Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




242.143

Image Description KyLiiemichy   |   04 January 2018


Don’t look for love, let love find you. That’s why it’s called falling in love, you don’t force yourself to fall, you just do. —A.N

"Hi."

Nag-angat ng paningin si Maymay. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng notes niya nang tumawag pansin nga ang nag-hi sa kanya.

"Po?"

"I'm Archie."

Nilingon muna ni Maymay ang paligid. Siniguradong may mga nakakakita sa kanila nang sandaling 'yon. Ayaw niyang mabalita na lang na patay na siya bukas dahil lang sa may kinausap siyang hindi niya kilala.

"Hey. Relax. Hindi ako masamang tao," he chuckled as he sat down in front of her. Nasa coffee shop kasi sila ngayon at bakante nga ang upuang nasa harapan nila. "My whole name is Archie Carrasco. Magazine publisher slash photographer slash traveler."

"Po?"

Naglabas ng business card ito at binigay 'yon kay Maymay. Tinanggap naman 'yon ng dalaga at binasa. Nakaagaw pansin sa kanya ang Inside Showbiz at MEGA publisher dahil alam niya ang mga magazines na 'yon.

Tumingala siya't nagtatanong ang mga mata. "Para sa'n po 'to?"

"I want you."

Napayakap siya sa sarili bahagyang lumayo na nagpatawa sa lalake. "I mean, as a model."

Nanlaki ang mga mata ni Maymay at itinuro ang sarili. "Ako?"

Tumango ang lalake. "So, what's your name?"

"Ah, Marydale po."

"Marydale. Nice name." Tumunog ang cellphone nito at nang mabasa ang message roon ay bumaling siyang muli kay Maymay. "Call me when you get a chance. Please?" Tumayo ang lalake at naglahad ng kamay sa dalaga. "Nice to meet you, Marydale."

Tumayo ang dalaga at nakipag-shake hands dito. "Maymay na lang po. Nice to meet you rin po."

Ngumiti ang lalake. "I hope to see you soon. Bye."

Windang at hindi makapaniwalang napahawak sa bibig ang dalaga t'saka siya napaupo. "Halla! Ano raw 'yon?"

"Anong ano 'yan?"

Nilingon ni Maymay ang kaibigang si Pat. "Bebe! Sa'n ka ba nagpunta? Alam mo ba? Alam mo ba kung sinong nakausap ko?"

Nanlaki ang mga mata ni Pat. Bigla itong nakaramdam ng kilig nang simulan niyang hulaan kung sino 'yon. "Si Edward?"

Malakas na hinampas ni Maymay sa braso ang kaibigan. "Baliw! Hindi!"

Napangiwi naman si Pat at gano'n kabilis nawala ang kilig niya nang sabihin ng kaibigang hindi si Edward ang nakausap nito. "Kala ko pa man din. . . Eh, sino? Ay teka! Don't tell me. . ." Mas napangiti si Pat nang simulan niyang manghula ulit. "Si crush ko? Si Jay?"

Napanguso na si Maymay at siya naman ang napangiwi. "Kailangan ba talaga about sa lalake?"

Agad na tumango si Pat. "Oo bebe. Kailangan ko ng boyfriend. O kahit 'di na boyfriend, kahit date na lang sa Acquaintance Ball natin."

Umiling na lang si Maymay. "Anyway, ito na nga. Ang pangalan niya, Sir Archie. Kinukuha niya akong model." Iniabot niya ang business card kay Pat. "Sakto bebe. Kailangan ko ng pera para sa finals. Ito na 'yon. Answered prayer from God."

"Bebe, sigurado ka? Pa'no kung isa 'yan sa mga, alam mo na? Ano bang tawag dun? Scammer?"

"'Yan din iniisip ko kanina, pero mukhang busy siya. Ni hindi nga siya tumagal dito para kausapin ako e."

Tinitigan ni Pat ang pangalan ng nasa business card pati na rin ang agency at number nito at mabilis siyang nag-search sa Google. Nang lumabas ang Facebook, Instagram at official site nito ay tumango tango siya. "Parang legit bebe. Pero kapag balak mong pumunta dapat marami kaming kasama mo. As in buong barkada, okay?"

Tumango si Maymay. "Oo naman. Ako pa ba papaloko sa ganyan?" Kinindatan ni Maymay ang kaibigan t'saka sumipsip sa inumin nito. "Bleh! Ano 'yan?"

"Antioxidant drink. May bawang, apple, kiwi, broccoli—"

"Yuck!" Akmang susuka siya pero tinatawanan lang siya ni Pat ngunit agad na natigilan ito nang may makilala na nag-o-order sa counter.

"Oy bebe, si Edward oh," bulong ni Pat sa kaibigan. Si Maymay naman na hindi pa rin naka-move on sa nalasahan niyang inumin kanina ay takip ang bibig habang pasimpleng nilingon ang counter at nakita nga roon ang binata.

"Can I have a white chocolate frappe? With whipped cream and, caramel and mocha drizzle on top," nakangiting order ni Edward sa nagpapa-cute na babae.

"What size sir?"

Napanguso si Maymay nang marinig kung gaano magpa-bebe'ng salita ang babae sa counter.

"What size ser?" Bumubulong pa niyang gaya dahilan para bahagyang marinig 'yon ni Edward na nagpangiti sa binata.

"Tall."

"Got it, sir. Name po?"

"Marydale."

"Ha?" Naguguluhang bulalas ng babae.

"Yes. Put Marydale. Thank you." Kinindatan ni Edward ang babae na muling nagpawindang dito t'saka kinikilig na tumalikod para nga gawin na ang in-order ng binata.

"Dude! You chick magnet flirt!" Bulong ni Marco dahilan para magtawanan silang dalawa.

"Not until I flirt with her." Nilingon ni Edward si Maymay na ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha dahil nga sa ininom kanina. Si Pat naman ay tinatawanan pa rin ang kaibigan habang pinapainom ng tubig.

"Why her?"

"Marco, look at her carefully."

"I am dude. She's not that pretty."

"You think so?"

"I swear. Your taste is kinda—" Umiling si Marco. "You're weird."

"Unique bro. Unique." Pagtatama ni Edward kasabay ng pagtapik niya sa balikat ni Marco.

"White chocolate frappe with whipped cream and caramel mocha drizzle on top for Marydale."

Sinubaybayan lang ni Edward si Maymay na ngayon nga ay nalilitong narinig ang pangalan niya sa counter. Nakipagtitigan pa nga ito kay Pat na nagkibit-balikat lang sa kanya dahil hindi sa kanya galing ang inumin.

"Marydale?"

Akmang patayo na ang dalaga para kunin 'yon kaya naman mabilis na sinabayan ni Edward ito.

"Marydale?" Tanong ng lalake sa counter. Nagpapalit palit ng tingin ang lalake kina Edward at Maymay na ngayon ay nakatingin lang sa isa't isa.

"Sa'yo 'yan? Bakit pangalan ko—"

"But it's not yours," nakangising sagot ng binata kasabay ng pagkuha niya sa inumin.

Napataas na lang ng kilay si Maymay at umiling. Oo, crush niya nga ang binata pero aware rin ang dalaga kung gaano kapilyo, at sobrang loko ng isang Edward John Barber. Palibhasa kasi, heartthrob sa campus nila.

"Wala ka na naman bang magawa?" Walang ganang tanong ni Maymay t'saka siya tumalikod na para bumalik sa kinauupuan.

Sina Marco at Pat naman ay tahimik lang na pinapanood ang dalawa. Si Pat na kinikilig at si Marco na nakangiti lang habang iniinom ang inumin.

"Wait." Hinawakan ni Edward ang braso ni Maymay para pigilan ito pero awtomatikong tinabig 'yon ng dalaga. Hindi niya kayang hinahawakan siya ni Edward dahil nagwawala ang buong puso't kaluluwa niya. Sa kabilang banda, akala ng binata ay ayaw talaga sa kanya ng dalaga dahil nga sa tuwing lalapitan o kakausapin niya ito ay siyang iwas at layo ng dalaga. "Why are you like that whenever I try to talk to you?"

Hinawakan ni Maymay ang ilong na para bang nababahuan. "Don't english me ha! Nosebleed ako!"

Natawa ang binata sa pagbulalas ng dalaga. Kaya gustong gusto niyang ginaganito ang dalaga dahil lagi siyang napapangiti at napapatawa nito. Gaya na lang noong isang araw na malungkot siya at iyon din ang araw na nakilala niya nga ang dalaga.

"Dad! You should've told me!" Halos sigawan ng binata ang ama sa telepono. Sinabi nito na may biglaang flight ito para sa trabaho kaya hindi niya mai-se-celebrate ang birthday nito kasama ang ama. Maka-ilang beses ng nag-sorry ang Daddy niya pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailangang sa araw pa ng birthday niya. Ulit! Every year na lang. Ni wala pang birthday ni Edward na nadaluhan ng ama nito. "Whatever, Dad. Just go. Bye!"

Nang ibaba niya ang cellphone ay hinagis niya 'yon sa may stock ng mga foam. Nasa gym siya ngayon at kasalukuyang nasa basketball training. Wala siyang magawa kung hindi ang magmukmok. Nag-tago siya sa likod ng bench at pinagsususuntok ang pader doon.

"Uy! Uy! Tama na 'yan!" Boses ng isang babae na ngayon nga ay hawak na ang braso niya. Nang lingunin niya ito ay malakas niyang tinabig ang kamay ng babae dahilan para mawalan ng balanse ito at mapaupo sa sahig.

Huminga ng malalim ang babae at matalim na tinitigan ang binata. "Ikaw na nga 'tong pinigilan para saktan ang sarili mo, ako naman ngayon ang sinaktan mo. Grabe!"


Natauhan nang sandaling 'yon si Edward. Hindi niya ugali ang manakit at nawalan nga siya ng kontrol sa lakas niya. Agad siyang lumuhod at inalalayang makatayo ang dalaga. "Sorry. I'm so sorry."

Kita naman ng dalaga ang pagiging sinsero nito kaya naman nginitian niya ang binata. "Ano ba kasing problema 'yan? Pati 'yang pader na 'di ka pinapatulan, sinasaktan mo."


Nangunot noo ang lalake. "What?"

"Ay. Hindi ka nakakaintindi ng tagalog? Oh my gosh! So I will speak english?" Hinawakan ng dalaga ang ilong niya. "Nosebleed ka pare! Oh my gosh! What I'm gonna say to you? So that you can understand me? You. No punch the wall. It will, ouch-ouch your hand? Gano'n!"


Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ng binata, ilang sandali pa ay nag-sink in na ata sa utak niya kung anong ibig sabihin ng dalaga kaya naman ang lakas ng tawa niya. Ang dalaga naman na na-realize na mukha siyang tanga sa harap ng binata at napatakip na rin sa bibig at natawa sa pinagsasasabi niya.

Nang mahimasmasan ang binata ay humiga siya sa sahig. "That was a good laugh. I needed it."

Ngumiti naman ang dalaga. "Buti naman."

Nilingon ng binata ang dalaga na ngayon ay nakatitig sa kanya. "What's your name?"


"Marydale."

"Marydale. . ." Ulit ng binata. "Nice name."

Muling ngumiti ang dalaga. "Thankie."

"Thankie?"

"Thanks. Ay grabe! Porenger ka much?"

"What?"

"Foreigner. Ano ba 'yan! You can't really understand tagalog?"

"So you do speak english."

"Yeah. But I'm not good at it."


"You're doing fine." Umupo ang binata. "I'm Edward. And yes, I am a foreigner. Half British-Half Filipino."

"Ako din half."

"Really?" Hindi na namalayang hindi na naalis ang ngiti sa labi ng binata nang sandaling 'yon. Na-realize na lang niya na magaang kausap ang dalaga at nag-e-enjoy siyang kausap nga ito.

"Oo. Half ako. Half ng puso mo! Char!”


Nagpipigil na matawang muli ng binata pero sa huli ay muli na naman siyang tumawa na nagpangiti sa dalaga. Kanina kasing makita niya ito ay kulang na lang suntukin siya nito nang makita siya.

"Oh ayan. Okay ka na." Tumayo ang dalaga at may inilabas sa bulsa nito. Ang cellphone ng binata. "Mag-sorry ka sa Dad mo."

"What?" Napakunot noo ang binata nang mabanggit nito ang Dad niya.

"Alam mo, buti ka pa may Dad. Ako kasi, wala na nga akong tatay, kinuha pa ni Lord ang lolo ko na nagsilbing tatay ko. Kaya ikaw, hangga't nakakasama mo ang Dad mo, be thankful. Kasi hindi lahat gaya mo na may tatay."


He scoffed as he stands up. "But I never felt like he's here."

"Ha? Eh 'di ba nandito siya kapag may game at nag-ch-cheer sa'yo? Nandito rin siya kapag may parent's meeting. Nandito rin siya kapag may event sa school to support you. Kaya ano 'yang sinasabi mo na you never felt na nandito siya?"

Nang sabihin 'yon ng dalaga ay na-realize niya ngang laging sinusubukan ng Dad niya na bumawi sa kanya.


"Nagkakataon lang siguro na minsan, kung kailan mo siya gustong gustong makasama, hindi siya pwede. Kailangan mo ring intinidhin ang side niya, okay? Kung tungkol sa trabaho 'yan, siyempre ginagawa niya 'yon para sa'yo. Sa pamilya niyo. Hindi madali ang maging ama ng tahanan." Kinuha ng dalaga ang kamay ng binata at ibinigay ang cellphone niya. "Una na ako. Ma-le-late ako sa klase. Bye!"

Sinundan lang ni Edward ng tingin ang likuran ng dalaga hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Nang mag-vibrate ang cellphone niya ay may nakita siyang message ro'n galing sa Daddy niya. It's a video message saying that he loves him and he's sorry that he's not with him right now to celebrate his birthday. Bahagyang nangilid ang luha niya ngunit bago pa man tumulo 'yon ay mabilis niya ng pinahid ang mga mata.

"Marydale." Pagbabalik ni Edward sa kasalukuyan.

"Hmm?"

"How did you know about that?"

"Ang alin?"

"About my Dad? How do you even know my Dad?" Tukoy nito sa mga sinabi ng dalaga tungkol sa dad niya noong unang beses silang magkakilala.

Naguguluhang napakunot noo ang dalaga. "Ha?"

Nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ng binata. "Are you stalking me?"

"Wow! Grabe siya! Stalker talaga?"

Bahagyang tumawa ang binata. "What then?"

Future wife mo, pilyang sagot ng isipan ng dalaga. Siya naman ang pigil na ngumiti dahil sa mabilis na tugon ng isip niya. "Wala!"

"Did you just imagine—"

"Hoy!" Dinuro ng dalaga ang binata. "Huwag kang ano ha! Kapal neto." Muling tumalikod si Maymay at nagpunta sa kinauupuan niya kanina para lang hilahin palabas ng coffee shop ang kaibigang si Pat. Kinikilig siya na hindi niya malaman. Halo-halong pakiramdam na isa lang ang kinakalabasan.

Masaya siyang nakausap ang binata kahit pa itanggi ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Nang makalayo silang dalawa ni Pat sa coffee shop ay siyang lingon nila sa paligid para masiguradong hindi nakasunod sina Marco at Edward. At nang magtinginan silang dalawang magkaibigan ay ang sabay na pagtili nila.

"Bebe! Ang gwapo gwapo niya!" Bulalas ni Maymay.

"Wow! Bilib din ako sa'yo 'no? Ang galing umarte! Pakipot!"

"Aba siyempre! Ayoko ngang magaya sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Okay na 'yong ganito, nakakausap ko lang siya. Tapos napapatawa, napapangiti. Ang saya saya lang bebe."

"Eh 'di ikaw na masaya. Dalian na nating maglakad at parehas tayong male-late sa klase miss best actress."

Kinindatan naman ni Maymay ang kaibigang si Pat t'saka sila hawak kamay na naglakad at masayang nagtatawanan.

"Bro! Hey bro! Wala na sila," pukaw ni Marco kay Edward na nakatingin pa rin sa pinto kung saan lumabas sina Maymay at Pat.

"Should I invite her?"

"For what? A date? Dinner?"

Umiling si Edward at hinarap ang kaibigan. "Acquaintance Ball."

"Ohh. . ." Napatakip sa bibig si Marco. "You serious?"

"What do you mean?"

"How about Eve? I think she's waiting for you to invite her."

"Bro, Eve is just a friend."

"But she likes you, dude. And she's the most popular girl in the campus."

"So what? It doesn't really matter. I want Marydale."

Ngingisi ngising napailing si Marco. "Dude, you're in love!"

Nag-kibit balikat ang binata. "Who knows."

Natatawang inakbayan na lang ni Marco ang kaibigan kasabay ng pagtawa nilang dalawa.

"Maymay. Patulong naman. Paki-taas yung zipper," ani Yvonne, katrabaho ni Maymay sa modeling. Oo, tinanggap niya ang trabaho na offer sa kanya ni Sir Archie. Pang-limang beses na punta niya na ito ngayon.

"Ah, sige, sige." Pagka-zipper ni Maymay ay siya ring pa-zipper niya sa suot niyang white halter dress na above the knees.

"Grabe, Maymay. Ang ganda talaga ng hubog ng katawan mo. Ang tangkad tangkad mo pa. Model na model. Pak na pak ka girl! Gandara!"

"Thankie. Mana sa'yo," kinindatan ni Maymay si Yvonne kaya naman natawa na lang ang dalaga.

"Girls, start na tayo," sigaw ni Sir Archie. Ready na silang lahat na sumalang sa harap ng camera.

Bawat click at flash ng camera ay siyang awra ni Maymay. Kailangan din kasi niya talagang pagbutihin 'yon dahil binigyan na siya ni Sir Archie ng cash advance dahil sa pakiusap niyang pambayad niya nga iyon ng tuition fee. Hindi naman nagdalawang isip na pumayag si Sir Archie dahil pumirma siya ng six months contract dito.

Sa isang fashion magazine makikita si Maymay. Natuwa nga siya nang makita ang sarili niyang ibang iba ang postura sa harap ng camera at hindi makapaniwala sa sariling mukha.

"Ang ganda 'no? Ang galing ko talagang pumili ng mga modelo." Pukaw ni Sir Archie sa kanya.

Hinarap ni Maymay ang lalaki at nakangiti itong pinasalamatan. "Hindi niyo po alam kung gaano kalaki ang pasasalamat ko po sa inyo Sir Archie. Thank you po talaga. Hindi lang po sa school, o financially niyo po akong natulungan, kundi na rin po pati sa gandang hindi inaasahan."

Natawa ang lalaki. "Iha, maganda ka naman talaga. Wala ka lang bilib at tiwala sa sarili mo. Pero kita mo 'yan—" Tinuro nito ang magazine na hawak ng dalaga. "That's you. Ipinagsisigawan ang bandila ng, boldness and proud! Confident! Beautiful! Stunning!"

"'Di naman po Sir Archie. Make up lang 'yan."

Umiling ang lalaki at pinasadahan ng tingin ang mukha ni Maymay. "Kung gusto mong makita ng iba ang kagandahang meron ka, dapat tanggapin mo muna sa sarili mong maganda ka. Okay, say this, maganda ako. Magandang maganda ako."

Bahagyang natawa ang dalaga. "Maganda ako. Magandang maganda ako."

"Say it loud. Say it proud! Again!"

"Maganda ako!" Tumayo ang dalaga at nag-pose. "Magandang maganda ako." Natatawang nakipag-apir si Maymay kay Sir Archie na ngayon ay tumatawa na rin. Kung may pinasok man siyang trabaho na talagang na-enjoy niya, iyon nga ay ang pagiging isang modelo.

"Bro! Edward!"

Agad na nilingon ni Edward ang kaibigang si Marco na ngayon ay tumatakbo papunta sa kinauupuan niya sa student lounge.

"You need to see this!" Nakangiting bulalas ng kaibigan niyang may hawak na magazine.

"That's for girls bro."

"Ah-yes! It is! But you? You. Need. To. See. This." Pinagdiinan pa niyang dalaga ang bawat salitang sinabi na ipinagtataka ni Edward.

Nang buklatin ni Marco ang magazine ay bumungad sa kanilang dalawa ang bagong litrato ni Maymay suot ang white halter dress dahilan para makita ang mahahabang biyas ng dalaga. May naka-fierce look ito at merong nakangiti na nakaagaw pansin kay Edward.

"Bro, your Marydale is, wow! Hindi ko alam na ganito pala siya kaganda. Anong klaseng mga mata ang meron ka? Let me borrow it!" Bulalas ni Marco pero hindi siya pinapansin ni Edward at patuloy lang na pinagmamasdan ang kuha ni Maymay sa magazine.

"How come I don't know about this?"

"Do you have to know? Ano ka? Boyfriend?" Tinignan ng masama ni Edward ang kaibigan dahilan para mapaatras ito at mapataas ng dalawang kamay sa ere na para bang sumusuko. "I'm just kidding bro."

"Who's magazine is this?"

"Kay Vian."

Nakakalokong ngiti ang ibinaling naman ni Edward kay Marco. "Oh. . . So you're with Vian?"

"No, no, no. Don't give me that look. We're friends."

"Friends. . . Sure. . ." Tumatangong sabi na lang ni Edward sa kaibigan. Nang-aasar.

"Stop it."

"Stop, what?" Nagpipigil ng tumawa si Edward.

"Give me that." Akmang kukunin na sana ni Marco ang magazine pero mabilis ang galaw ng kamay ni Edward nang ilagay niya sa likuran ang magazine.

Sinimulan nang tumayo ni Edward at naglakad palayo. "No. Tell Vian, thanks for this." T'saka siya mabilis na tumakbo para puntahan si Maymay sa department nito.

"Edward?" Nang sabihin ng kaklase ni Maymay na may gustong kumausap sa kanya, hindi niya inaasahang si Edward 'yon. God knows, kung alam lang niya, nagpaganda muna siya.

"Marydale, hi," nakangiting bati ng binata.

"Hello?" Napansin ni Maymay ang pagkukumpulan ng mga babae sa department nila kaya naman lumapit siya kay Edward para bumulong dito. "Magkita na lang tayo sa gym. Pagkakaguluhan ka dito."

Agad na na-gets ng binata ang ibig sabihin ng dalaga kaya naman tumatangong umalis ito. Pinalipas ni Maymay ang 15 minutes pero hindi pa rin siya tinitigilan ng mga kaklase niyang babae.

"Pa'no mo siya nakilala, May?"
"Share mo naman."
"Alam mo number niya?"
"Pwedeng mahingi number niya?"

"Ah. Hindi kami magkakilala personally. Oh siya. Sige. CR ako ha." Mabilis na tumayo at lumabas na nga ng classroom ang dalaga. Nang hindi naman sumunod ang mga kaklase niya ay mabilis niyang tinakbo ang pasilyo papunta sa gym.

Inip na nakahiga sa ilalim ng bench ang binata. Nang may marinig siyang pumasok doon ay agad siyang bumangon at sinigurado kung si Maymay iyon.

"Marydale!" Tawag niya rito. Agad naman siyang pinuntahan ng dalaga.

"Next time—" Hinihingal at halos mawalan ng hininga ang dalaga dahil sa pagtakbo. "Next time, magsabi ka kapag pupunta ka sa department ko! My gosh! Kulang na lang kunin nila ang cellphone ko kanina para makuha ang number mong wala naman sa akin."

Ngumiti ang binata. "You want my number then?"

"No!" Agad na tanggi ng dalaga kahit pa sa isip at puso niya ay puro yes ang sagot niya.

"Liar." Nanunuksong nginitian ni Edward ang dalaga na kulang na lang ay tumirik ang mata niya sa kilig. Pero siyempre kunwari walang effect kaya nag-iwas siya ng tingin.

"Asa ka."

Pasimpleng napangiti na lang ang binata. Ang hindi alam ni Maymay, meron siyang mannerism na sa tuwing kinikilig ay napaghahalataan siya ni Edward. "Here." Abot ng binata sa isang bote ng C2.

"Wow. Prepared. Thankie." Kinindatan ng dalaga ang binata. Nakasanayan niya nang gawin 'yon at huli na para bawiin dahil mukhang ikinagulat 'yon ng binata dahil natulala ito at hindi nakapag-salita. "Ay grabe siya mag-react oh."

"No." Umiling ang binata at ngumiti. "I was just surprised 'coz you were acting cute." Mas lalong lumaki ang pagkakangiti ng binata. "And I like it." There she goes again pressing her lips together that made a visible crease on her chin that's familiar to him. She's always doing it when she feels kilig.

"Ewan ko sa'yo." Umupo si Maymay sa sahig para maitago ang mukha niyang alam niyang namumula na ngayon dahil sa init na nararamdaman niya sa pisngi.  "Bakit nga pala pumunta sa ka department namin?"

Umupo na rin ang binata kasabay no'n ay ang pagkuha niya sa bag ng magazine na pamilyar nga kay Maymay. "Here."

Nanlalaking mga mata na kinuha 'yon ni Maymay at itinago sa likuran niya. "Bakit nasayo 'to? Oh my gosh! Are you gay?"

Kumunot ang noo ng binata. "No! Silly. Marco gave that to me and, there's no use of hiding it. I saw that already."

Nginusuan ng dalaga ang binata. "So mang-aasar ka?" Sinusubukang buksan ni Maymay ang bote ng C2 pero hindi ito nakikisama. Nakita naman 'yon ni Edward kaya naman kinuha niya 'yon mula sa dalaga t'saka binuksan at ibinalik muli kay Maymay.

"No. I just wanted to say that, that's impressive. And—" Nahihiyang yumuko ang binata at nang bumalik ang tingin niya kay Maymay ay ngumiti ito. "You look amazing and—beautiful."

Napahawak sa ilong si Maymay para muling maitago ang kilig. Kung may sarili lang na paa ang puso at utak niya, kanina pa nag-ce-celebrate at nagtatalon ang mga 'yon dahil sa saya at kilig ngang nararamdaman niya.

"I mean, you always look beautiful, but, that, you look stunning. So, yeah. Uhmm, yeah. That's it." Hindi alam ng binata kung bakit parang napakahirap sabihin 'yon sa dalaga. Hindi niya rin malaman kung bakit kinakabahan siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Sinong nandiyan?"

Sabay na napalingon sina Maymay at Edward sa pinaggalingan ng boses na 'yon at nakita ang isang instructor na parang may hinahanap. Palihim na umatras ang dalawa at maingat na hindi makagawa ng ingay.

"Sino sabing nandiyan? Sarado ang gym!"

"Uy, pa'no 'to?" Bulong ni Maymay habang nakatingin pa rin sa instructor na humahanap sa kanila.

"When I say go, we're going to run fast as we can. Okay? On three. . ."

"Ha? Teka, teka!"

"One."

"Saglit!"

"Two." Itinayo na ni Edward sa Maymay t'saka nito hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Edward!"

"Three, go!"

Mabilis pa sa kuneho ang ginawang pagtakbo ng dalawa. Kada sigaw ng instructor ay siyang namang bilis pa nilang dalawa sa pagtakbo.

Sa may open field sila dinala ng mga paa nila. Nang makitang wala ang instructor ay nagkatinginan sila at tumawa sa kalokohang ginawa. Ang kamay ng binata na nakahawak pa rin sa kamay ng dalaga ay piniling hindi bitawan ni Edward.

"Grabe. . ." Hawak ni Maymay ang dibdib. Pinipilit na humugot ng hininga. "Akala ko mahuhuli na tayo! Detention pa man din 'yon."

Natawa ang binata. Habol pa rin ang hininga. "Bawal ako mahuli. I'm a varsity player."

"Teka."

"What?"

"Nag-tagalog ka."

"Yes. I can speak tagalog, Marydale."

"Then can you start talking to me in tagalog na. Alam mo naman pala!"

"Okay, Marydale."

"Maymay."

"Ha?"

"Maymay na lang. Marydale ka ng Marydale."

"But that's your name."

"Mas sanay akong marinig ang Maymay. Kumbaga, minsan ko lang marinig 'yang Marydale. Minsan nga, sa'yo."

"Then that's good. So I can be your special someone."

"Ano raw?"

Bahagyang tumawa ang binata. "I'm kidding. Okay. I'll start calling you, Maymay. But I prefer Marydale."

Ngumiti ang dalaga. "Kahit ano. Ako rin naman 'yon."

"Okay. My May."

Nawindang si Maymay sa narinig. Iba ata ang dating no'n sa kanya. "Anong sabi mo?"

"Maymay?" Inosenteng ulit ni Edward na nagpatawa na lang sa kanilang dalawa. Nang mapatingin ang dalaga sa magka-hawak-kamay nilang dalawang ay naiilang siyang hinila 'yon na agad namang naramdaman ng binata. Nagkatinginan sila at sabay na nag-iwas ng tingin. Napahawak sa batok ang binata habang napakamot naman sa sintido ang dalaga. Nang magkatinginan muli silang dalawa ay napangiti na lang ang mga ito at palihim na natawa sa inaasta nila.

Hapon na nang makauwi si Maymay galing sa trabaho niya. Papasok na siya ng bahay nang biglan mag-ring ang phone niya. Unknown caller 'yon kaya hindi niya sinagot. Pero nang mag-ring ulit bago niya ilagay sa bulsa ang cellphone, sa huli, ay nagpasya siyang sagutin ito.

"Hello?"

"Maymay. . ."

Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Maymay dahil sa lambing ng boses ng nasa kabilang linya.

"Sino 'to?" Tanong niya kahit kilala niya na kung sino 'yon. Boses ba naman ng crush niya e.

"Edward."

Impit na napatili ang dalaga habang tinatakpan ang mouthpiece ng cellphone niya. Maka-ilang beses pa siyang huminga ng malalim bago sumagot. "Uhmm, napatawag ka?"

Sa kabilang banda, si Edward na hindi na matanggal ang ngiti sa labi habang kumukuha ng tubig sa fridge nila ay ini-imagine na kausap ng face to face ang dalaga. "Tomorrow is Saturday."

"Hmm? Bakit?"

"Wanna go with us? And of course, you can invite your friends."

"Ha? Sa'n?" Pumasok na ang dalaga sa bahay nila at kinikilig na umupo sa may sofa sa sala.

Si Edward naman na naka-crossed fingers na habang kausap ang dalaga sa kabilang linya ay palihim na humihiling na pumayag ito. "Sa La Union."

"Ha? Ang layo naman."

"Don't worry. We have a ride."

"Uhmm. . . Edward?"

"Hmm?"

"May trabaho ako ng maaga bukas. Kaya baka hindi ako makasama."

Nahimigan ng binata ang panghihinayang sa boses ni Maymay kaya naman may naisip siyang ideya. "I can go with you and wait for you."

Napakagat na lang sa throw pillow ang dalaga t'saka siya impit na tumili dahil sa kilig. "Ha? Ah, eh. . ."

"Please? I really want you to go with us."

"Ha? Hindi ba kayo puro boys lang?"

"No. My sister will go too."

"Ha?"

"Yeah. And Vian, Marco's friend. And Eve with her friends."

Napangiwi ang dalaga nang marinig ang pangalan ni Eve. Sino ba naman kasing hindi makakakilala sa pinaka-popular na babae sa campus? Parang ayaw niya na tuloy sumama. "May trabaho nga ako, Edward."

"Overnight naman 'yon." Napahawak na sa batok ang binata dahil mukhang ayaw sumama ng dalaga.

Sasama ba ako? Eh nandoon si Eve eh. Crush niya si Edward kaya baka mag-selos lang ako. Teka! Bakit ka magseselos kung ikaw naman makakasama ni Edward? E nakaka-out of place. Lakad 'yon ng magaganda. Bago pa magtalo ang pros and cons sa gagawing desisyon ng utak ng dalaga ay narinig niyang muli ang boses ng binata sa kabilang linya.

"Maymay. . . Please? Gusto kitang kasama tomorrow." Maka-ilang ulit na, sana pumayag, ang litanya ng isipan ng binata, dahil kaya lang naman siya sasama roon ay dahil gustong sumama ng ate niya at makasama siya nitong mamasyal. First time kasi nitong magpunta sa La Union, ang hometown ng pamilya nila.

Nagdadalawang isip man ay tumango na ang dalaga. Sa huli, gusto niya rin talagang makasama kasi ang binata. "Pero late ako makakapunta ha? Isasama ko si Pat."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Edward at palihim na nagsasasayaw habang nasa kusina. "What time do you start working tomorrow?"

"Eh, maaga. Kasi gusto nilang kuhanan ang sunrise. 4 am ang call time namin."

"I'll pick you up around 3:30. Sounds good?"

"Uy. Hindi na. Ite-text na lang kita kapag tapos na kami."

"I insist, Maymay. Please?"

"Eh sinong babyahe kasama ate mo?"

"She have her own car and she can get there anytime she wants."

Ngingiti ngiti nang napaakap si Maymay sa throw pillow. Iniisip niya pa lang na makakasama niyang buong araw ang binata ay sobra na ang sayang nararamdaman niya. "Sigurado ka, Edward?"

"Yes." Hindi na naalis ang ngiti sa labi ng binata dahil sa pagpayag ng dalaga. "I'll pick you up around 3:30. Just text me your address, okay?"

"Ehe~okay."

"I’ll see you tomorrow, ‘kay? Good night My May.”

Iba naman ang dating ng Maymay na 'yon sa panidinig ng dalaga. Idagdag pang ang lambing ng boses ng binata sa tuwing babanggitin ang pangalan niya. "Good night, Edward."

"Sweet dreams."

"Sweet dreams."

"Thank you. You hang up na.”

Umiling ang dalaga. "Ikaw na."

"C'mon Maymay. You know I can't hang up. Especially if I'm talking to you."

"Kire!" Bulalas ni Maymay na nagpatawa sa kanilang dalawa. "Bye na. Have a nice sleep, Edward."

"I sure will."

Nagpipigil ng sigaw ang dalaga nang maibaba niya ang linya. Si Edward naman ay hindi maitago ang kasiyahan dahil nang makita niya ang ina na pumunta sa kusina ay isinayaw niya ito.

"Oh. . . You look so happy."

"Yes, mum. I am happy. Super happy!"

Natawa na lang ang ginang. "You better get ready na for tomorrow ha. Naghahanda na ang ate mo."

Sumaludo sa ina ang binata. "Yes, mum!"

"Kay Laura na ako sasabay. Sino ang kasabay mo? Si Marco?"

Nakangiting umiling ang binata at pa-tweetums na tinitigan ang ina na nagpatawa kay Mommy Cathy. "No. He's with Vian."

"Ohh. . . And you?"

"I'm with Maymay."

"Maymay?" Tumango tango ang ginang. "I'll meet her tomorrow?"

"Yes, mum."

"Okay." Nakangiting napailing ang ginang. Bago pa nagpaalam si Edward na aakyat na ito ay humalik pa sa pisngi ang ina.

"3. . . 2. . . 1. There she goes," nakangiting sabi sa sarili ng binata bago siya lumabas ng kotse para pagbuksan ang dalaga. "Good morning My May."

Napahawak sa ilong ang dalaga. "Halla! Kanina ka pa naghihintay?"

"No. You're just on time."

"Nag-text ka sanang nandito ka na."

"No rush. Hindi tayo nagmamadali."

Ngumiti ang dalaga at lumapit sa binata. "Thankie."

He chuckled as he opened the car door. "Your welcome aking prinsesa."

"Grabe siya! Ilang chocolate ba ang nakain mo?" At napaka-sweet mo?

"Huh? What do you mean?”

"Wala," ani Maymay t'saka siya pumasok sa loob ng sasakyan. Kung feelingera lang siya, matagal niya ng inisip na may gusto sa kanya si Edward. Ang sweet sweet kasi nito sa kanya. Kulang ang salitang sweet sa ugaling pinapakita ng binata para i-describe ito dahil sobra sobra, overs overs, as in ang kabaitan at sweetness nito kahit pa pilyo at maloko.

Nang ayusin ng dalaga ang seatbelt ay may kinuha ang binata sa likuran ng sasakyan. Brown bag 'yon at amoy niya ang kape at gatas na may kasamang tinapay, ata.

"Ano 'yan?"

Nakangiting inilabas ni Edward ang dalawang baso ng inumin. "Coffee? Tea? Or me?"

"Ehe~~you. . . Char!" Pareho silang natawa. "Tea na lang. Hindi ako nag-co-coffee."

"Noted." Iniabot niya ang isang baso sa dalaga.

"Ang bango."

"That's a chai tea. And here." Inabot ng binata ang croissant.

"Akala ko pandesal," natatawang sabi ni Maymay kasabay ng pagkagat niya doon.

"Okay. Let's go."

"Thankie ulit, Edward."

Kinindatan at tinanguan na lang ni Edward ang dalaga dahilan para mapalaki ang subo niya. Tawang tawa naman ang binata habang ini-start ang sasakyan.

Nakalipas ang 20 minutes bago sila nakarating sa shooting spot. Si Edward na bumuntong hininga nang mai-park ang sasakyan ay agad na nilingon ang dalagang naka-idlip.

"May?" Bahagyang tinapik ng binata ang pisngi ng dalaga.

"Hmm. . . 5 minutes."

Bahagyang natawa ang binata habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha nito. "Maymay. . ."

"Edward. . ."

"Marydale. . ."

Unti unting idinilat ni Maymay ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Napangiti siya nang makita rin ang pamilyar na mukha sa panaginip niya. Ang ultimate crush niya lang namang si Edward John Barber.

Habang kumikilos ang dalawang kamay ng dalaga ay siya namang pagtataka ng binata sa inaakto nito.

"Are you still asleep?"

"Ang gwapo gwapo mo."

"Ha?" Natatawang reaksyon ng binata habang hawak na ang dalawang kamay ng dalaga na nakahawak sa magkabilang pisngi niya. "What are you doing?"

Pinanggigilang pisilin ni Maymay ang pisngi nito na nagpatawa sa binata. "Ang gwapo gwapo mo. Sobra!"

"May! Hey! Wake up babe."

Ilang beses na um-echo ang babe na salita bago nagising ang isipan ng dalaga. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize nitong hindi siya nananaginip. "Edward?"

"Yes?"

"Bakit ka nandito?"

"Uhm, I was trying to wake you up to tell you we're already here."

Agad na bumitaw sa pagkakahawak si Maymay nang makitang hawak niya ang mukha ng binata. Siyang tawa naman ni Edward habang tinutulungang mag-alis si Maymay ng seatbelt.

"Good morning po!" Masiglang bati ni Maymay dahilan para mapatingin lahat ng nandoon sa kanya. At akala niya lang 'yon, dahil lahat pala ng mga mata ay nakatutok sa kasama niya ngayon.

Kumaway ang binata sa kanila at bumati. Nagkatinginan sa isa't isa ang mga nandoon at ang huling tingin ay kay Maymay.

"Hindi mo ata sinabing isasama mo pala ang jowa mo?" Ani Yvonne na sinamahan pa ng pagtawa ni Sir Archie.

"Hindi ko siya jowa ah!"

"Uy. Huwag niyong inaasar 'yang si Maymay. Mamaya hindi ipakilala sa'tin ang jowa niya," ani Regine, isa sa mga photographer nila.

"Ate Regine naman!" Apilang muli ng dalaga kaya naman tumawa na lang ang team RAINXEM na binubuo ng make up and hairstylist.

"Maymay," bulong ni Edward.

"Oh?"

"Jowa is like boyfriend/girlfriend right?"

"Aba! Alam niya. Galing ah," nakangiting bulalas ni Maymay t'saka niya itinaas sa ere ang kanang kamay para makipag-apir sa binata na agad namang pinaunlakan nito. "Pero hindi tayo mag-jowa. I'm a girl and I’m a friend. It's friend na girl, okay?" Tumawa ang binata dahil sa ginawang explanation ng dalaga.

Natutuwang nakamasid si Sir Archie sa dalawa dahilan para may maisip itong new project para sa cover ng magazine nila.

Lumapit ito sa dalawa at napagdesisyunang kausapin ang binata. "Anong pangalan mo iho?"

Agad namang nilingon ito ni Edward. "Ah, Edward po."

"Edward, I'm Archie. Handler ako ni Maymay."

"Ah, yes po. Nice to meet you po." Nakipag-kamay ang binata rito.

"You're half?"

"Half-British."

Tumango tango si Sir Archie. "Prangkahin na kita ha, okay?" Tumango si Edward. "Can you model with Maymay later?"

"Po?" Sabay na bulalas nina Maymay at Edward t'saka sila nagkatinginan. Nang ibalik nila ang tingin kay Sir Archie ay siyang laki ng ngiti nito.

"Kung gusto mo lang naman."

"Kasama si Maymay?"

Tumangong muli si Sir Archie.

"Of course! If it's with Maymay, I'll do it."

Hinila ni Maymay ang laylayan ng jacket ni Edward. "Anong I'll do it ka diyan?"

"Why? Ayaw mo?"

"Alam mo ba 'tong papasukin mo?"

"Modeling? Yes."

"Sigurado ka?"

Mabilis na tumango si Edward. "Yeah. Instead of waiting for you, I'll do it na lang. Kasama pa kita."

"Hala, na-buang na uy!" Napatakip sa bibig ang dalaga dahil hindi nga ito makapaniwalang pumayag ang binata.

Napakunot ang noo ng binata. "What?"

"Wala." Nilingon ni Maymay si Sir Archie. "Sigurado ka Sir Archie?"

"Kailan ba 'ko nagkamali sa mga pinipili kong model?"

Sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga. Nang gawin niya 'yon ay tumalikod na si Sir Archie at sinabing simulan na siyang ayusan ng team. Nang muling lingunin ng dalaga si Edward ay malaki pa rin ang pagkakangiti nito na para bang excited sa gagawin.

Nang matapos ayusan ng team RAINXEM si Maymay ay siyang ala-model-look niya sa team kasabay na pa-flip ng hair na nagpatawa sa kanila. Napaka-kwela talaga ng dalaga kaya agad nilang nakasundo ito. Sa kabilang banda, hindi mapigilang humanga pa lalo ni Edward sa dalaga. Alam na alam ni Maymay na dalhin ang sarili niya lalo na ang damit na suot nito kaya naman napangiti ang binata dahil sa sobrang paghangang nararamdaman niya.

Napalunok si Maymay nang si Edward naman ang matapos ayusan. Napatakip siya sa bibig gamit ang likuran nang palad nang makita kung gaano ka-gwapo ang binata. Sa sobrang pagkakahawig nito kay Enrique Gil ay mas lalo siyang kinikilig. At hindi niya akalaing may mas iga-gwapo pa ang binata na mas lalong nagpawindang sa puso't kaluluwa niya. Juskolord! Agad agad, at napakaagang kilig naman po nito, sa isip ng dalaga.

"Ayan. Oo. Hawak ka sa bewang ni Maymay, Edward. Tapos tinginan kayo sa isa't isa. Mata sa mata ha? Okay. Good. Perfect!"

Hindi mapigilang hindi kabahan ni Maymay habang hawak siya ng binata. Si Edward naman ay palihim ding humihinga ng malalim sa tuwing haharap sa dalaga.

"Closer, Edward, Maymay. . . Closer pa more."

Nang hapitin pa lalo ng binata ang bewang ng dalaga ay siya namang hawak ni Maymay sa balikat nito para hindi magtama ang hindi pa dapat tumama. Konti lang ang agwat ng height nila kaya naman halos magsalubong na ang labi ng dalawa nang mas lalong maglapit nga ito.

Masaya ang binatang mahawakan at matitigan ng gan'to kalapit ang dalaga. Hindi niya inaasahang mabibighani ito sa mga mata ni Maymay na halos magkanda-duling-duling na nang sandaling 'yon matitigan lang siya sa mata.

"Kaya pa bang ilapit?"

Agad na nag-iwas ng mukha si Maymay. "Ay grabe! Wala ng ilalapit, Sir Archie. . . Naman eh."

"Meron pa," mahinang bulong ng binata kasabay nang paghawak nito sa baba ni Maymay para iharap ito sa kanya.

Hinga, Maymay! Hinga! Sa isip ng dalaga pero ang pasaway niyang mga mata ay hindi na maiwasan ang nakakatunaw na tingin ng binata at tuluyan nang nag-malfunction ang utak niya dahil ni hindi na siya humihinga.

Kasabay ng pag-angat ni Edward sa baba ng dalaga at pag-sulyap niya sa labi nito ay siyang triple ng lakas ng pagtibok ng puso niya. And that made him realized that, hindi na lang paghanga ang nararamdaman ng binata sa dalaga. Iba na 'yon. Hindi na maipaliwanag. Pakiramdam na para bang gusto niya pang higitan ang ginagawa.

At 'yon ay ang angkinin ang labi ni Maymay.

"Good! I love that shot! Okay na guys!"

Mabilis na kumilos ang kamay ni Maymay para maitulak ang binata. Nang tumalikod siya ay siyang ilang beses niyang paghinga ng malalim. Kanina, pakiramdam niya, parang tumigil ang mundo sa pagitan nila ng binata. Yung parang malalagutan ka na ng hininga pero kinikiliti ang buong sistema mo? Yung para ka ng mababaliw pero yun 'yong pakiramdam na gusto ng puso't isip mo?

Oh! My! Gosh! Napatakip sa bibig ang dalaga. Hindi niya malaman kung anong gagawin niya. Gusto niyang tumakbo para makalayo pero iniisip niya rin ang magiging reaksyon ng mga nandoon, lalo na ni Edward. Ayaw pa man din niyang may masabi ito sa kanya.

Si Edward naman na nakapamulsa ay nakatingala sa langit na halos nagliliwanag na nang sandaling 'yon dahil sa unti-unting pag-sikat ng araw. Ilang beses na rin siyang napalunok at napakagat sa labi. Pilit na pinakakalma ang puso niyang kanina pang malakas ang tibok. Yung sobra sobrang lakas na halos kumirot pero yung kirot na mapapangiti ka kahit pa halos mawalan ka na ng hininga.

"C.R—" Halos sabay na sabi ng dalawa kaya naman hindi malamang nagtanguan silang dalawa at naglakad ng palayo sa isa't isa kahit pa hindi nila alam kung saan pupunta. Natatawa namang nakamasid ang lahat ng nandoon sa kanila. Kinikilig dahil nga sa inaasta ng dalawa.

Bago tuluyang bumyahe ang dalawa papunta sa La Union ay dinaanan muna nila si Pat na ngayon ay nagtataka dahil hindi nag-uusap ang dalawa kahit nasa daan na sila. Kapag nakikita niya kasi ang mga ito ay madalas magkulitan.

"Ohh. . . Something happened. . ." Pangaasar nito kaya nilingon siya ni Maymay habang si Edward naman ay palihim na napangiti.

"Uy! Wala man!" Pinanlakihan ng mata at maka-ilang beses na tinaas taasan ng kilay ang kaibigan para lang pasimpleng masabihan ng manahimik ito pero siyempre, kapag best friend mo, mangaasar pa 'yan ng mangaasar sa'yo.

"Edward!"

"Hmm?"

"Kitang kita ko 'yang ngiti mo diyan a." Tinaas taasan ng kilay ni Pat si Edward sa rear view mirror kasabay ng nakakalokong ngiti nito na nagpatawa na lang sa binata. "Sus! Ikaw ah."

"Pat!" Suway ng dalaga.

Nginusuan naman siya ni Pat. "Oo na. Patugtog na nga lang kayo. Ang tahimik naman kasi, e mahaba haba ang byahe. Pasalamat kayo may dala akong pagkain," ani Pat na ngayon ay ngumangatngat na ng fries.

Sa huli ay nag-sound trip na lang sila. Sumasabay sa kanta at may moves pa na nagpapatawa sa binata. He can't imagine doing these kind of things when he met Maymay, but on the second thought he don't mind being silly with her, or even with her friends—oh no, he doesn't even realize that he's falling deeply in love with her already. Ugh, love..

Not until Maymay smiled at Edward and winked at him with her finger heart, saying Oppa to him that means older brother in Korean language. Kasabay ng pagtigil ng sasakyan dahil sa traffic ay ang pagtigil ng mundo ng binata. Parang slow motion na nakikita niya lahat ang galaw ng dalaga. Ang unti unting pagpikit ng mga mata nito hanggang sa idilat nitong muli iyon. Ang bahagyang pagkagat nito sa ibabang labi hanggang sa sumilay ang napakagandang ngiti na bumibighani sa kanya. Ang paghawak ng dalaga sa leeg niya na hindi namalayan ng binata na nagpalunok sa kanya nang makita kung gaano kaakit akit ang leeg at batok na iyon ng dalaga—mabilis na binawi nito ang paninginkay Maymay. He stopped looking at her as he felt the sudden rush of his blood into his cheeks and ears. Himihigpit na rin ang paghawak niya sa manubela kasabay ng maka-ilang ulit na paglunok niya dahil parang nanunuyo ang lalamunan niya. Idagdag pang hindi rin nakikisama sa kanya ang abnormal na tibok ng puso niya.

"—ward! Uy! Edward!"

Tulalang nilingon ni Edward ang dalaga nang marinig niya itong tawagin siya.

"Go na uy! Drive!"

Tulirong napatingin sa daan ang binata. Ilang ulit siyang huminga ng malalim bago muling pinaandar ang sasakyan. Nang mahimasmasan ay napahawak siya sa batok habang tinutukan na ang daang tinatahak nila. "Marydale," bulong niya sa sarili.

Si Pat na ngingiti ngiti lang ay nasaksihan ang lahat ng 'yon. Kulang na lang ay ikwento niya ngayon 'yon kay Maymay pero pinili niyang manahimik. Gusto niyang panoorin pa ang pwedeng mangyari sa dalawa. Lalo na sa magiging reaksyon ng kaibigan niya.

Tirik na tirik ang araw nang makarating na ng La Union ang tatlo. Pahirapan pang ginising nina Edward at Pat si Maymay na tulog na tulog sa byahe matapos maglilikot. Nang pumasok sila sa bahay ay siyang salubong ng mga kamag-anak ni Edward sa kanya, habang sina Maymay at Pat ay walang sawang binati naman ang lahat ng nag-hi-hello sa kanilang dalawa.

"Finally. . . What happened to you guys?" Bulalas ni Laura ng makita ang kapatid. Agaw pansin naman agad ang dalawang babaeng kasama nga nito dahil tulala ang mga ito nang makita siya. "Hi, I'm Laura. Older sister ni Edward."

Napatakip sa bibig si Maymay habang kinakamayan ni Pat si Laura. "Grabe bai! Sobrang ganda mo po!"

Bahagyang natawa si Laura t'saka niya nilapitan si Maymay. "You must be Maymay."

"Po? Opo!"

"Ohh. . ." Nagpapalit palit ng tingin si Laura kay Edward na ngayon ay mabilis na tumabi kay Maymay at sinenyasan ang kapatid na huwag itong magsabi ng kung ano-ano. "Nice to finally meet you, Maymay."

"Finally?" Windang na ulit ng dalaga t'saka niya nilingon si Edward na nag-kibit balikat lang sa kanya. "Ah, eh. Nice to meet you rin po. You understand tagalog?"

"Yes. But I can only say few words. Konti lang."

Napangiti ang dalaga sa ate ng binata. "Ang ganda mo talaga."

"Like you." Nilingon ni Laura si Pat na kanina pang nakatulala rin sa kanya. "Hi! You must be Pat right?"

"Ahh, oo. Nice to meet you Laura," nakangiting bati ni Pat.

"Nice to meet you too!" Nakaagaw pansin kay Laura ang pagdaan ng ina kaya naman agad niyang tinawag ito. "Mum! Edward's here with his friends."

Agad na lumapit ang ginang at sinalubong ang anak. Humalik naman sa pisngi nito ang binata. "Bakit ngayon lang kayo?" Nilingon ni Mommy Cathy sina Maymay at Pat. "Hello mga iha."

"Traffic," sagot ng binata t'saka niya pinakilala ang dalawa. "Mum, this is Pat. And that's, Maymay."

Sumilay ang malaking ngiti ng ginang nang marinig ang pangalang Maymay. "Hello. Pagod kayo?"

"Kung may pagod po, si Edward 'yon. Driver po e," banat ni Pat habang si Maymay ay tatango tango lang kaya naman nilingon siya ng kaibigan. "Ikaw bebe? Pagod? Eh tulog ka buong biyahe. Wow ah!"

Palihim na siniko ni Maymay ang kaibigan dahil sa kadaldalan nito t'saka siya muling tumingin sa ina ni Edward para bumati. "Pasensya na po sa abala."

"Anong abala iha? Okay nga 'yong maraming bisita," nakangiting saad nito t'saka siya bumaling muli kay Edward. "Kanina pa nandiyan yung ibang kaibigan mo. Hinihintay kayo."

Tumango tango ang binata t'saka siya bumaling kina Maymay at Pat. "C'mon. Let's go inside."

"Pa-CR Edward ha? Wala pa akong hilamos. Naka-make up pa ako t'saka naka-ayos pa 'tong buhok ko."

"Sira. Bakit? Anong gagawin mo? Maliligo? Okay lang 'yan," agad na sita ni Pat sa kaibigan.

"Yeah. You look fine," pag-sang ayon ni Edward.

"Hindi ba kalat yung mascara? Nakatulog kaya ako."

Nang titignan sana 'yon ni Pat ay inunahan na siya Edward dahilan para mapaatras na lang siya. Okay, moment nila, sa isip ni Pat.

"Let me see," ani Edward na hawak na ang pisngi ng dalaga. Si Maymay naman ay bahagya niyang tuminga at tumingin sa taas. "There you go. It's done," aniya nang malinisan ang eyeliner niyang bahagyang kumalat nga sa paligid ng mata nito.

"Thankie."

"Your welcome."

"Eherm!" Si Marco 'yon kasama sina Vian at grupo ni Eve. Nakita nilang lahat kung anong ginawa ni Edward kay Maymay.

"Hey guys," nakangiting bati ni Edward sa kanila. Maski pala ang ibang varsity players ay kasama ng mga ito. Mas lalo tuloy nakaramdam ng hiya si Maymay na ngayon ay pinagtitinginan nila.

"Sino 'yan? Pakilala na 'yan!" Bulalas ni Mccoy. Isa sa nga varsity players.

"Girlfriend mo?" Ani Elisse na yumakap kay Mccoy.

"Ohh. . . May girlfriend na ang MVP!" Bulalas ni Yong, na sinamahan pa ng mga nanunuksong ngiti nina Christian, Aizan, Nikko, Luis, at Tanner.

"Stop it guys," he chuckled as he introduced them. "Her name is Maymay and she's with her friend, Patricia."

"Maymay? Who exactly is she?" Nang mag-salita si Eve ay nanahimik ang grupo. Alam nilang hindi nito nagustuhan ang nakita kanina. "Edward, who is she?"

"I just told you, her name is Maymay."

"Why is she here?"

"Because I want her to be here."

"Why?"

"Do I really have to tell you everything, Eve?" Nangunot ang noo ng binata.

Ang hindi maipintang mukha ni Eve ay agad na umaliwalas nang makitang hindi na nagustuhan ng binata ang tanong niya. "Not really. I'm just asking, Edward. Angry much?"

Umiling ang binata at hindi na siya sumagot. "Let's go upstairs first, para makapag-pahinga muna kayo ni Pat," baling ni Edward kay Maymay. Sinenyasan pa nga ng binata si Pat para mailayo siya kay Eve dahil alam nitong hindi na maganda ang ipinakita ng babae kay Maymay.

Nang makapasok ng kwarto sina Maymay at Pat ay siyang paalam ni Edward. Agad na nilapitan ni Maymay ang kaibigan t'saka niya itinuro ang pinto.

"Nakita mo 'yon? Dapat talaga hindi na tayo sumama e."

"Bebe, kung hindi ka sumama, e 'di sinolo naman ng Eve na 'yon ang bebe Edward mo."

Napabuntong hininga si Maymay. Nagtatalo pa rin ang utak at puso niya. Utak niyang sinasabi na sana ay hindi na siya sumama at puso niyang gusto ngang makasama ang binata. "Pero hindi ko naman inaasahang ganito."

Hinila ni Pat ang dalaga para umupo sa kama. "Mag-enjoy na lang tayo bebe."

"T'saka nandito ang Mommy niya. Akala ko lakad ng barkada niya at ate Laura niya."

"Lagi mo naman siyang nakikita dati kasama pa nga dad ni Edward."

"Oo, pero iba 'yon. Hindi nila tayo kilala. Secret admirer nga lang 'di ba?"

Ngumiti si Pat. "Naalala ko tuloy noong una mong makita si Edward. Halla!"

Napangiti na rin si Maymay na ngayon nga ay inalala ang nakaraan.

"Gutom na talaga ako bebe."

"Relax ka nga, May."

"Bakit ba kasi ang haba ng pila?"

Pilit na sinisiyasat ni Patricia kung anong nagpapahaba sa linya. "Hindi naman ata linya 'to bebe."


Kunot noong tinignan ni Maymay ang nasa pinaka-unahan ng linya. Kumpol ang mga estudyante roon at para bang may pinagkakaguluhan. "Ano 'yan?"

"Aba malay ko. Pareho tayong bago rito."

Instead na sagutin ni Maymay ang kaibigan ay hinila niya na lang ito papunta sa mga nagkukumpulang mga estudyante. Isiniksik pa nga nila ang sarili nila at nakita ang grupo ng mga lakaking may kasamang mga babae na mukhang mga manlalaro at cheerleaders.


"Grabe bai! Para silang mga artista!" Bulalas ni Maymay. Si Pat naman ay nakamasid lang at tinitigan ang mga ito na nag-o-order ng pagkain nila. "Ay. Bakit puro dahon naman yung pagkain ng mga babae?"

"Salad 'yan bai. Salad."

"Ha? Ang alam ko lang na salad, macaroni salad at fruit salad. Hindi ko alam na may ganyan pa lang salad na puro dahon lang."


Natawa na lang ang kaibigan si Pat sa kaibigan. "Tara na. Mamaya hindi pa tayo makapag-lunch."

Tumango ang dalaga at sinimulang sumiksik muli sa mga estudyante para makalabas pero may isang babae na itinulak siya dahilan para mapasubsob siya sa harapan ng mga manlalarong 'yon at cheerleaders.

At isang binata ang nakasalo sa kanya bago pa siya tuluyang sumubsob sa sahig.

"Hey? Are you okay?"


Pikit ang isang mata ay idinilat niya ang isang mata para makita kung sino 'yon. Mataman niyang tinitigan ang mga mata ng binata at ganoon na lang ang pagkawindang ng puso niya nang makita ang mukha nito. Naramdaman niya halos lahat ng kilig hormones niya sa katawan dahilan para pigilan niya ang paghinga. Ang gwapo! Sigaw ng isip niya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi niya.

"Are you okay?" Ulit ng binata. Natauhan naman ang dalaga at agad siyang tumayo.

"Sorry, sorry. Salamat."


"Yeah. Sure."

"Edward, c'mon bro! Let's go!"

Nilingon ni Edward ang kasama at kinawayan 'yon. Nang magbalik ang paningin ng binata sa dalaga ay nginitian niya ito.

Triple kill! Ang puso ko! Juskolord! Sa isip ng dalaga.

"Be careful not to fall next time okay?" Nakangiting sabi ng binata kaya naman mabilis siyang tumango. At nang simulan nitong maglakad palayo ay siyang hatak naman ni Pat sa kanya para makalabas na ng canteen na 'yon.

"May? Maymay! Huy! Marydale Entrata, hello?" Pukaw ni Pat nang makitang parang tangang tulala habang nakangiti ang kaibigan. Nang lingunin siya ni Maymay ay hinawakan siya nito sa balikat.

"Patricia. . ."


"Oh?"

"Si Enrique Gil ba 'yon?"

Natawa na lang si Pat sa reaksyon nito.

"Ang gwapo gwapo niya!" Bulalas ni Maymay kasabay ng pagtili nito na nagpatawa kay Pat.

"Mukhang varsity player bebe."


"Talaga? Oh my gosh! Tara! Panoorin natin siya lagi!"

"Sige, sige," kinikilig na pag-sang ayon ni Pat t
'saka sila nagtatalon at masayang nagyakapan.

Simula no'n, sa lahat ng training at laro nina Edward ay nandoon sila ni Pat na nanonood. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang iba't ibang information about nga sa binata at nang sinuwerte itong makita ito sa likuran ng bench sa gym ay palihim niyang pinagmasdan ang binata. Ngunit wrong timing siya nang marinig nito ang pakikipag-usap nito sa telepono. Muntik na nga siyang tamaan nung pagkakahagis ng cellphone nito dahil sa kauusyoso niya nga. Pero dahil din sa cellphone na 'yon ay nakausap niya ang binata.


"Hoy! Wala na. Nag-daydreaming na naman."

Napangiti si Maymay. "Alam mo bebe, malapit na talaga akong maniwala sa kasabihang, lahat ng taong nakikilala mo, nakikilala mo sila dahil may dahilan."

"At anong dahilan para makilala mo si Edward?"

"Hmm. . . Para magkaroon ako ng inspirasyon. Kasi si Enrique Gil, hindi ko naman talaga makikilala 'yon in person e. Pero si Edward? Malay mo, siya ang Enrique Gil ko."

"At ikaw ang Liza niya?" Tumawa silang dalawa.

"Hindi. Fan lang talaga. Mas makatotohanan nga lang si Edward kasi kakilala ko na siya."

Katok sa pinto ang pumukaw sa dalawa. Nagkatinginan pa sila bago tumayo si Pat para pagbuksan 'yon.

"Laura."

"Hi. I got some snacks."

"Pasok ka," ani Pat. Agad namang pumasok si Laura na may dalang tray ng cookies at dalawang juice.

Nginitian ni Maymay si Laura nang magawi ang tingin nito sa kanya. Nang maipatong ni Laura ang tray sa side table ay tumabi siya kay Maymay na nasa kama pa rin.

"Cookies?"

Ngumiti si Maymay at kumuha nga ng cookies.

"Thankie."

Bumaling si Laura kay Pat na umupo sa mini sofa na nandoon. "Cookies, Pat?"

"Salamat," nakangiting sagot nito.

Muling bumaling si Laura kay Maymay na ngayon ay tulala sa kanya. "Sarap?"

Mabilis na tumango si Maymay na nagpatawa kay Laura. "Ang ganda ganda mo. Grabe!"

Natutuwang napailingsi Laura. "You're so cute!"

Awkward na tumawa ang dalaga. Hindi niya kasi alam kung tatanggapin niya ang papuri na 'yon. Ngunit isa lang ang masasabi niya, kinikilig siya sa papuring natatanggap mula sa kapatid ng binata.

"Sa'n ka nag-aaral?" Pag-iiba ng topic ni Maymay.

"England."

"Wow! Bongga. E bakit nandito si Edward?"

"Well, that's his decision. To stay here. May crush kasi siya rito."

Lumaki ang mata ni Maymay dahil chismis 'yon. "Sino?"

"Liza ang name. I think, it's Liza Sobrano?"

"Liza Soberano?"

"Yeah! That's her!"

Nagkatinginan sina Pat dahil sa narinig. Kanina lang kasi ay pinag-uusapan nila si Enrique Gil. Hindi nila inaasahang maririnig nilang isang Liza Soberano ang crush ng isang Edward John Barber.

"What's with that look?"

Hindi na napigilang tumawa ni Pat. "Kasi kanina, pinag-uusapan namin yung crush ni Maymay. Ang pangalan niya, Enrique Gil. Siya yung loveteam ni Liza Soberano."

"And?" 'Di pa rin gets ni Laura.

"Eh crush din nga ni Maymay si Enrique. Tapos crush ni Edward si Liza. Tapos crush nitong si Maymay si Edward na parang si Enrique. Enrique siya ni Maymay—ack! Paktay bai." Napatakip sa bibig si Pat dahil sa kadaldalan niya. Si Maymay namang nanlalaki ang mga mata ay palihim na hinihiling na hindi na-gets 'yon ni Laura.

Nakangiting nilingon ni Laura si Maymay. "I knew it!"

"Ha?" Alanganing sagot ni Maymay.

Tumawa na lang si Laura kahit pa masayang masaya ito sa narinig dahil nga masaya ito para sa kapatid na si Edward. "So you think that Edward looks like Enrique?"

"Ahh. . . Hehehek. . . Uhm—medyo."

"Don't worry. I won't tell him."

Mabilis na niyakap ni Maymay si Laura. "Thank you. Thank you! Huwag mong sasabihin ha? Please? Wala akong balak na sabihin."

"Ha? Why?"

Humiwalay sa pagkakayakap si Maymay dito. "Eh, ayoko siyang boyfriend. Selosa ako," biro niya. "Pero seryoso, hindi ako magugustuhan nun."

Nakakalokong ngumiti si Laura. "Be confident, okay? You'll never know what might happen while you guys are here," aniya t'saka ito nagpaalam na para lumabas ng kwarto. Sina Maymay at Pat na naiwan doon ay napaisip na lang sa sinabi nito.

Magkasamang lumabas ng kwarto ang magkaibigan nang mag-text si Edward na hihintayin nito ang dalawa sa dalampasigan. Malapit nang lumubog ang araw nang oras na 'yon kaya naman ang malakas na hangin ay ang sumalubong sa dalaga. Idagdag pa ang amoy ng dagat at malakas na alon ng tubig na nakaka-relax sa dalawa dahil kung saan sila galing ay malapit din ang dagat doon.

"Ang ganda rito 'no?" Bulong ni Pat kay Maymay na ngayon ay nakatayo sa harap ng baybay. Yakap ang sarili at pinagmamasdan ang kapaligiran.

"Tahimik. Payapa. Parang doon lang sa atin. Bigla ko tuloy na-miss sina Mama Ludy."

Napangiti si Pat kasabay ng pag-akbay nito sa kaibigan. "Malapit na tayong matapos. Konting tiis na lang, matutulungan na natin ang pamilya natin."

Ngumiti ang dalaga at yumakap sa kaibigan. "Buti na lang talaga, nandito ka sa tabi ko."

"Best friend goals nga 'di ba?" Tumango naman si Maymay at pinanggigilang yakapin ang kaibigan.

Nakangiting pinagmamasdan ni Edward ang dalawa na kanina pang nakamasid sa kanila. Naka-suot na ng bestida ang dalaga pero sa paningin ng binata, kung anong simple ng suot niya ay siyang litaw ng charisma ng dalaga.

"Maymay. Pat."

Sabay na lumingon ang magkaibigan. "Ang tagal mo ah," biro ni Pat.

"We went to find some woods for the bonfire. Let's go? They're getting it ready." Agad na tumango ang dalawa at sumunod nga kay Edward.

"So may game tayo. Spin the bottle with a twist," bulalas ni Nikko. "Dalawang beses nating papaikutin ang bote. Kung kanino man tumama 'yon, magkakaroon tayo ng dugtungan challenge. Simple lang ang rule, bawal ang kiligin o maging emosyonal, etc. Dapat poker face lang sa tuwing batuhan ng linya


  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
19 September 2018