Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




TOP 6 REASONS WHY YOU NEED TO READ “Panagutan Mo Ako” by J.C. Quin

NoInk   |   20 February 2020


Story You Will Love




Kilig? Laughtrip? Prince Charming? Lovable Heroine? Usual Love teams? Predictable Happy Endings? Typical Love Story? 

Well, ilan lang ‘yan sa mga usual comments natin kapag nakakakita tayo ng mga new romance novel releases sa market. Kaya naman kung hindi man sawa na ay hindi na tayo excited sa ganitong Filipino published books ngayon.

Well, don’t lose hope! 

ABS-CBN Publishing Inc. has its awesome list of fiction authors that are set to give you out of the box quality stories in different genres. 

And one of those authors in the list is the author of the book Panagutan Mo ‘Ko by J.C. Quin.


WHO IS J.C. QUIN?

This author started writing on Wattpad wayback May 2011. Napasok siya sa publishing world in the year 2013 kung saan kasabayan din niyang nakapag-publish ang ilan sa mga ABS-CBN Publishing Fiction authors natin na sina Alesana Marie (A Taste of Poison), Aril Daine (Hello, Neighbor!), and AB. Castueras (Stop! In the name of Love, Amen.) Sa tagal na niyang nagsusulat ay masasabi nating she’s not your typical writer na dapat mong palagpasin. 

Sa katunayan, dalawa sa mga published book ni J.C. Quin (Mysterious Guy in the Coffee Shop and Hiling) ang nagawan na ng TV Adaptation sa isang kilalang TV Network. Galing!

Bukod din sa mga Romance Stories (with subgenres of Fantasy and Humour), ay kilala din si J.C. Quin sa mga genre na may nakakatakot na vibe, tulad ng thriller, mystery, paranormal, at psychological. Astig, right? We can say that this author doesn’t only play in one typical genre, but she’s brave enough to write the most terrifying plot ever! And when it comes to romance, sigurado kaming you won’t need your sugar anymore dahil she knows how to make her readers swoon and giddy with all her lovable romance stories. 


Panagutan Mo ‘Ko

If you’re looking for unconventional love story, you’re in the right path. Panagutan Mo ‘Ko tells the story of two untypical characters who will show us how to accept someone and loving them for who they are without setting conditions, and aspiring for their progress as an individual at the same time. This story goes beyond the typical love norms we usually read. How? Let us give you the brief teaser from this book…


Tomboy si girl, bakla si boy. Isang gabi, nakalimot silang dalawa…

Paano kung hindi mo maalala ang nangyari isang gabi at kinabukasan, may kailangan ka nang panagutan?

Broken-hearted sa kaniyang unang babae, makikilala ni Alex si Brenda sa isang party kung saan mangyayari ang hindi dapat mangyari.


Hindi pa rin convinced kung babasahin mo ang libro niya? Chill! Let us help you to have more quick reasons why you should read “Panagutan Mo ‘Ko.” 


***



1st

NOT THE TYPICAL LOVE STORY


Yes, it’s a romance comedy. But, no, it’s not the typical love story. Paano? Well… The hero is a gay and the heroine is a lesbian. We must say na isa ito sa mga matatapang na novel na nai-publish ngayon dahil bihira tayong makakita sa market ng mga lovestory na hindi straight ang guy at girl. Relax your heart dahil this story won’t tackle the rights and principles of the LGBT community na tingin mo ay pwedeng ipilit sa ‘yo as a reader na dapat ay tanggapin mo. This story will really focus on how these two characters will move all the barriers to find love and acceptance from each other’s  arms.



2nd

SUPER FUNNY BUT SWOONY HERO <3


If you’re getting confused kung sino ba talaga ang tinutukoy natin dito, it’s BRENDA. Yup, si Brenda. Magulo pa rin ba? Well… Brenda is the gay, and the hero in this story. But before ka sumuko dahil sanay tayo sa mga straight guy heroes na matangkad, maginoo, super hot, we must say na hindi magpapahuli ang pambato naming si Brenda! ‘Wag mo siyang minamaliit dahil once na mabasa mo ang librong ito, you will be sure #TEAMBRENDA sa huli.

 “Nakita mo ba ‘yung laki ng katawan niya?! ‘Yung muscle? Hindi papasa kahit sa Miss Gay sa baranggay ‘yan! Pwede pa bouncer!”

Sa isang mabilis na description, we can say that Brenda is brave, very sweet, caring, hardworking, a good listener, kilala niya ang sarili niya, he knows his limitations, at he’s very sincere.

You have to look beyond his actions because we must say that Brenda is much manlier than any man you will know. #BRENDAFTW

Aren’t you curious sa real name niya? *winks* 


3rd

DON’T-MESS-HER HEROINE


Our heroine in this story ay si Alex. You might as well erase all your expectations sa isang heroine if you want to meet all of her. What we like about Alex is that hindi siya ‘yung super perfect brave person na gugustuhin mong maging ikaw in reality. Tipong kayang makipag-away physically and verbally. No. She’s brave in a sense na hindi siya natatakot kuwestyunin ang mga desisyon niya lalo na kung makakasakit ng mga taong mahal nito, and she’s brave too dahil hindi siya takot na baguhin ang sarili niya sa mga bagay na alam niyang may pagkakamali siya.

Aside from that, we love Alex’ character because you will not need na pagdamitin siya ng bistida o kulutin ang buhok niya just to accept her as the heroine in this book. You will love her for who she is and you will cheer for her to achieve the best version of herself. Alex has this charm na kahit ang malambot na si Brenda ay maninigas sa kilig. #HAHA


“Ang suplado. Mas lalo tuloy akong na-i-inlove sa ‘yo,” dugtong niya kaya napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha.


(Watch out for her bestfriend Cherry dahil super riot kapag nagsama sila ni Brenda.)



4th

LAUGH OUT LOUD WITH LOVE!


Yes, this is a Romance Comedy story, and expect na matatawa ka habang kinikilig. But you will not laugh here because of jokes, banat, or hugot lines. Nope! You will laugh here because of the hilarious situations sa bawat scenes nilang dalawa.

You can really imagine Brenda and Alex in every conversation na mababasa mo. Their personality, the description of their actions, and their witty conversation is what you need to look forward to.


“May sa-aso ka talaga, ‘no? Nabanggit ka lang ni Nanay, nandiyan ka na agad.”

“Kagatin kita d’yan e,” sabi niya sabay kindat.

Inirapan ko siya. “Ewan ko sa‘yo.”



5th 

THE LOVE PROCESS…


This is not the story na gugustuhin mong magmahalan kaagad ang dalawang bida. You will admire how these two different individuals will find attraction and love sa isa’t isa na hindi kailangang madaliin o pilitin. Just like in real life, single people should not be in a hurry na tumalon sa relationship. In this story, you will enjoy the process habang kinakabahan din kung totoong may pag-asa nga ba sila in the end. 

And that’s what you need to find out! 

</3

“Brenda, I’m sor—.”

“No, it’s okay. Makulit naman talaga ako.”

Ningitian niya ‘ko, halatang pilit. Naglakad na siya paalis. 



6th

ALL IN ALL – IT’S FANTASTIC!


Panagutan Mo ‘Ko by J.C. Quin teaches us how to be the better version of ourselves. Striving to look at our own glitches and doing our very best to make it right, not only for ourselves but for the people who matter most to us.

We can learn from them how humility in every situation will fix any problem, ikaw man ang may kasalanan o hindi. 

This book will make us understand how to love without any condition and to love freely without any hesitation.



What are you waiting for!? 

Panagutan Mo ‘Ko by J.C. Quin is now available in the Big Bad Wolf!

It’s located at World Trade Center in Pasay City, Metro Manila, from February 14-24, 2020. 

Go and grab your own copy now!


Tagged us with your pictures kapag nakabili na kayo and share to us your own opinion pagkatapos n’yong basahin, okay? See You!


You can follow J.C. Quin in her social media accnts.

Facebook.com/itsjcquin

Instagram/Twiter/Wattpad: @iamjcquin



YOU MAY ALSO LIKE