Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




EDITOR’S PICK: 5 NoInk School Romance Stories

NoInk   |   29 April 2020


LEARN LOVE REPEAT



Nagkaroon ka na ba ng crush noong nag-aaral ka pa? Well…

We are 99.9% sure na karamihan sa atin ay nagkaroon na ng school crush at maging ngayon kung ikaw ay student pa rin. Bukod sa baon, alam naming isa sa mga reason kung bakit ganado pumasok ang mga estudyante ay dahil sa mga crush nilang gusto nila makita every day. Well, it’s pretty normal for all of us, mapa-babae man o lalaki.

Kaya hindi na rin nakapagtataka na karamihan sa mga sikat na palabas ngayon, mapa-T.V. man or cinema, ay tungkol sa mga school romance stories. At siyempre, magpapahuli ba ang mga fictional books (print or digital) diyan?

Ehem! #ABSCBNbooks Ehem! #NoInk Ehem!

OF COURSE, NOT!

That’s why kami rito sa NoInk, meron din kaming mga school romance stories na talaga namang magsa-satisfy sa inyong mga kilig. Kaya habang naghihintay ka kung kailan ka ulit makakapasok sa school para makita si crush, why don’t you finish this article first at alamin ang ilan sa mga school romance stories dito sa NoInk so you can start your binge reading now - as in… NOW NA!

**




APOLLO ZAPATA

By Blackphoenixxxx

Kaya mo bang mahalin ang taong alam mong pumatay sa kapatid mo?


A story that will teach us that true love is an act of endless forgiveness. If we want to love freely, we need to let go all the pain and bitterness within our hearts. Kung tipo mo ‘yung mga stories na may konting pinch of hurt sa love story ng mga bida, ito ang kwento na para sa ‘yo.

Kilalanin si Astraea sa kaniyang pagtuklas kung ano nga ba ang mas matimbang sa kaniyang heart, ang pain of the past or the promise of true love sa present? Alamin kung paanong si Apollo Zapata ang naging dahilan sa tuluyang pagkawala ng kapatid ni Astrae.

Will they remember their love for each other again kaya?

O patuloy na lang silang maging bittersweet memories sa isa’t isa?


“Astraea—.” Malutong na sampal ang sinalubong ni Astraea sa kasintahan. “Sorry.”

“SORRY?!” Hindi makapaniwalang sigaw ng dalaga. “Ano pang magagawa ng sorry mo kung patay nang kapatid ko?”




MR. PICTURE PERFECT IS A GANGSTER

By Tiana VianneHe is not good for her that’s why he can’t have her. Will she still accept him despite of being a gangster?


A story that will teach us that love is seeing all the flaws and blemishes but still accepts all of them. If you’re into with school romance stories na may slice of gangster feels, this is the right story for you.

Get to know more about this normal lady named Miley na makikilala ang isang mysterious guy na si Maxwell na kabilang pala sa isang notorious gangster clan.  Will she be willing to sacrifice her peaceful and happy life just to be with the man who gives her joy but with uncertain future? 

Pero…ano ang kabayaran ng lahat ng ito?

Let the secrets unfold…

“Hindi kami bagay kaya I’m willing to do everything just to suit him perfectly. Even if I need to be a gangster too just to prove him that we are meant to be. ” 




MY FACEBOOK BOYFRIEND…FOR REAL?!

By A.B.Castueras

“Ikaw na lang ba ang NBSB sa barkada? Bakit hindi mo subukang gumawa ng Facebook Boyfriend? Makakapagpalit ka pa ng status mo from single into in relationship, o ‘di ba? Pero paano kung ang picture ng FBBF mo ay mabuking ka? Iyon lang. Ito ang istoryang pupunan ang boring na araw n’yo sa Facebook , at bibigyan kayo ng kakaibang idea kung paano ang Facebook Boyfriend mo ay magiging For REAL!


A love story that will teach us that love is sweeter when you find the right person to love and cherish for the rest of your life. Kung fan ka ng mga RomCom stories, ‘wag na magdalawang-isip pa dahil ito na ang story para sa ‘yo.

Samahan natin si Nads at ang journey niya sa pagkakaroon ng imaginary Facebook Boyfriend na magiging real na real! Yun nga lang, maging willing Facebook Boyfriend naman kaya si Troy Harris Smith or will they go in separate ways dahil sa kabikabilang bumps and walls ng relationship nila?

Mag-ready ng humagalpak sa kakatawa together with their B.I.T.C.H. friends at buong Red Dragons Basketball team.

G. Basahin mo na!


TROY HARRIS SMITH: Whoever you are, I’ll hunt you down! Mark your days, woman.

Oh my gosh… Hahanapin daw niya ako! Okay Nads, wag slow. Hahanapin ka niya at who knows what’s next ang drama! May lahi ba siyang mamatay tao? Bakit ganyan naman siya magbanta!

“I’m super deads.”




PAPER PLANES

By HEARTESSNOSTALGIA

“I might wanna fly like a paper plane but in the end, I’d still choose falling for you.”


This story talks about love that has to be brave to take a risk, to go against the odds to get your own happily-ever-after. If you love stories na mapapaisip ka palagi ng mga ‘What Ifs’ habang nagbabasa, this is the story you should be reading now.

Kilalanin si Leona, ang perfect daughter at perfect student of all. Literal na nasa kaniya na ang lahat, isama pa ang kaniyang undeniable beauty at wealthy life. Ang susi sa ganitong buhay? Just follow the rules…

Pero paano kung suwayin niya ang mga golden rules?

Insert Ejercito Sandejas who’s exactly opposite of her. Siya ang blacksheep ng school nina Leona, at siya rin ang pinili ni girl para maging kaibigan…and more? 

When everyone is telling you it’s not good, it’s not worth it, it will only bring you heartache…is it the time to fly away like a paper plane?


“Hindi na ‘ko magugulat kung magustuhan mo na ‘ko.”

“That’s disgusting!”

“Oh?” His eyes screams amusement and he brushed his hair with his fingers . “Is my Lena falling inlove with the handsome—.”

“Oh, shut up, Sandejas!”




SHE’S A VAMPIRE

By Ambonnnn

A vampire girl meets a human guy.


A story that will teach us that true love has no limits and knows no boundaries. It doesn’t restrain or hold us back to bring people together to a time called forever. Kung mahilig ka sa school romance at fantasy, ito ang perfect for you.

Sa unang tingin, isang normal student lang si Ran sa kanilang school. Ang hindi alam ng karamihan ay kaisa siya sa clan ng mga bampira na naninirahan sa mundo. All she wants is to be accepted for who she is kahit na alam niyang imposible.

Insert Atoz, ang lalaking ready i-defy ang lahat ng NO and BUTS sa kanilang love story. Pero…is he really ready for all the consequences sa pagpasok niya sa kakaibang mundo ni Ran?


“Kailangan ko pa bang maging bampira para lang magsama tayo?”

“Tama na, Atoz,” naiiyak na wika niya.

“Ito ba?! Ito ba ang kailangan para maging bampira ako at para…magsama tayo?” 

Pagkasabi ko no’n ay agad kong ininum an gang dugo. Bahala na…


**


Oh? Ano pang hinihintay n’yo?

Calling all the writers and readers out there.

Create your account here in #NoInk – now na!

Kung writer ka… Malay mo? Baka story mo na ang next na mapabilang sa aming Editor’s Pick of the Week. 

See You!






YOU MAY ALSO LIKE