Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Trending 2020 KDrama recommendations – Should you watch them?

NoInk   |   08 May 2020


WATCH IT NOW



Pic. Credit to TvN


“Jamkkanman!” 

“Geureom! Geureom!” 

“Assa!”

“Ireoke?”

“Eotteoke?”

Familiar ba ang mga words na ‘yan? 

Well, well, well! It’s not surprising at all dahil sa panahon natin ngayon, watching KDRAMAs is very prevalent around the world. Kahit walang English sub? Tuloy ang ligaya! Ganyan ang mga KDRAMA fans lalo na tayong mga Pinoy, ‘di ba?

Malapit na matapos ang first quarter ng taong 2020 at alam mo ba ang meaning niyan? LOTS OF KDRAMAS TO WATCH! And while we’re still under ECQ, this is the perfect time to binge watch some of these trending stories in KDRAMA world.

Here are some of our Trending KDrama Recommendations for 2020. Some of it are still on going. Share mo naman sa’min kung alin diyan ang papanoorin o napanood mo na. ; ) ENJOY!

**


Queen: Love and War

Ito ay tungkol sa intense competition ng mga mahaharlikang kababaihan sa panahon ng Joseon Dynasty sa Korea upang maging Reyna ni Haring Yi Kyung. Isa sa mga kababaihang ito si Kang Eun Bo na ang goal in life kaya sumali ay upang hanapin ang salarin sa tragic death ng kaniyang twin sister na siya ring dating Reyna ng bansa. Ooh? Exciting ba? Watch na!

Don’t forget na mag-ready ng kakapitan para sa mga intense scenes nito. *winks*



__


Extraordinary You

Ano ang gagawin mo kung malaman mo na ikaw pala ay isang character sa isang manhwa (comics)? At ang masakit, hindi ikaw ang bida sa istorya dahil isa ka lamang – EXTRA! Kilalanin si Eun Dan Oh, 17 years old high school student mula sa isang mayamang pamilya and who’s experiencing a heart disease na siyang magdadala sa kaniyang malungkot na tadhana sa istorya – HER DEATH. Pero ano pa nga ba? She will change the course of the story for it not to happen lalo pa at makikilala niya ang kaniyang unexpected leading man na si Haru. Mabago nga kaya niya ito without any dangerous consequences in return?  

Cute Oppas ang hanap? Pwes, panoorin mo na!



__


Hi Bye, Mama!

The story centers on a mother (Cha Yu-Ri) na sumakabilang-buhay due to an accident five years ago at namuhay bilang isang funny but lovable ghost.  Pero isang pambihirang chance ang ibinigay sa kaniya upang makapiling muli ang kaniyang pamilya sa loob ng 49 days. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kaniyang asawa na si Jo Kang-Hwa at anak nito sa muli niyang pagbabalik? Will this story have a happy ending? WATCH OUT!

I-ready ang tissue mga, Kapamilya! T_T



__


Hospital Playlist

This depicts the daily lives of doctors, nurses and patients sa loob ng hospital. Limang medical students from the year 1999 ang magkakasama ring magtatrabaho sa iisang ospital at sabay-sabay na lalagpasan ang mga problema sa kanilang personal and career life with the help of music. If you love medical dramas na talaga namang mapapataas ang adrenaline rush mo habang nanonood, this is for you. 

Maghanda ng mapatayo sa kaba at ma-touch sa bawat eksena, watch mo na!



__


Crash Landing On You

This tells the story of a wealthy heiress (Yoon Se-ri) that crash lands in North Korea because of a paragliding accident. At siyempre, pwede bang maging trending KDRAMA ito kung walang spice sa pag-landing niya? She then meets a North Korean officer (Ri Jung Hyuk) na tutulungan siyang magtago hanggang sa makabalik ito sa South Korea. But then they eventually develop feelings for each other kaya naman mas naging kumplikado ang pagbalik ni girl in her country at pagprotekta ni guy sa kaniyang sinumpaang tungkulin.

Oha? Me against two countries ang peg! Kaya kung ready ka ng kiligin at lumuha sa tindi ng chemistry nila, panoorin mo na. G!



__


Itaewon Class

Isang insidente sa school ni Park Sae-Ro-Yi ang magpapabago sa kaniyang destiny. Nang bugbugin nito ang classmate niyang si Jang Geun-Won who was bullying another classmate at that time ay na-expel siya sa school at natanggal ang ama sa restaurant na pagmamay-ari ng tatay ng bully na ito. Nang mamatay ang ama ni Sae-Ro-YI sa isang motorcycle accident caused by Geun-Won, muli niya itong binugbog na siyang naging dahilan upang siya ay maaresto. He soon receives his prison time for the violent assault.

Sa kaniyang paglaya, gagawin niya ang lahat to take revenge by destroying Geun-Won’s company through his newly opened restaurant in Itaewon, Seoul – a place where it requires more than his entrepreneurial skills but a whole new level of tactics and deceit. 



__


The King: Eternal Monarch

A time-travel Korean Drama that centers on Emperor Lee Gon na siyang nakipagtulungan with a modern-day detective Jung Tae-eul upang isara ang isang dangerous portal that connects their two parallel worlds – The Empire of Korea and the Republic of Korea. As they discover the secret of the portal, they will also soon discover the biggest role of this portal in the assassination of the previous king (Lee Gon’s Father). Malaman din kaya nilang dalawa ang strange love connection nila as they uncover the secret of this portal? 

This is the first team up of Oppa Min-ho and Unnie Go-Eun after their last successful KDRAMA projects.



__


The World of the Married/ Couple’s World


This story is about a married couple Kim Hee Ae and Park Hae Joon whose relationship turned upside down after a betrayal of trust happened between them – Hee Ae found out that her husband is cheating on her.

The worst? Lahat ng kaibigan nila ay matagal ng alam ang kalokohan ng asawa niya! 

Get ready for the most controversial story in the KDRAMA world today. Watch it na.


**


Are you going to watch these trending Kdramas?

Share it with us kung ano’ng uunahin mong panoorin. 

Reader? Writer? Wala pang NoInk Account? Sign-up na!

Follow us on our Twitter (@noinkofficial) and Instagram (@noinkofficial) for more updates! Happy Watching, Kapamilya.

--AB








          




YOU MAY ALSO LIKE