Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




If Only

Image Description LilMisSkrengge   |   09 January 2018


A story of LIFE, FRIENDSHIP and LOVE. Of WHAT IF and WHAT COULD HAVE BEEN.

CHAPTER 1 – GRADUATION DAY


1. EXT. UNIVERSITY – DAY



The sun rises above a vast campus in Cavite. Establishing an aerial shot of the campus, focusing on the beauty of the university. There were trees, students come and go, teachers and other school personnel. Guards smiling and greeting visitors. And graduates lining up getting ready for the most-awaited time of their lives as students.


DISSOLVE TO:


2. INT. AUDITORIUM – SAME DAY


Establishing a shot inside the auditorium, will show the crowd. Malamig sa loob ng auditorium, nakatoga ang lahat, graduates and faculty members. Masasaya ang mga ngiti dahil sa wakas, ito na ang araw na pinakahihintay nilang lahat. Punong-puno ang buong auditorium ng graduates, faculty and staff and most especially ng proud parents. This is the Graduation Day of the College of Nursing Batch 2017.


Camera will focus on Marydale.


MARYDALE: “My name is Marydale Entrata, and I am not your valedictorian. I am not the best, I am not the brightest, and I am here speaking to you right now because the one who deserves to give this speech is not with us anymore. I’m somehow supposed to talk to you about honor and excellence, so let me start with my story.


When I was in first year…”


DISSOLVE TO:


CHAPTER 2 – FIRST DAY OF SCHOOL (JUNE 17, 2013)


3. INT. CANTEEN - DAY


Shot from inside of the canteen (open canteen sya), sa may cashier then to the crowd. Puno ng tao ang canteen, wala masyadong bakanteng upuan. First day of school, excited sina Marydale at Nica. Pareho sila ng university na pinasukan ni Nica, bestfriend ni Marydale na feeling babae. Mamaya pang 11am ang start ng class ni Marydale at 10:30am naman si Nica kaya naisipan muna nilang kumain sa canteen.


MARYDALE: Uy girl, buti na lang mamaya pa yung start ng class natin noh? (habang may bitbit na tray na may lamang isang platong spaghetti at isang basong juice)


Sya si MARYDALE ENTRATA, 16 years old, matangkad nasa 5’6” to 5’7” ang height, morena, maganda ang ngiti, maliit ang ilong, mapayat, adventurous, mukhang happy-go-lucky pero matalino at masiyahin.


NICA: Oo nga girl eh, may time pa tayo magsight seeing, ang daming ulam sa paligid oh, dapat pala kanin na lang ang inorder ko. Hihi. Pero teka, bakit parang lahat yata ng shudents eh andito sa canteen? Tinalo pa ang pila sa Can’t Help Falling In love sa dami ng tao, kalurkey! Natutunaw ang ganda ko ah, ang jinit pa naman! (habang may bitbit na tray na may lamang burger, fries and softdrinks).


At sya naman si NICANOR GONZALES III a.k.a NICA, ang bestfriend ni MARYDALE. Gwapo sya kung naging lalaki, matangos ang ilong, fair complexion, matangkad din nasa 5’8” ang height, sabi nga nya pangbeauty queen ang height nya, tama lang ang pangangatawan pero di sya ganun kasexy para maging isang babae, medyo mamuscle ang braso, hindi rin sya nagdadamit pambabae pero yung kilos mas babae pa kay Marydale. Palaging nakahandbag at may feathery fan na hawak. Bata pa lang sila ni Marydale magkaibigan na sila kaya halos magkapatid na ang turingan ng dalawa.


MARYDALE: Tsss! (rolling of eyes) Ganda?? Sang banda? Puro ka reklamo, maghanap ka na nga lang din ng mauupuan natin. Yun (nguso nya sa direction na tinuturo nya) dun oh sa may drinking fountain parang may napansin akong bakante dun. (habang bitbit pa din ang tray)


NICA: Ayyyy! Uhmmmmmm! (closed lips with pikit) Perfect! Bilis ng mata mo girl ah! Sige, dun tayo sa tabi ni Mr. Pogi!


MARYDALE: Huh? Mr. Pogi? (magtataka)


NICA: Ayun oh, duuuun sa may drinking fountain. Hindi ba sya yung nakita mo? Inferness, 1st day of school pero ginawang library ang canteen, nag-aaral kagad! Interesting. Bilisan mo baka maunahan pa tayo. (malanding sabi ni Nica habang binilisan ang paglakakad at may pakembot kembot pa)


MARYDALE: Hoy! Baliw ka talaga, ang aga-aga puro kalandian kagad ang nasa isip mo. (matatawa na mapapailing)


NICA: Teka, maiba tayo. Sure ka na ba talaga sa course na kinuha mo? Magjournalism ka na lang din kaya para magkasama tayo. Balita ko maraming papa dun, malay mo may mahanap tayong mala-Atom Araullo. Hihi. (pangungumbinsi ni Nica habang palapit na sila sa may drinking fountain)


MARYDALE: Oo, bakit? May problema ba tayo sa course ko? Alam mo naman na bata pa lang ako gusto ko na talagang maging nurse katulad ni Mama at eto na yun girl (proud)


NICA: Ang jungit!!! May regla ka teh? Weeeelllll, kung sa bagay, sabi mo nga sa interview mo, I want to be a nurse because I want to serve humanity (gagayahin si Marydale). Woooow, lakas makaMother Theresa! Sana pinalitan mo na lang ang head ng PCSO kasi pangcharity naman pala ang gusto mo. (mang-aasar na matatawa)


MARYDALE: Bakla ka talaga!


Hahampasin ni Marydale ang braso ni Nica pero sa paghampas nito, matatabig nya ang dala-dala nyang tray at matatapon ang dala nitong spaghetti at juice sa ulo at buong katawan ng lalaki na nakaupo malapit sa may drinking fountain.


MARYDALE: Oh---my---gosh!!!! Sooooorrrrrryyyyy! (mapapapikit with facial expression na hiyang-hiya) Sorryy! Di ko sinasadya, sorry talaga


Dali-daling aalisin ni Marydale ang spaghetti noodles sa ulo ni Mr. Pogi. Oo si Mr. Pogi nga ang natapunan nya.


MARYDALE (VO – Voice Over): Juskooolord paano na sya papasok nito ngayon ang dumi-dumi nya. (habang patuloy na aalisin ang spaghetti sa ulo ng binata)


Mapapansin ni Marydale na nakatayo at pinapanood lang sya ni Nica.


MARYDALE: Tulungan mo kaya ako dito???!! (pandidilatan ng mata si Nica with lip gestures)


NICA: (lalapit kay Mr. Pogi at tutulong) Nakuu Mr. Pogi, pasensya ka na ah, clumsy lang talaga tong bestfriend ko eh. Ikaw pa talaga ang natapunan nya. Gusto mo tulungan na kitang tanggalin yung shirt mo? Madumi na kasi oh. (ituturo ang shirt na may paglalandi sabay kindat at kagat labi)


MARYDALE: (manlalaki ang mata at matataranta sa narinig, mapapalingon kay Nica) Huyyyyy! Tumigil ka nga! Ako na nga lang dyan! (medyo maiinis) Kahit kelan ka talagang baklang ka, wala kang pinipiling oras. (papaalisin na si Nica). Pasensya ka na talaga, di ko talaga sinasadya saka pasensya ka na din dito sa bestfriend ko ah, palabiro lang talaga sya. (sobrang mahihiya sa mga sinabi ni Nica habang patuloy na pupunasan ang damit ni Mr. Pogi kaso mas lalong kalalat yung sauce)


MR. POGI (No Dialogue, Actions only): Hahawakan ang kamay ni Marydale at pipigilan ang pagpunas nito sa damit nya. Biglang tatayo, hihinga ng malalim sabay pikit na parang nagtitimpi sa galit at konti nalang eh makakasapak na sya. Unti-unting lalapit kay Marydale habang hawak pa din ang kamay nito sa may dibdib nya, didikit na halos wala ng space sa pagitan nila. Titignan si Marydale sa mata at tititigan na halos tumagos na hanggang kaluluwa.


Lalakas ang tibok ng puso- enter audio ng heart beat. Matulala si Marydale habang nakatitig din kay Mr. Pogi


MARYDALE (VO): Sobrang perfect naman ng mukha mo, mukhang anghel (mapapalunok). Sobraaaang gwapo pa din kahit puro spaghetti sauce. (Establishing a shot na parang paikot, blurred and paligid, yung for a second pakiramdam nila sila lang ang tao sa canteen ng mga oras na yun). Teka diba dapat magagalit ka sa akin? Dapat sinisigawan mo ako ngayon. Bakit parang iba? Beket pereng geste me keng heleken? (mapapailing, parang buburahin yung thought sa isipan nya) Ay, nabuang na Marydale! Umayos ka nga! (Mapapapikit na lang kasi sobrang lapit na ni Mr. Pogi sa kanya) Hindi pa ako ready (mapapanguso na parang magkikiss habang nakapikit pa din ng biglang mararamdaman nito ang pag-alis ni Mr. Pogi ng kamay nya sa dibdib nito – enter nahopia sound effect) Ayyy???? (Mapapadilat, nguso back to normal at makikitang tumalikod na si Mr. Pogi at naglalakad na palayo). Huh? umalis sya na di man lang nagsalita?! Hindi sya nagalit! Tao ba talaga yun? Haaay, why you like that Mr. Pogi? Whyyy? Teka nga, hahanapin ko lang yung puso ko, di ko kinaya ang ekshenang yun eh.


NICA: <Slow clap at lalapit kay Marydale> Ayyy! Iba din si Ate girl oh! Ginalingan masyado! Ano okay ka na?? Goal met? May papikit pa eh! Nguso-nguso din noh! Sana sinabihan mo ako na eeksena ka pala kay Mr. Pogi, edi sana nagprepare ako. May patapon effect ka pang nalalaman ah. Effective! Inferness! Ang ga-leeeng! (with facial expression)


MARYDALE: (babalik na sa katinuan) Huh? Anong sinasabi mo? Umayos ka nga (patay malisya) Una sa lahat, hindi ko sinasadya yun, pangalawa hindi ako nagpapapansin sa kanya at pangatlo, tigilan mo ako dyan sa pang-hahanash mo! Kasalanan mo to eh, kung hindi mo ako inasar hindi sana to mangyayari. Nakakahiya! (maiinis para di na sya ang topic)


NICA: Ayyyyy, choosy teh??? Ganda mo din eh!Don’t me! (don’t me gesture with taas ng kilay) Kita ko yung puso mo tumalon, ayun oh. Getching mo muna baka may ibang makakuha. Aminin mo (pupunta sa side ni Marydale, ididikit ang mukha sa may right cheek) ang gwaaaapooo nya dibaaa? (pupunta sa harapan) Iba makatitig, makalaglag hmmmmm… (parang kikiligin na maiihi) at ang mysterious! Imagine di man lang sya nagalit sa tin (sabay paypay ng feathery fan nya).


MARYDALE: Yun na nga eh! Hindi man lang sya nagreact! Baka mamaya makita mo na lang ang katawan ko na may placard dyan sa labas kasi ipinatumba na nya ko sa nagawa ko sa kanya! Nakakainis ka talaga! (habang patuloy na pupulutin ang nagkalat na spaghetti noodles sa sahig).


MARYDALE (VO): (habang nakatingin sa malayo, sa direction kung saan naglakad si Mr. Pogi) Pero tama si Nica, bakit nga kaya hindi man lang sya nagalit sa amin? Sa akin? Sino kaya sya? Ano kayang course nya? Makikita ko kaya sya ulit?


NICA: Ay ang OA teh! (mapapatingin sa relo) Naku girl, (magugulat) 10:20 na pala, maiwan na kita dyan ah. Malapit na class ko, maghahanap pa ako ng main course, lakas kasing makaappetizer si Mr. Pogi eh or should I call him Mr. Spaghetti? Hihi! Sige, bye! See you later! (lalakad na palayo) Oh, by the way, you’re welcome! Hihi. Shanawa sana nga sya na nga! (magmamadali ng umalis with kembot and paypay)


MARYDALE: (pasigaw) NICANOOOORRR GONZALES III!!! Humanda ka talaga sa kin mamaya!! (bubulong sa sarili) Nakakainis talaga, di na nga ako nakakain, nakatapon pa! Pagsinuswerte ka nga naman! Haaaay (babagsak ang balikat), pero sana nga makita ko sya ulit…sana makita ko ulit si Mr. Spaghetti…este si Mr. Pogi (titingin sa malayo)


CUT TO:


CHAPTER 3 – SAME DAY


4. INT. CLASSROOM


First day of classes, nagbigayan na ng course outline, may bakante pang upuan sa tabi ni Marydale. Andun na ang prof, nagtatawag na for attendance.


PROF 1: Okay, last call for Mr. Edward John Barber, say present if you’re here! (Titingin sa students nya) Hmm, sino ba tong batang to, first day of school mukhang absent kagad! Okay class, good morning! I am Ms. Anna Mendoza and I will be your Prof. in Theoretical Foundations of Nursing. Today we will discuss the course outline and the activities that we will have throughout the semester. If you have any questions, feel free to ask.


MARYDALE (VO): Grabe, simula na kaagad ng klase kahit unang araw pa lang? Wala man lang bang getting to know each other dyan? Tama ba talaga tong course na pinasok ko? Haaay! But wait, sino nga kaya tong si Edward John, absent kagad, baka narealize nya na mahirap ang nursing kaya nagback-out na. (mapapailing, kukunin na lang ang course outline)


EDWARD JOHN: Sorry Ma’am, I’m late (nakatungo)


MS. MENDOZA: (mapapalingon sa likuran ng classroom) Ohw, so…you must be Edward John Barber???


EDWARD JOHN: Yes Ma’am (titingin sa prof)


Sya si EDWARD JOHN BARBER a.k.a Mr. Spaghetti / Mr. Pogi isang misteryosong lalaki, man of few words, of very few words. Matalino, gwapo, nakasalamin, the “Dorky-type-of-guy”, mestizo, matangkad nasa 5’9” to 5’10” ang height, matangos ang ilong, mukha din namang mabait at gentleman.


MS. MENDOZA: (mapapatingin sa damit ni Edward John) What happened to your clothes iho? I thought toddlers lang ang nakakatapon ng spaghetti sa damit. (sarcastic at medyo matatawa)


Medyo magtatawanan din yung ibang students. Mapapalingon na din si Marydale nung narinig ang salitang spaghetti.


EDWARD JOHN: Uhm, I just got into a minor accident.


MS. MENDOZA: Okay then, have a seat and we will start. (sabay harap ulit sa blackboard at magsusulat)


MARYDALE: (manlalaki ang mata at bubulong sa sarili) Oh shooooooot! Si Mr. Spaghetti! Tama ba tong nakikita ko??? Si Mr. Spaghetti at si Edward John Barber ay iisa. Noooo, this can’t be. Buti na lang may jacket sya, natakpan yung ibang mantsa sa damit nya. Teka, di nya ko pwedeng makita. (tutungo, maghahanap ng pwedeng itakip sa mukha nya, nakatalikod sa side ni Edward John)


EDWARD JOHN: Excuse me Miss, is this seat taken?


MARYDALE: (mapapatunghay konti, lalaki ang mata) Bushaaak! Ako pa talaga ang tinanungan nya. Anoo ba yan??!! (bulong sa sarili) Uhm, ye-yes! I mean, yes it’s vacant, you can sit there. (hindi pa din lilingunin si Edward John, kunwari may hinahanap sa bag, tutungo lang).


MARYDALE (VO): Juskoo bakit dito pa sya sa tabi ko umupo?? Wala na bang ibang bakante?? Hindi pa ako ready na makita sya ulit. Ako ang dahilan kung bakit sya nalate. Pero infairness, ang gwapo din pala ng boses nya. Ano pa kayang di gwapo sa taong toh?


MS. MENDOZA: Okay class, can anyone tell me what our subject is all about?


MARYDALE: Alam ko ang sagot dun, Ma’am!!! (tataas ng kamay, makakalimutan nya na may pinagtataguan sya) Ohhhwww shoot, Marydale anong ginagawa mo??! (bulong sa sarili, makikita na nakataas din ng kamay si Mr. Spaghetti at nakatingin sa kanya. Boom! Huli! Wala ng kawala to). Uhm, h-h-hi! (mamumula na parang magtatago pa din)


MS. MENDOZA: Yes Edward John. (pointing to Edward John)


EDWARD JOHN: (tatayo) Theoretical Foundations of Nursing talks about the development of selected concepts and theories pertinent to the practice of professional nursing. It also analyzes the historical, legal, cultural, economic, and social factors that influence nursing and health care delivery. In addition, this subject considers the various philosophical perspectives upon professional nursing practice and addresses nursing theorie as frameworks for practice. Lastly, it discuss strategies for analyzing and managing ethical dilemmas in nursing and health care. (after sumagot, titingin kay Marydale)


MS. MENDOZA: Wow! That’s impressive! (mukhang naimpress) Thank you Edward John.


MARYDALE (VO): (Napapatulala na lang, nakahalumbaba at nakanganga) Graaabeeee bai! Di lang pala sya gwapoooo, matalino pa! Parang human library. At mas gwapo pala sya kapag nakasalamin. Tao ba talaga toh? Akala ko alam ko na ang sagot pero di hamak na mas maganda ang sagot nya. Ang galing!


Biglang may isa pang darating na estudyante.


STUDENT 1: Sorry Ma’am, nalate ako. (kakamot sa ulo)


MS. MENDOZA: And you are?


STUDENT 1: (nakatayo lang sa likuran ng room) Aym Cornillo Muhajil po Ma’am, ang “Pag-A-Son ng Angkan ng Zamboanga” (papogi) hihi. But you can call me Yong po. Bale… pang 14 po ako sa 17 na magkakapatid ma’am. Ang dami po noh? Tapos…


And here comes CORNILLO MUHAJIL a.k.a YONG, 16 years old, ang “Pag-A-Son ng Angkan ng Zamboanga”, sa dami kasi nila sya lang ang pursigidong makapagtapos ng pag-aaral. Galing pa sya ng Zamboanga, nakakuha ng scholarship (but not academic scholarship) kaya nakapag-aral. Nasa 5’5” to 5’6” ang height, medyo Moreno, masiyahin, mabait, madiskarte, Muslim din sya.


MS. MENDOZA: (interrupts) Ehem, halos matatapos na ang klase iho, bakit ngayon ka lang?


YONG: Pasensya na po kayo ma’am late po kasi yung relo ko eh. (titingin sa relo nya at kakamot sa ulo)


MS. MENDOZA: Edi i-advance mo.


YONG: Po? Sige po saglit po ma’am (iaadvance ang relo sabay talikod)


MS. MENDOZA: Oh, teka (gesture na tatawagin si Yong) saan ka pupunta?


YONG: Lalabas na po, uwian na po dito sa relo ko eh.


Magtatawanan ang buong klase. Matatawa at mapapailing na lang din si Marydale pero si Edward John no reaction pa din. Magriring na ang bell.


MS. MENDOZA: Okay class, see you next week. Magadvance reading na kayo kasi may quiz tayo next meeting. Ikaw Yong, ask your classmates for today’s lesson.


YONG: Okay po ma’am (magtatanong tanong sa mga kaklase)


OTHER STUDENTS: Thank you Ma’am.


Tapos na ang first subject! Dali-daling magliligpit ng gamit si Marydale para maiwasan si Edward John. Magmamadaling lalabas ng classroom.


5. EXT. HALLWAY


Maraming students na nasa hallway, iba nakatambay, yung iba nagtatawanan, iba naglalakad.


MARYDALE: Hmmm, tapos na din kaya si Nica? Matext nga (kakapain ang cellphone sa bulsa, tapos sa bag) Teka, asan yung cellphone ko? (biglang maalala yung cellphone nya na nakapatong sa upuan) Halaaaaaaaa, naiwan ko yung cellphone ko sa upuan. (Mapapasapo na lang sa noo nya, lilingon sa paligid, magiisip kung babalikan ba yung cellphone o hindi ng biglang mapapansin si Mr. Spaghetti na palapit sa direksyon nya). Ito na nga ba ang sinasabi ko, patay ka na talaga Marydale. Bilisan mo na ang lakad mo para di ka nya maabutan kaso paano yung cellphone? Hmm bahala na nga! (bibilisan ang lakad pero mapapansin nya na binibilisan din ni Mr. Spaghetti ang lakad nito). Hala uyyy, sinusundan nya talaga ako. Takbo Marydale, takbo! (mapapatakbo sya sa pag-iwas dito)


EDWARD JOHN: Miss! (tatawagin si Marydale)


6. EXT. FOUNTAIN


MARYDALE: Bushaaak! Tinatawag nya pa ako, bilis pa. (lilingunin ulit si Mr. Spaghetti, hindi nito mapapansin na andun na sya sa may fountain sa gitna ng school, maaout of balance) Ahhhhhhhh (splaaaassshh – mahuhulog sa may fountain)


Aabutin ni Edward John ang kamay ni Marydale, tutulungang makaahon at makaalis sa fountain.


MARYDALE: (makikita nya si Edward John) “Sorrrrryyy, sorrrrry talaga! (mukhang nagmamakaawa) Di ko naman sinasadya yun. Sige kung sasaktan mo ako okay lang. (iooffer ang mukha nya) kung gaganti ka okay lang. Ako naman talaga yung may kasalanan eh! Sorry talaga! (prayer hands)


EDWARD JOHN: (iaabot ang phone) You forgot your phone. (flat affect)


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018