Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Reasons why you should read Binibining Mia’s “Sirene”

NoInk   |   13 March 2020


Lalangoy ka ba sa adventure nina Sirene at Kolas?

Alamat lang daw ang mga sirena, ‘yan ang alam ni Nikolas. Pero paano kung maging totoo sila? Paano kung puntahan siya sa lupa ng isang sirena?

Dyan iikot ang kwento ng panibagong libro ni Binibining Mia with ABS-CBN Books, ang “Sirene”. Si Sirene ang sinasabing tagapagbantay ng Perlas ng Kanluran ng Pilipinas. Sa una, hindi siniseryoso ni Kolas ang alamat ng mga sirena hanggang sa makilala niya si Sirene. Paano kaya ang magiging takbo ng kanilang kwento?

Kaya nga, dapat mo nang basahin ang bagong handog na ito ni Binibining Mia. In this article, we will give you some reasons why you should purchase a copy and read this story:


  1. Different tone with I Love You Since 1892: Kung nasanay tayo sa malalim na salitaan nina Binibining Mia at Ginoong Juanito, dito sa kwento nina Nikolas at Sirene, hindi naman tayo masyadong mano-nosebleed, mga bes! Haha! Pero asahan pa rin na may pagka-lumang tao ang ibang dialogues sa libro.
  2. All for the laughs: Si Binibining Mia na rin ang nagsabi sa isa niyang interview with ABS-CBN Books’ Youtube channel, ideal guy niya ang mga tulad ni Kolas na kwela. Nikolas’ character may be annoying (especially for Sirene) but you’ll get to love him more through his jokes and funny dialogues. Makakarelate din tayo sa mga hirit at biro niya kay Sirene!
  3. You’ll get to know more about mermaids: Sa alamat ni Sirene at ng kanyang mga kapatid, marami tayong malalaman tungkol sa mga sirena na napatunayan na rin noong nagpunta si Sirene sa lupa. Ilan sa mga ito ang kanilang kapangyarihan: Sila ay immortal, may telepathy powers (sana all?), at kaya rin nilang makita ang hinaharap (sana all ulit!). May kakayahan din sila para manipulahin ang mga isipan ng tao (parang hindi ka mapapa-sana all dito, unless may gusto ka or target na manipulahin), at mayroon silang kakaibang lakas para sa pakikipaglaban. Ilan lang ‘yan sa mga kakayahan nila. We won’t reveal all in this article, it’s up to you na to find out, mga bes!
  4. Get a glimpse of World War II era in the Philippines: Naku-curious rin ba kayo kung ano ang nangyari noong panahon ng mga Hapon dito sa atin? O di naman kaya, kung paano ang kanilang pamumuhay sa panahong iyon? Dito sa Sirene, bibigyan kayo ni Binibining Mia ng sample!
  5. You’ll read a different kind of bond in the family: Although realistic and nangyayari in real life, pero parang bihira ang mga kwentong naisusulat na nagpapakita ng bonding ng mag-pinsan. Lalo na ang kakaibang kulitan nina Kolas at Batchoy, na sadyang makikita mo kung gaano nila kagusto ang presensya ng isa’t isa. Isa pa sa medyo hindi pangkaraniwang family set-up na makikita rito ang pagtayo ng kanilang Inang bilang kanilang mga magulang. Dito natin masasabi na ang pagiging isang ina ng isang babae eh umaabot pa kahit sa mga magiging apo niya.
  6. Know more about Manila in time of World War II: Ibang iba ang Maynila noon sa Maynila ngayon, ‘yan ang parang sinasabi ng mga matatanda kapag pinagkukwento natin sila tungkol sa buhay noon. Ngayon, dito sa Sirene, mababasa rin natin ang tungkol sa Maynila noong panahon ng World War II. Exciting, ano?

If you’re a big fan of “I Love You Since 1892”, wag mo nang palagpasin ang librong ito dahil may freebies na kasama dito!



YOU MAY ALSO LIKE