Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




If Only

Image Description   |   12 January 2018


A story of LIFE, FRIENDSHIP and LOVE. Of WHAT IF and WHAT COULD HAVE BEEN.

Continuation of Chapter 6...

MARYDALE: Sige na Yong, umalis ka na. Baka malate ka pa! Kita kits sa gym! (sabay tulak kay Yong paalis para matigil na si Nica). Bye!


NICA: (nakatutulala lang, watching Yong from afar, heart eyes pa din) May spark girl!!!


MARYDALE: Huuuy!!!! Anong feeling mo si Malia ka at sya Tristan? Spark spark! Spark-in (sapakin) kita dyan eh! Ang landi nyo ho!


Dahil sa pagmomoment ni Nica, di mamapansin ni Marydale na dumating na si Edward John. Makikita na lang nya eto, nakalagpas na sa kanila.


MARYDALE: Edward John! Sandaleeee! (sisigaw sabay tayo) Tignan mo, dahil sa kalandian mo nakalagpas tuloy (hihilahin si Nica at susundan si Edward John, tatakbo papunta sa direction nito). Uyyy! (sisikuhin si Edward John) Good morning! (smiles)


EDWARD JOHN: (lilingunin konti si Marydale pero deretso pa din sa paglalakad) Good morning!


MARYDALE: Mhuh???!! (matitigilan) Sumagot??! (magugulat na maaamaze) Perstaym yun ah! (happy, hahabol ulit kay Edward John, nakahawak ang dalawang kamay sa strap ng backpack) Pupunta ka na sa gym? Sabay na tayo ah!


Maglalakad na sila papunta sa gym para sa P.E. class, zoom out aerial shot showing the 3 of them walking.


CUT TO:


11. INT. GYM – P.E CLASS (BASKETBALL GAME)


Nakaready na ang lahat ng students, andun na din yung P.E teacher nila. Indoor gym sya, covered court. Magkalaban ang section nila Marydale at nila Nica. Pareho lang kasi sila ng prof, sabay ang schedule kaya ganun ang naging sistema kahit magkaiba ng college. Tapos ng igroup nung prof yung section nila Nica kaya dun na sya sa section nila Marydale.


P.E TEACHER:Okay, B.S. Nursing, yun mga tatawagin ko sila yung first 5 okay, the rest manood muna and magprepare sa pagsub. Yung iba, magcheer kayo pero siguraduhin nyo na tinitignan nyo yung basic moves sa basketball. Magtatanong ako from time to time kaya be observant, understood?


STUDENTS: Yes Sir! (answer in unison)


P.E. TEACHER: Edward John, Cornillo, Marco, Christian and Daniel, kayo ang unang papasok! Magagaling ang mga makakalaban nyo kaya galingan nyo. Don’t forget the rules in basketball. Okay, game!


MARYDALE: Go Edward John! Whoooo!


Mapapalingon ang classmates nila kasi nangingibabaw talaga ang boses nya. Magtitinginan ang iba nilang classmates kasi si Edward John lang ang chinicheer ni Mardyale. Mapapansin ito ni Marydale.


MARYDALE: And the rest of the team!!! Gooo! Whooo! Kaya nyo yan! Ehe! (ehe smile sa classmates) Whoooo! (patuloy sa pagcheer)


NICA: Go Yong my loves!!!! Para syang pinaliit na Zanjoe Marudo na hinaluan ni Iñigo Pascual. (mukhang nag-iilusyon)


CLASSMATE NI NICA: Uyy, Nica!!! Pinapaalala ko lang ah, journalism ang team natin hindi nursing! Parang konti nalang may magshishift na dito ah. (bulong sa ibang kaklaseng babae)


NICA: Wag ka ngang ano dyan! Konting cheer lang naman eh! Hmph! Bitter! Palibhasa walang lovelife! (irap sabay papaypay ng kanyang feathery fan)


Tapos na ang game, nanalo ang nursing! Tuwang-tuwa at proud na proud ang buong section kina Edward John, Marco, Yong, Christian at Daniel. Kanya-kanyang congratulate.


MARYDALE: (lalapitan si Edward John habang nagliligpit ng gamit) Ang galing mo palang magbasketball (amazed). Kitang-kita ko yung mga jump shot mo tapos yung mga rebound (with actions ang pagkukwento, magsisimula na din maglakad si Edward John papunta sa boys locker room para magpalit habang si Marydale deretso pa din sa pagkukwento with feelings, sasabayan si Edward John sa paglalakad). Tapos kung paano mo nasupalpalan yung kalaban kanina, yun oh! Behm! Sobrang galing talaga! Parang professional, diba Nica??


Mapapansin ni Nica na nasa loob na ng boys locker room si Marydale ng di nito namamalayan kaya pandidilitan ito ni Nica pero di magegets ni Marydale ang gusto nyang sabihin. May ibang lalaki ng walang suot pantaas at yung iba naman eh nakatapis lang ng towel sa bewang. Deretso pa din sa pagkwento si Marydale.


MARYDALE: Grabe diba? Pero eto ang pinakamalupit nung last 5 seconds na lang oh, binigay sayo yung bola, tapos… YEAH BARBER 3 POINTS!!! WHOOO!! (with feelings tapos marerealize ni Marydale kung nasaan sya, nakatingin sa kanya lahat ng boys sa locker room, mamumula ito at hindi makakagalaw)


P.E. TEACHER: Oh Marydale, masyado ka naman yatang nadala sa performance ni Edward John, umabot ka pa talaga dito. (matatawa)


Magtatawanan ang boys. Lalapitan ni Edward John si Marydale, hahawakan sa braso, hihilahin palabas at ipapakita ang signange. Lalo itong mamumla sa sobrang kahihiyan. Iiwan na nito si Marydale sa labas at papasok na ulit sa locker room.


MARYDALE: A-a-ahmmm, wala naman po akong nakita (sisigaw sa may pintuan). Nakakahiya ka talaga!!! (bubulong sa sarili, pupukpukin ang ulo)


CUT TO:


CHAPTER 7 – ONE WEEK AFTER


12. EXT. HALLWAY


Mag-ka-kasabay sa pagpasok sina Marydale, Edward John, Yong at Nica. Nasa iisang building lang kasi ang class nilang apat. Magpapaalam na din si Marydale kay Nica at si Nica kay Yong. Nauna na naman si Edward John umakyat papunta sa room.


MARYDALE: Kita na lang ulit tayo dito after class ah. Text text nalang. (beso kay Nica).


     NICA: Okay, sige. See you later My loves. (nakatingin kay Yong)


Hahabulin nila Yong at Marydale si Edward John.


YONG: Uyyy, bakit di mo kami hinintay? Saka, hindi ka ba napapanisan ng laway, di ka nagsasalita?


Deadma lang si Edward John. Magkakatinginan sina Marydale at Yong. Papasok na silang tatlo sa room.


13. INT. BIOLOGY LAB


BIOLOGY TEACHER: Good afternoon class. Today we will have a pair activity. Look for a partner and sit together before I’ll discuss the instructions.


Nagkanya-kanyang pairing na ang magkakaklase, yung mga pupuntahan ni Marydale may nakauna ng pumili, mapapansin ni Sir Dismundo na wala pang partner si Edward John.


SIR DISMUNDO: Mr. Barber, who’s your partner? Pumipili na sila oh.


     EDWARD JOHN: Ms. Entrata Sir!


Mapapalingon si Marydale nung narinig ang pangalan nya. Magugulat na sya ang pinili ni Edward John.


YONG: Yown! Nagsalita din! Ms. Entrata lang pala ang gustong sabihin eh. May nanalo mga bes!!!


MARYDALE: Sira ka talaga! (sisikuhin si Yong)


SIR DISMUNDO: Okay, Ms. Entrata, sit beside Mr. Barber para makapagsimula na tayo.In front of you are empty slides and a microscope. Who among you here already know their blood types?


Some students will raise their hands.


SIR DISMUNDO: Bakit ko tinanong yun? Coz our activity for today has something to do with your blood types. Okay let’s start.


Uupo na si Marydale sa tabi ni Edward John.


MARYDALE: Ako??? Ako talaga??? Bakit ako??? (tatanungin si Edward John, magtataka, ituturo ang sarili)


EDWARD JOHN: (titignan si Marydale) Ayaw mo?


MARYDALE: Hindi!! Gustong gusto ko nga eh! Este nagulat lang ako, okay sige start na tayo. (mamumula)


EDWARD JOHN: Alam mo na ba kung ano ang Type mo?


MARYDALE: (nakatitig lang kay Edward John, natutulala) OO, IKAAAAWWW. Ikaw ang type ko.(heart eyes)


EDWARD JOHN: (magugulat sa sagot ni Marydale) Ha?


MARYDALE: (matatauhan) Ha? Ahhh anooo... Type O, Type O ang sabi ko.. yun Type O! Type O yata ang type ko! Ehe!


Mapapailing nalang si Edward John, mag-aayos ng gamit pero mapapangiti ng konting-konti. Nagsimula na ang activity, (no dialogue, with background music) hindi pa rin makapaniwala si Marydale kaya dadaldal na naman sya ng dadaldal para mawala yung awkwardness pero as usual tahimik lang si Edward John at seryoso sa ginagawa. May time na mapapatitig na lang si Marydale habang nagkatingin sa microscope si Edward John. They will present their output, si Marydale ang magpepresent.


SIR DISMUNDO: Good Job Marydale! Mukhang maganda ang tandem nyo ni Edward John ah. Keep it up! Okay class, that’s all for today. See you next meeting.


EDWARD JOHN: You did great! (bubulong kay Marydale, kukunin ang gamit at lalabas na ng classroom).


Mapapangiti si Marydale, hindi matatago ang kilig. Titignan lang si Edward John na palabas ng classroom.


YONG: You did great! (bubulong din kay Marydale) Naks!!! Narinig ko yun! (mang-aasar, kikiligin) Pasimple din tong si Edward John eh, pero matinik! PETMALU NA LODI!


MARYDALE: Tigilan mo nga ako (hahampasin si Yong pero nakatingin pa din sa may pintuan, nakangiti)


CUT TO:


CHAPTER 8 – END OF 1st SEMESTER


14. EXT. BULLETIN AREA


Establishing a shot of the hallway, maraming students. Tapos na ang final exams and maglalabas na din ng Dean’s List. Titignan ni Marydale at Nica ang Dean’s List and List of Scholars for next sem both Academic and Non-Academic.


NICA: Ehem! Pakibasa nga ulit (magyayabang kay Marydale) Top lang naman sa buong college namin! (sabay paypay using her feathery fan) ay teka, meron pa pala oh, full academic scholar din!


MARYDALE: Ang yabaaaang talaga!!! Edi ikaw na ang matalino! Sandali, titignan ko rin yung sa amin. (hahanapin ang pangalan nya, makikita na pangalawa lang sya at si Edward John ang top) Ayy (medyo sad) Top 2 lang? Di bale babawi na lang ako next time. Pero ang galing talaga ni Edward John noh? (sasabihin kay Nica habang nakatingin pa din sa bulletin) Halika na nga (smiles, makikita si Edward John na palayo na sa may bulletin) Uyyy, Edward John!!! (sisigaw, lalapitan ito) Congrats ah! Top! (sisikuhin)


YONG: Uyyy, congrats sa inyo ah! Iba talaga ang Barber-Entrata tandem oh, top 1 and top 2 bai!!! (ihuhug ang dalawa ng sabay kaya magdidikit sila Marydale at Edward John)


Aalis sa pagkakayakap si Marydale.


MARYDALE: Tsamba lang yun Yong, congrats din ah. Pasok ka pa rin sa scholar. (tatapikin ang balikat, smiles)


NICA: Oo nga My loves, congrats! (akmang yayakap din kay Yong)


YONG: Op, op! (popormang kunwaring susuntukin ni Yong si Nica) okay na yung congrats, okay??


     NICA: Ito naman, hmph! Sige na nga. (magtatawanan)


Makikita ng Dean sina Marydale at Edward John.


DEAN: Oh, Ms. Entrata, Mr. Barber, good to see you here. Tamang tama gusto ko kayong makausap dalawa. By the way, congratulations to the both of you for doing a great job this first semester. (itatap ang shoulders ng dalawa)


MARYDALE: Naku thank you po Dean (medyo mahihiya) eto po talagang si Edward John ang magaling. Diba? (sisikuhin ulit si Edward John, ngingiti)


DEAN: Kaya ko pala kayo hinahanap kasi kayong dalawa ang napili namin na magrepresent sa school at sa college natin sa darating na inter-school quiz bee competition next sem. Alam kong kayang kaya nyo yun at may tiwala kami sa inyo na tayo ang magchachampion. Ever since nagkaron ng inter-school competition, never pang nakuha sa atin ang title na Champion kaya aasahan namin kayong dalawa, okay? I heard so many comments that you are a good tandem.


MARYDALE: Halaaaa, talaga po?? Naku sige po, gagalingan po namin Dean. (magbobow, hahawakan ang kamay ni Dean) Maraming maraming salamat po sa tiwala.


EDWARD JOHN: Thank you Dean for the trust.


DEAN: So pano, mauna na ako ah. Make sure na magreview kayo ng mabuti this coming semestral break. Malaki ang tiwala ko sa inyong dalawa. (tatalikod na pero haharap ulit) By the way, you two also look good together (smiles)


Mamumula si Marydale.


NICA: Ay bet ko si Dean. Medyo pusher din! Hihi. Oh, narinig nyo yun, bagay daw kayong dalawa, este magreview daw kayo this coming semestral break. Ibig sabihin nun, palagi kayong magsasama, diba My loves?


YONG: (aakbayan sina Marydale at Edward John) Korek! At sasama din kami kasi kami ang magbabantay kung nagrereview talaga kayo. (sesenyasan si Nica, smiles)


NICA: (clap clap clap with kembot kembot) Ang gagaling talaga ng friendships ko. Nakakaproud (kunwaring maiiyak) Group hug nga. (maggugroup hug silang apat, makikisama na lang sa flow sina Marydale at Edward John, magkakatitigan, hindi aalisin ni Edward John ang tingin kay Marydale pero mahihiya si Marydale kaya iiwas ng tingin)


Zoom out, ipapakita yung apat na masaya at magkahug pa din, magkukulitan.


CUT TO:



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE