Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Paniguradong mapapaibig ka sa mga linyahang ito ni Ginoong Juanito Alfonso!

NoInk   |   06 February 2020


Kakiligang muli ang mga linya mula sa nakaraan

Ngayong parating na ang Araw ng mga Puso, tunay nga namang kay sarap magmahal. Masarap din sa pakiramdam na makasaksi ng mga kwento na tungkol sa wagas na pagmamahalan. ‘Yan ang nasaksihan natin sa kwentong pag-ibig nina Ginoong Juanito at Binibining Carmela sa I Love You Since 1892 ni Binibining Mia. Pero paano nga ba naging mas kaibig-ibig ang paborito nating ginoo? Balikan natin ang ilan sa kanyang mga nakakakilig na linya para sa ating binibini.


Isang patunay na malalim ang koneksyon nina Juanito at Carmela:

“Hindi mo na kailangan pang magtago dahil kahit saan ka man magpunta, makikita at makikita pa rin kita.”


Ito naman ang natutunan natin kay Juanito tungkol sa pag-ibig:

“Minsan kahit anong pilit nating lumayo at tanggalin sa isipan ang isang tao hindi natin iyon magagawa. At ang pinakamagandang paraan para diyan ay ang huwag mong pigilan ang nararamdaman mo.”


Kinilig ka rin ba sa pag-amin na ito ni Juanito?

“Pasensiya na kung hindi ko napigilan ang damdamin ko at ayoko nang pigilan pa ito. Gusto kong malaman mo na ikaw lamang ang tinitibok nito.”


Para sa mga natatakot na mahulog sa pag-ibig, pinatunayan ni Ginoong Juanito na may mga lalaki pa rin na kayang manindigan sa isinisigaw ng kanilang puso:

“Huwag kang mag-alala, Binibini. Nandito ako para saluhin ka.”


At sino nga ba ang makakalimot sa tulang ito na isinulat niya para kay Binibining Carmela?

"Ako'y sayo at ika'y sakin

iyan ang nakasulat sa mga bituin,

balutin man ng mga ulap ang langit

wala pa rin makakapigil sa atin.


Sa paglubog at pagsikat ng araw,

pinapangarap ko ay ikaw

Sa gitna ng pagkagutom at pagkauhaw

inaasam ko ay ikaw.


Pangako sayo'y binitawan

na kailanma'y hindi ka iiwan,

asahan mong puso ko'y tapat

pagmamahal ko sayo'y higit pa sa sapat"



Ikaw, binibini, ano ang paborito mong linya ni Ginoong Juanito?



YOU MAY ALSO LIKE