Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Hi. Hello. Ako po si Alora. And I’m a certified fangirl.

Idol Crush


Hi.

Hello.

Ako po si Alora. 

And I’m a certified fangirl.

I’m a Carlo Aquino fangirl.

Actually he’s my childhood crush.

Kaya tatawagin ko siyang idol crush. 

Gusto ko sanang ipa-certify, ipa-notaryo ang feelings ko para sa kanya pero walang ahensyang gustong tumanggap. And my feelings go a long way. Kapag sinabi ko pa ang timeline ng pagiging fangirl ko sa kanya, kailangan ko pang sabihin ang edad ko. Baka magbago lang mood ko at hindi matapos ang article na ito kaya skip na natin iyon. 

Para may ideya kayo kung gaano ka deep ang feelings ko sa kanya, when I say he is my childhood idol crush, ang ibig kong sabihin ay First-showbiz-idol-crush-ko-siya-elementary-pa-lang-ako-nagsorry-ako-sa-picture-niya-nang-naging-crush-ko-din-si-Aga-Muhlach-kaya-pinilit-kong-kalimutan-si-Aga-dahil-feeling-ko-may-kabit-ako-may-Carlo-Aquino-fansclub-kami-ng-barkada-ko-ubos-lunch-money-ko-dati-kasi-bibili-ako-magazines-niya-naging-taong-bahay-ako-mapanuod-lang-ang-GMIK-umiyak-ako-ng-maghiwalay-sila-ni-Angelica-Panganiban-nalungkot-ako-nang-nawalan-siya-ng-shows-noon-sobrang-pasalamat-ko-nang-nakabalik-siya-kinikilig-matres-ko-paghinahawi-niya-buhok-niya-gumigiling-kidneys-ko-pag-ngumingiti-siya-lumalabas-ang-rainbows-sa-heaven-pagtumatawa-siya-kind-of-happy idol crush.

Ganun. Happy idol crush. No expectations. Ang ine-expect ko lang ay magiging masaya lang ako habang pinapanuod ang mga tv guestings, drama shows and movies niya. Ganyan naman tayo mga fangirls. Masaya na tayong makita lang ang ating mga idols. At kapag nakita natin sila para tayong namamatay sa kilig. Hindi naman literal. Pero nararanasan natin ang ilan sa mga signs ng death by idol crush. Una, ang respiratory arrest, o ang hindi paghinga kapag malapit na si idol crush. Second ang cardiac arrest, o ang biglang pagtigil ng tibok ng ating mga puso kasi sa wakas isang dangkal na lamang ang pagitan natin sa kanya. Pangatlo ang Pallor Mortis, o ang pamumutla kasi nakatingin sa atin si idol crush. Livor mortis ang pang-apat. Ito ang pagbaba ng ating dugo dahil nginitian tayo ni crush. Algor mortis ang pagbaba ng ating temperatura, kulang na lang ay giginawin din si crush nang hahawakan niya ang ating mga kamay. Pang-anim ang rigor mortis kung saan hindi na natin maigalaw ang ating katawan kasi bigla tayong niyakap ni idol crush! At siyempre walang may ayaw sa last sign of death by idol crush, ang decomposition, kung saan nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi naaayon sa gusto natin gaya ng mautot sa harap niya sa sobrang kaba o dumaldal ng dumaldal hanggang sa mainis siya.


Next Chapter: Hopia


  • (9 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Girl in the End

Lies. Deception. Lust. Who gets the love? Who should be loved? Girl in the end.

Image Description

09 August 2018