Weshiyu.

 

Everyone who’s seen the movie is now smitten by it and has seen Empoy in a new light and given ‘pogi’ a new meaning. It has given hope to the ‘new pogi’ to come out of the shadows and rival the likes of John Lloyd and other heartthrobs on and off the screen.
 

Now, Popoy and Miggy won’t be the only meme-worthy characters, but we will know another one in Tonyo. And here are the reasons why.
 

1- Isang tingin kay Tonyo ay hindi sapat para malaman anong klaseng tao siya. Buti nalang bulag si Lea para di niya na-judge by the cover. Sometimes we’re guilty of this all too often.
 

2- Hindi siya ang tipong lalaki na mapapalingon ka ng dalawang beses, pero mapapatawa ka niya ng mahigit dalawang dosena, and in a lot of ways, having someone who makes you laugh as much as Tonyo did for Lea is worth more than a pretty face to stare at.
 

3- Si Tonyo naniniwala na dapat dalawa lang kayo sa relasyon, hindi tatlo. Kaya nung nakita niya na niloloko si Lea ng fiancé niya, naisip niyang dapat malaman ni Lea agad-agad. Loyalty is a great policy.
 

4- Sa pang-apat na beses natauhan si Tonyo at nagsimulang bumangon, maligo, at alagaan ang sarili niya. Ang ibang tao, patuloy ginagawa ang mali kahit gaano mo pagsabihan. Hindi si Tonyo.
 

5- Sa ika-limang pagkakataon, nakuha na niya ang pagkakaibigan na hangad niya kay Lea. Hindi siya ang tipong lalaki na sumusuko.
 

6- Anim na patak ng ihi ang lumabas kay Tonyo habang suot ang banana costume para lang pasiyahin si Lea. Sa anim na patak, napatunayan niya gaano ka-importante si Lea sa kanya. Sa anim na patak at iilang minuto, napahalagaan niya si Lea ng walang hinihinging kapalit.
 

7- Pitong beses nila kinalembang ang kampana, pero sa una palang, gising na ang puso ng saging kay Lea.
 

8- Alas-otso ng gabi nang nagbago ang mundo ni Lea, nagdilim ang paningin niya, at sinalo siya ni Tonyo ng di niya namamalayan. Walang hesitasyon, walang kondisyon.
 

9- Siyam na taong gulang noong nalaman ni Tonyo na maikli ang buhay niya. Pero kahit gaano ka-ikli ang pinagsamahan nila ni Lea, walang sinabi ito sa panghabang-buhay na epekto na dulot niya. A life-altering kind of love. The kind we spend our whole lives looking for.
 

10- Di na kailangan paabutin ng sampu ang rason bakit lahat tayo dapat hintayin ang Tonyo ng buhay natin. Lahat ng rason makikita sa isang-libong paper crane na tinupi niya para makakuha ng isang hiling na para kay Lea.
 

Dapat alam na natin ang klase ng pag-ibig na hihintayin. Pero para sa mga hindi pa, tiwala lang. Darating din yan. Baka sa kalagitnaan ng pagkabulag, magulat nalang tayo sa liwanag na bubulaga sa atin.
 

Did you like this article? Download the ‘NoInk’ app for the full experience! Don’t forget to like us on Facebook, and follow us on Instagram and Twitter at @NoInkOfficial.