Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Walang Nakakaalam

Image Description MOR 101.9 For Life   |   11 January 2018


Natatakot akong ipaalam sa kanya ang kundisyon ko dahil baka layuan niya ako...

Dear DJ Chacha,

Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Johny.

Isa siguro ako sa mga bagong tagapakinig ng MOR, lalo ng programa niyo.

Kailangan na kailangan ko lang talaga ng advice ngayon. May lalaking nanliligaw sa'kin. Almost one month na siyang nanliligaw. Katrabaho ko siya DJ Cha. Nahuhulog na din ang loob ko sa kaniya pero natatakot akong makipagrelasyon dahil sa kondisyon ko.

Last February nang nagpa-HIV test ako at naging positive ang resulta. Hangang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Alam kong napakalaki kong tanga dahil hindi ko inalagaan ang sarili ko at lumandi sa kung kani-kanino.

Walang nakakaalam sa kundisyon ko. At nahihirapan ako ngayon kasi maski pamilya ko wala silang alam. Ayaw kong ipaalam sa kanila dahil isa akong disappointment sa kanila. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa lumandi ako at nagkanda-bagsak-bagsak na ang grades kaya pinatigil nila ako. Natatakot din akong ipaalam sa kanila kasi napaka-istrikto at relihiyoso nila. Tinatago ko din ang pagiging bakla ko sa kanila.

Gusto ko sana humingi ng payo sa inyo kung ano ang gagawin ko sa lalaking nanliligaw sa akin ngayon kasi napapasaya niya ako. Natatakot akong ipaalam sa kaniya ang kundisyon ko dahil baka layuan niya ako. At sana mabigyan niyo rin ako ng payo kung paano ko sasabihin sa pamilya ko ang kundisyon ko dahil nahihirapan na talaga ako.

Ito ang heartbeats ko,

Johny


Heartbeats with DJ Chacha is a multi-awarded program of MOR 101.9 For Life, ABS-CBN's FM Radio Station. Heartbeats airs on weeknights, 9PM to 12AM.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

A Dose of La Luna Sangre

As the saying goes, “An apple a day, makes the doctors away”. But for me, it’s totally different. Because every day, “A dose of La Luna Sangre a day, makes my stress away.”

Image Description
rochellyheart
18 February 2018