Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Laban Pa o Suko Na

Image Description LilMisSkrengge   |   08 January 2018


Sometimes giving up doesn’t mean you’re weak. Someone you just have learn to love yourself. Lalaban ka pa ba o Susuko ka na?


Sabi nila kung iibig ka, dapat handa ka sa mga katagang "laban pa" at "suko na"

Dahil ito ang mga katagang magdidikta

Kung itutuloy mo pa ba o ititigil mo na.


Alin na nga ba tayo sa dalawa?


Dahil kung ang paglaban ay kalimutan ang sarili

Hindi ko alam kung tama pa bang laban ang aking pinili

Hindi ko alam kung tama pa bang sumugal

Sa isang bagay na hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal

Ngunit kapag naiisip kita nakakalimutan ko ang mga katagang suko na

Nakakalimutan ko lahat ng sakit at pait

Kaya patuloy akong kumakapit

Sa paniniwalang kahit ako'y pagod na,

Sige lang, laban pa.


Laban pa kahit nasasaktan ka na

Laban pa kahit alam mong ikaw na lang ang umaasa

Laban pa kahit sa huli pwedeng ikaw na lang mag-isa


Laban pa


Laban pa kahit pakiramdam mo, talo ka na.

Dahil sa ating dalawa, simula pa lang sa umpisa

Hinayaan mo na akong lumaban ng mag-isa

Ang saklap diba?


Ang saklap isiping tinanggal ko sa aking bokabolaryo

Ang mga katagang "suko na, pagod na ko"

Dahil hangga't ikaw ang tinitibok ng puso ko

Umaasa pa rin akong isang araw

Maririnig ko ulit sayo ang mga salitang "Mahal ko".


Kaya lang habang tumatagal lalo kang lumalayo

Palayo ng palayo hanggang sa anino mo na lang ang natatanaw ko

Wala na nga yatang pag-asang tawagin ulit tayong "Tayo"

At unti-unti ng lumiliit ang tyansang ikaw at ako ay muling magtatagpo.


Kaya't nagpasya akong sundan ang konting aninong natatanaw ko

At bawiin ka sa tadhanang patuloy kang nilalayo

Wala akong pakialam kung ako'y madapa

O kaya'y mapahiya

Makita ka lang muli, sa akin ay sapat na

Gagawin ko ang lahat mahanap lang kita.


Hindi ko alam kung paano, bahala na

Basta ang alam ko, babawiin kita sa tadhana

Hahanapin kita.


Hahanapin kita 

kahit nasaan ka pa


Hahanapin kita

kahit magmukha akong tanga.


Hahanapin kita.


At nakita na nga kita


Nakita na kita

Lumuluha at nagmamakaawa

Sinabi mong "Mahal kita pero tama na"

"Lumaban naman ako pero hindi ko na kaya"

"Kaya Mahal, tama na."

"Sumuko ka na."


Hindi ko alam kung ano ang mas masakit

Ang patuloy na lumaban kahit puno na ng pait

O marinig ang lahat ng iyong sinambit


Sobrang sakit.


Bakit ka bumitaw na parang wala sayong nakakapit?


Sobrang sakit.


Kaya patawad.

Patawad kung hindi pa pala sapat ang lahat

Patawad kung sayo lang umikot ang mundo ko at naging dahilan ng pagsikip nito

Kaya sa akin ay tuluyan ka ng lumayo


Patawad.


Patawad kung kinalimutan ko ang sarili ko

At nakalimutan mong hanapin ang sarili mo

Kaya heto,

Nawala na ang "Tayo"

At tuluyan ka ng sumuko.


Paano naman ako?


Ang dating "saya" ngayon ay "puot na"

Ang dating "tayong dalawa" ngayon ay "ako na lang mag-isa"

Tunay ngang may hangganan ang tayo

At hindi sapat ang paglaban ko para ituloy ang ating kwento.


Panahon na para mahalin ko naman ang sarili ko

Dahil sa buong laban na ito puro nalang "ikaw' at "sayo"

Nakalimutan ko na meron nga palang "ako".


Panahon na para ang "laban pa" ay maging "suko na"

Na ang "kapit pa" ay maging "bitaw na"

Na ang "mahal kita" ay maging "paalam na"


Kaya Mahal


Salamat


Ngayon


Malaya ka na.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

A Dose of La Luna Sangre

As the saying goes, “An apple a day, makes the doctors away”. But for me, it’s totally different. Because every day, “A dose of La Luna Sangre a day, makes my stress away.”

Image Description
rochellyheart
18 February 2018