Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




If Only

Image Description LilMisSkrengge   |   13 January 2018


A story of LIFE, FRIENDSHIP and LOVE. Of WHAT IF and WHAT COULD HAVE BEEN.

CHAPTER 9 – SEMBREAK / REVIEW PREPARATION FOR QUIZ BEE


15. INT. EDWARD JOHN’S HOUSE


Mapapagkasunduan ng 4 na magrereview sila sa bahay nina Edward John. Early morning around 7:30am, dadating sina Marydale, Nica at Yong sa bahay nina Edward John. 3 storey yung bahay, minimalistic ang design, may garden, may pool, malaki ang bakuran.


MARYDALE: Eto na yata yun, dali ikaw na magdoor bell. (uutusan si Nica)


NICA: Bakit ako? Ako ba ang kaklase? (magpapaypay) Pero inferness ang bonggacious ng house ng lolo mo ah. Yayamanin! Uhmmm… Jackpot ka teh (hahawakan ang buhok ni Marydale).


YONG: (di makapaniwala sa nakikita, nakatitig lang sa bahay, nakatingala) Grabeeeee bai! (amazed) Parang palasyo naman pala tong bahay nila Edward John. (hahawakan yung bakod)


Magtuturuan pa din sina Nica at Marydale kung sino ang magdodoorbell. Mapapansin ng Mommy ni Edward John na may tao sa labas.


MOMMY: Oh, andito na pala kayo. Bakit di kayo nagdoorbell, kanina pa ba kayo dito? (bubuksan ang gate).


MARYDALE: Good morning po ma’am, hindi naman po kakarating lang din po namin. Pasensya na po kayo sa abala ah. Ako nga po pala si Marydale, ito naman po ang bestfriend ko si Nica at isa pa po naming kaklase si Yong.


MOMMY: Anong ma’am, ikaw naman. Tita Cathy na lang. Nice meeting you Marydale, Nica and Yong. Pasok muna (papasukin na sila Marydale, isasara ang gate, maglalakad na papunta sa bahay) Saka okay lang yun, kahit dito pa kayo tumira okay lang.


YONG: Talaga po? (gulat na masaya)


MOMMY: Oo naman! Kami lang ni Edward John ang nakatira dito saka mga kasambahay (matatawa, bubuksan ang pinto) Yaya, pakitawag na po si Edward John, pakisabi andito na yung classmates nya (talking to Yaya). Pasok na kayo, magbreakfast muna tayo.


16. INT. EDWARD’S HOUSE - SALA AREA


YONG: Ayos! Tamang tama, hindi pa ako kumakain (hahaplusin ang tyan).


NICA: Naku thank you po, buti nalang, Tom Jones na nga din aketch eh.


MARYDALE: (sisikuhin sina Nica at Yong) Ayyy hindi na po Tita, busog pa po kami (titignan yung dalawa)


YONG & NICA: Busog nga po pala kami (mukha ng may panghihinayang)


MOMMY: Naku hindi, sayang naman yung hinanda ko kung walang kakain. Saka mukhang gutom na tong mga kasama mo oh (tatango kina Nica at Yong), at ikaw din (titingin kay Marydale). Ang payat payat mo kaya dapat kumain ka ng madami. (aakbayan si Marydale) Sige na dun na tayo sa dining and let’s have breakfast together (smiles)


Mauuna na sa dining area sina Nica at Yong. Makikita nina Marydale at Mommy Cathy, magtatawanan na lang. Dadating na din si Edward John. Ngingiti ng konti kina Marydale.


EDWARD JOHN: (kikiss sa Mommy nya) Good morning Mom.


MOMMY: Good morning Son! Oh tamang-tama, andito na si Edward John, let’s eat. (pupunta na din sa dining) Oh, lahat ba kayo kasali sa competition?


17. INT. EDWARD’S HOUSE – DINING AREA


YONG: (kumakain na, sasagot habang puno ang bibig) Ay naku hindi po, sina Marydale at Edward John lang po. Moral support lang po kami ni Nica dito (hindi magkaintindihan kung ano ang unang kakainin sa dami ng kinuha).


MOMMY: Ahh ganun ba? O dahan-dahan iho (matatawa kay Yong) Saan nyo ba plan mag-aral anak (hahawakan ang braso ni Edward John at titingin dito), sa library or dito sa may garden?


NICA: Parang mas bet ko Mommy dito sa may garden, para may fresh air saka may view, di ba mas nakainspire mag-aral pag ganun?


Sisikuhin na naman ni Marydale si Nica at titignan.


MARYDALE: Naku, kahit saan po, kung saan po ang gusto ni Edward John, dun na lang po. (mahihiya sa mga sinabi ni Nica)


MOMMY: Ano anak? (titingin kay Edward John)


EDWARD JOHN: Sa garden na lang po.


NICA: See??? (titingin kay Marydale) Pareho kami ng taste (ngingiti at susubo ng food)


MOMMY: Sige, dun ko nalang din ipapadala ang merienda nyo mamaya.


YONG: Merienda??? Di pa nga tayo tapos magbreakfast, kakain na naman. Mukhang masarap talagang tumira dito ah!


Mapapayuko na lang si Marydale sa kahihiyan at sa mga pinagsasasabi nila Nica at Yong. Magtatawanan na lang din ang lahat.


Zoom out showing everyone having a happy breakfast together.


DISSOLVE TO:


16. EXT. EDWARD JOHN’S HOUSE – GARDEN AREA


Establishing a shot showing the 4 having fun (with background music, no dialogue). Magrereview na sila, si Nica ang tatayong quiz master at si Yong naman ang taga check kung tama ang sagot ng dalawa. Dito na magsisimula ang closeness nila. Titingin at manonood ang Mommy ni Edward John, matutuwa. Magkukulitan ang apat, magsisimula na din ngumiti si Edward John. May eksenang sabay na kukunin ni Edward John at Marydale yung libro, mahahawakan ni Edward John ang kamay ni Marydale. Nanonood lang sina Yong at Nica, kikiligin, mapapahilig ang ulo ni Nica sa balikat ni Yong at yayakapin ang kanyang pamaypay. Dadating si Mommy Cathy, may dalang merienda, titignan sina Marydale at Edward John, dun palang magbibitaw ang kamay ng dalawa. Magkakatinginan, magkakahiyaan.


DISSOLVE TO:


17. EXT. EDWARS’S HOUSE – LABAS NG GATE - NIGHT


Tapos na silang magreview, inabot na sila ng gabi. Uuwi na ang tatlo. Ihahatid ni Edward John sa may gate ng bahay nila.


MARYDALE: Thank you pala ulit sa pag-invite dito sa bahay nyo ah. Pasensya na din sa abala, naubos yata yung pagkain nyo sa katakawan ng dalawang toh (titingin kina Yong at Nica, mapapangiti).


EDWARD JOHN: It’s okay, nag-enjoy din naman ako eh. (ngingiti)


YONG: Yaaaan, may iba ka naman palang alam na salita eh, saka marunong ka naman palang ngumiti! Thank you ah, ito na ang pinakamasarap na naranasan ko sa buong buhay ko (magbuburp). Ayyy sorry! Hehe. (magtatawanan)


NICA: Thank you ulit Edward John ah, sana next time, pwede naman tayong magswimming sa pool nyo. Ireready ko na ang 2-piece ko.


MARYDALE: Halaaaa, grabe sila oh! Anong feeling nyo, bahay bakasyunan tong bahay nila Edward John? Mahiya nga kayo! (titingin kina Yong at Nica) Pasensya na ulit ah saka pakisabi sa Mommy mo salamat talaga!


EDWARD JOHN: Okay! Hehe.


Aalis na ang tatlo, maglalakad na palayo sa bahay nila Edward John.


EDWARD JOHN: Uhmmmm, Marydale! (sisigaw)


MARYDALE: (lilingon)


EDWARD JOHN: Ingat kayo! (smiles sabay wave)


MARYDALE: (magugulat sa narinig, pipigilan ang ngiti at kilig) Ahh, hmmm, thank you! Sige! (wave back)


Aasarin nila Nica at Yong si Marydale habang naglalakad, papasok na din ng bahay si Edward John, nakangiti.


MOMMY: (nag-aabang sa may pintuan) Mukhang may bago ng nagpapangiti sa anak ko ah (aakbayan si Edward John) I like her (smiles, titignan si Edward)


EDWARD JOHN: Maaaaa… (mamumula)


Zoom out, papasok na ng bahay sina Edward John at Mommy Cathy, isasarado na ang pinto.


CUT TO:


CHAPTER 10 – START OF 2ND SEM


Then we hear a love song (SHANAWA “SANA S’YA”) Tatawid ito sa mga susunod na eksena.


18. SERIES OF MONTAGE (puro video clips lang with background music, no dialogue)


A. SCHOOL MONTAGE – FOUNTAIN AREA AND CLASSROOM


This time si Edward John na ang maghihintay kila Marydale at Nica every morning sa may fountain near the entrance, may dala-dalang breakfast. Tutulungan si Marydale sa pagbitbit ng gamit. Mas magiging caring at sweet. May scene sa classroom, inspired sila pareho, active sa recitation, laging sila ang top sa class, magfifist bump everytime na makakakuha ng magandang result sa exam, kinocongratulate ang success ng isa’t-isa. They’re making a very good tandem. Magiging mas happy na at sociable si Edward John.


B. SCHOOL MONTAGE – LIBRARY


Scene sa library, deretso pa din ang review nila kasama sina Yong at Nica, may eksena na papagalitan sila ng librarian kasi naghaharutan sila sa library, magtatawanan. Magrereview, pero may pacute at ligawan on the side. Gagawa si Edward John ng paper rose at ibibigay ito kay Marydale.


C. SCHOOL MONTAGE – CANTEEN


They will eat together, dun sa palagi nilang pwesto, malapit sa may drinking fountain. Bibilan ni Edward John si Marydale ng spaghetti at juice at bibigyan naman ni Marydale si Edward John ng ice cream. Magtatawan na lang ang dalawa habang sina Yong at Nica kikiligin sa kanila. Maiinggit si Nica kaya maglalambing kay Yong pero iiwas si Yong. Magtatawanan ulit.


Music continues until fade.


CUT TO:


CHAPTER 11 – QUIZ BEE (NOVEMBER 24, 2013)


19. INT. AUDITORIUM - DAY


Establishing shots of different participants in the competition then will focus on Marydale and Edward. Halatang kabado at balisa si Marydale.


EDWARD JOHN: (Titignan si Marydale, hahawakan ang kamay) Relax, we can do this, okay? (hihigpitan ang hawak, smiles). Mananalo tayo Barber-Entrata tandem yata to! (yabang face sabay kindat)


Mapapangiti si Marydale, hihigpitan din ang hawak sa kamay, ngingiti. Titingin sa audience, andun sina Nica, Yong at Mommy Cathy. Ichicheer ang dalawa. Hihinga ng malalim si Marydale at ngingiti. Magsisimula na ang competition, unang part, pair sila na sasagot, maganda ang results. School nila ang leading, magaadvance sa next round. Second round, each pair will take turns to answer, so far so good. Crowd cheering. They are still first in ranking. Third and final round, same pa din, each pair will take turns in answering. Tie ang round na eto, both schools got 2 points, last question at si Marydale na ang sasagot. Halatang mas kabado na si Marydale.


QUIZ MASTER: For the final question, who is the founder of modern nursing also known as “The Lady with the Lamp” and what is the exact date of her birthday? Go.


EDWARD JOHN (VO): You know that May, c’mon. Wag kang kabahan.


Magsusulat na si Marydale at ang kalaban nya. Halos sabay na nagtaas ng kamay ang dalawa, sign na tapos na silang sumagot.


QUIZ MASTER: Okay, malalaman na po natin kung sino ang magiging Champion for this year’s quiz bee. Will it be our 3-peat defending Champion (MES University) or maaagaw kaya sa kanila ng PBB University ang title na QUIZ BEE CHAMP? Wag na nating patagalin, let’s check their answers! Raise your answers please. (titignan ang sagot) Okay, both answered Florence Nightingale, May 12, 1820. Pero teka, mukhang meron na tayong panalo. Kinulang lang ng letter E’ sa Florence ang sagot ng isa.


MARYDALE (VO): (Mamumutla) Lord, wag naman po ulit! (mukhang panghihinaan ng loob)


QUIZ MASTER: I’m sorry PBB University, you know the rules. Wrong spelling is wrong. That means, MES University is still our defending Champion. Congrats!


Mapapabuntong hininga si Marydale, parang manghihina, babalik ang kulay sa mukha, mapapayakap sa tuwa si Edward John. Crowd cheering.


NICA: (sisigaw) Beshy ko yan!! Whoo!!


Aawardan ang dalawa. Icocongratulate ng lahat, magpipicture.


CUT TO:


20. EXT. PARKING LOT


Pupunta na sila sa parking lot, super init.


YONG: Congrats! (kakamayan si Marydale) Congrats! (kakamayan si Edward John) ang galing talaga ng mga lodi ko. Ibang klase! MagpapaMcFreeze na yan! Tamang-tama ang init oh!


NICA: Congrats mga beshy! Manang mana talaga kayo sakin. (clap clap clap)


Magtatawanan lang habang naglalakad, pagdating sa may sasakyan.


MARYDALE: Uyyy hala (ituturo ang dugo sa ilong ni Edward John) Okay ka lang?


EDWARD JOHN: Ha? (hahawakan ang ilong, makikita ang dugo sa kamay, titingala) Okay lang ako, dahil lang sa init to (titingin sa Mommy nya, aabutan ng tissue at pupunasan ang ilong). Okay lang ako.


MARYDALE: (mag-aalala) Sigurado ka ba?


EDWARD JOHN: Oo naman, ako pa? Strong yata to (papakita ang muscles) Teka, may kukunin lang ako sa trunk ah. Wait lang.


Kukunin ni Edward John ang bulaklak (24 pcs of white roses) sa may trunk. Habang deretso sa kwentuhan sila Marydale. Pupunta si Edward John sa harapan ni Marydale at luluhod hawak-hawak ang bulaklak.


EDWARD JOHN: Marydale Entrata, nung nakita kita, napangiti mo na ako. Nung lumapit ka sinabi mo na gusto mo rin ako. At ngayon gusto kong sabihin sayo ang nararamdaman kong ito. Na ikaw ang nilalaman ng aking puso. Gusto na gusto kita. Oh My May ko, mahal na mahal kita, pwede na ba kitang maging prinsesa? (iaabot ang bulaklak)


Mamumula si Marydale, di alam ang gagawin, magugulat sa ginawa ni Edward John. Kinikilig naman sa gilid sina Nica at Yong habang nakangiti lang si Mommy Cathy.


MARYDALE: Ha? (mabubulol sa pagsagot) O-Oo naman! (kikiligin na mahihiya, kukunin ang bulaklak at itatakip sa mukha)


Tatayo na si Edward John at yayakapin si Marydale.


EDWARD JOHN: (sisigaw) YES! WHOOO! Eto ang totoong champion! Wuhooo! (yayakapin ulit si Marydale tapos titignan ito, hahawakan ang magkabilang pisngi) Thank you. Thank you! Thank you! (nakatingin lang kay Marydale, halos maluha-luha) Thank you talaga Lord! (titingala) Whooo! (yayakap ulit ng mahigpit)


YONG: (mapapailing pero nakangiti) Ang pagmamahal nga naman, walang pinipiling oras kahit tanghaling tapat! Sige, sing-init ng pag-iibigan nyo ang init ng panahong ito! Hug pa more!!!


Magtatawanan na lang ang lahat, sasakay na sa kotse!


NICA and YONG (voice on screen): Double celebration! McFreeze! McFreeze! McFreeze!


EDWARD JOHN (voice on screen): THANK YOU LORD!! GIRLFRIEND KO NA SI MARYDALE! WHOOOO!!! (sisigaw)


MARYDALE (voice on screen): Huuuy nakakahiya! (kinikilig na voice) :)


Zoom out, maririnig pa rin ang tawanan. Fade.


CUT TO:


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
03 March 2018