Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Project Foreword's Frequently Asked Questions (FAQs)

NoInk   |   13 March 2020


Ready to join this program? Read this guide now!

PROJECT FOREWORD

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS


  • Pwede po bang ipasa ‘yung story ko na naka-publish sa online platform?

Pwede, basta hindi ito under evaluation o di kaya ay may existing na kontrata sa ibang publishers. 


  • Pwede po bang ipasa ‘yung kwento ko na isinelf-publish ko na dati?

Hindi po. L Mas maganda kung may bagong kwento kang maipasa.


  • Konti lang naman po ‘yung copies no’n.  20 copies lang po. Please?

Hindi po talaga pwede. L 


  • Anong subject po ang ilalagay sa email at paano po namin malalaman na na-receive nyo ang submission namin?

-Gamitin ang “Project Foreword Submission” na subject ng inyong email. Makakatanggap kayo ng acknowledgement email mula sa amin kapag natanggap namin ang inyong submission.


  • Paano po pag nasa malayong lugar?

Ang program pong ito ay parang isang matibay na relationship, may commitment. Kailangan po namin ng participants na kayang umattend ng interview at mag-participate sa sessions. Hindi po ‘yung nanggo-ghosting. :D 


  • Kailangan po ba full manuscript ang i-submit?

Gaya ng nabanggit sa poster namin, sample chapter lang ang kailangan. Maximum of 20 pages. Pakisunod na lang  ang FORMAT namin dahil isa ‘yun sa pagbabasehan namin sa pagpili ng qualified writers. Kahit sa pagsusulat, importante ang disiplina.


  • Ilan po ang word count ng sample chapter na kailangan nyo?

‘Yung kakasya sa 20 pages na may Times New Roman Font, 12 pts. size, at double spaced. Siguruhin na ang file na inyong isa-submit ay naka-.doc or .docx format.


  • Accepted po ba ang Wattpad stories, poetry, and short stories? Pwede po ba ang Tagalog stories?

-Accepted ang English, Filipino, and Taglish stories. Accepted din ang Wattpad stories, poetry, and short stories. When in doubt, basahin ulit ang laman ng aming poster. 


  • May age limit po ba ang pagsali sa Project Foreword?

Walang age limit. 


  • Pwede po bang sumali kahit newbie writers?

Yes!




YOU MAY ALSO LIKE