Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




NOINK WRITER’S CORNER: “Miss Luvee”

NoInk   |   11 June 2020


Grow Your Passion - Enter A New World



Writing is an unending journey.

Reading is an unending self-discovery.

Ang istorya ay tulad ng isang paglalakbay sa gitna ng karagatan. Ang manunulat nito ay ang kapitan ng barko habang ang mga mambabasa ay ang mga nakasakay rito. Ang kapitan ang siyang masusunod sa direksyon na kapupuntahan ng bawat paglalakbay. Kung saan niya dalhin ang barko ay doon lamang din ang direksyon ng bawat lulan nito. Kung pipiliin niyang ihinto ang paglalakbay at iwan ang manubela, maaaring ito na ang katapusan ng istoryang iyong binabasa.

Ngunit…sa ganda ng paglalakbay ay maaaring hindi nanaisin ng mga lulan ng barko na ito na ang katapusan ng lahat. Ito ang dahilan kung bakit ilan sa mga nakasakay dito ang maaaring maglakas-loob na hawakan ang manubela upang ituloy sa ibang direksyon ang nasabing istorya. At ito na nga ang umpisa ng isang panibagong paglalakbay…


Oh, ano? Relate ka ba?

Have you ever read a story na ayaw mo ng magkaroon ng ending? O di naman kaya’y…gusto mong ibahin ang ending? Well, well, well! For sure ay makaka-relate kayo sa aming New NoInk Featured Writer today dahil sa ganitong rason niya inumpisahan ang isa sa mga most read Fanfic Stories dito sa NoInk ang “Una’t Huling Pag-ibig.”

At kung love na love mo ang I Love You Since 1892 ni Binibining Mia, we encourage you to continue reading this article to spark that little dream of yours to be a writer dahil malay mo – ikaw na ang susunod na magtutuloy ng istorya nina Carmela at Juanito.

With that said, kami rito sa NoInk, welcome lahat ng mga aspiring writers!

As our brand continues to evolve, naghahanap kami ng mga new talents na talaga namang love na love ang pagsusulat sa kanilang chosen genre. And now, the floor is open…

 Give it up for – Miss Luvee!

***


THE INTERVIEW

We managed to grab a quick online interview with Miss Luvee. Enjoy!


NOINK: Hello! Before anything else, please, introduce yourself muna. 

“Sawatdikhaaaaaaaa.. charot! By the way, I'm Judy Ann Lungsod, mas kilala ako ng mga readers ko bilang 'Miss Luvee'. Nakatira ako sa Fishing Capital of the Philippines' Navotas City. I'm an Office Administration College Graduate since 2019. At higit sa lahat ay ipinagmamalaki kong sabihin na I'm one of the Editors of MarNella Fighters. Yes! Sa simula't sapul hanggang ngayon…nandito pa rin kami para suportahan sina Janella Salvador at Marlo Mortel hanggang sa dulo.”


NOINK: Wow. 6 years of writing. Pero ilang stories nang nasulat mo? What genres? 

“Kung bibilangin po natin lahat-lahat kasama na yung mga on-going ko ngayon, 22 stories na po. Kasama na rin po roon ang mga dati ko pong ginawa na stories nang uso pa ang ‘jejemon type’ at noong mas kilala pa ang Ebook. Sa ngayon ay ‘dinraft’ ko po muna ang mga old stories ko dahil i-edit ko po muna sya para iwas ma-judgemental. Charots!”


NOINK: Ang dami mo na rin pa lang naisulat? That’s nice. Can you tell us naman how and when did you start writing?

“Nag-simula po akong magsulat when i was 16 year's old, 2012 po iyon and I'm first year college that time, na-stop ako sa pag-aaral kaya 2019 na ako naka-graduate. Hindi pa gaano kalawak ang social media that year, and hindi rin gaano pa kalawak ang mga android phones. Na-inspire ako nun sa pagbasa sa pamamagitan ng Ebook Reader sa cellphone kong pamato na di-keypad pa dati, doon ako nag-start magsulat ng isang short story na pinamagatan kong "I Believe" inspired sa song ni Jimmy Bondoc. Hinding-hindi ko yun makakalimutan dahil una kong sinulat ang istorya na 'yon mismo sa isang notebook. Yes! sulat kamay po talaga. Ang tanging nagbabasa ng story ko na yun sa notebook is ang kapatid ko at mga close classmates ko.


NOINK: Any difficulties na na-experience mo or you’re currently experiencing right now as a writer? How did/do you deal with it?

“Hindi naman big deal itong na-experience ko po pero nakakatawa dahil ngayong quarantine days because of COVID-19, nasira po ang phone ko last month. Yung phone po na ginagamit ko sa pagsusulat. So, ayun, doon ko po na-experience yung hirap…’yung hirap na wala kang mapaglagyan ng mga nai-imagine ng utak mo.”


NOINK: What has influenced you the most as a writer?

“Gaya po ng sinabi ko, since 2012 pa po ako nagsusulat. I think, ang nagtulak sa akin para makapag-sulat ay ang pagbabasa ko noon na mga stories, bigla akong na-inspire sa mga binabasa ko noon at dahil doon ay lumawak ang  imaginations ko. At dahil inggitera ako ay dun po ako nag-start mag-sulat. Doon ko rin po na-discover na may talent pala akong ganun, na inggitera ako. Chos! Na may talent po ako sa pag-susulat.”

Then year 2016, na-stop po ako sa pag-sulat dahil nag-working student ako. Pagdating ng 2019, nabasa ko po yung I Love You Since 1892 ni Binibining Mia. Number one reason kung bakit ko po siya ginawan ng Fanfiction is because hindi ko po natanggap ang ending, sobrang sakit, mas masakit pa po sa break up. I mean, lahat naman po siguro ng nakabasa ng ILYS1892 is umiyak , nasaktan at nabitin. Ilang araw akong umiiyak dahil sa ILYS1892. Naisip ko po na nagsusulat naman ako…gawan ko kaya ng Fanfiction? At ayun po ang dahilan kung bakit ko binigyan ng pagkakataon si Carmela at Juanito na magkasama ulit. Wala na nga po akong jowa, hindi pa magkakatuluyan si Juanito at Carmela? Chareng!

Shout out po kay Binibining Mia, maraming salamat po sa isang istoryang hinding-hindi namin makakalimutan. Masakit man ang ending pero dahil din doon, napamahal ako sa History ng Pilipinas.”


NOINK: Do you try more to be original or to deliver to readers what they want? Share mo na rin why.

“Minsan may mga readers na nag-rerequest pero kahit mahal ko sila, sorry, guys! Hindi ko sila nasusunod dahil bilang taga-basa na katulad ko rin, mas magandang basahin ang istorya kung hindi mo alam ang buong takbo nito. So ako pa rin ang nasusunod, ako parin ang director. Chareng!”


NOINK: We’ll give you a scenario… You feel uninspired and you’ve sat at the computer for an hour without conquering any words. How do you get your creativity flowing?

“Dahil wala naman akong computer, sa cellphone ako nakatunganga. Chareng! Literally, kapag tamad ako gumawa ng story ay hindi muna ako gagawa dahil hindi ko rin made-deliver nang maayos. Pero may times na kapag ganyan ako, nakikinig ako ng music para mas gumana yung utak ko. Music is the best, yesh the best.”


NOINK: For you, how do you describe a successful author/writer?

“For me, makatapos ka lang ng isang istorya na sarili mong akda, successful na 'yon. Imagine, after mong isulat ang isang mahabang kwento then babasahin mo ito, mapapa-tanong ka nalang sa sarili mo na "Ako ba ang gumawa nito?", “Wow, ang galing ko." Wala sa pag-publish ng libro, pag-publish sa online, o sa maraming readers masasabi ang tunay na successful writer. For me, wala pang mas sasaya pa sa pakiramdam kapag nakatapos ka ng isang buong istorya, maikli man yan o mahaba.”


NOINK: How do you think being a writer has helped you as a person?

“Dahil sa pag-susulat, doon ko naipapakita kung gaano kalawak ang utak ko. I mean, kung paano i-express yung talento ko sa pag-sulat. Hindi man ako magaling sa ibang bagay, hindi rin ako matalino, pero kapag may mga taong nakakapag-basa ng mga akda mo at sinusuportahan ka nila, sobrang saya sa pakiramdam.”


NOINK: Tell us your motto/hash tag/or any life verse you have.

"Believe yourself, be you"

“Hindi mo kailangan plastikin ang sarili mo para lang mahalin ka ng tao, kailangan mong ipakita kung sino ka. Dahil kung sinong nakakakilala ng tunay na ikaw, sila yung mga taong dapat mong pakisamahan.”


NOINK: This is it! Time to greet your readers!

“Una sa lahat at hindi sa huli, charots! Maraming-maraming salamat po sa mga nag-babasa at sumusuporta sa mga akda ko, sa simpleng pag-chachat or pag-uusap natin sa facebook, sa simpleng pag-message n’yo sa akin ng "Kailan po update?" Super na-a-appreciate ko ‘yan lahat. May mga ilang readers din ako na sumusulat na rin ngayon ng kanilang mga kwento pero nalalaman kong nawawalan ng pag-asa minsan. Guys "Believe yourself." Kung ano ka, kung ano yung gusto mong gawin - Go! Wala dapat makakaharang na kahit sino sa mga nais mong gawin o pangarap mo. Dyina-judge ba ang gawa mo? Walang reads? Walang followers? That's not important! Gaya nga ng sinabi ko "Ang pagiging successful bilang writer is makatapos ka ng isang buong kwento." Wala nang mas papantay sa saya na mararamdaman mo kapag nabasa mo ang sarili mong akda.

At, guys, pwede rin kayong mag-join dito sa NoInk, register and share your stories. Dahil dito ay mas mapapalawak pa natin ang ating talento sa pagsusulat at mas madi-discover ang iyong mga akda. Again, maraming salamat.”


MISS LUVEE'S NOINK STORIES:


Ang kwento na kung saan "Binigyan muli nang huling pag-kakataon ng tadhana sila Ginoong Juanito Alfonso at Carmela Isabella. Saksihan hanggang sa kasalukuyang panahon ang kanilang pakikipag-laban para sa pag-ibig."

READ: https://bit.ly/2BPsGby

_______


Historical Romance "Kilalanin ang babaeng nakaka-punta sa nakaraang panahon nang dahil sa mahiwagang panaginip."

READ: https://bit.ly/3hfqEBO

_______


NEW STORY:


READ: https://bit.ly/2YlLua8

_______


Social Media Accounts:

NoInk: Miss Luvee

Facebook: Judyann Lungsod

Twitter: @immissluvee

Instagram: @heyyjudds


***


Na-enjoy mo ba ang aming Writer’s Corner for the Week? Next time ulit!

Show your love by sharing this article sa social media accounts ninyo. Don’t forget to follow us on Instagram and Twitter (@noinkofficial) and like us on ABS-CBN Books Facebook page.

Sino’ng NoInk Author ang gusto n’yong next nating i-feature?

Tweet us na!


Writer? Reader?

No Account yet? 

Sign-up now ; )


#GrowYourPassion

#EnterANewWorld

#NoInk


—AB 






YOU MAY ALSO LIKE