Way back 2011 when I first had this spooky experience. I was living then in a small apartment somewhere in Novaliches. Nagustuhan ko yung place kasi may mga puno, medyo presko and tahimik yung compound. The house has two rooms. Yung kabilang room, dalawang matanda ang nakatira. Actually, kasama nila yung bunsong anak nila pero bihira ko lang makita, lagi siyang wala. Kaya yung mag-asawa lang yung lagi kong nakikita.
 
I decided to take a nap one Saturday afternoon. Medyo mabilis akong nakatulog dahil napagod akong maglaba. Ang lalim na ng tulog ko and then suddenly naramdaman ko na may nakadagan sa’kin. I opened my eyes. I was terrified with what I saw. There’s a woman wearing a long black dress on top of my body. Her messy long black hair covers half of her face. I can see her one eye… Nanlilisik, galit na galit. Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sakin. Feeling ko mamamatay na ako. I can hardly breathe. I was scarcely trying to move my feet pero nanghihina na ako. Suddenly I heard a loud noise. Nahulog ni tatang yung takip ng kaldero. The woman disappears. Grabe yung hingal ko pagkabangon ko. I realized I had a sleep paralysis.
 
Although it was my first time to experience it, hindi ko na masyadong pinansin. I just thanked God na nagising pa ako.
 
My day went well after that predicament. I get to do what I usually do during my off days. I watched a movie and hanged out with my bestfriend, Jen.
 
Medyo late na akong nakauwi kaya tahimik na ang buong bahay pagpasok ko. Nakapatay na lahat ng ilaw. Nasanay naman ako na ganun. Natutulog nga ako na lights off. Pero I felt something strange when I entered the house. Parang someone is staring at me and ang bigat sa pakiramdam . Parang iba yung aura ng bahay. Medyo kinilabutan ako. Yet, I made myself believe na guni-guni ko lang ang lahat. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko. After a couple of minutes, I decided to take a shower para makapagpahinga narin dahil maaga pa akong magsisimba kinabukasan.
 
I was lying on my bed, momentarily browsing on my phone to check out our photos that were taken a while ago. Then I opted to turn the lights off. Unexpectedly, a super dark shadow appeared in front of me. Korteng tao yung anino. Kahit madilim, sigurado akong may kasama ako sa kwarto ko. Alam kong may nakakatitig sa’kin.
 
Nagising yung inaantok kong ulirat. Hindi ako makapagdecide kung iso-switch ko ba yung ilaw or hindi. Pero sa sobrang nginig ko hindi ko nagawang gumalaw lalo nung nararamdaman ko na palapit na ng palapit yung anino sa akin. Hanggang sa tuluyan na siyang tumapat sa mukha ako. Onti-onti ng naninigas yung katawan ko. Iba yung presence niya. Kaya napapikit nalang ako at nagpray. “Sana pagbilang ko ng sampo wala ka na dyan,” bulong ko. Nawala siyang bigla pagbukas ko ng mga mata ko.
 
Yun ang unang pagkakataon na natulog akong nakabukas ang ilaw ng buong kwarto ko. Actually hindi talaga ako nakatulog. Natatakot ako. Kung anu-ano ang ginawa ko para malibang ako hangga’t sa umagahin na ako.
 
At ‘eto na nga ang simula ng lahat. Nasundan pa ito ng mas nakakatakot na pangyayari.
 
Ilang lingo matapos nung spooky night experience ko, I tried to sleep again na naka-off yung ilaw since yun talaga yung nakasanayan ko. Nasa kalagitnaan na ako ng kalaliman ng aking tulog… Parang nakakaramdam ako ng pagbigat sa kabilang side ko. Medyo may kalakihan yung bed ko kaya kasya ang dalawa so may space pa sa gilid ko.
 
Yung kama ko is vintage na, yung may string sa ilalim. Yung maririnig mo yung tunog ng string pag humiga ka sa kama. I was facing against the wall so yung remaining space is on the other side. Hindi naman ako gumagalaw pero tumutunog yung string ng kama. Parang pabigat ng pabigat.
 
Dahan-dahan akong bumaliktad. Lord Jesus! Tumayo lahat ng balahibo ko simula sa batok hanggang sa dulo ng mga paa ko. May babae akong katabi. Nakalugay yung napakahaba niyang buhok na halos matakpan yung buo niyang mukha. Yung mukha niyang nakakatakot. Yung sobrang putla, halos naaagnas na. Tapos yung mata niya nanlilisik.
 
Yung babae sa bangungot ko, siya yung kasalukuyang kasama ko sa kwarto. Naka-on ang ilaw sa kabilang kwarto nung gabi na yun kaya may konting liwanag sa kwarto ko. Kitang- kita ko yung itsura niya. Feeling ko maiihi na ko sa takot ko pero hindi ako makagalaw or makasigaw, para akong istatwa.
 
Wala akong ibang nagawa kundi magdasal sa muling pagkakataon. I closed my eyes. Kinausap ko si Lord sa isip ko.
 
I was bothered by these happenings so kinausap ko yung bestfriend ko. Sinabi ko sa kanya yung mga nangyayari sakin for the past few weeks. Sinamahan niya ako sa simbahan and we bought a rosary. Sabi niya ilagay ko lang lagi sa tabi and wag kalimutang magdasal.
 
Isang gabi, nagsisipilyo ako sa lababo na katapat lang ng banyo namin. Habang nagsisipilyo ako, may naaninag ako sa peripheral vision ko. Yung black lady nakatayo sa harap ng banyo nakatingin sa akin. Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko, hindi ko alam kung nakapagmumog ako ng maayos. Nagbihis ako ng pantulog tyaka ako umalis. Parang hindi ko kayang matulog sa bahay nung gabi na yun kaya kumatok ako kila Jen. Nakiusap ako na dun muna ako matulog. Pumayag naman siya kaya dun ako nagpalipas ng gabi.
 
Habang tumatagal lalong lumalala yung mga nangyayari sa akin. Parang lagi siyang nakasunod sakin. Lagi siyang nahahagip ng mga mata ko. Pati sa pagligo ko, sa pag- ihi ko, kahit saan. Kaya hindi ko narin magawang alisin yung rosary sa bulsa ko. Pag naliligo naman ako, dinaladala ko yung cellphone ko at nagpapatugtog ako ng malakas para may distraction.
 
Dumating ulit ang araw na Sabado. Nakatulog na naman ako ng tanghali. Nagpakita na naman siya sa panaginip ko. Nakadagan siya sakin. Sinasakal niya ako. Sigaw ako ng sigaw. Hindi ako makagalaw. Sa panahong iyon, wala akong kasama sa bahay, ako lang at ang black lady. Nanghihina na ako. Pagod na ako sa kakasigaw. Hindi ko alam kung paano ako magigising. Huminto ako sa pagpupumiglas. Hinayaan ko siyang sakalin ako. I silently prayed to God. She then disappeared. Nagising ako. Napaka- powerful po talaga ng prayer, pramis.
 
After that day, hindi na ako natulog sa kwarto ko. Halos isang buwan narin akong walang matinong tulog. Minsan inuumaga na ako. Kaya nakiusap ako sa bestfriend ko kung pwede muna akong makituloy sa kanila. Tinulungan niya rin ako kung paano ko maiiwasan yung black lady.
 
Pinuntahan namin yung kamag-anak nilang albularyo, pinatingin ko sa kanila yung bahay. Nagsagawa sila ng insenso. Nag-alay narin kami ng dasal para sa kaluluwa nung babaeng naka-blusang itim. Binigyan din nila ako ng Bible at bumili din ako ng maliit na pigurin ng Poong Nazareno. Ilagay ko daw sa kwarto ko.
 
Ilang linggo nilang pinuntahan yung bahay. Ilang linggong nag-alay ng dasal. Pero parang walang nangyayari. Nakikita at nararamdaman ko parin siya.
 
Hanggang sa isang araw, nagkausap kami ni Alfie. Siya yung tinukoy ko sa unang part ng aking kwento na anak nung dalawang matanda. Nabanggit ko sa kanya na balak ko ng lumipat dahil hindi ko na kaya yung mga creepy experience ko sa bahay. Dun ko nalaman na sa kanya pala sumama yung black lady nung isang gabi na dumayo sila sa bahay ng barkada niya. Ayun sa kwento niya, masukal daw dun sa pinuntahan nila. Madaling araw na daw nung umuwi sila nun. Parang may napansin siya na may nakatingin sa kanya. Tinitigan din niya eto.
 
Dahil nga sa lasing na siya, hindi naman niya inisip na ibang nilalang na pala ito. Hanggang sa nadala niya ito sa bahay namin.
 
Nung huling araw ng insenso sa bahay, sinabi ng albularyo na ayaw na umalis ng black lady sa bahay na yun. Sobrang lakas daw niya kaya hindi niya ito mapaalis. So nag- decide nalang ako na maghanap ng bagong matitirhan.
 
Nakahanap ako ng bahay malapit sa Quezon Ave. Napapanaginipan ko pa siya ng ilang linggo pero hindi na kasing lala nung panaginip ko dun sa dati kong bahay. Sa huling panaginip ko sa kanya.. Nasagasaan siya habang kasama niya yung anak niyang babae. Hindi maliwanag sa panaginip ko kung kasama niyang namatay yung anak niya. Basta ang alam ko malagim yung trahedyang narasanan niya.
 
Isang linggo nagpunta ako sa Quiapo. Nag-alay ako ng dasal para sa kanya. Taimtim at taos-pusong panalangin.
 
Pagkatapos nun, hindi ko na siya kailanman naramdaman at nakita.
 
*This is based on a true story
 
 
Did you like this article? Download the ‘NoInk’ app for the full experience! Don’t forget to like us on Facebook, and follow us on Instagram and Twitter at @NoInkOfficial.