alam mo ba iyon?" biglang sabi niya na ipinagtaka ko naman.

"Malamang, meron talaga. Siyam na taon ba naman akong nawala sa lugar na ito. Isama mo pa ang panloloko ng sira-ulong Oliver na iyon sa akin noon. Eh talagang may mababago."

"Oo nga. Mas mainit ang ulo mo. Para kang bitter sa mundo."

Nasasapak ko talaga 'tong pinsan ko nang wala sa oras, 'no? Pambihira lang talaga! Bitter? Ako, bitter? Okay, aaminin ko na medyo umiikli nang kaunti ang pasensiya ko pagdating sa isang tao. Pero, hello? Batayan ba iyon para tawagin akong bitter?

Napailing na lang ako at nagpatiuna sa paglalakad papasok sa buildsing. "Ewan ko sa 'yo, Rianne. Nag-almusal ka ba at kung anu-ano na naman ang sinasabi mo?"

"Ito naman. Hindi ka na mabiro," tatawa-tawang sabi na lang niya at sumunod na sa akin.

Huminga ka na lang ng malalim, Relaina. Mas mabuting kumalma ka na lang, okay?

Ano ba 'yan? Ang weird ko ngayon. Kausapin ko ba naman ang sarili ko.

Hindi pa ganoon karami ang tao sa loob ng building nang pumasok kami ni Rianne. Pero mahahalata mo na kaagad na may kanya-kanya silang mga barkada at grupo. Sa palagay ko lang, ha? Ako lang yata ang walang magiging set of friends dito sa Oceanside maliban kay Rianne.

Paakyat na sana kami ng hagdan nang may nalaglag na kung ano mula sa taas. Napatigil tuloy ako sa paglalakad dahil doon. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang gloxinia sa hagdan. Teka, ito ba 'yong nalaglag? Agad kong kinuha iyon at napatingin ako sa taas, sa mga balkonahe roon para malaman ko kung sino nga ba ang nakalaglag niyon. Pero wala akong makita na kahit sino. Ano 'to, minumulto lang ako?

Tiningnan ko ulit ang hawak kong bulaklak. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong isipin habang tinitingnan ko iyon. Ako lang ba ang laging natitigilan kapag nakakakita ako ng mga bulaklak? Ang weird, 'no? Pero ganito na talaga ako. Lalo pa't alam ko ang ibig sabihin ng bulaklak na 'to sa language of flowers.

"Baka naman 'di sinasadyang malaglag ng kung sino galling sa taas," komento ni Rianne.

"O, sige. Hanapin mo sa taas kung sino ang naglaglag nito at nang masapak ko, ha? Walang ibang mapagtapunan ng kalat niya, eh."

At ang ugok kong pinsan, tinawanan lang talaga ako. Inuupakan ko 'to, eh.

"Teka nga. Ano na nga ulit ang ibig sabihin ng bulaklak na 'yan sa language of flowers?" tanong ni Rianne.

Sapat na iyon para maalis ang atensyon ko sa bulaklak na hawak ko at harapin siya. "In the language of flowers, gloxinia means 'love at first sight'."

"Wow! Pero bakit naman mahuhulog ang bulaklak na 'yan mula sa balkonahe?"

Pero kibit-balikat na lang ang naging tugon ko. Ano'ng malay ko sa totoong dahilan kung bakit nahulog iyon doon sa hagdan. Ayoko na lang talagang isipin na minumulto ako at talagang kikilabutan ako kapag nalaman ko na ganoon nga ang sitwasyon.

Anyway, saka ko na pagtutuunan ng pansin iyon. May klase pa kaming dapat pasukan ni Rianne. Pero paakyat na kami ng hagdan nang mapansin ko na parang may nagtatakbuhan pababa ng hagdan na tatahakin naming ng pinsan ko.

"Watch out!" narinig kong sigaw ng isang tinig.

"Ha?" Bago pa man ako makahuma ay hindi ko na inasahan ang mga sumunod na pangyayari.

"Out of the way!" Pero hindi ko na nagawa ang utos na iyon. Pasalubong sa akin ang isang lalaking nagmamadaling bumaba sa hagdan. Sa sobrang pagmamadali niya ay bigla siyang natalisod, dahilan upang mawalan siya ng balanse. Bago pa ako makakilos ay sa akin siya napadagan na naging sanhi ng pagbagsak naming dalawa sa sahig. Matindi ang pagkakabagsak ko roon dahil ako ang nasa ibaba ng hagdan. Idagdag pa ang bigat ng taong dumagan sa akin.

"Ouch!" daing ko na lang. Dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko, muntik na akong mawalan ng malay sa tindi ng sakit pero tiniis ko. Sinikap kong huwag panawan ng ulirat kahit napapapikit na ako dahil sa sobrang sakit. Isa pa, alam kong nakadagan sa akin ang taong dumamba sa akin. Gusto kong malaman kung sino iyon upang mabulyawan ko siya sa ginawa niya.

Naramdaman kong gumalaw ang taong nakadagan sa akin. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ng taong iyon. Subalit tila umurong ang dila ko sa nakita ko at tinangay ng hangin sa kung saan ang kagustuhan kong bulyawan siya. Sa tingin ko, siya na yata ang pinaka-good looking na lalaking nasilayan ko sa tanang buhay ko. Okay, good-looking might be an understatement. Pero ayokong sabihing napakaguwapo niya kahit na iyon naman ang totoo. At ayokong sabihing ginising na ng guwapong ungas na ito ang puso kong may limang buwan na ring natutulog. Dahil nang mga oras na iyon, hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko habang pinipilit kong tingnan ang mukha niya. Nag-init ang mga pisngi ko nang sa wakas ay mapuna ko na ang ilang pulgadang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Naaamoy ko rin ang pabangong gamit niya na sa hindi ko malamang dahilan ay nagpaliyo sa akin. The scent wasn't that strong; just enough to disturb my senses even without him knowing that.

Agad na umalis ang lalaki sa ibabaw ko at tinulungan niya ako na makatayo."Sorry, miss. Hindi ko sinasadya." Apologetic naman kahit papaano ang tono niya nang sabihin iyon.

Ngunit bago pa man ako makapagsalita, muling sumigid ang matinding kirot sa ulo ko. All of a sudden, I felt myself like being blown by a strong gust of wind as my mind started to go black.

"Miss!" Narinig ko pang sigaw ng lalaking iyon bago ako tuluyang panawan ng ulirat.

= = = = = =

BANDANG hapon na nang magkamalay ako. Nakita ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na silid-na kalaunan ay nalaman kong school clinic iyon ng unibersidad. Hindi ako makapaniwala na ganito ang sasalubong sa akin sa unang araw ko roon. Kung hindi nga naman talaga ako minamalas.Hindi maiwasang uminit ng ulo ko nang maalala ang insidente kanina. Hindi ko na namamalayang nag-iiba ang facial expression ko habang iniisip ko iyon. Makita ko lang ang mukha ng lalaking iyon, sisiguruhin kong lalagyan ko ng injury iyon. I don't care kung guwapo siya! Wala akong pakialam! Hindi ko maitago ang panggigigil sa aking isipan.

Kinabukasan, hindi na nakapagtataka na mainit pa rin ang ulo ko. Lalo na sa kaalamang hindi ko pa nakikita ang taong nagbigay sa akin ng injury. Ngunit sa ngayon, kailangan ko pang pumasok sa eskuwelahan at mangopya ng mga notes sa mga subjects na hindi ko napasukan kahapon. Agad akong sinalubong ni Rianne sa labas ng classroom na halata ang pag-aalala sa mukha niya.

"Kumusta ka na? Okay ka lang ba? May masakit pa ba sa iyo? Sabihin mo lang at nang masamahan na kitang umuwi kung hindi mo pa kaya," pigil ang pagkatarantang sabi niya na nagpangiti na lang sa akin.

Gusto kong matawa sa nakikita ko sa kanya pero pinigil ko at pilit na hindi iyon ipinakita kay Rianne. Natural na sa akin na makita siyang ganoon. At least, nakatulong ang pag-aalala niya upang magawa kong pawiin ang inis na nararamdaman ko. "Okay lang ako. Ako pa! Kailan ba ako nagreklamo dahil sa pagkakahulog ko sa hagdan?"

Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Hoy, Miss Relaina Elysse Avellana! Over ka, ha? Kung alam mo lang kung paano ako nag-panic kahapon habang dinadala ka ni Allen sa clinic na walang malay. Diyos ko! Muntik na akong atakihin sa puso, alam mo ba iyon?"

Natawa naman ako at hindi ko na lang pinansin ang biglang pagkabog ng dibdib ko sa pangalang binanggit niya. "Bata ka pa para atakihin sa puso, Rianne. At saka kailan ka pa nag-panic dahil wala akong malay, ha?"

"Sige, pilosopohin mo pa ako. Dadagdagan ko pa iyang kung ano mang masakit sa iyo."

Hindi na lang ako umimik. Sinamahan na lang ako ni Rianne sa upuang katabi ng inuupuan niya. Ibinigay niya sa akin ang ilang notebook niya sa mga subjects na hindi ko na napasukan kahapon dahil sa aksidente. Mag-uumpisa na sana akong magsulat nang may tumayo sa harap ko at tumikhim siya na kumuha ng atensiyon ko. Nang mag-angat ako ng tingin at tingnan siya, bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa harap ko. Pero panandalian lang iyon.

"Ikaw?!" agad na bungad ko. Siya lang naman ang lalaking bumangga at nagbigay ng injury sa akin. But I found it weird that the guy in front of me wasn't making my heart thump like crazy, unlike what I had felt when our faces were practically inches close for the first time. Imahinasyon lang ba ang naramdaman ko nang mangyari iyon? No, I was sure I felt it that way. Kailangan ko lang ng pruweba na totoo ang naramdaman ko kahapon. Pero bago pa man ako makapagsalita uli, inunahan na ako ni Rianne.

"Actually, that's Alex. Allen's twin brother."

Napatingin ako sa pinsan ko pagkarinig ko niyon at nangunot ang noo ko. "Twin brother?" Tumango si Rianne. Then I looked at the guy in front of me. "You mean, kakambal mo iyong ungas na dumagan sa akin kahapon?"

Natawa naman siya nang mahina, saka tumango. "Pasensiya ka na, ha? He was being chased, that's why he was running fast. At medyo na-distract din siya kaya nawala ang balanse niya at nadaganan ka."

So he was the twin brother. That explains the weird feeling. "Teka, bakit ikaw ang nagsasabi niyan sa akin, ha? 'Di ba dapat ang kambal mo ang gumagawa niyan? Nasaan na iyong ungas mong kakambal, ha? Is he being chased again?"

Nakangiting umiling siya. "Allen's over there talking with some of our classmates." At saka niya tiningnan ang direksyon kung saan naroon ang pakay ko.

Sinundan ko ang direksyong tinitingnan ni Alex. Nakita nga niya roon si Allen na nakikipagtawanan kasama ang ibang estudyanteng naroon. Parang walang nangyaring hindi maganda dito kahapon kung umasta. But looking at the guy smiling like that, I knew he was the guy I was really looking for. Naroon ang pamilyar na kabog sa dibdib ko. Iyon ang nagpatunay sa akin na iyon nga ang lalaking dumagan sa akin kahapon. Pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin iyon. Mas binigyan ko ng pansin ang init ng ulo ko dahil tila wala itong pakialam sa nangyari kahapon. Alex was right; magkambal nga ito at si Allen. At kung nagkataong magkapareho ang hair cut at porma ng dalawang ito, tiyak na mahihirapan akong mapagsino ang talagang pakay ko.

No, you wouldn't. Madali lang para sa iyo na matukoy kung sino sa kanila si Allen at Alex, anang isang maliit na tinig sa isip ko.

Ano'ng ibig mong sabihin, aber?

Your heartbeat. When it beats crazy, then you'll easily know it's Allen. Right?

Heartbeat? What a joke!

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at bumuntong-hininga bago ko hinarap si Alex. "Sorry kung hindi maganda ang bungad ko sa iyo. Kahapon pa kasi ako high blood sa kakambal mo, eh." Idagdag pa na kahapon ko pa siya iniisip at hindi ko alam kung bakit.

"It's okay. Naiintindihan ko naman." Inilahad niya ang isang kamay sa akin. "My name's Alex, by the way. Jerique Alexander Olivarez."

"Relaina Elysse Avellana. Just call me Relaina." Saka tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay sa akin. At least I made a friend with someone who turned out to be the twin of the guy that gave me a head injury on my first day of class. And with the thought of that heck of a guy who completely ruined my day and her mood, I stood up from my seat and approached Allen.

"I don't think this will turn out good," narinig ko pang wika ni Rianne. But I chose to ignore it.

= = = = = =

"MAY KAILANGAN ka?" tanong ni Allen sa akin sa tila naaasar na tono nang makalapit na ako sa kanya.

At hindi ako tanga para hindi maintindihang siya pa yata ang may ganang mainis sa akin dahil lumapit ako sa kanya. Hah! Hindi rin makapal ang mukha nito samantalang siya na nga ang may kasalanan sa akin. I crossed my hands in front of me and raised an eyebrow. "Eh bakit inis ka? Nagtatanong ka na nga lang, ikaw pa itong may ganang mainis. Samantalang ikaw na itong may kasalanan kung bakit naaksidente ako on my first day in this school," iritableng sabi ko.

"And it's my fault. I admit that. Pero nag-sorry naman na ako, 'di ba?"

"You call that apology? You let your twin brother do what's supposed to be your job. It only means na hindi ka sincere sa paghingi mo ng apology sa akin, if that's how you want to call it."

Tumayo si Allen sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Tumigil siya ilang pulgada lang ang pagitan sa harap ko. He was staring at me intently, as if memorizing every inch of my face. Now that I thought about it, he was looking at me the same way yesterday, as if he was enchanted with what he saw. Para bang noon lang siya nakakita ng tulad kong... Teka, ano nga ba ang tingin niya sa akin nang mataman niya akong tingnan kahapon?

Ah, ewan! Basta, iba ang pakiramdam ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Hindi naman ako ganoon kagandahan para sabihin kong tila naengkanto siya sa akin. But I knew he looked at me that way. Weird but I really remembered it like that. Pero sandali lang iyon. Sa hindi ko malamang dahilan, naging uneasy ang pakiramdam ko. Lalo na nang maamoy ko na naman ang pabangong gamit niya with a mixture of his natural scent. And just like the first time na malapit siya sa akin, kumabog na naman ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pasaway ang puso ko kapag siya na ang nasa malapit. Subalit wala akong planong ipahalata iyon sa kanya. Baka gamitin pa niyang rason iyon upang tibagin ang defenses ko at hindi ko gustong mangyari iyon.

"Alright. Ano'ng gusto mong gawin ko para hindi ka na naiirita diyan na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa iyo?" kapagkuwa'y sarkastikong tanong niya na hindi ko na ipinagtaka.

"Ikaw mismo ang personal na mag-apologize sa ginawa mo sa akin," I answered. "Besides, may karapatan akong mairita sa iyo dahil malaki naman talaga ang kasalanan mo sa akin. Your sincerest apology is what I'm asking from you. Hindi naman siguro mahirap para sa iyo na ibigay iyon, 'di ba?"

"Okay. I'm sorry for causing trouble on you on your first day here. Pero pareho naman nating alam na aksidente ang lahat at hindi ko sinasadya ang nangyari. And I admit, kasalanan ko," he said sincerely. Then he sighed. "There! Am I forgiven?"

Hindi ko naiwasang mapabuntong-hininga sa inis at tuwa at the same time. Kinailangan ko pa palang manermon para lang mag-apologize sa akin ang kumag na ito. Naramdaman ko naman ang sincerity niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Kaya mo naman palang mag-apologize sa akin nang harapan, eh. Bakit kailangan mo pang komprontahin kita?" sabi ko matapos ang pagmumuni-muni ko ng ilang saglit sa mga sinabi niya. Teka, bakit binibigyan ko ng atensiyon ang apology ng lalaking ito?

"May pagka-demanding ka kasi. Kinompronta mo pa ako. Siguro taktika mo iyan para mapaluhod mo ako sa harap mo at mapasagot ako," buong kaarogantehang sabi niya na ikinabigla ko at ikinainit din ng ulo ko. At ang buwisit naman, nakangisi pa! Palibhasa, nakaisa siya doon.

Aba't- Hindi rin saksakan ng angas ang buwisit na 'to, ah! Saksakan din ng kakapalan ng mukha! Argh!

"Aminin mo na kasi. Crush mo ako kaya ka tumigil sa harap ko at hinayaan mong madaganan kita," nakangisi pang dagdag niya. Umani tuloy ng kantyaw ang sinabi niyang iyon na nagpakulo nang husto sa dugo ko.

Alright! Now he's done it! gigil na react ng isipan ko matapos kong marinig ang mga sinabi ni Allen. Wala sa hinagap ko na ganoon pala kakapal ang pagmumukha ng unggoy na ito.

Guwapong unggoy naman. At aminado ka namang attracted ka na sa kanya noong unang beses na magtama ang mga mata ninyo. Aminin mo na kasi, sulsol ng isang bahagi ng isip ko na lalo pang nagpabuwisit sa akin. Huminga ako nang malalim bago ko siya hinarap, with a small smile carved on my face. Well, more like a sneer.

"Crush pala, ha?"

Without a word, I punched his face as hard as I could. Natumba siya at tila hindi niya napaghandaan iyon. Hindi makapag-react nang tama ang mga naroon sa ginawa kong iyon. Well, most of them were utterly shocked. I smirked while massaging my fist that I used to punch Allen's face.

"Kulang pa iyan bilang pamalit ginawa mo sa akin," sabi ko. "Patatawarin na sana kita, eh. Kung hindi mo lang ipinakita ang kayabangan mo. Akala mo naman kung sino kang kaguwapuhan para sabihin mong crush kita. Mahiya ka nga." After that, I turned around and was about to leave.

Pero hindi ko napaghandaan ang sumunod na ginawa niya. Marahas niya akong hinila sa braso at ipinihit ako paharap sa kanya. Hindi ko ipinagtakang bumilis na naman ang tibok ng puso ko pagkakita sa mukha niya. Nakita ko roon ang galit, pagpipigil at hiya. Alam ko kung bakit pero nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. Ginawa ko iyon kahit na nakakaramdam na ako ng takot at kaba na ayaw kong ipakita sa harap niya.

"Alam mo, ikaw pa lang ang babaeng sumuntok sa akin nang ganito," pigil ang galit na saad niya habang humihigpit ang paghawak niya sa braso ko.

"Oh? Then I guess I broke your record. There's always a first time nga, 'di ba?" nagawa ko pa ring sabihin kahit nasasaktan na ako sa paghawak niya sa braso ko. "Iyan kasi ang napapala ng mga mahahangin ang ulo na kagaya mo."

"Mahangin pala ang ulo, ha? Tingnan ko lang kung masasabi mo pa iyan sa oras na gawin ko ito sa iyo." Matapos niyang sabihin iyon ay walang seremonyang hinapit niya ang baywang ko at mariin akong hinalikan sa mga labi ko. That kiss had definitely came as a shock to me... especially to my heart...

= = = = = =

[Allen]

"ARAY! DAHAN-DAHAN ka lang naman sa pagpapatong mo niyan sa mukha ko, Alex," reklamo ko habang pinapatungan ni Alex ng ice pack ang pasa sa mukha na natamo ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi dahil doon. I couldn't really believe it. Isang babae pa talaga ang nagbigay ng pasang iyon sa akin!

Hindi ko alam kung talagang minalas lang ako o dahil... ah, basta! Malas nga lang yata ako ngayon.

Totoo ang sinabi ko kay Relaina na siya pa lang ang babaeng nakagawa n'on sa akin. Mas madalas na sampal ang inaabot ko sa mga babae, lalo na kapag nakipag-break na ako sa mga nakarelasyon ko noon. But no girls had ever punched me hard like what Relaina did.

Mukhang matinding magparanas ng cariño brutalidad ang babaeng iyon, ah! Tagos sa buto. Heto nga't hanggang ngayon, hindi pa rin matanggal-tanggal ang sakit sa parehong panga ko. Grabe!

May mga pagkakataon noon na umuuwi akong may pasa sa mukha dahil madalas akong napapaaway sa labas ng eskuwelahan. Dahil doon kaya kung minsan ay napagkakamalan pa akong gangster. But I wasn't really considered a gangster. Takot ko lang sa mga magulang ko kapag naging gangster ako. Oo, siguro basagulero lang ako kapag tinatawag ng pagkakataon.

Ngunit nangyayari lang naman iyon kapag inaabangan ako ng mga basagulerong estudyante ng Oceanside at nagkataong pinakiusapan ng mga ex-girlfriend ko ang mga iyon. Bilang ganti lang daw sa paglalaro ko sa puso ng mga babaeng iyon na ilang linggo lang ang itinagal sa 'kin. Kadalasan ay hindi pa lumalampas ng isang buwan.

Well, I couldn't help it kung masyado akong lapitin ng mga babae. After all, I was born a charmer. Namana ko raw ang isang major trait ng mga Cervantes. Or at least iyon ang sabi sa akin ng Mama ko. Kaya siguro hindi na niya kinukuwestiyon ang mga nangyayari tungkol sa atensiyong nakukuha ko sa mga babae. Tanggap na siguro niya na wala na siyang magagawa pagdating sa bagay na iyon.

Technically, panganay ako sa tatlong magkakapatid kahit sabihin pang may kakambal ako. Limang minuto ang tanda ko kay Alex.

My mother Fate Olivarez belonged to the Cervantes clan—one of the few prominent clans in Altiera—and one of the amazing surgeons I had ever met. Hindi ako biased. Isa pa, ilang beses ko nang napatunayan iyon simula pa noong bata ako. Sa katunayan, pagiging doktor nga ang pangarap ng bunsong kapatid ko na si Armand.

As for my father Cedric Olivarez, he became a private investigator after quitting the military service. Isa siya sa tumutulong sa mga maternal uncle ko sa pamamahala ng Twin Rose Agency, ang security agency na pag-aari ng mga Cervantes at dela Vega—another of Altiera's prominent clans. Hindi lang ang Cervantes ang kilala sa bayan ng Altiera. In fact, the dela Vegas and the Cervanteses were long friends. Kung hindi ako nagkakamali, centuries na rin ang itinagal ng pagkakaibigan ng dalawang angkan. Plano naman ni Alex na sumunod sa yapak ng tatay namin na maging isang private investigator.

Kaya nga misteryo para sa akin kung bakit imbes na Criminology ang kuning kurso ni Alex, naisipan pa talaga niyang kumuha ng Architecture. Ako naman ay Civil Engineering ang kinuha kong kurso. I really wanted to become an engineer, just like my mother's sister na si Engr. Cecille Cervantes Mercado—si Tita Cecille.

Oh, well. I still had a few more years for me to achieve that, though. Kaya naman heto ako ngayon, pinagbubutihan ang pag-aaral.

Tatawa-tawa lang si Alex habang patuloy pa rin siya sa pagpapatong ng ice pack sa napinsalang bahagi ng mukha ko. Ang tawa niyang iyon ang nagpatigil sa akin sa pagmumuni-muni ko.

"Hindi lang naman kasi ako makapaniwalang may babae pang maglalakas-loob na gawin iyon sa iyo. Ano ba kasi ang pumasok diyan sa kukote mo at hinalikan mo si Relaina pagkatapos kang bigyan ng pasa sa mukha?"

Hindi na ako nakaimik sa tanong na iyon.

Honestly, hindi ko rin alam. Umismid na lang ako at hindi ko na sinagot ang tanong niya. Hindi ko maisip ang naging rason kung bakit ko nga ba ginawa iyon. All I knew, I was smitten at the sight of her eyes, as if I was enchanted upon seeing them. Or maybe my darn ego should be the one to blame dahil sinuntok lang naman niya ako at pagkalakas-lakas pa.

Ah, ewan! Hindi ko pa matukoy sa ngayon ang talagang rason.

Basta ang tiyak ko lang, nagustuhan ko ang ginawa kong paghalik sa babaeng iyon. Pero hindi ko naman inakalang ang mapangahas na paghalik ko kay Relaina ang magbibigay sa akin ng ibang klaseng sensasyon. Sensasyong masasabi kong bago sa akin.

Kaya lang, wala sa hinagap ko na gagantihan ako ni Relaina ng isa pang suntok sa kabilang pisngi at tinuhod pa talaga ako ng amasonang iyon. Noon lang ako nakakilala ng babaeng kayang gawin ang ganoon sa akin. Ang mga babaeng nakakakita sa akin ay laging kinikilig, nagpapapansin, nanlalandi at pinagnanasaan ako. Kung hindi naman ay hinihimatay kapag kinikindatan ko.

Hindi naman sa pagmamayabang—kahit alam kong may kayabangan talaga ako—pero iyon ang totoo. O, at least inaamin kong mayabang ako—in some aspects. Ganoon lang naman talaga kalakas ang effect ko sa kanila.

Pero iba si Relaina. Matapang siya at parang hindi man lang tinatablan ng kaguwapuhan ko. Kung tingnan pa nga niya ako, para bang kayang-kaya talaga niya akong katayin—baka nga brutal pa ang gagawin niyang pagkatay sa akin—dahil sa kapangahasang ginawa ko sa kanya. Eh sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. It was too late for me to realize what I had done to her.

Sabi nga nila, there was always an exception to the rule.

Mukhang si Relaina na ang exception at deviation na iyon na tiyak na babaguhin ang takbo ng buhay ko pagkatapos ng engkwentro naming iyon.

Patuloy pa rin sa ginagawa si Alex nang makita kong nilalapitan kami ng isang teenager na lalaki na may hawig sa aming magkakambal. Actually, si Armand iyon—o Andz sa pamilya namin, ang bunsong kapatid ko na mas bata sa amin ni Alex ng tatlong taon.

"O, napaaway ka naman ba, Kuya Allen?" tanong ni Armand na para bang hindi na bago sa kanya ang pagtatanong nang ganoon sa akin habang inilalagay sa sofa ang bag niya at naupo roon.

"Hindi, Andz. For the first time, may babaeng ginustong gawing punching bag ang mukha ng notorious heartbreaker nating kapatid na si Allen Anthony Olivarez," tatawa-tawang sagot ni Alex na ikinainis ko naman.

Talagang kailangan pa niyang ipangalandakan lang kay Andz ang nakakabuwisit na pangyayaring iyon?

Kulang na lang talaga ay suntukin ko ang kakambal kong ito sa sobrang inis ko rito. Nakakainis lang. Ako na nga itong naagrabyado, ako pa itong ginawang katatawanan. Kung hindi ba naman may saltik sa utak ang buwisit kong kakambal na naglalagay ng ice pack sa mukha ko.

Armand gaped at me wide-eyed for some seconds before facing Alex. "Seryoso ka ba, Kuya Alex? Bago 'yan, ah." At tumawa 'tong bunso namin pagkatapos n'on.

"Talagang bago. At nakakainis iyon, 'no!" gigil na saad ko at kinuha ko ang ice pack na hawak ni Alex. Dahan-dahan kong ipinatong iyon sa bahagi ng mukha kong may pasa. Napangiwi na naman ako nang maramdaman ko ang lamig na tumama sa pasa ko.

Noon ko naman napansing dumating ang mama ko at ngumiti siya nang makita kaming tatlo sa sala. Pero agad ding napawi ang ngiting iyon at kumunot-noo siya nang dumako ang tingin niya sa akin, partikular na sa mukha ko. Sigurado na akong napansin na niya ang pasa doon. Bumuntong-hininga na lang si Mama at lumapit sa aming tatlo. Naupo siya sa tabi ko at kinuha sa kamay ko ang ice pack. Sinipat niya ang mukha ko bago siya bumuntong-hininga uli.

"Ano'ng gulo na naman ang pinasukan mong bata ka?" tanong ng Mama naming si Fate habang pinapatungan ng ice pack ang pasa sa mukha ko.

"Wala ito, Ma. Mawawala din ito," tanging sagot ko na lang. Hindi ko gustong ipagtapat kay Mama na isang maganda nga pero amasona namang babae ang nagbigay ng pasang iyon sa akin. Sigurado akong hindi siya maniniwala sa akin na may babaeng gagawa niyon.

Pero halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko kaya binalingan niya sina Alex at Armand. Ngingiti-ngiti lang ang dalawang kumag kong kapatid.

"Wala bang magsasalita sa inyo?" tanong pa rin ni Mama habang kaharap ang dalawa pa niyang anak.

Noon naman bumunghalit ng tawa si Alex na ipinagtaka na ni Mama. Halata ang pagtatakang iyon sa pangungunot na rin ng noo niya. Tumatawa naman ng walang tunog si Armand. Nahilot ko na lang ang sentido ko dahil sa ginawa ng dalawa kong kapatid.

Sinasabi ko na nga ba, eh. May saltik sa utak ang mga ito.

"Maniniwala po ba kayo na babae ang gumawa niyan sa kanya?" tatawa-tawang tanong ni Alex. Pinandilatan ko naman siya bilang senyas na tumigil na pero tila hindi umubra iyon dito.

Napatingin sa akin si Mama; halata sa mukha niya ang pagkamangha. "For the first time, may babaeng ginawang punching bag ang mukha ng charmer kong anak na si Allen Anthony Olivarez?"

"Mama naman!" sansala ko. Pambihira naman, o! Nakuha pa talaga niyang mang-asar.

Ngumiti lang siya at itinuloy na niya ang pagpapatong ng ice pack sa mukha ko. "Ano ba'ng nangyari at mukhang humulagpos nang husto ang babaeng sinasabi mo para lagyan ka ng pasa sa mukha mo, ha?"

Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama ang mga kaganapan. "Kasi..."

"Ganito kasi iyan, Ma," agap ni Alex. At talagang inunahan lang ako.

Kahit gusto kong pigilan ang kakambal ko sa pagkukuwento niya tungkol sa mga nangyari, nakapagtatakang hindi man lang ako gumagawa ng kahit anong hakbang upang gawin iyon.

Siguro nga pagod na rin ako dahil sa dami ng mga nangyari. Kaya heto, hinayaan ko na lang na si Alex ang magsasalaysay ng mga pangyayari dahil nakita naman niya ang mga kaganapan. Hindi ko nga lang alam kung matatawa ba ako o maiinis sa paraan ng pagkukuwento ni Alex. Detalyado talaga ang pagkukuwento niya, may sound effects at action pa.

At tila hindi na napigilan ni Mama ang matawa matapos niyon. Pati si Armand ay tawa rin ng tawa na ikinainis ko. Kung minsan talaga, may pagka-weird din ang pamilya ko.

"Ako na nga itong naagrabyado rito, ako pa itong pinagtatawanan n'yo riyan," may tampo sa tonong himutok ko sa kanila.

Huminga na lang ng malalim si Mama na tila ba pinapawi niya ang pagnanais na tumawa pa. Then she patted my head. Ano iyon, bata lang? "At least, alam ko na ang totoong nangyari."

"Pero Kuya Allen, hindi ko akalaing ganoon ka pala kabilis maubusan ng pagtitimpi kapag babae na ang umagrabyado sa mukha mo." At sinundan iyon ni Armand ng isang malutong na halakhak.

Napasimangot na lang ako.

= = = = = =

[Allen]

HINDI NA ako nagtaka nang mapuna kong pinagtitinginan na naman ako ng mga nadadaanan kong mga kaklase ko. May mga ilan din akong schoolmates na ganoon din ang gawain kapag nakakasalubong nila ako. Okay lang sana sa akin iyon on a normal basis.

Pero magmula nang dumating ang amasonang Relaina na iyon, iba na yata ang magiging normal basis pagdating sa akin.

Mukhang naging malaking isyu sa kanila ang nangyari isang linggo na ang nakalilipas sa classroom. Anyway, talaga namang issue iyon dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may babaeng hindi man lang tinablan ng charm ng isang Allen Anthony Olivarez. Grabe! Bangungot iyon, ah! And to think I was a part of the Cervantes clan, for heaven's sake! Wala pang sinumang babae ang tumatanggi sa charm ko, o kahit na sinuman sa mga Cervantes bachelors.

Talagang sira ang record ko sa babaeng iyon.

Pero ngayon, hindi ko inakalang magtatagpo ang mga landas namin ng kauna-unahang babaeng hindi lang yata amazona kundi—

Bigla akong natigilan nang pumasok ako sa classroom at agad kong nakitang pasalubong sa akin ang babaeng dahilan ng pag-iisip ko ngayon.

Sino pa ba? Eh 'di walang iba kundi si Relaina.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa akin. Basta namalayan ko na lang ang sarili ko na patuloy lang siyang tinitiningnan. At ganoon din ang ginagawa niya sa akin.

For a moment or so, we were just staring at each other. Para bang... iyon lang sa mga sandaling iyon ang dapat naming gawin. Hindi ko mawari kung ano nga ba ang emosyong nakapaloob sa mga mata niya. At sa hindi malamang rason ay bigla akong nahiwagaan sa babaeng ito.

"Huwag mong sabihing buong maghapon kang haharang diyan sa pintuan?"

I cursed silently and berated myself for what I'd done. Napatda na lang ako nang marinig ko iyon mula rito. Nakita ko ring nakataas ang isang kilay niya. At kung hindi ako nagkakamali ay may himig din ng inis ang boses niya nang marinig ko ang sinabi niyang iyon.

I couldn't believe it! Ito pa ang may ganang mainis samantalang ako na itong naagrabyado.

Hindi ko na lang ipinahalata na tila na-caught off guard ako sa babaeng ito. Walang puwedeng makaalam n'on.

"Eh ano naman ang kaso sa iyo kung haharang nga ako dito? At least may maganda silang view buong maghapon. Don't you agree?" nang-aasar na saad ko na lang at isinandal ko pa ang likod ko sa gilid ng pinto kasabay ng paghaharang ng paa ko sa daraanan.

Well, I couldn't help it kung trip kong asarin ang babaeng ito. Matira ang matibay sa aming dalawa. Bahala na. Sinira na ng amasonang ito ang image ko. I had to redeem myself somehow. Baka sa ganitong paraan ko lang magawa iyon.

Lihim akong nagdiwang nang mapansin kong naningkit ang mga mata ni Relaina habang tinitingnan niya ako.

"Gusto mo pa yata talagang madagdagan pa iyang pasa sa mukha mo, eh. Tingnan ko lang kung magagawa mo pang humarang diyan sa pintuan sa oras na gawin ko iyon," nakapamewang na sambit niya.

At sa itsura niya at tila kaya nga niyang seryosohin ang sinabi niyang iyon. Pero kung hindi naman ako gaganti sa babaeng ito, ako ang magmumukhang kawawa. I won't do physical retaliation bilang pagganti. I never physically hurt a girl before and I won't ever physically hurt a girl at all.

Umalis ako sa pagkakasandal ko sa pintuan at nilapitan ko ang nakakunot-noo pa ring si Relaina. But this time, may nang-aasar na ngiti sa labi ko.

"Then why not do it? Alam mo, hindi pa ako nakakaganti sa pangalawang beses na pagsuntok mo sa mukha ko, eh. 'Di hamak na mas dehado ako doon dahil may face value ako na kailangang pangalagaan." Then I smirked mischieviously . "Not unless you miss my kiss that much at iyon ang gusto mong parusa ko sa iyo?"

"Ganoon? Hoy, Mr. Olivarez! Hindi pa nagsisimula nang maayos ang araw ko, sinisira mo na. Kaya mabuti pang umalis ka na diyan sa daraanan ko kung ayaw mong tuluyang masira ang araw ko at may gawin ako sa iyo na hindi mo magugustuhan."

Okay, now I was definitely beginning to get amused with this girl. Ngayon lang talaga ako nakakilala ng ganitong klaseng babae.

"Talaga? At ano naman iyon?"

Pero sa totoo lang, hindi ko talaga inaasahan ang isasagot niya, dahilan naman upang manlaki ang mga mata ko.

"Titiyakin kong hindi na masusundan pa ang lahi mo. Kaya kung ayaw mong mangyari iyon, huwag na huwag mong tatangkaing lapitan ako!" banta niya.

Woah! She wasn't... serious, was she? Pero wala akong nakikitang anumang bahid ng emosyon sa mukha niya na nagsasabing nagbibiro lang siya.

That means she was really serious. Oh, boy!

At dahil doon, napilitan na akong umalis sa harap ni Relaina matapos kong bumuntong-hininga. Then I saw her left the room.

Pambihira rin itong babaeng ito. Pero hindi nga talaga malabong gawin niya ang bantang iyon. In fact, tested and proven ko na iyon.

Dumiretso na lang ako sa upuan ko at pasalampak na inilagay ko doon ang bag ko. Subalit imbes na makipag-usap ako sa mga kaklase kong naroon gaya ng nakagawian ko na, tila nawalan na ako ng ganang makipag-usap sa kahit kanino matapos ang eksenang iyon sa pagitan namin ni Relaina.

Mukhang pag-iisipin na naman ako ng babaeng iyon, ah. But I guessed I couldn't help doing so.

Lalo na nang makita ko ang mga mata niya.

In a short span of time, I noticed only her eyes that were devoid of any emotions except sadness. Her chocolate eyes were beautiful and enchanting, but then I thought that it shouldn't be laced with that kind of emotion. Noon lang ako nakakita ng ganoon. It made Relaina even more mysterious for me. There was something in those eyes that for some reason had made me feel as if I was enchanted to her in some way.

Gusto kong malaman kung ano ang rason na iyon.

"Umm... Allen?"

Napapitlag ako nang lihim nang marinig ko ang tawag na iyon. I lifted my head and then I saw Rianne.

"Pagpasensiyahan mo na sana ang pinsan ko, ha? Ganoon lang talaga iyon. Hate na hate ang mga lalaking may face value na kagaya ng sa iyo." At saka sinundan niya ng tawa ang sinabi niyang iyon.

I didn't take it as an insult, though. Pati nga ako ay natawa na rin.

Baka nga ganoon ang rason.

Oh, well. Sigurado na akong magiging makabuluhan na ang college days ko. Even if it means I would be dealing with Relaina's temper every now and then.

Pero sa totoo lang, may gusto pa akong malaman mula rito. Sa ngayon, hindi ko pa magawang tukuyin kung ano nga ba iyon.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
04 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
27 September 2018