Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Here are some facts about our Binibining Mia!

NoInk   |   17 April 2020


Kilalanin pa ang ating Binibining Mia Alfonso!

Hindi maipagkakaila na talagang sikat na ang ating binibini, lalo na sa mga mambabasa. Kapag may magtatanong kung ano ang magandang basahin na Filipino fiction book, hindi pwedeng mawala sa listahan ng pwedeng mga mai-recommend ang kanyang akda na “I Love You Since 1892”. Kaya naman marami talaga ang humahanga at sinusundan ang mga social media posts ni Binibining Mia, lalo na ng kanyang mga fans.

Isa ka bang certified fan ni Binibining Mia? Sa article na ito, bibigyan pa naming kay ng ibang trivia tungkol sa kanya para mas makilala pa natin ang ating binibini!


Paborito niyang author si Lang Leav

Ang ating binibini pala ay mahilig din sa mga tula, at nagpapatunay dyan ang kanyang hilig sa pagbabasa ng mga libro ng international author na si Lang Leav.


Mahilig makinig ng rock music si Binibining Mia

Ayon sa kanyang sagot sa mga katanungan na makikita sa kanyang Facebook profile, sinabi ni Binibining Mia na mahilig siyang makinig sa rock music. Kayo rin ba?


Naniniwala si Binibining Mia na “Everything happens for a reason”

Isa itong quote na may magandang ibig sabihin sa buhay, kaya hindi na rin nakakapagtaka na pati si Binibining Mia, naniniwala dito. Isa rin itong reminder sa atin na may mga bagay tayo sa buhay na hindi natin mako-control dahil may mga rason kung bakit sila nangyayari, at may mga aral silang ituturo sa atin.


Naging si Sadako si Binibining Mia sa isang Halloween party

Kwento niya sa kanyang Facebook account, siya ay nag-bihis ala Sadako para sa isang Halloween party noong siya ay third year high school sa kanilang eskwelahan.


Gusto niya ang kantang “Now and Forever” ng Air Supply

Hindi na nakakapagtaka na mahilig si Binibining Mia sa mga bagay sa nakaraan dahil paborito niya ang history. Pati pala sa music, mayroon siyang paborito sa 80s. Ayon sa isa niyang Facebook post, ang “Now and Forever” ng Air Supply ang kanyang paboritong kanta noong 80s.


Mahilig si Binibining Mia sa handwritten letters

Nakakataba talaga ng puso na makatanggap ng mga handwritten letters, lalo na kung mula ito sa mga taong mahalaga sa iyong buhay. Kaya sobrang naa-appreciate ni Binibining Mia ang mga fan mails at letters ng kanyang mga fans.


May pagkakaparehas ba kayo ng mga hilig ni Binibining Mia?


- AJ Villamar





YOU MAY ALSO LIKE