Regular na sumasakay si Marialuz ng bus mula Makati hanggang Monumento tuwing hating gabi ng alas onse, matapang niyang sinusuong ang dilim ng bawat overpass at bawat kanto na kanyang lalakaran.
Sa gabing iyon ay nakasakay agad siya ng bus at pagdating niya ay agad naman siyang sinasalubong ng kanyang ama sa kanto kung saan nakahanay ang kanilang bahay.
 
Oh… mas maaga ang uwi mo ngayon kaysa kagabi ah.” Ang sabi ni Mang Mario sa kanyang anak.
”Oo papa, nakasakay naman kasi din ako agad at mabilis lang ang biyahe.” Sabi ni luz Malamig ang gabi at binaybay ng mag ama ang kanto pauwi.
 
Bakit naman kasi nag cocommute ka pa? may kotse ka naman ah.” tanong ni Mang Mario. “Eh papa gabi na rin kasi, isa pa pagod na rin ako pag umuuwi”
”kung gusto mo ipag drive na lang kita” Alok nito sa anak.
”wag na papa, kaya ko naman mag commute eh. Saka lalo ka lang mapapagod nun, sige ka atakihin ka uli niyan“
 Pagdating sa bahay ay agad na silang pumanhik at natulog na sa kani-kanilang kwarto.
Isang bagong umaga na naman at ginising si Marialuz ng isang masamang panaginip, Sa panaginip ay may isang matandang babae na pinagluluksaan ng mga kamag anak nito. Nang biglang ang lahat ay nagkagulo dahil sa may isang malakas na busina nang sasakyan ang bumulusok sa lamay at inararo ang lahat ng upuan at ang mga taong nakaupo dito ganun din ang kabaong ng kinalalagyan ng matandang babae at sa huli ang nasagasaan ay si Marialuz.
Pababa na sa hagdaan nila si Marialuz at naghahain nang almusal ang kanyang ama. Binati naman siya agad nito. “Goodmorning” pagkatapos kumain ng almusal ay agad naman nag asikaso si Marialuz para pumasok sa opisina, dumaan ang isang araw ng mahabang trabaho at muli uwian na naman, laking gulat ni Marialuz nang makita niya ang kanyang sasakyan sa labas ng building na kanyang pinapasukan. unti unting bumaba ang salamin sa bintana ng sasakyan at tumambad sa kanya ang malaking ngiti ng kanyang ama.
”tara anak uwi na tayo.” ang sabi nito, laking taka din ni Luz.
”Pa! bakit nag drive ka pa dito? sabi ko naman kaya ko umuwi.”
”eh nandito na ko, saka pagbigyan mo na ko streching lang kung baga ito.”
Pumasok na si Marialuz sa likod nang sasakyan at byumahe na sila sa kahabaan ng Edsa. Marahil sa pagod ay di namalayan ni Luz na nakatulog na siya.
Mataimtim na nag dadrive at biglang may tumawid na babae pinag masdan niya ito bago mabanga ng kanyang sasakyan, tumambad sa kanya ang gulat na mukha ng kanyang sarili. laking taka niya at siya rin ang nag dridrive ng sasakyan. sa gulat ay nagising si Luz sa pagkakahimbing at na apakan niya ang isang manika sa sahig ng sasakyan.
”anak malapit na tayo ha. sarap ng tulog mo ha.“
”Papa” maikling tungon ni Luz dahil rin sa gulat.
Sa bahay ay agad siyang pumanhik ngunit pinigilan siya ng kanyang ama.
”Anak ayos ka lang ba?” tanong ni Mang Mario.
”Opo pa. ayos lang po ako, saka bukas wag niyo na po ako sunduin please.. ” lambing ni Luz sa kanyang ama.
”sige sabi mo eh. ayos ka lang ba talaga?“
”Opo pa. promise“
umakyat na sa kanyang kwarto si Luz at natulog.
kina umagahan walang masamang panaginip o bangungungot ang gumising sa kanya. Mapayapa ang pagpasok ni Luz sa kanyang opisina at isang mahabang araw na naman ang malapit nang matapos. Ang gabi ay naglalaro na naman at siya na naman ang biktima. Tulalang nag iisip at malayo ang tingin habang ang mga bulong na mahina’y palakas ng palakas.
”Oo tama ka. kakatakot naman.“
“tinakbuhan daw, grabe naman yang may ari nang sasakyan na yan, kawawa naman yung matanda“
”Hay naku kung sino man yan sana multuhin siya ng matandang yun.“
”Luz… Psst… Luz… LUZ!
 
Biglang natauhan ito sa pagkakatulala.
”Oh Bryan!“
”lintik na tulala ka na oi. Hahahaha, kulay gray daw na sasakyan parang sasakyan mo yata yun ha. Hala mumultuhin ka.. hahahha” tukso ni Bryan.
” Sira umalis ka na nga dito!“
pahampas na pag abot ang ginawa ni Luz sa papel na kanina pa hinihingi ni Bryan. “Aray, hindi joke lang… hahaha ang bagal mo magpatakbo mababanga mo ba yun hahahaha.“
Ilang saglit pa ay uwian na naman. Pagbungad ni Luz sa labas nang kanilang opisina ay wala doon ang kanilang sasakyan.
”Hay salamat at hindi ako sinundo ni papa”
Naglakad at sa wakas ay nakarating na rin sa sakayan ng Bus. Sumakay na ito sa Ordinayong Bus na Dumadaan. Sa pandalawahang tao na upuan umupo si Luz at agad namang umalis ang Bus nang hindi na nagpupuno. Maya maya pa’y may tumabi sa kanya na isang matandang babae na sa palagay niya’y gusgugusin at para bang wala sa sarili. Agad naman din siyang nagtaka dahil maluwag ang Bus pero pinili pa rin ng matandang babae na tabihan siya. Hindi niya na ito tinitignan dahil nga rin sa takot. Alam niya sa sarili niya na minumulto siya ng isang matandang babae at unti unting inalala ang lahat ng gabing yun.
Disyembre sa may madilim na kanto dakong timog. papuntang Edsa ay nagmamadaling umuwi si Luz sa kanilang bahay dahil ang kanyang ama na sinugod na naman sa MCU sakadahilanang sumakit na naman ang puso nito. Sa bilis nang kanyang pagpapatakbo ay nahagip niya ang isang matandang babae. Pansamantalang nakalimutan ni Luz ang lagay nang kanyang Ama. Matapang niyang binaba ang matandang babae para saklolohan ito. Hindi niya na napansin na walang tao sa paligid at napakadilim nang lugar tanging ilaw lang nang kayang sasakyan ang bahagyang nagbibigay liwanag sa daan. Dahan dahan nilapitan ni Luz ang matanda, nanginginig na tinapik ni Luz ang katawan nang nito na nakahandusay sa gitna ng daan. Nakatalikod sa kanya ng bahagya ang matanda nang hinawakan niya ang balikat nito para iharap.
”Nay..? Okay lang po ba kayo?…“
Lumantad kay Marialuz ang duguang mukha nang matanda, ang bibig nito punong puno ng laway at dugo na umaagos. Napansin din niyang ang katawan ng matanda ay halos wala na sa porma at ayos. Sa takot ay napalayo si Luz at panandaliang natulala sa kalagayan ng matanda..
”FUCkk.. anong nagawa ko“
Nang matauhan si Marialuz ay muntik na siyang lumagpas sa kanyang bababaan, nawala na rin sa tabi niya ang matanda sa Bus.
Kinaumagahan ay walang sinayang na panahon si Marialuz. Binalikan niya ang lugar sa Timog kung saan nasagasaan niya ang matandang babae, malaki ang kinaibahan ng lugar kapag umaga kaysa sa gabing nabanga niya ang matanda. Matiyaga siyang nag tanong tanong sa mga taong naroon at di kalaunan ay napadpad siya sa barangay hall ng lugar kung saan naireport ang pangyayari.
Sa loob ng barangay hall ay nakita niya agad ang isang Kagawad, umambang magtatanong si Luz kaya naman napansin nito.
”Yes.. Ma’am ano po iyon?” tanong sa kanya ng isang kagawad.
”Ahh.. Kuya tanong lang po, if may alam ba kayo tungkol sa matanda na nasagasaan sa may kanto ng Luzcano?
 
Hindi nagtagal at tinulungan na rin si Luz ng mga kabarangay at napag alaman niya na si Manang Fe ang nasagasaan agad nilang tinunton ang bahay kung saan nakatira sa Manang Fe.
”Ah.. Ma’am mukhang nandito na tayo sa bahay ni Manang Fe“
Lumapit si Luz sa pintuan at kinatok ito. Dahan dahan at nararamdaman ni Luz na may lalapit sa pintuan para buksan ito. Binati sila ng isang lalaki na nakilala nila sa pangalang Richard, Si Richard ay Panganay na anak ni Manang Fe. sa loob ng bahay ay nakita ni Luz ang larawan ni Manang Fe at isang batang babae na hawak hawak ang isang Manika. Familiar ang Manika sa kanya ngunit bago niya ito maisip ay nahinto siya ng tanong ng anak nito na si Richard.
”ano po ang talaga kailangan niyo kay nanay?“
”May kailangan ka kasing malaman tungkol sa nanay mo?” namumugtong mga mata na sagot ni Luz.
”Ano yun?”
Muli ay tinignan ni Luz ang mga larawan sa tahanan, ang bawat larawan ni Manang Fe ay nag tataglay ng ngiti, ngiti na tinangal niya sa pamilyang ito. Sa tagal ay naalala niya uli ang gabi na nabangan niya si Manang Fe
”Disyembre kasi nun at madilim” napahinto si Luz nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba.
”Disyembre nun nang nabanga ko ang Nanay mo. Sorry, madilim sa kanto kaya hindi ko siya nakita sa araw na yun gulong gulo din ang isip ko, Patawarin mo sana ako. patawarin mo ko” patuloy at makaawa ni Luz na hindi na napigilan ang luha.
 
Disyembre? Pero di Disyembre nawala sa amin ang nanay. ibig niyo po bang sabihin Septiyembre?” lito at tanong ni Richard.
 
“Si.. Sii… Sigurodo ako Disyembre nun nagmamadali kasi ako nun pumunta ng ospital papunta sa tatay kong inaatake sa puso.” patuloy sa pag iyak si Luz.
 
Pero Septiyembre nawala si nanay sa amin! hindi din sa lugar ng Luzcano. Ate ano po bang sadya niyo dito ginugulo niyo lang ang ala ala ng Nanay!” galit na sabi nito “Pe.pe. pero… Patawad!..” Bumulusok palabas ng bahay si Marialuz.
 
makaalis lang sa lugar na iyon na ngayon ay litong lito na parang baliw at praning sa lahat ng nangyayari sa kanya. Paulit ulit na parang isang kanta sa ulo niya ang Disyembre at Septiyembre. Disyembre at Septiyembre. Disyembre at Septiyembre. Disyembre at Septiyembre, parang sirang plaka. Sigurodo siya na Disyembre nuon, ngayon ay di niya alam ang lahat kung bakit nagpapakita at nagpaparamadam sa kanya si Manang Fe.
 
Sa kahabaan ng Edsa, sa loob ng Bus ay tulala’t malayo ang tingin ni Luz, mahabahabang biyahe at kalbaryo ng pag iisip kung bakit? Bakit siya ang pinagpaparamdaman ng Babae? ang kanyang tiniis makarating lamang sa bahay.
 
Sa bahay nila ay tahimik at malamig. Madilim ngunit di ito pansin ni Luz. Lumagpas sa sala, sa hagdan, sa kwarto ng kanyang ama, at pumasok sa kanyang kwarto. Pabagsak na hinihiga ni Luz ang sarili ay iniyak sa kanyang unan ang lahat. Sa katahimikan ay napansin niya na may para bang sumasabay sa bawat paghikbi at pag iyak niya. Itinigil niya ang kayang iyak at itinuon ang sarili sa kanyang naririnig. Palakas ng palakas ito habang lalo niya pangpinag iigihan ang pakikinig at sa kanyang pagtataka ay sinundan niya kung saan ito galing at napadpad sa garahe ng kanilang bahay sa pagbukas niya ng pintuan nito ay nakita niya ang kanyang Ama. Umiiyak habang hawak hawak ang isang Manika… ∎
 
 
Did you like this article? Download the ‘NoInk’ app for the full experience! Don’t forget to like us on Facebook, and follow us on Instagram and Twitter at @NoInkOfficial.