Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Agila

Image Description decastrokyna   |   10 October 2018


A poem composed of different voices inspired by Goyo: Ang Batang Heneral.

Agila
Ni: Kyna De Castro

Ang taas na ng iyong linipad, Aguila,
Tingnan mo ang ganda ng tanawin sa ibaba.
Lahat sila ay sayo’y tumitingala,
Kulang na lang gawin kang Diyos nila.

Titingin ka kung nasaan ka na,
At kung papano ka nito napaligaya.
Minsan mapapaisip at mapapatanong ka,
Kung ika’y nasa tamang lugar pa.

Hindi ito ang iyong ipinangarap,
Maging isang bayani sa likod ng ulap.
Sasambahin nila bilang isang idolo,
Dahil sa pagiging tapat sa duwag na pinuno.

Sa iyong mga kaalaman,
Nagbunga ito ng karunungan.
Anong saysay ng ating ipinaglalaban,
Kung di mo ito gagamitin para sa Inang Bayan?

Kung sino ka ay iyo’y tandaan,
Maging tapat saiyong paninindigan.
Wag paaalipin nang parang aso,
Tandaan mo ang iyong mga paniniwala at prinsipyo.

Bayan o sarili?
Matuto ka sa mga pagkakamali.
Tandaan mo na tayo ngayon ay malaya,
Bakit ba kailangan matakot sa binitawang salita?

Handa na ba ang mga Pilipino sa katotohanan?
Ito ba ay kaya nating panindigan?
Panahon na para gumising, Kabataan,
Kailangan ka ng iyong Inang Bayan.




  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018