Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Bash[er]

Image Description mieckysarenas   |   13 April 2018


Good or bad publicity - still publicity

MINSAN may mga bagay na hindi natin inaasahan. May mga taong hindi naman natin kilala, hindi pa natin nakikita, puwede rin na nakakausap pa lang.

Nakakatuwang isipin na may mga tao na handang mag-effort para magpapansin sa iyo. Kaya lang, hindi sa magandang paraan.

Masarap sa pakiramdam na gusto kang makausap, gusto kang makita. Ngunit, may iilan na sa kabila ng iyong pagiging masaya. May nagtatago na hindi mo kakilala. Maaaring kakilala mo, pero takot sabihin sa iyo ang kanilang opinyon. Kaya gumagawa sila ng ibang account para gamitin na panira sa iyo.

Sila iyong mga BASHER kung tawagin. Mga taong maglulubog at mag-aangat sa iyo. Malaking tulong din sila para iyong lubos na makilala kung sino ang iyong mga tunay na kaibigan. At dahil din sa kanila makakilala ka ng mga bagong kaibigan.

Sa mundo natin na puno ng perkpektong tao, kailangan talaga nating mag-ingat at huwag basta magtiwala kahit kanino. Usisain muna natin kung mabuti ba ang intensyon nila sa atin o may masama silang balak. May iilan din na kakaibiganin ka dahil nalaman na may bagay sila na kinaiingitan sa'yo at iyon ang bagay na gusto nilang alisin sa pagkatao mo. Kaya hindi masama kung minsan ay maging isnabero at isnabera tayo.

Tandaan po natin, kung sino ang nagpapakataas siyang ibinababa. At kung sino ang nagpapakababa, siyang itinataas.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
22 August 2018