Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kasunduan

Image Description MOR 101.9 For Life   |   08 February 2018


Gusto ko magtiwala... Sinasabi niya na mahal niya ako pero di ko naman maramdaman...

Dear DJ Chacha,

Ako si Mhae, twenty years old. Ang fiance ko, twenty one years old at nag-aaral isang Maritime Academy.

Wala silang uwian. Bihira lang kami magkita. Minsan once a week pag may leave siya. Gusto ko lang sana maliwanagan dahil pakiramdam ko nagiging malamig na ang aming relasyon. May baby na kami na two years old. Pero hindi kami nagsasama dahil sa ayaw akong ipaubaya ng mga magulang ko ng wala pang kasal na nagaganap. Parang magkasintahan lang ang set up. Hindi nagsasama sa iisang bubong pero para sa amin mag-asawa na talaga ang turingan namin sa isa't isa. Kasal nalang ang kulang. 

Inaantay lang namin na makatapos siya. Makapag-ipon para sa pinapangarap naming kasal. Masaya naman ang relasyon namin kahit maagang namulat sa responsibilidad, naging matibay ang samahan. Tulad ng ibang magkarelasyon nagkakaroon din kami ng problema, nag-aaway, nagkatatampuhan, at nagseselosan. Pero ang mahirap sa lahat maibalik ang nasira kong tiwala. Maraming beses na niyang nasira ang aking tiwala at maraming beses ko na din siya binigyan ng chance. Magulo, DJ Chacha. Itong huling away namin may nahuli na naman ako sa FB niya. Ayokong isipin na ganoon pero dahil may history na, hindi ko maiwasan ma-paranoid palagi.

Nag-usap kami, pilit inaayos kahit ang hirap hirap dahil LDR kame na  tanging linya lang ng cellphone ang nag-uugnay sa amin. Inayos namin at nag-usap kami, tinanong ko siya kung anong problema at bakit niya ginagawa sa akin ito. Ano ba nagawa ko mali, never ko naman siya niloko, never ko naman nasira ang tiwala niya. Ang lagi niyang dinadahila sa akin, lagi daw mainit ang ulo ko. Hinahanap niya daw sa iba yung kalinga ng isang babae sa boyfriend niya. Tanong ko lang, tama bang katwiran iyon? Napaka-invalid naman ng reason nya.

At lalo ako naiinis, nasasaktan. Hindi ko na maintindihan nararamdaman ko sa tuwing makakakita ako ng mali sobrang selos na selos at inis na inis ako. Hindi niyo ako masisisi dahil sa mga nagawa niya before. Gusto ko magtiwala... Sinasabi niya na mahal niya ako pero di ko naman maramdaman. Ano ba dapat ko gawin para makuntento siya? Ano ba dapat namin pagkasunduan para maayos to? Ang hirap kase hindi naman sapat na mahal lang namin ang isa't isa. Ayaw ko masira ang pamilyang binuo namin.

Ito ang heartbeats ko,

Mhae


Heartbeats with DJ Chacha is a multi-awarded program of MOR 101.9 For Life, ABS-CBN's FM Radio Station. Heartbeats airs on weeknights, 9PM to 12AM.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Depression is Real

Depression Is Real. This is for those who are depressed. You are not alone. I am with you.

Image Description
decastrokyna
01 February 2018
Future

Tama ba yung ginawa ko? Tama bang nakipaghiwalay ako?

Image Description
MOR 101.9 For Life
23 January 2018
Love is Pain

You were supposed to love me..us.. but you only taught me the painful truth that love hurts.

Image Description
AnnaBanana0405
24 January 2018