Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Dear ViVICO – Mahal Na Kita!

NoInk   |   20 March 2020


Crush mo rin ba si Mayor Vico Sotto?

Maingay na maingay ang pangalan niya sa social media dahil na rin sa kanyang sipag at galing na ipinapakita sa kanyang trabaho. Dahil dyan, naging trending na rin siya dahil sa kabi-kabilang social media posts, at naging creative ang mga Pinoy sa pag-aappreciate kay Mayor Vico Sotto sa kung saan saang social media platforms. Paano kaya kung pagdating naman sa pagsusulat natin dalhin ang pagmamahal natin sa kanya?

Ihanda na ang inyong mga writing skills at tara na, magsulat na para kay Mayor Vico Sotto!



Dear ViVICO – Mahal Na Kita! Letter, poetry, and story writing mechanics

  • Ihanda ang sarili at ang puso para magsulat. After all, magde-declare ka ng paghanga mo sa ating Mayor Vico!
  • Kapag handa ka na, join na sa noink.ph at gumawa ng Kapamilya account. ‘Yan ang magagamit mo para makapag-create ka ng account. Kung ikaw naman ay may account na, mag-log in ka na.
  • Pumunta sa “My Works” section ng profile mo at i-click ang “Create”. Mula dun, pwede ka nang mag-type ng iyong letter, poetry, or story na gusto mong maipadala kay Mayor Vico! Basahin din ito for more details about writing and submitting your stories and letters to NoInk: http://bit.ly/3c2arNQ
  • Ano ba ang mga kailangan mong ihanda bukod sa puso at sa account mo? Magbaon ka na ng maraming creativity at talent sa pagsusulat! Walang limit dito kaya may freedom ka kung paano mo ie-express kay Mayor Vico ang pagmamahal at paghanga mo para sa kanya! Paganahin rin ang creativity kung tula at mga kwento naman ang isusulat mo na Vico Sotto-inspired. Pero remember, be polite ha?
  • Galingan mo dahil maya may chance na mabasa niya ang letter, poetry, or story mo! Itodo mo na ang iyong kilig at pagiging witty na rin sa pagsusulat para winner na winner!
  • Spread the good vibes and share your love! Enjoy writing, mga #ViVico!


YOU MAY ALSO LIKE