Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Abangan natin ang pagdating ng Tagapagbantay ng Perlas ng Kanluran, Sirene!

NoInk   |   21 February 2020


Isang alamat lang ba ang mga sirena? Baka naman totoo sila?

Ayon sa isang alamat, ang mga sirena ay malapit noon sa mga tao. Magaganda, mababait, at may mapagmahal na puso. Sabi rin ng alamat, may apat na sirenang nagbabantay ng Hilaga, Timog, Silangan, at Kanlurang bahagi ng Pilipinas, na siyang anak ng dyosa ng karagatan at kamatayan. Isa rito si Sirene, na tagapagbantay ng perlas ng Kanluran… na nasasabing nasa Palawan.

Sa mundo ni Kolas, nananatiling isang alamat lang ang mga sirena. Pero may isang pangyayari na makakapagbago ng kanyang paniniwala at kahit mismo ng buhay niya.

Abangan ang magiging takbo ng kwento ni Kolas at Sirene! Totoo nga ba ang mga sirenang tulad ni Sirene o nabubuhay lang siya sa isang alamat? Magkakakilala kaya sila ni Kolas?

Ito ang panibagong handog ni Binibining Mia para sa kanyang mga readers. Kasama ang ABS-CBN Books, ihahatid niya ang isang magandang kwento na nai-set sa panahon ng Hapon dito sa Pilipinas. Ang “Sirene” ay may tatlong bahagi na malapit nang dumating para i-capture ang inyong mga puso!


Bukod sa kwento ni “Sirene”, may freebies pang kasama ang unang libro ng trilogy na ito. Kung fan ka at talagang nasubaybayan mo ang “I Love You Since 1892”, dapat hindi mo palagpasin ito!


Abangan kung kailan niyo makikilala si Sirene sa ABS-CBN Books! Follow us for more details!



YOU MAY ALSO LIKE