Naniniwala ka ba sa mga Multo?
Sa mga Engkanto at Maligno?
Sa mga Kapre, Dwende, White Lady, Pugot na ulo at Manananggal? Eh!!!! Sa ASWANG kaya????
Tara! Maki-halloween ka sa kwento ng Buhay ko….

 

Merong isang probinsya sa dakong silangan ng Pilipinas kung saan ako nakatira ang hindi mo inakalang misteryo na nabubuhay nga ang mga ito kasama nating mga normal na tao.
Maliit pa lamang ako gustong gusto kung nanonood ng mga nakakatakot at madugong palabas tulad ng patayan, takutan at habulan, kung kaya’t bata pa lang ako madami na akung nakikita sa aking mga panaginip.

 

Simula sa pagkabata ko, laging ako ang aswang sa aming mga laro, ako ang siyang laging nananakot at humahabol sa kanila na para bang isa akong Vampire na uhaw na uhaw sa dugo ng tao. Bata pa lang ako pangarap ko na ang makapunta sa Manila. Pangarap ko ding makakita ng mga artista at makapag aral sa isang sikat na paaralan gaya ng UP. Kung kaya’t nung nagtapos ako ng high school, sumama ako sa tiyahin ko na pumunta ng Manila upang doon mag aral ng koleheyo.

 

So! ito na, sumakay kami ng barko papuntang Manila, mga halos 3 araw at gabi din kaming naglalayag sa gitna ng dagat at ito’y masaya, nakakatakot at nakakalungkot. Masaya kasi unang beses kung sumakay sa isang malaking barko, napa wow pa nga ako sa sobrang ganda at laki nito, nakakatakot, kasi paano pala kapag habang kami ay nasa gitna ng dagat at biglang my humampas na malaking alon at nasira’t napatumba iyong barko. So! kakainin kami ng mga Pating, nakakatakot iyon kaya todo ingat ako sa bawat galaw at pag hakbang sa loob ng barko at nakakalungkot kasi ito ang unang beses na malalayo ako sa aking pamilya. At nung natatanaw na namin ang Manila, napa wow ako… kasi dati pangarap ko lang na makarating dito pero ito na ako ngayon dito lasap na lasap ang mga maiitim na usok mula sa mga maiingay na sasakyang pang kalsada at ramdam ko na din ang mainit na kapaligiran….

 

Hmmmmm…. Sige dito na tayo sa mga kakaiba at nakakatakot na kwento.

 

Buwan ng Nobyembre dos 2010 ako’y pumunta ng Manila at dito din nagsimula ang mga pangyayaring hindi ko pinaniniwalaan dati na talagang nabubuhay sila. Nagkasakit ako dito sa Manila ilang linggo lang bago kami dumating. Hindi ko alam ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Basta bigla na lang sumama ang aking pakiramdam at minsan pa nagsusuka ako. Dahil sa masama ang aking pakiramdam lagi na lang akong nasa kwarto at natutulog. Lahat na atang gamot at bitamina pina-inom na sakin ng aking tiyahin upang mapabilis ang aking paggaling.

 

Nung mga panahon iyon akala ko ako’y mamamatay na sa sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Nung napapapansin na ng tiyahin ko na parang lantang gulay na ako sa kwarto at parang namumula na, dali-dali niya akung dinala sa Hospital para patingnan sa isang doctor kung bakit ako nagkakaganito. Pumila pa ako noon kasama ang mga ibang pasyente na my iba’t-ibang uri ng karamdaman. Iyong iba dumudugo ang kamay sanhi ng naputukan ito ng paputok, meron ding nasugatan ng matatalim na bagay at meron ding nasagasaan. Tinanong ako ng doctor kung ano ang nararamdaman ko at tiningnan din ang balat ko kasi baka dengue lang daw, Subalit nung natapos na ang pagsusuri ng doctor ang naging resulta nito ay normal naman daw lahat at kung gusto ko nga raw, Pwede naman daw akong magpa admit. Pero tumanggi na akung magpa-admit kasi takot na takot ako sa dugo, karayom at ayaw ko din sa hospital kung kaya’t sinabihan na lang ako nang doctor na bumalik kinabukasan para malaman kung meron bang pinagbago.

 

At nang kinabukasan na, bumalik ako para magpatingin ulit. At sinabihan ako ng pangalawang doctor na tumingin sakin na ok naman daw ako normal at wala namang problema basi sa mga naging resulta. Pero dahil sa masama talaga ang aking pakiramdam at ako’y nagsususuka pa sa tuwing kakain, humingi ako sa doctor ng mabisang panlunas nang sa ganun man lang maibsan ang aking nararamdaman. At matapos akong bigyan ng panandaliang lunas ng doctor, umuwi na din kami sa bahay. At nung gabing iyon, panay parin ang aking pagsususuka sa tuwing ako’y kakain.

 

Nung kinaumagahan na, tumawag ang tiyahin ko ng isang albularyo upang akoy ipagamot. At ito na nga ginamot ako ng isang albularyo gamit ang isang kandila na pinapatak sa tubig sabay ng isang orasyon. Laking gulat ng manggagamot sa kanyang nakikita sa tubig na ang mga patak ng kandila ay may tila namumuong isang hindi magandang imahe. Isang imaheng parang babae na may mahabang kulot na buhok at may matangos na ilong.

 

Pagkatapos nung ritwal ng albularyo, kaagad niyang kinuha ang namuong imahe at binalot ito sa isang papel at binigay sakin para akin itong sunugin upang sa ganun gumaling na raw ako. Gumaling ako pagkatapos nun subalit lagi na naman akong nananaginip ng isang multo. Iyong multo sa panaginip ko nung bata pa ako.

 

May 2011, umuwi ako ng probinsya upang doon na lang mag-aral sa amin. Nakapag-aral nga ako ng kolehiyo sa karatig probinsya doon sa lugar namin. At dito na naman nagsimula ang mga panaginip kung tila bang ayaw akong tigilan. Wala akong kakilala sa lugar na iyon kung kaya’t umuupa lang ako. Habang mahimbing akong natutulog sa silid na aking inuupahan na kung saan mag isa lang ako, dito ay nanaginip ako ng isang aswang.

 

Dakong alas tres ng umaga iyon. para siyang tulad ni Amor na palabas ni Erich Gonzales, my mahahabang kuko at pangil, kulot na buhaghag iyong mga buhok at punit-punit ang damit basta nakakatakot. Sa panaginip na iyon, ako’y kanyang pilit na kinukuha sa loob ng aking kwarto papalabas ng bintana sa tabi nito, napakalakas noon ng hangin papunta sa aking mukha na tila bang ika’y sinusundo at hanging my kasamang lamig na nakakatakot at ito pa sa lakas ng hangin na iyon umabot hanggang sa kisame ang kurtina ng aking bintana at ang nakakatakot pa dito ang inakala kung isang masamang panaginip lamang ay isa pa lang totoo.

 

Dahil sa sobrang takot ko sa aking panaginip, nagising ako bandang alas tres na ng umaga iyon. Umiiyak at takot na takot ako nung gabing iyon lalo na’t pinapatay ng may ari ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. At habang nangyayari iyon laking gulat ko nang makita ang katabing bintana ng aking kama na meron na itong isang malaking bilog na butas na tila ba kasya ako pag ako’y idadaan doon.

 

Nang dahil sa pangyayari iyon hindi na ako natulog muli sa takot na dalawin at kunin ng isang Aswang sa panaginip. Ilang araw matapos iyon lumipat na ako ng ibang inuupahan. Sakto naman na bumukas na ang Dormitoryo ng aming paaralan so doon na ako lumipat. Iilan pa lang kami sa Dormitoryong iyon, pero maganda na kasi meron na akong mga kasama sa kwarto.

 

Ilang araw matapos ang aking paglipat nanaginip ulit ako dakong alas tres ng umaga ulit. Siya parin ang nasa panaginip ko na kung saan kinukuha niya talaga ako. Naka gapos raw ang buo kung katawan ng isang kadena at ito’y pilit niyang inaangat para maabot niya at makuha ako sa bintana ng aming kwarto. Umuungol at humahagutgot raw ako nung gabing iyon kaya’t ginising ako ng aking kasama sa kwartong iyon. Malapit din kasi sa Accident prone area ang aming dormitoryo at meron pa ditong isang malaking puno sa malawak na bakanteng lote sa likuran. Minsan pa nga habang kami’y naglalakad pauwi ng Dormitoryo galing paaralan mga bandang alas dose na, kung saan nag aagawan ang gabi’t umaga, nakakita kami ng isang tumatalong apoy sa sanga ng malalaking kahoy at sabay na namamaligno sa isang nawawalang simbahan sa daan, naninindig na ang aming balahibo sa takot nun sabay lingon at takbo papauwi ng Dormitoryo.

 

Balik tayo sa panaginip ko. Pangalawang beses niya na akung kinukuha sa aking panaginip subalit hindi siya nagwawagi. kung kaya’t ito na, ayaw niya na sa panaginip…..

 

Dakong alas tres ng umaga, bilog at malaki na maliwanag ang buwan. Ako’y biglang nagising na hindi ko alam ang dahilan. Lumabas ako ng kwarto dahil naiihi ako. Medyo malayo ang CR at nakakatakot pumunta kasi nasa likurang bahagi ito at madilim pa, kung kaya’t umihi na lang ako sa gilid ng aking kwarto na sa tapat ng kalsada.

 

Maganda na maliwanag ang buwan nung araw na iyon. Sarap na sarap ako noon sa aking pagkakaihi at tila pumipikit pikit pa ang aking mga mata sa antok ng tila bang may napansin akong isang matandang lalaki na naglalakad sa mga oras na iyon. Punit punit ang kanyang damit habang pa ika-ika sa kanyang paglalakad habang hawak nito ang kanyang tungkod. Parang isa siyang matandang ermitanyo. Napapaisip ako noon habang umiihi na bakit ang aga naman ng matanda para maglakad sa mga oras na iyon. Noong malapit na akung matapos sa aking pagkaka ihi, nang biglang huminto at lumingon sa akin iyong matandang ermintayo at laking gulat ko sa aking mga nakita.

 

Naging isa siyang aswang nagbago ang kaniyang anyo, Kulot na sabog ang buhok, mahahaba at matatalim na mga kuko at ngipin, ang bilis din niyang maglakad papunta sa akin na tila bang ako’y talagang lalapain at ako naman natulala at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan sa aking mga nakita, nang my dalawang metro na lang ang layo ng aswang sa akin at hindi ko alam ang aking gagawin basta’t ang alam ko lang, tila isang himala na bigla akung nakagalaw at nakapasok sa aking kwarto.

 

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko man lang naisip na sumigaw o gisingin ang aking mga kasama. Nanginginig ako at takot na takot nung gabing iyon. Hindi na ako natulog nung mga sandaling iyon baka kasi pasukin pa ako sa loob ng kwarto kung kaya’t andoon lang ako sa likod ng pintuan nakabantay.

 

Sarap na sarap sa tulog ang mga kasama ko at ako nama’y naging parang zombie na kulang sa tulog. Nung sumikat na ang araw at nagising na ang mga kasamahan ko, dali dali akung pumunta at sinabi sa aming land lady at land lord ang mga nangyari sakin nung gabing iyon. Hindi sila makapaniwala nung una pero alam nilang hindi ako gumagawa ng kwento kung kaya’t sinabi agad nila ito sa my ari ng dormitoryo na kanila ding Alkalde sa lungsod na iyon. Laking gulat ko nung papasok na ako sa aking paaralan ng bigla kung nakita ang Alkalde doon na tila bang inaantay ako. At iyon na nga kinausap ako ng kanilang Alkalde upang pag usapan lahat ng nangyari at nakita ko noong gabing iyon subalit pinilit lang ako ng alkalde na paniwalaan na lamang na isa itong magnanakaw na nagpapanggap lamang na isang Aswang. ∎
 
 
Did you like this article? Download the ‘NoInk’ app for the full experience! Don’t forget to like us on Facebook, and follow us on Instagram and Twitter at @NoInkOfficial.