Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




LOVE, LOVE

Image Description Nie Talain Singca   |   07 December 2017


Falling in love in high school is one of the greatest feelings one could ever experience. Let's bring back its kind of kilig with Love and Ronnie's love story.

PROLOGUE




???? PLAYING: AKO'Y SA'YO, IKA'Y AKIN ????


BINALOT agad ng kilig ang hall kung saan ginaganap ang prom ng St. Augustine College nang matapos ang trance music at mapalitan ng slow, romantic music. Napuno ng mga couples ang dance floor, na sumasayaw sa malambing na kanta. Ramdam na ramdam sa buong lugar ang season of love lalo pa't disperas ng Valentine's Day ngayon.


Sa isang table sa bandang likuran ng hall ay tahimik at relax lang ang magkaibigan na sila Ika at Love, na pinapanood ang iba pa nilang mga kaibigan na nagkakasiyahan sa dance floor.


"Psst. Hoy." Sutsot ni Ronnie, isa sa mga pinaka gwapo sa batch nila, kay Love at nilapitan pa ito at kinalabit. "Kawawa ka naman. Tara, sayaw tayo."


Parang may mga paru-paro sa tyan ni Love nang titigan nya ang kamay ni Ronnie na nakalahad para sa kanya. Ang crush nya mula first year high school, ay inaaya syang sumayaw ngayon. Hindi ba't isa naman talaga sa hiling ng bawat babae 'yon tuwing prom? Ang isayaw sila ng taong gusto nila. And here it is for Love.


Pero, tinabig lang ni Love ang kamay ni Ronnie at umirap. "Ayoko nga." Mataray nitong sabi.


Pinandilatan naman agad sya ni Ika habang nagtitimpi si Ronnie.


"Choosy ka pa ha." Nanghahamon na sabi ni Ronnie. Hindi naman ito nagpatalo, kaya imbis na hintayin at pilitin pang pumayag si Love ay kusa na nyang hinila ang kamay nito. "Halika na, aarte pa eh."


Wala nang nagawa si Love kundi magpahila kay Ronnie, kahit pa umaarte itong ayaw nya talaga. Gustong gusto nya, syempre naman, ang maisayaw sya ni Ronnie. Pero ayaw nya lang magmukhang excited, ayaw nya lang mahalata. Over protective si Love sa feelings nya para kay Ronnie. Ayaw nyang magka-hint ito.


Nagkagulo agad ang iba pa nilang mga kaibigan na nasa dance floor na nang makita silang dalawa na magkasama. Sumipol ang mga kaibigan ni Ronnie at nagtilian naman ang mga kaibigan ni Love. Mabuti nalang at medyo dim ang lights sa buong hall, hindi mahahalata kung mamula man sya.


Nang makarating sila sa gitna ay humarap sa kanya si Ronnie. Nilagay ni Ronnie ang dalawang kamay ni Love sa palibot ng leeg nya, at pinulupot naman nya ang kamay sa bewang ni Love. Parang hihikain na si Love dahil sa pakiramdam na bumabalot sa buong sistema nya nang mga oras na 'yon. Kilig at kaba. Hindi na nga lang ata paru-paro ang lumilipad sa tyan nya sa mga oras na 'yon eh. Pati ata ibon nakapasok na.


"Perfect." Sabi ni Ronnie nang maiayos ang posisyon nila.


"Perfect ka dyan." Mataray na sagot ni Love na may kasama pang irap.


"Kunware ka pa, kinikilig ka rin naman." Ganti ni Ronnie at ngumiti nang malapad. Pinisil pa nito ang ilong ni Love, na syang kinagulat nito.


Natigilan ang mga kaibigan nila sa ginawa ni Ronnie... at sabay sabay silang nagtilian at kinilig.


"Oh my god! Kinikilig ako, bes!" Tili ni Kat, kaibigan ni Love.


Sobra sobra na ang pagkailang na nararamdaman ni Love. Hindi na rin nya alam kung san sya titingin dahil hindi talaga sya makatingin nang diretso kay Ronnie. Tinuon nalang nya ang atensyon sa mga kaibigan na nasa gilid. Habang si Ronnie naman ay sinasabayan nalang ang kanta habang mariing nakatitig kay Love, na lalong nagpabilis ng tibok ng puso nito.


"Happy Valentine's Day, everyone!!!" Bati ng host pag patak ng alas dose.


Nagulat si Love nang hawakan ni Ronnie ang kanyang baba at itaas ang kanyang mukha. Nagsalubong ang kanilang mga mata, at halos sumabog na ang puso ni Love. Nilapit ni Ronnie ang mukha nya kay Love, at tsaka nya sinabing... "Happy Valentine's Day, Love."



KRIIIIIIIIING!


Napabalikwas si Love sa lakas ng alarm ng cellphone nya.




to be continued...


Comments

YOU MAY ALSO LIKE