Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




I Found You

Image Description Scarlet Heart   |   08 May 2018


I was lost. . .and then I found you.



Marydale's P.O.V

"Ms. Entrata, late ka na naman ng isang oras." Ang ganda ng bungad sa akin ng aking bagong boss sa pinagtatrabahuhan kong coffee shop.

"Sorry po talaga, Ms. Jane. Hindi na po mauulit. Pasensya na po." Napayuko na lang ako at tinanggap ang mga sumunod na mga sinabi niya. Alam kong mali din naman talaga ako. Kung di lang talaga dahil sa lalaking iyon, hindi ako malalate.


*end of Marydale's POV*


*flashback*

Naglalakad si Marydale sa kahabaan ng Quezon Bridge papunta sa kanyang pinagtatrabahuhan nang may mapansin siyang lalaki na tila may balak tumalon sa ilog.

"SANDALI! WAG KANG TATALON!" Sigaw niya. Tumingin sa direksyon niya ang lalaki. Nagulat si Marydale na hindi ito Pilipino.

"Aba. Foreigner pa. Maiintindihan ba ako nito?" Isip ni Marydale.

"You. Stop. Don't jump." Sigaw niya ulit at tumakbo papunta sa kinatatayuan ng lalaki habang nakatingin pa rin sa kanya ito.

"You..you..."

"Sino ba may sabi na tatalon ako?" Tanong ng lalaki na ikinagulat ni Marydale.

"Marunong ka magsalita ng Filipino?" Balik na tanong niya. Natawa ng bahagya ang lalaki at tumingala sa kawalan.

"Natural. Pinoy ako. Half British-Half Filipino." Paliwanag niya.

"Kung di ka tatalon, bakit ka nandito?" Tanong ulit ni Marydale.

"Wala lang. Nagmumuni muni." Tinignan ni Marydale ang lalaki ng may pagdududa. Hindi siya naniniwala dito, dahil sa tingin niya kanina ay tila may balak ang lalaking tumalon sa ilog at tapusin ang buhay nito.

"Sige na. Aalis na ako. Salamat sa oras mo." Tumalikod ang lalaki at lumakad na papalayo kay Marydale. Hindi man lang nagawang magsalita ni Marydale dahil iniisip pa rin niya ang misteryosong lalaki. Sa mukha pa lang kasi nito ay mababakas mo na ang kalungkutan lalo na sa kanyang mga mata.


*end of flashback*


Marydale's P.O.V


"Nasaan na kaya siya?" Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip pa rin yung misteryosong lalaki kanina. Sobrang weird niya. Buhay pa kaya yun? Baka nagpasagasa na o di kaya tumalon talaga siya. Lord, wag naman po sana.

"Sino?" Nabalik ako sa ulirat nang tanungin ako ng aking kaibigan na si Marco.

"May, sino na naman yang iniisip mo?" Tanong niya ulit.

"Kasi kanina kaya ako late, may nakita akong lalaki na parang magpapakamatay. Pero di naman niya tinuloy at umalis na lang." Sagot ko sa kanya habang inililigpit namin ang pinagkainan ng kaaalis lang na mga customers.

"Wow. So naging bayani ka ngayon, kasi may sinagip kang buhay." Sambit niya.

"Pero...di ko talaga makalimutan yung mukha niya. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan niya."Komento ko at napangisi na lang si Marco.

"Hala! Wag mo sabihing na-love at first sight ka?" Tanong niya at hinampas ko siya ng tray na hawak ko.

"Sira ka talaga. Ewan ko sa'yo. Lagay mo na nga to dun at lilinisin ko pa yung kabilang table." Utos ko sa kanya.

Hay! Nako! Marydale, kalimutan mo na nga iyong lalaking iyon. Wag mo na siyang alalahanin. Sino ba siya diba?

"Edward! Bro!"Narinig ko na may tinawag si Marco, sinundan ko ang tingin niya at laking gulat ko na lang nang makita ang lalaking inakbayan niya.

"It's been two years bro. Grabe. Buti nahanap mo ako." Sabi niya sa lalaking kadarating lang.

"Nakasalubong ko one time si Bel sa isang mall and tinanong ko if may balita siya sa'yo. Di mo man lang sinabi na kayo na pala." Sagot ng lalaki kay Marco. Kilala din niya si Bel? Sino kaya to? At...siya yung lalaki kanina sa may Quezon Bridge.

"Oo, two years na din kami. Hindi na namin sa'yo nasabi noong umalis ka. Paano ba naman? Eh, bigla kang nawala at di nagparamdam." May pagtatampo sa tono ni Marco. Mga ilang minuto na din akong nakatingin sa kanila nang mapansin ni Marco na nakatitig lang ako.

"Siya nga pala. Edward, this is Marydale...Maymay for short. Pinsan siya ni Bel. Na-meet ko siya noong tinulungan ako ni Bel na pumasok dito." Pinakilala ako ni Marco sa kanyang kaibigan, napatingin ito sa akin at tila nagulat ng bahagya ngunit ngumiti din ito.

"Ikaw pala." Sabi niya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Marco at tumango itong si Edward.

"I'm Edward by the way." Pakilala niya. "Nakasalubong ko siya kanina sa may Quezon Bridge." Pagpatuloy niya.

"Ikaw? Ikaw yung magpapakamatay?" tanong ni Marco at nagulat si Edward. Bushak! Bakit ko ba kasi sinabi kay Marco? Baka akalain ni Edward ay ususera ako masyado.

"Hindi nga ako magpapakamatay. Ayokong mageskandalo. Kung may balak man ako, ginawa ko na yun ng tahimik at walang maaabalang tao." Sagot nito na tila normal lang sa kanya ang usapang ganun.

"Sira ka talaga." sambit ni Marco.

Hinintay ni Edward matapos ang shift ni Marco para naman daw makapag bonding sila. Sa sobrang kakulitan ni Marco ay napapayag niya ako para sumama sa kanila dahil sasama din naman daw si Bel.

"Buti natitiis mo yung kakulitan ni Marco?" Tanong ni Edward habang naglalakad kami papunta sa isang restaurant na sinuggest ni Bel.

"Sanay na ako. Bilib nga ako sa pinsan ko. Well, sabagay parehas din sila ng level ng kakulitan." sagot ko at tumawa siya.

"Yung kanina pala. Sorry kung naikwento ko kay Marco." Medyo nahihiya ako at parang naging madaldal naman talaga ako.

"Okay lang yun." Ngumiti siya at yumuko. Napakunot ang noo ko sa nakita ko, hindi totoo ang ngiti na yun. May tinatago siyang kalungkutan at bakas iyon sa kanyang mga mata.


**************************************


Mga apat na linggo na ang nakalipas simula noong una kong makilala si Edward. Madalas siya tumambay sa may coffee shop hanggang sa mag-out kami ni Marco pero kung minsan nagpapaiwan siya kapag alam niyang mag oovertime ako. Binibilin din kasi ako ni Marco sa kanya.

"Wala ka bang ginagawa? Trabaho?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa may Quezon Bridge, sa lugar kung saan ko siya unang nakilala.

"Hhmm...sa ngayon wala." sagot niya.

"Saan ka tumutuloy? Paano ka kumakain? Paano ka nabubuhay?" Dagdag ko. Ang weird niya talaga. Narealise ko na marami na siyang alam sa akin dahil panay tanong niya sa kwento ng buhay ko habang ako naman ay walang kaalam alam sa kanya.

"Isa isa lang tanong please." At tinawanan lang ako ng loko.

"Well, i have a job in Germany, to make the long story short, lumayas ako sa amin and bumalik dito sa Pilipinas. Ngayon, nakatira ako kay Nanay, siya ang nag alaga sa amin ng kapatid ko noong dito pa kami nakatira. Siya yung tumayong mom and dad ko noong mga panahong busy sila sa Germany." Paliwanag nito. So, base sa kwento niya mukhang malaki nga ang problema. Bakit kaya siya naglayas?

"What?" Tanong niya sa akin. Di ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa kanya.

"Ay. wala. Sorry ha. Masyado ba akong ususera?" Haay. Marydale, masyado ka nang madaldal. Narinig ko lang siyang tumawa at ginulo ang aking buhok.

"Nope. It's fine. Ang cute mo talaga." At binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti, ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Ramdam ko na nag init mga pisngi ko. Gabi naman sana di niya nahalata.

"Tara na. Ihahatid na kita sa inyo." Sabi niya. Nauna na akong maglakad sa kanya nang biglang nag-ring ang phone niya. Napahinto ako at nilingon siya.

"Hello." Tinignan ko lang siya habang may kausap sa kanyang phone. Kumunot na naman ang kanyang noo na tila nakatanggap ng masamang balita. Ramdam ko na kinakalma lang niya ang kanyang sarili.

"Bullsh*t" Sambit niya habang inilalagay ang phone sa kanyang bulsa. Tinignan niya ako at napabuntong hininga.

"I'm sorry May, nagkaroon lang ng problema. Halika na ihahatid na kita." Umiling ako at lumapit sa kanya.

"Kaya ko na sarili ko Edward. Kung ano man yung problema mo, ayusin mo na ngayon. I'm fine." Sabi ko sa kanya.

"No, May. I won't let you walk around alone lalo na gabi na. Tara na. Isa pa, wala dito sa Pinas ang problema, nasa Germany." Paliwanag niya at hinawakan niya ang kamay ko at patuloy na kaming naglakad. Hindi ko na binawi ang kamay ko, maya't maya ay tinitignan ko din siya na tila ay malalim ang iniisip. Nang makarating na kami sa labas ng apartment ko. . .

"Thanks sa paghatid sa akin. Di mo naman kailangan gawin..."

"No May. Gusto ko din naman. Isa pa, baka patayin ako ni Bel at Marco pag hinayaan kita umuwi mag-isa." Sabi niya at ngumiti na lang ako.

"Edward, kung ano man ang problema mo, kung family man yan, career, or love life. Ayusin mo na ngayon. Wala namang pagsubok na binibigay si Lord na di natin kaya. Mas mabuting harapin mo na ang mga problema habang maaga pa. Di naman sa nanghihimasok ako, payong kaibigan lang." sabi ko sa kanya.

"Salamat, May. Sige na pumasok ka na." Ngumiti lang siya at naramdaman ko na pinisil ang aking kamay. Bushak. Ngayon ko lang narealise na kanina pa kami magkaholding hands.

"Uhmm...yung kamay ko pala." Sabi ko sa kanya at bigla niya itong binitawan.

"Sorry. Uhh...alis na din ako." Napahawak lang siya sa kanyang batok. Okay. Ang awkward!!

"Sige. Ingat ka ha. Magtext ka pag nakauwi ka na." Tugon ko.



Kinabukasan, maaga ako gumising dahil darating ang mommy ni Bel at iiwan sa amin ang 1 yr old na kapatid nito. Nagkataon naman na may lakad si Bel at Marco para sa community project ni Bel sa Rizal.

"May, sure ka ba na okay lang na iwan ko si Ayla sa'yo? Di naman kasi sa akin sinabi ni Bel na ngayon yung outreach program nila." sabi ni tita. Kinuha ko si Ayla kay Tita at kinarga.

"Naku Tita, okay lang po talaga. Namiss ko din tong si Ayla. Wala pong problema tita, aalagaan ko po siya." sagot ko kay Tita.

"Sige May, salamat talaga ha. Tatawagan kita kapag pauwi na din ako. Kung may problema, text mo lang ako ha. Salamat talaga iha." Umalis na si Tita at naiwan kami ni baby Ayla. Since mukhang inaantok pa siya, pinatulog ko muna ito. Buti na lang at close ang coffee shop ngayon dahil may maintenance na gagawin doon.

*doorbell*

Sino kaya to? Nakakapagtaka wala naman ako inaasahang bisita. Inilapag ko si Baby Ayla sa crib niya bago buksan ang pinto.

"Hi May." Edward?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ouch. Parang ayaw mo akong makita ha. Wala lang. Bored ako and naisipan kitang bisitahin since wala sila Marco and Bel. Gusto mong manuod ng sine?" Pinapasok ko muna siya at nakita ko na nagulat siya ng makita si Ayla.

"May anak ka na?" Tanong niya. Bushak!

"Sira. Wala. Pinsan ko to. Half sister ni Bel." Paliwanag ko sa kanya at bakas pa rin sa mukha niya pagkagulat.

"Oh sorry." Natawa ito ng bahagya nang marealise niya ang kanyang naging reaksyon. Gumalaw ng kaunti si Baby Ayla kaya agad ko itong pinuntahan at binuhat upang ipaghele.

"You know what? Bagay sa'yo maging mommy." Sabi niya at ramdam ko ang init ng pisngi ko. Bushak! Edward, ano ba!

"So ano, gusto mo manuod ng sine?" Tanong niya ulit.

"Paano? Kailangan ko bantayan si baby Ayla." Sabi ko sa kanya.

"Okay, nevermind. Hhmm...mamasyal na lang tayo at isama mo si baby Ayla." Suwestiyon niya. Tinignan ko muna si baby Ayla na mahimbing na natutulog.

"Magpapaalam muna ako kay tita if pwede ko siya ilabas." Ibinaba ko muna si Ayla at tinawagan si Tita. Pumayag naman siya at nagbilin din ng mga ilang bagay.

"Don't worry. May dala akong kotse. Dalhin na lang din natin ung stroller niya." Sabi ni Edward habang bitbit ang stroller ni Ayla.

"Ilalagay ko na to sa sasakyan." Okay. Ang awkward nito. Ano ba tong naiisip ko? Para naman kaming mag asawa. Jusko! Marydale, ano ba mga pumapasok sa isip mo? Erase.

Nagbihis at nag ayos na ako habang iniwan ko si Ayla kay Edward. Pagdating ko sa may sala ay nakita ko si Ayla na tumatawa habang buhat buhat ni Edward.

"Tara na." Tawag ko sa kanya at nang humarap na siya sa akin habang hawak si Ayla...tila bumagal ang mundo, lalo na nung ngumiti siya. Bushaaaak! Ano tong nararamdaman ko? Marydale Entrata, maghunos dili ka.

"Let's go na daw baby sabi ni Mommy." Sabi niya habang tumatawa.

"Hoy, anong mommy? At sino ka? daddy?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, why not? Bagay naman diba?" Balik niyang tanong sa akin na lalong nagpainit ng mga pisngi ko.

"Cute mo pag nagblublush." Lumapit siya sa akin at ibinigay si Ayla. Jusmiyo Marimar! Bakit siya ganito?

"Tara na, wifey." Aba! Matindi din trip nitong Edward na'to.


*end of Marydale's POV*


************************************


Napagpasiyahan nila Marydale and Edward na pumunta ng mall at mag ikot ikot. Naisipan kasi ni Marydale na bilhan ng mga damit ang pinsan dahil ngayon na lang niya ulit ito nakita.

"Ito ang cute nito kay Ayla." Sabi ni Marydale habang hawak hawak ang pink na bistida. Ngumiti lang si Edward na ngayon ay hawak hawak si Ayla.

"Awww. Ang cute nilang tignan. What a lovely family" Komento ng isang sales lady sa kasamahan niya. Narinig iyon nila Edward at Marydale. Napangiti lang si Edward habang si Marydale naman ay pulang pula na. Nang matapos sa pamimili, nagtungo sila sa isang restaurant upang mananghalian.

"You're gonna be a good mother, May." Sambit ni Edward habang tinititigan si Marydale na ngayon ay pinapatulog si Ayla. Nang makatulog na ang bata ay inilapag niya ito sa stroller.

"Nako. Wala pa sa isip ko yun." Tugon ni Marydale. "Ikaw? Wala kang balak mag asawa?" dagdag nito.

"Well, muntik na." Matamlay na sagot ni Edward. Ayaw na sanang usisain pa ni Marydale ang binata ngunit bigla itong nagkwento.

"Three years na nakakalipas noong mamatay ang fiancee ko. She died because of an accident. She died because of me. Simula noon, nagkandaloko loko na buhay ko. Nagkaroon kami ng gap ng family ko dahil sa business namin na nagkaroon ng problem, again, dahil sa akin." Nagulat si Marydale nang mag open up si Edward sa kanya. First time nitong magkwento tungkol sa buhay niya. Ang tanging alam niya lang sa binata ay pansamantala itong naninirahan sa Pilipinas kasama ang tinuturi nitong nanay na siyang nag alaga noong bata pa siya.

"Sorry. Di ko alam na ganyan pala napagdaanan mo." Ngumiti si Edward ngunit halata ni Marydale ang lungkot sa mata nito.

"Well, that's life. Feeling ko nga ang malas ko sa buhay. There are times na naiisip ko, ayoko na at i give up." Sabi ng binata. Bakas sa mukha ni Marydale ang pag alala.

"Wag ka sumuko. Sabi ko nga sa'yo, walang pagsubok na binibigay ang Diyos sa atin na di natin kakayanin. Magtiwala ka lang sa Kanya." Sagot ni Marydale.

"Alam mo, i admire your positivity. Sa mga naikwento mo sa akin na pinagdaanan mo sa buhay, i'm surprised na ganyan ka pa rin katatag. Your smile, your laugh...it's infectious actually." komento ni Edward.

"Yun kasi turo sa akin ng lolo ko na nagpalaki sa akin. Kahit anong dumating na pagsubok sa buhay, think positive lang at magtiwala sa Diyos." Paliwanag ni Maymay.

"Sabi mo wala ka pang plan sa pag aasawa? Boyfriend? I mean nagkaroon ka ba ng boyfriend?" Tanong ni Edward.

"Oo, isa pa lang. Pero, ayun sumakabilang babae. Five years din yun. Five years ang sinayang ko sa kanya." Sagot ni Marydale at napakunot ang noo ni Edward.

"Well, he's a jerk. It's his loss. Ang malas niya at pinakawalan niya ang babaeng katulad mo." Tinignan lang ni Edward si Marydale na ngayon ay nakatingin kay baby Ayla.

"Di naman nawawala sa isip ko ang magkapamilya. Syempre, gusto ko din lumagay sa tahimik at bumuo ng isang munting pamilya." Napangiti si Edward. Habang tumatagal ay mas lalo siyang humahanga sa dalaga. Sa tuwing nakakasama niya ito ay tila nakakalimutan niya lahat ng problema niya. Isang buwan pa lang sila magkakilala ngunit halos buong buhay ata ng dalaga ay alam na niya. Naguilty naman ito dahil bihira lang siya magkwento kay Marydale patungkol sa mga napagdaanan niya. Ngunit, ngayong nasabi na niya sa dalaga ang iba sa kanyang mga problema ay kahit papano gumaan na din ang kanyang pakiramdam.

"Hindi ka ba babalik sa Germany?" Tanong ni Marydale.

"Next month babalik na ako. Yung tawag sa akin kahapon, i guess it is a wake up call for me para ayusin lahat ng dapat ayusin doon. " Sagot ni Edward. Marami ding napagkwentuhan ang dalawa at di nila namalayan na halos dalawang oras na sila sa restaurant. Nang magising si Ayla ay napagpasiyahan na nilang umuwi. Sinamahan muna ni Edward si Marydale habang hinihintay nito ang tita niya. Hindi nagtagal ay nakatulog si Marydale habang si Edward naman ang nagbabantay kay Ayla.

Nang dumating ang mommy ni Ayla ay di na ginising ni Edward si Marydale.

"Nako iho. Di man lang sinabi ni Bel o ni Marco sa akin na nakabalik ka na pala ng Pilipinas." Sabi ng ginang.

"Baka po masyadong busy lang si Bel and Marco." Tugon ng binata.

"Salamat pala sa inyo ni May ha. Mukhang napagod ata siya." Tinignan ng ginang ang natutulog na dalaga sa may sofa. Tinulungan ni Edward ang ginang upang ilagay sa sasakyan nito ang mga gamit ni Ayla, matapos noon ay hinintay niyang makaalis ang ginang bago pumasok ulit sa apartment. Mahimbing pa din ang tulog ni Marydale. Aalis na sana siya nang marinig ang dalaga na nagsasalita at tila nananaginip.

"Papa...papa. Nasaan ka?" sambit ni Marydale na ngayon ay umiiyak na. Agad pumunta ang binata sa tabi ni Marydale upang gisingin ito.

"May, wake up. May." Dumilat ang mga namumugtong mata ni Marydale.

"Si Papa..." Agad siyang niyakap ni Edward habang tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata ng dalaga.

"It's just a dream. Husshh now princess. Nandito lang ako." Marahang sinuklay ni Edward ang buhok ni Marydale. Idinampi niya ang kanyang bibig sa noo ng dalaga.

"Wala na daw siya Edward. Huli na ako. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya." Tugon ni Marydale na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Mga ilang minuto din ang nakalipas at nakatulog muli si Marydale. Napagpasyahan ni Edward na buhatin ang dalaga papunta sa kwarto upang makatulog nang maayos.

Nang mailapag na niya ang dalaga sa kama ay dahan dahan niyang kinumutan ito at umupo siya sa tabi nito, hinawakan ang mga kamay at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ni Marydale.

"You have no idea how much happiness you've brought into my life. Thank you May." Yumuko si Edward at hinalikan ang noo ng dalaga bago niya ito uwian.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'


*Marydale's P.O.V*

Mga tatlong buwan ko nang hindi nakikita si Edward. Ang huling pagkikita namin ay noong lumabas kami kasama ni Ayla. Pagkatapos ng araw na 'yon, sinabi ni Marco na may emergency daw at kailangang bumalik agad ni Edward sa Germany. Hindi ito nagparamdam sa amin. Ayon kay Marco and Bel, ganito din ang ginawa ni Edward noon sa kanila.

*Nasaan na kaya yung lalaking yun? Buhay pa naman siguro diba?Mahirap ba gawin yung magpaalam o mag-update man lang? Ay! Bushaaak! Marydale, bakit mo ba siya iniisip? Para kang sira dyan! Girlfriend ka ba? Ano? Asawa?* Naibalik ang isip ko sa realidad nang tinawag ako ni Bel.

"May, tumawag kanina si Edward kay Marco. Nangangamusta." Saad ni Bel. Sumimangot lang ako. Wow! Nangangamusta? Matapos di magparamdam ng tatlong buwan? Nakangisi si Bel sa akin at panay taas baba ng kilay.

"Sabihin mo nga sa akin, Marydale. Nagtatampo ka ba dahil di nagparamdam si Edward?" Tanong nito.

"Hindi noh! Bakit ako magtatampo? Girlfriend ako?" Balik kong tanong.

"Aba malay ko ba. Paano kung oo. Eh, kung makapagtanong din kasi si Edward kay Marco tungkol sa'yo parang may iniwan siyang asawa dito sa Pilipinas." Paliwanag ni Bel. Bushak!

"Anong asawa? Sira.  At anong ibig sabihin nun?" Ano nanaman pakulo ni Edward John matapos di magparamdam.

"Basta ang daming tanong, daming bilin. Kesyo wag kang hayaan umuwi mag isa kapag gabi. Sinabihan pa si Marco na wag hayaang may umaaligid na mga ibang lalaki sa'yo. So ano yon? Hindi ba galawang boyfriend?" Sabi ni Bel at napahawak na lang ako sa ilong ko dahil, oo, aminado ako kinikilig ako ng kaunti.

"Malakas lang tama nun. Hay! Nako! wag na pag-usapan ang taong wala dito." Umakyat ako sa kwarto ko at iniwan si Bel sa sala.

*Bushak! Kainis talaga yung Edward John na yun. Bakit ba kasi kita namimiss??* Tinignan ko ang wallpaper ng phone ko. Picture yun ni Edward John. Siya mismo ang naglagay noon as wallpaper ko. Malamang ginawa niya iyon noong huling araw na nagkita kami dahil pagkagising ko kinaumagahan ay tumambad sa akin ang sangkatutak na photos niya sa gallery. Namimiss ko naman talaga siya. Kahit tahimik siya, kahit minsan makulit, masungit, kahit na sandali pa lang naman kami nagkakakilala, feeling ko may something ka sa kanya talaga. Di ko maipaliwanag kung bakit sobrang gaan ng loob ko sa kanya.*


Sandali. . .


in love ka ba? Marydale Entrata, gusto mo na siya? in love ka na?


Noong hapon na iyon, minabuti kong maglakad lakad habang nakikinig ng mga favourite kong kanta, hanggang sa napadpad ako sa Quezon Bridge. Naalala ko ang unang pagkikita namin ni Edward. Napatigil ako at tinignan ang ilog. Sayang ang ilog na ito.

"Just fight a little longer my friend. It's all worth it in the end. But when you got nobody to turn to. Just hold on, and I'll find you ~~~ "

Humawak ako sa may railings at itinungkod ko ang aking mga braso habang nakatingin sa kawalan.

"I'll find you ...I'll find you.. Just hold on, and I'll---"

Biglang may humugot ng isang headset ko.

"BASTO--" Laking gulat ko nang makita kung sino ang tanong humugot ng earphone ko.

"Are you trying to kill yourself?" Tanong nito na tila hinihingal pa.

"Ano? Bakit naman ako magpapakamatay?" Balik kong tanong sa kanya at sabay sinimangutan siya.

"I..I thought..."

"Oh diba? Ganyan din yung naisip ko noon sa'yo." sabi ko sa kanya. Bigla kong naalala ang di niya pagpaparamdam at bumalik ang inis ko sa lalaking ito.

"So ngayon magpaparamdam ka? Anong trip mo ngayon? Susulpot ka tapos aalis. Aalis ng walang paalam. " Paliwanag ko sa kanya. Napayuko siya at napabuntong hininga.

"Marami akong inayos, May. Marami akong inasikaso. I'm sorry kung di ko nagawang magparamdam sa inyo, sa'yo. You don't know how much I missed you, Marydale." Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. Yung yakap na iyon, para kaming isang taong di nagkita. Nakakatawa lang dahil kung tutuusin, ilang buwan lang kami magkakilala pero sa nangyayari ngayon, animo'y sampung taon na kami magkaibigan.

"Namiss din kita." sambit ko at yumakap na din ako sa kanya. Ilang minuto kaming magkayakap nang marealise ko na nasa Quezon Bridge nga pala kami, na kung saan maraming sasakyan ang dumadaan.

"Edward. Nakakahiya." Sambit ko habang kumakawala sa pagkakayakap niya.

"Yung mga tao sa jeep na dumadaan nakatingin na sa atin." dagdag ko at tuluyan na siyang humiwalay sa pagkakayakap. Okaaay! Awkward.

"Sorry. Namiss lang talaga kita." Sabi niya at napangiti na lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sumenyas na parang nag-aaya na ihahatid na niya ako. Hindi na ako umalma habang naglalakad kami na magkahawak ang kamay.

"Sooo...sa tatlong buwan na nawala ako, balita ko may isang lalaki daw na nangungulit. Mali...nanliligaw daw pala sa'yo. tama?" Tanong niya. Haaay. Ang daldal talaga ni Marco. So updated pala tong mokong na'to sa buhay ko.

"Si Graye? Ah! Oo. Nanliligaw daw siya." Sagot ko.

"Ahhh." Tipid niyang tugon. Nagnakaw ako ng tingin at nakita kong nakabusangot siya. Natawa na lang ako. Ang cute kasi! Hindi ko napigilang pisilin ang mga pisngi niya kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Bakit ang cuteee mo?! Ang sarap mo iuwi." Sambit ko habang tumatawa.

"Tara! Iuwi mo na ako. Payag naman ako. Mas lalo na kung sa puso mo." Ay! Jusko! Bakit makire?

"Ang korny mo. Baduy!" Pinisil ko ang ilong niya gamit ang kanang kamay ko. Mabilis niya itong kinuha at ngayon ay hawak niya na ang dalawa kong kamay, magkabilaan.

"I'm serious, Marydale." saad niya. Nalilito akong nakatitig sa kanya. Serious saan?


"I'm serious about you." Sagot nito na tila nabasa ang nasa isip ko. Anoooo daaaw??

"Sa akin? Ano meron?" Balik kong tanong. Bushaaak! Wag mong sabihin magcoconfess tong loko na to.

"I'm falling for you...and i'm serious, May." Ayaaan na ngaaa! Bushaak!

"Sinabi ko na naman sa'yo diba noon na humanga ako sa pagiging positive mo sa buhay. Doon nagsimula yun. Isa ka din sa mga naging inspirasyon ko para bumangon sa buhay. You found me, May. You found me sa mga panahong naliligaw ako, sa mga panahong wala na atang direksyon ang buhay ko. Your smiles, your laughs, your voice, it's like an energy booster. Kapag nakikita kitang masaya, kapag naririnig ko ang mga tawa mo, you don't have an idea kung gaano mo din ako napapasaya." Di ko na napigilan maluha. Ramdam ko naman ang sincerity ni Edward. Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag sinabi kong hindi ko siya gusto. Kaya nga siguro magaan talaga loob ko sa kanya, hindi rin naman siya mahirap mahalin.

"Ano ba yan?! Di pa nga ako tapos magtampo sa'yo sa di mo pagpaparamdam, pinapakilig mo naman ako." Pabiro kong sabi habang pinupunasan ang aking mga luha. Inabot ng aking kamay ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ang aking kamay habang hinahaplos ko ang pisngi niya. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. . .

"I'm glad that I found you, Edward." Sambit ko. Sumilay ang ngiting hinahanap ko sa kanya simula pa nang magkita kami. Ngayon ko lang nakita ang ganoong klase ng ngiti ni Edward at muli niya akong ikinulong sa kanyang mahigpit na yakap.



THE END


  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

King of Jealousy

"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.

Image Description
mixhaelle
13 May 2018
7 Minutes

Time has a way of bringing you closer to the one who often makes it stop. Can 7 minutes change their 14 years of their not-so-platonic friendship?

Image Description
burgermclisse
05 March 2018