Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




If Only

Image Description   |   11 January 2018


A story of LIFE, FRIENDSHIP and LOVE. Of WHAT IF and WHAT COULD HAVE BEEN.

Chapter 3 continuation...

MARYDALE: Ahhhhh hehe, yun lang ba? (facial expression ng napahiya, mapapakamot na lang sa ulo at kukunin yung phone) Thank you! Pero sorrrry talaga kanina ah. Di ko talaga sinasadya. Pasensya ka na talaga! (habang pinipiga-piga ko ang laylayan ng damit) Ang bilis talaga ng karma noh, digital! (pabiro, matatawa)


Nakatingin lang si Edward John sa kanya. Tititigan ito, unti-unting maghuhubad ng jacket.


MARYDALE (VO): (nakatingin lang din kay Edward John) Juskooolord, mas lalo pa yatang nabadtrip sa sinabi ko, mapapa-away pa yata ako nito ah. Nica asan ka na ba?? (gagala ang tingin sa paligid looking for Nica na mag-to-the-rescue)


Lumapit pa lalo si Edward John, itinaas ang kamay. Mapapapikit si Marydale.


EDWARD JOHN: (bubulong sa tenga ni Marydale) Be careful next time. (sabay lagay ng jacket sa balikat ni Marydale)


MARYDALE (VO): Bakit ganito? Parang may kuryente na dumadaloy sa katawan ko? Ramdam na ramdam ko yung mainit na hangin galing sa bibig nya. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa batok. (mas lalong mapapapikit) Sobrang lambing ng boses nya. Parang umurong yung dila ko, di ako makapagsalita, di ako makagalaw. Instead na magalit sya at gantihan ako, binigay pa nya sa akin yung jacket nya. Ano bang klaseng nilalang to? (Mapapadilit ang isang mata na parang sisilip, mapapansin na naglalakad na palabas ng campus si Edward John kaya ididilat na din ang isa pang mata). Umalis na naman sya? (magtataka). Hindi kaya anghel talaga sya na bumaba sa lupa? (nakatulala lang)


NICA: Wait! Wait! Wait! What is the meaning of this????? HOY MARYDALE ENTRATA, pakiexplain nga ng kaganapang ito? Tinamaan ka na noh? Nagpatihulog ka pa talaga dyan sa fountain para lang mabigyan ng jacket ni Mr. Spaghetti??! Ano to, desperate moves call for desperate measures? Aba! Malala!May klase ka pa diba? So pano ka ngayon?Papasok kang basa?


Patuloy ang pagsesermon ni Nica. Nakita pala nya ang lahat. Nakatulala pa din si Marydale, iniyakap nya ang jacket sa katawan nya habang tumutulo pa din ang tubig sa laylayan ng damit nya, halos wala na syang naintidihan sa mga sinasabi ni Nica.


MARYDALE (VO): Basta ang alam ko lang, iba si Mr. Spaghetti! Iba si Edward John Barber! Iba sya!


CUT TO:


CHAPTER 4 – ONE WEEK AFTER


7. INT. CANTEEN – DAY


Establishing a shot from inside the canteen, di karamihan ang tao, madami pang bakanteng upuan. Nakaupo na si Marydale while si Nica umoorder pa.


MARYDALE: Haaaaaay (magbubuntong hininga habang nakahalumbaba, nakapatong yung jacket ni Edward John sa lap nya, talking to self), asan na kaya yun? One week???!! Di man lang nagpakita, konti na lang maniniwala na talaga ako na hindi sya tao eh.


NICA: Huuuuy! (gugulatin si Marydale habang uupo sa harapan nya, may dalang tray ng pagkain, isang bowl ng sinigang at 2 cups of rice) Tulala ka na naman dyan! Ano? Si Mr. Spaghetti pa rin?Kumain ka na nga lang, tignan mo oh after ng skin mo bones na kagad. Mukha ka ng cast sa walking dead! Eto oh share tayo. Kakain na yan (kunwaring susubuan si Marydale)


MARYDALE: Yuck! Baba mo nga yan, baka isipin nila jowa kita noh? (iiwas sa pagsubo)


NICA: Ayyyy grabe syaaaa oh… FYI with the capital FYI, ako ang dapat magsabi ng yuck noh? Mas maganda kaya ako sayo, plus kung naging lalaki man ako di ko bet ang patpating kagaya mo (isusubo na lang nya yung pagkain). Tigilan mo na kasi yang kakaisip sa Mr. Spaghetti na yan, isipin mo nalang pabirthday na nya sayo yang jacket nya. Isn’t that sweet? (sabay subo ulit) Ang sherep ng shinigang nila ah, inferness (talking while mouth is full)


MARYDALE: Hindi mo kasi naiintindihan eh, iba sya. (aakapin yung jacket at mukhang magdeday dream, ngingiti)


NICA: Iba sya? Iba sya kasi hindi sya nagagalit? Malay mo long lang talaga ang patience nya. Alam mo, gutom lang yan. Nagdadrugs ka ba??


MARYDALE: Huh? Bakit naman?


NICA: High na high ka eh! Konti na lang din ipapatokhang na kita kay Chief Stone.


MARYDALE: Chief Stone?


NICA: Yung PNP Chief ni President Duterte! Whooo! Kumain ka na nga lang Nica.


MARYDALE: Ha-ha-ha (fake laugh), Phunny!!! Ewan ko sayo!!!


Iikutin ng tingin ang canteen at may mapapansin syang lalaki na nakatalikod malapit sa may drinking fountain, yung lugar kung saan nya natapunan ng spaghetti si Edward John.


MARYDALE: Oh-----my----God!!!! (manlalaki ang mata at pipigilan ang pagsubo ni Nica sa kinakain nya) Nicaaaaaaa!!!! (aalug-alugin ang kamay) Si Mr. Spaghetti! Andito sya!!! (gigil na may excitement)


NICA: (itutuloy ang naudlot na pagsubo, magsasalita) Ha?? Asan?? (titingin din sa paligid)


MARYDALE: Andun sa may drinking fountain (balisa na, excited)


NICA: Parang hindi naman sya yan, kakaisip mo, lahat na lang ng lalaki na nakikita mo eh kamukha ni Mr. Spaghetti. Magtigil ka nga!


MARYDALE: Hindi, hindi ako pwedeng magkamali, sigurado akong sya yun (tatayo at pupuntahan si Edward John, deretso lang ang tingin, parang walang ibang nakikita kundi si Edward John lang)


NICA: (iinom ng tubig) Uyyy, san ka pupunta??? (titignan lang si Marydale habang palapit kay Edward John) Halaaa, nabuang na talaga! (iiling, itutuloy ang pagkain).


MARYDALE: Andito sya… Andito sya… (kakausapin ang sarili habang palapit kay sa lalaking nakatalikod, hawak-hawak ang jacket, kinakabahan)


Nung malapit na sya sa lalaki, biglang magdadatingan na ang tao sa canteen kasi breaktime na ng karamihan. Masasagi si Marydale, maaout of balance na naman at mapapasubsob sa likod ng lalaking malapit sa may drinking fountain. Dahil sa nangyari, mapapasubsob din ang lalaki sa kinakain nyang ice cream.


MARYDALE: Ayyy, sorry! (tatayo)


GIRLS: Naku, Miss pasensya na. Okay ka lang? (sabay alis na din)


MARYDALE: Okay lang (aayusin ang sarili)


Titignan ng lalaki si Marydale, mukhang Santa Claus kasi puno ng ice cream ang mukha.


MARYDALE: (nakatungo at unti-unting tutunghay para tignan ang lalaki) Oh no!!!! Not again! (mapapangiwi) Strike 2 Marydale! 1 more and you’re out!!!


Si Edward John nga ang lalaking malapit sa drinking fountain. Pupunasan na lang ni Edward John ang mukha habang nakatingin pa din kay Marydale.


MARYDALE: Alam ko pangalawa na toh, pero wait! Dyan ka lang, wag kang aalis. (dali-daling aalis)


Pagkatapos magpunas ni Edward John ng mukha ay aalis na ito. Pagbalik ni Marydale.


MARYDALE: Huh?? Asan na naman yun?? (lilibutin ng tingin ang buong canteen habang may bitbit na bagong biling ice cream) Sabi ko wag aalis eh. Haaaay (titingin sa ice cream na hawak nya) anong gagawin ko dito? (mapapatingin din sa relo nya at marerealize na late na sya sa class) Ayyy, halaaa.. late na ko!!!! (sisigaw) Nica!! Mauna na ko ah! (sabay alis, magmamadali, bitbit pa din ang jacket at ice cream)


CUT TO:


CHAPTER 5 – SAME DAY


8. INT. CLASSROOM


Papasok sa room, bitbit ang ice cream at jacket. Nagsisimula na ang exam. Makikita ni Marydale na andun na si Edward John at seryoso ng nagsasagot, bakante ang upuan sa tabi ni Edward John kaya dun sya uupo, nasa likuran naman nito si Yong.


MS. MENDOZA: You’re late Ms. Entrata (pabulong sabay bigay ng test paper)


MARYDALE: Sorry po Ma’am, pasensya na po (nakatungo, kukunin ang test paper, uupo, ilalagay sa lap ang jacket at ipapatong sa sahig ang cup ng ice cream)


MS. MENDOZA: You only have 20 minutes to finish the test, we will not extend for you.


MARYDALE: Okay po ma’am, pasensya na po talaga. (magsasagot na)


20 minutes after


MS. MENDOZA: Okay class, exchange papers and we will start checking.


Magpapalit ng papel si Marydale at Edward John.


MARYDALE: Psssst! Bakit ka umalis kanina? (bubulong kay Edward John habang patuloy sa pagchecheck ng papel)


Titignan lang ni Edward John si Marydale.


MS. MENDOZA: Yes, Ms. Entrata, is there anything you want to share to the class.


MARYDALE: Ayyy, kwan! Wala po ma’am, hehe. Ang galing lang po kasi ni Edward John, wala pang mali. Yun po.


MS. MENDOZA: Okay, for the last number, who is the founder of modern nursing and also known as “The Lady with the Lamp”? Yes, Ms. Bernardo?


STUDENT 1: Florence Nightingale po Ma’am.


MS. MENDOZA: Very good, okay count the number of correct answers! As soon as I mention the scores, submit to me the papers having the said scores okay? Let’s start with 30 to 25!


Sabay na tatayo sina Marydale at Edward John, iaabot ang papers nila at babalik na sa upuan. Sila lang ang nakakuha ng mataas na scores.


MS. MENDOZA: Congrats Edward John. Perfect score!


MARYDALE: Huh? May mali po ako? Saan po ako nagkamali Ma’am? Nasagutan ko naman po ng tama lahat (titingin kay Edward John).


MS. MENDOZA: (ichecheck ang paper ni Marydale) There, you forgot the “E” in Florence. So close! Okay the rest, pass your papers in front! Next meeting, we will have a group activity. You will present the different theories of nursing. Will just send the details to your email.


MARYDALE: (bubulong sa sarili) Ahhh, kainis!! Kahit kelan talaga ang careless mo! ‘E’ lang nakalimutan mo pa. Sayang din yung 1 point.


YONG: Uy! Okay lang yun (magsasalita sa likod ni Marydale), buti ka nga ‘E’ lang nakalimutan mo. Eh ako 15 questions, nakalimutan ko. Haha.


MARYDALE: Ha? (mapapalingon kay Yong) Ibig mong sabihin 15 ka lang?


YONG: Uyyy, wag mong nilalang-lang yun ah. Pinaghirapan ko kaya yun. Pero congrats sa inyo ni Edward John ah, ang galing nyo! Mga idol!


MARYDALE: Kungsabagay (ngingiti). Marydale nga pala, Yong noh?


YONG: Yes, Yong for short, Cornillo for long. Wat eber you want to call me, I’ll be there! Tsak! (sabay kindat at turo kay Marydale)


Makikita ni Marydale na palabas na ng classroom si Edward John.


MARYDALE: Sige Yong, mauna na ko sayo ah. (magmamadaling aayusin ang gamit, kukunin ang jacket sa lap at ice cream cup sa sahig).


Hahabulin ni Marydale si Edward John, sasabayan nya itong maglakad sa hallway.


9. EXT. HALLWAY


Maraming students sa hallway, yung iba nakatambay, yung iba naglalakad on opposite directions.


MARYDALE: Uyy, congrats ah! (sisikuhin) Lupet mo talaga! (titignan si Edward John). Perfect oh! Wala ka na bang ibang ginawa kundi mag-aral? Sya nga pala bakit di kita nakita last week? Kala ko di ka na babalik eh (feeling close).


Titignan lang ulit sya ni Edward John, deretso pa din sa paglalakad.


MARYDALE: Hmm, pasensya na ang daldal ko. (mapapansin ang hawak na ice cream) Ayyy, ito nga pala oh. Peace offering ko (itataas ang ice cream at ipapakita kay Edward John), dahil dun sa nangyari kanina. (pagtingin sa ice cream tunaw na) Kasoooo, natunaw na. Hehe. Di bale, ibibili nalang ulit kita ng bago. Pasensya na ulit ah.


Deretso pa din sa paglalakad si Edward John, hindi pa din papansinin si Marydale kaya maglelevel up na si Marydale. Haharang na ito sa dinadaanan ni Edward John.


MARYDALE: Sorry na talaga, pansinin mo na ko oh (nakatungo). Thank you nga pala dito (iaabot yung jacket, nakatungo pa din).


Matitigilan sa paglalakad si Edward John, may 10 seconds din na nakataas ng kamay si Marydale. Kukunin ni Edward John ang jacket, pati na din yung ice cream. Maglalakad na palayo. Magugulat si Maymay. Titignan lang nya ito.


MARYDALE: (sisigaw) Sorry talaga! Congrats… Thank you ulit (mahinang bulong sa sarili pero mapapangiti)


Other shot will show Edward John walking, bitbit ang jacket at kakainin ang ice cream kahit tunaw na, mapapangiti. <3 Babalik ang shot kay Marydale, still smiling.


YONG: (biglang kakanta sa tabi ni Marydale) Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. (ngingiti na may pang-aasar with dance moves)


MARYDALE: Ayyy bushaaak! (magugulat)


YONG: Gusto mo sya noh? (smiling) Sha-ram-da-ram-sham-da-ram (kakanta with dance moves)


MARYDALE: Hindi ah! (in denial) Nagpathank you lang! (mapapangiti)


Zoom out showing that Yong is still teasing Marydale, magtatawanan, sabay na maglalakad sa hallway.


CUT TO:


CHAPTER 6 – DAY


10. EXT. FOUNTAIN PART OF SCHOOL NEAR ENTRANCE


Establishing a shot from the fountain near the entrance, zoom out, aerial shot then focusing on Marydale and Nica. The sun is up, students come and go, another busy day! P.E ang first subject nila Nica and Marydale kaya nakaP.E. uniform na din sila.


NICA: Teka nga teh, ano bang ginagawa natin dito? Saka bakit ang aga-aga nating pumasok? Anong meron? (on full make-up, yung handbag nakasabit sa may forearm nya, nagpapapaypay using her feathery fan)


MARYDALE: Basta! Umupo ka nalang dyan, samahan mo lang ako dito, okay? Magtingin tingin ka na lang din ng papabols sa paligid.


NICA: Hay naku MARYDALE ENTRATA, sinasabi ko sayo… Sayang ang 4,500 per month na binabayaran ko sa gluta ah tapos ibibilad mo lang ako dito under the sun. Kung alam ko lang na magsusun bathing tayo, dinala ko sana ang 2-piece ko! (ilalabas ang payong sa bag, madadali ang ulo ni Marydale)


MARYDALE: Araaaaay!!! (hahawiin ang payong, nakaabang pa din sa entrance)


NICA: Ayyy sorry naman! (may makikitang isang gwapong dumaan na kaklase nya)


STUDENT 2: Hi Nica, ang fresh mo ngayon ah! See you later! (papogi)


NICA: Ayy, hi Tristan! Ekew nemen (pabebe hawi ng hair), di naman masyado. Sige see you later! (all smiles)


MARYDALE: Ang landiiii teh, ang aga-aga ah! (parang nandidiring tingin kay Nica pero babalik ulit ang tingin sa entrance)


NICA: Inggit ka lang! Mag-ayos ka kasi, para nasasabihan ka din ng fresh! Konting make-up, ganoin! Medyo nag-eenjoy na ko sa ginagawa natin, parang masarap araw-arawin to ah! Hihi. (habang nginingitian ang bawat gwapong makikita nya)


Makikita ni Marydale si Yong.


MARYDALE: Uyyy Yong, ang aga mo ah. Teka, bakit hindi ka pa nakaP.E. uniform?


YONG: Yun na nga, ngayon lang kasi ako nagkapera eh kaya ngayon pa lang ako bibili ng P.E. uniform. Eh ikaw? Bakit ang aga mo? Inaabangan mo si Edward John noh???? (tutuksuhin si Marydale)


MARYDALE: Uyyyy (mukhang Maymay pag-guilty, nguso with big eyes at lumalaki butas ng ilong) hindi ah. Ayoko lang malate!


NICA: (mapapansin si Yong, malalove at first sight) Ehem, beke nemen…


MARYDALE: Ayyy, oo nga pala… Yong si…


NICA: (interrupts) Nica (iaabot ang kamay na super pagirl) Your future wife. Ehe. (pacute)


MARYDALE: Hala sya! Huy! Ano hong kalandian ito? Pasensya ka na Yong ah. May pagkabaliw talaga tong bestfriend ko eh.


YONG: (aabutin ang kamay ni Nica) Yong! You can call me Cornillo if you want. O sya sige, mauna na ako ah, bibili pa ako ng uniform eh.


NICA: Shege, naysh meeting you Yong! (heart eyes while still holding Yong’s hand)


YONG: (nakatingin kay Nica, ngunguso)


NICA: (ngunguso din) Kiss? Teke leng nemen (pabebe voice) Hindi pa ako ready.


YONG: (ngunguso pa din) Yung kamay ko (hihilahin ang kamay nya palayo).


NICA: Ayyyy, sheri… Sige, see you around Yong!


MARYDALE: Sige na Yong, umalis ka na. Baka malate ka pa! Kita kits


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE