Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




5 Types of Fictional Heroes That Will Make You Fall In Love

NoInk   |   28 April 2020


My Kind Of Hero


Sa bawat love story, hindi pwedeng mawala ang ating mga HEROES. 

Nope, hindi sila ‘yung naka-kapa at lumilipad (though pwede rin naman kung fantasy romance ang story), sila ang mga bidang lalaki na pwede kang pakiligin, inisin, galitin, o paluhain.

Sa dami ng mga nabasa na nating stories, I’m sure kaya n’yo ng maglista ng inyong ideal fictional heroes. At dito sa article na ito, we will give you five of them na talaga namang hindi mawawala sa ‘yong listahan.

So, pa’no? Let’s start!

**



THE SUPER RICH HERO

HIS TYPICAL LINE: “Money is not an issue, okay?”


I’m sure, agree na agad kayo sa una sa ating listahan. Well… In every romance story, hindi nawawala ang mga hero na napakaraming zeros sa kanilang bank accounts. Wala sa vocabulary nila ang salitang WALANG PERA.


So, sa paano’ng way nila karaniwang ginagamit ang pagiging rich kid nila?

They use it to intimidate the heroine or to even blackmail her at the start of the story, to help the heroine sa financial difficulties niya in life, to destroy every human being na hahadlang sa pag-iibigan nila ng heroine, or karaniwan ay para ibigay ang buong mundo sa heroine just to express his outmost adoration to her.

Tatlo ang reason kung bakit mayaman ang isang hero… 

  1. Born rich/Mula sa mayamang angkan.
  2. Nagsumikap mula bata kaya naging indestructible rich guy sa present.
  3. Instant billionaire. Pwedeng nanalo sa lotto, nanalo sa gambling, o pinamanahan ng namayapang pinagsilbihan niya na very rich person pala.



THE MAN WITH A TROUBLED PAST

HIS TYPICAL LINE: “If you know my past, you won’t ask me to love you. I’m sorry. I can’t love you…”


Ito ‘yung mga klase ng hero na magaling magpa-fall! Walang ka-effort-effort nila tayong paiibigin kahit hindi nila sinabing mahalin natin sila, at kapag na-fall na rin ang bidang babae sa istorya…saka nila sasabihing hindi sila pwedeng magmahal dahil sa nakaraan nila! 

#ARAY

What kind of past ang karaniwang pumipigil sa kanila to love freely?

  1. May nagawang krimen. Minsan sinasadya, karaniwan ay hindi.
  2. May traumatic experience na nakita niya or siya mismo ang naka-experience.
  3. Abused by someone. Physically, mentally, or emotionally.


Karaniwang pa-mysterious ang peg ng mga ganitong heroes, ayaw mag-open up nang husto. Gusto mong sukuan sa pagbasa pero tulad ng bidang babae sa istorya, parang may kung ano’ng magnet na nagsasabing… “Don’t give up on me… Don’t.” At dahil marupok tayo, we’ll continue reading.



THE ANTIHERO

HIS TYPICAL LINE: “I’m not your prince charming, sweetheart. I’m the monster in you nightmares.”


Ilan sa mga readers, may pagka-masokista ng very light. That’s the reason why kahit naba-badtrip na tayo sa ugali ng hero na ito ay tuloy pa rin sa pagtibok ang heart natin sa kaniya. Don’t expect na siya ang typical goody guy na palaging sumusunod sa batas or may good ethics in life.


Most of the time, sila ‘yung may strong personality na mahirap i-break. It’s up to you kung tatanggapin mo siya for who he is or ikaw ang aalis para sukuan siya. Mahirap ma-gets ang way of thinking ng ganitong heroes. Karaniwan ay gusto mo na siyang bugbugin sa inis dahil sa ugali niya or sa decisions niya in life lalo na pagdating sa heroine ng story. 


Pero sabi nga… The more you hate, the more you love. Hindi mo ma-explain pero kahit sobrang dami nilang flaws, pinipili mo pa ring intindihin siya dahil umaasa ka na may one percent goodness pa rin sa puso niya.


What made them lovable?

Masama man siya sa ibang tao, pero pagdating kay heroine ay siya ang pinakamaamong tupa. Kita mo ang big influence ni girl sa buhay niya kahit ano’ng tanggi ang gawin niya.




THE BESTFRIEND/KUYA HERO

HIS TYPICAL LINE: “Hindi kami pwede. Basta! OFF LIMITS!”


Yung mga heroes na best friend ng heroine or best friend ng kuya ng heroine – KUYA ang peg.  Sila ‘yung very close sa heroine at talaga namang head over heels in love kay girl pero hindi makagawa ng move dahil… First, ayaw nilang masira ang friendship nila ni girl, #IKR. Second, ayaw nilang baliin ang unspoken bro code nila sa kuya ng heroine.


So, what made them lovable?

  1. Sila ‘yung palaging nagpapatawa sa heroine. Dahil close sila, gets nila ang happiness ni girl.
  2. To the rescue palagi na parang si Superman. Isang tawag mo lang, nandiyan na.
  3.  Isang malaking pader sa lahat ng lalapit na guy kay girl. Ang reason niya? He’s protecting her dahil bestfriend siya ni heroine or dahil bestfriend niya ang Kuya nito kaya he’s acting as her KUYA.



THE CLASSIC HERO 

HIS TYPICAL LINE: “I’ll do everything to make this work. Don’t worry.”


This is the kind of hero na walang pader ang hindi nito bubungguin maging happily ever after lang ang story nila ni girl. Mahirapan na siya basta huwag lang ang heroine. Ito rin ‘yung mga bidang guy na kapag sobra na ang sacrifice o paghihirap sa story ay halos gusto ng maging writer ng mga readers para lang baguhin ang takbo ng buhay nila.


What are the common traits ng mga classic heroes?

  1. Possesive kay girl. Hindi pwedeng lumapit ang ibang guy dahil nati-trigger siya nang bongga.
  2. Righteous guy. He can’t stand injustices lalo na kung involve si heroine.
  3. Willing to help always. Kahit hindi niya gustuhin, napapaisip siya kung paano makatulong. Of course, lalo na kung involve si heroine.
  4. One woman man. Ibang level ang adoration niya kay girl. For him, siya lang ang Miss Universe.


**

Nag-enjoy ka ba? Well, I’m sure marami ka pang pwedeng ilista na klase ng heroes na nagpapakilig sa ‘yo habang nagbabasa. Share mo ‘yan sa comment section! 

At ano man ang klase ng hero ang hanap mo? 

Meron kami niyan! Sign up now and start reading our different stories online. At kung writer ka? Upload mo na ang story mo sa ‘min. Go!

Kitakits sa next article! 



YOU MAY ALSO LIKE